"Lolo, matulog na po kayo at titingnan ko rin si Charles bago tumuloy sa silid ko."Nakangiting pumikit na ng mga mata si Ramon bago nagpasalamat sa dalaga. Matutulog siyang umaasa na bukas ay may magandang result ang ginawa niya ngayon. Nang masiguro niyang tulog na ang matanda ay lumabas na si St
"Mi-minahal mo ba talaga ako?" nabubulol na tanong ni Charles kay Stella."Ano pa ang kwenta kung sasagutin ko ang tanong mo? Naiirita na siya sa paulit-ulit na tanong at pamimintang sa kaniya ng binata."Akin ka lang 'di ba?" Sumuray ang lakad ng binata palapit sa dalaga dala ng kalasingan.Napaili
Mabilis na siyang bumaba ng kama bago pa sapian ng katangahan ang isipan. Dumiritso na siya ng bathroom at naligo upang makapagbihis na rin. Bago pa siya makatapos ng ligo ay may kumatok sa pintuan."Bitch, buksan mo ang pintuan!" Muling kinatok ni Elizabeth ang pintuan. "Eliza, huminahon ka muna a
Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Ramon hanggang sa makalabas ng bahay. Masaya siyang nakikitang magkasama ngayon ang dalawa."Lolo, ayos lang po ba kayo?" Malambing na tanong ni Sophie sa abuelo.Ngumiti si Ramon sa dalaga. Masaya rin siyang nakikitang hindi na nito inaaway si Stella.Tumabi si
Naalala ni Charles ang kaibigang doctor dahil sa cellphone. Naalala niyang hindi na nalinaw ang sinabi nito kanina dahil nagmamadali at tanging calling card ang kinuha kanina sa ama nito."Siya ang una kong naging pasyente, four years ago." Parang echo sa isipan ni Charles nang maalala ang sinabi ng
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Charles kay Elizabeth nang maabutan ito sa opsina niya. Kagagaling niya lang sa conference room at mainit pa rin ang ulo niya."Honey, gusto ko lang ipaalam sa iyo na hindi na ako galit dahil sa nangyari nakaraang araw." Paglalambing ni Elizabeth sa nobyo. Siya
"Really?" Lalo lamang natuwa si Elizabeth. Kahit papaano ay nabawasan ang alalahanin niya na baka mapili si Charles."Yes, narinig ko siyang nakipagtalo kagabi lay Lolo." Pinasigla ni Sophie ang kaniyang tinig.Totoong narinig niyang sinabi ng kapatid sa kanilang abuelo na wala itong balak um-attend
Inilibot ni Diana ang tingin sa paligid pagkapasok sa malawak na venue. Sa isang magara at sikat na hotel dinaos ang event na pag-aari mismo ng pinsan. Mayaman din sila pero naiinggit pa rin siya sa apo ni Don Fausto. Kung wala ang apo nito ay tanging sila ang natitirang malapit na kamag-anak ng mat