= JHYMEA POV =Napapaungol ako sa pagitan ng aking pagsubò. Lasang orange nga ang talong ni Kian na siyang flavor ng condom na isinuot niya. Tila candy ‘yon na nagpasabik sa akin na parang bata. Nilabas-masok ko ‘yon sa aking bibig at parang gusto ko nang maglulupasay dahil sa sarap na aking nadarama. Daglian akong tumingala at nakita kong gigil na gigil na napakagat-labi si Kian. Marahang kumilos ang kanyang balakang at inatras abante sa bibig ko ang kanyang cobra. Parang hinihikayat niya ako na ituloy-tuloy ko lang ang aking ginagawa. Dahil sa laki ng dragon ni Kian ay napapaluha ang gilid ng aking mga mata. Napapaduwal ako sa dambuhalang size no'n na nagpa-inat sa aking bibig pero hindi ko ‘yon mabitiwan kasi nakaka-adik siyang talaga. Ang sarap simutin at panggigilan.Sarap na sarap pa ako sa pagnamnam sa alaga niya nang maramdaman kong nananakit na ang aking puson. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong nagbabad’ya nang sumabog ang katas ko ano mang oras.Shìt, teka lang!
= JHYMEA POV = Kinaumagahan…Nagising ako sa bango ng rosas ng VIP Room. Dama ko ang lambot ng kama na para akong nakahiga sa ulap. Kinusot ko ang dalawang mata ko at gumuhit ang ngiti sa aking labi.“Good morning, pretty,” masiglang bati ko sa aking sarili. Pakiramdam ko ay kay sarap ng tulog ko. Mistulang nanggaling ako sa paraiso.Mag-iinat pa sana ako nang makarinig ako ng kakaibang ingay. Agad na napasalubong ang dalawa kong kilay at pagkalingon ko sa bandang kaliwa ko ay nakita ko ang tulog na tulog na si Kian na nagsasalsàl. Nananaginip ata siya.“Ughh… this is so fvcking big… yeah…” sarap na sarap niyang sabi. Nakangiti pa siya kahit nakapikit.Natawa ako sa kanya.“Tingnan mo ‘tong lalaking ‘to. Tulog na nga't lahat, pero puro pa rin kalibògan,” napapailing kong sabi. “Hoy, Kian, gising na r'yan,” inuga ko ang braso niya.Napaungot siya na tila naalimpungatan. Binuksan niya ang dalawa niyang mata at napabalikwas siya ng bangon. Gulat na gulat siya sa pagmumukha ko. “PUTRÀGIS
= JHYMEA POV = Kinuha ni Kian ang kahon ng condom sa kama at binilang ang laman no'n. Doon na siya nakahinga nang maluwag. “Hayyy, may bawas na isa, ibig sabihin, may ginamit ako no'ng may nangyari sa ‘ting dalawa,” pampalubag loob niya sa akin. Magkakasunod siyang napabuntong hininga na para bang nabunutan siya ng pagkalaki-laking tinik sa lalamunan. Napakunot ang noo ko sa kanya. “Ba't ganyan ka maka-react? Eh, hindi naman ikaw ang manganganak?” nagtataka kong tanong sa kanya. Napailing siya. “Hindi naman ‘yan ang iniisip ko. Paano nga kung nabuntis kita? Mukha ka pa namang mambabarang, baka hindi sanggol ang iluwal mo kundi t'yanak,” pang-aasar niya sa ‘kin na sinundan ng malakas na pagtawa. “Aish!” nanggigigil kong sabi sa kanya. Namumuro na talaga ‘tong lokong ‘to sa ‘kin. Sasakalin ko na sana siya pero agad siyang nakatakbo sa dulo ng kama. Rinig na rinig ko pa ang paghalakhak niya. “Ang saya mo, ah,” napipikon kong sabi sa kanya. “Happy pill ko na ata na asarin ka,” n
