Share

Chapter 20

Nandito ako ngayon kung saan ang opisina ni Kent dito sa restaurant dahil pinilit nang pinilit ako nito na sumama sa kaniya kahit hindi ko naman gusto. Hindi lang siya dahil pati na ang kaibigan ko ay nakigatong narin para mapapayag akong sumama sa impakto na ito.

Mula nang umalis kami sa apartment at hanggang makarating kami rito sa kaniyang opisina ay hindi nagbabago ang expression ng aking mukha, nakabusangot at naiinis sa aking kasama.

Nakaupo ako rito sa upuan katapat ng kaniyang mesa habang naghihintay ng kaniyang sasabihin at kung anong gagawin ko dito kasama siya. Kanina pa kasi ako nakatunganga rito at walang ginagawa samantalang itong kurimaw na ito ay abala sa kaniyang ginagawa.

Nakatuon lang ang atensyon nito sa kaniyang laptop at may tinitipa roon na hindi alam kung ano. At paminsan minsan naman ay binubuklat nito ang mga file na nakapaloob sa folder na nasa tabi niya. Kanina pa ako nagtitimpi sa inis ko dahil anong ilang na akong nakaupo rito ay walang siyang sinasabi
Wenwen

Sana po bumili naman kayo ng coins. Gusto ko lang makaranas ng sumasahod hehehe! maraming salamat nga po pala sa mga nagbabasa. meron po ba? charr.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status