= JHYMEA POV =Tulala ako habang pinagmamaneho ako ni Kian pauwi sa bahay namin.Iniisip ko pa rin kasi na nakita niya ‘yong pànty kong ‘Good Morning.’ Haaa! Jhymea! Nakakahiya talaga!Anong iisipin niya? Na nagsusuot ako ng pànty na pang-kinder? Binili ko lang naman kasi ‘to kasi makapal ang garter.Kumibot-kibot ang bibig ko na parang gusto kong maiyak. Kung pwede lang talaga na ibaon ko na lang ang sarili ko sa lupa at maging isang patatas.Gulong-gulo pa rin ang isipan ko nang tumunog ang phone ko. Nag-chat pala ang best friend kong si Marinel.‘Jing, aha ka?’ (Translation: Jing, nasaan ka?)Unang chat niya sa akin. Bisaya kasi si Marinel kaya nagagamit niya minsan ang lenggwahe niya. Naging pamilyar na sa ‘kin ang iilan.Iniscroll ko pa ang iba niyang chats at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.‘May track and field daw tayo sa subject ni Sir Fererro, besh. Hindi makaka-graduate ang hindi sasali.’“What the—” Agad kong nabitawan ang phone ko dahil sa gulat.Kung kamalasin ka nga
= JHYMEA POV =“Hala, pa'no ‘yan?” nag-aalala kong sabi. Bumaling ako kay Kian. “Hanggang dito ka na lang siguro, lalakarin ko na lang,” suhesyon ko sa kanya at tinanggal ang seatbelt ko.Naningkit ang mga mata niya na parang ‘di siya sang-ayon sa sinabi ko. Pinigilan niya ang kamay ko sa pagtanggal ng seatbelt. “Kaya mo na bang maglakad?” tanong niya sa ‘kin.Napailing ako. “Uhm, h-hindi pa, pero—”“Edi, ihahatid pa rin kita,” agad niyang pagputol sa sinasabi ko. Tila gusto pa nga niyang magmatigas.Bahagya akong natawa sa kanya. “Ang layo pa ng bahay namin, oh. Ano? Paliliparin mo ‘tong kotse mo mula rito hanggang ro'n sa kabilang dulo?” pilosopo kong tanong sa kanya.“Patapos pa naman siguro ‘yan,” napapakamot niyang tugon sa ‘kin saka siya bumaba ng kotse. Nilapitan niya ‘yong isa sa construction workers. Tinanong niya ata kung kailan sila matatapos saka siya bumalik at binuksan ang pinto ng kotse sa tapat ko.“Sa katapusan pa raw sila matatapos,” pagbibigay alam niya sa ‘kin.Nap
= JHYMEA POV = Hinawakan ni Kian ang kamay ko at hinila. “Sakay na,” utos niya sa ‘kin bago siya tumalikod. Bahagya pa siyang umupo. "T-Teka, bakit?” nagtataka kong sabi. “Hmm… piggy back. Bakit? Gusto mo rito na sa kotse ko tumira hanggang katapusan?” pilosopo niyang tugon sa akin. Bahagya kong hinampas ang likod niya na naging dahilan ng pagtawa niya. “Aray!” dàing niya. Napailing ako. Wala talaga siyang kwentang kausap. Umatras ako at tinukod ang siko ko sa ibabaw na bahagi dashboard at nagpangalumbaba. “Paano ‘tong kotse mo? Baka nakawin ‘to rito,” sambit ko sa kanya. I mean, matitino naman ang mga tao rito sa lugar namin pero baka may maligaw na masamang loob, ‘di ba? Mahirap na. “Hay, may GPS ‘yan, tsaka kaya kong bumili ng bagong kotse, kahit sampu pa,” pagyayabang niya at pinagpag pa ang balikat niya. Napaatras ako sa pagiging mahangin niya at natawa. “Ay wow, edi ikaw na,” tugon ko sa kanya at tuluyang sumakay sa likuran niya. “‘Yan,” nakangiti niyang sabi at inayos
= JHYMEA POV =Hanggang makarating na kami ni Kian sa pinto ng bahay namin ay nagpatuloy pa rin ang pag-agaw niya ng atensyon mula sa mga tao sa paligid.May napapadungaw sa bintana. Meron pang naghahampasan at impit na nagtitilian sa mga bakuran nila.Napatingin ako sa mukha ni Kian. Gwapo nga siya, aminado naman ako ro'n, pero hindi ko inaasahan na ganito pala ang impact niya kapag nadayo rito sa amin.Sino ba naman ang mag-aakala na naka-sèx ko na pala ang mala-Adonis na lalaking ‘to? Ngayon ko lang narealize na sobrang haba pala ng bulbòl ko.Naningkit ang mga mata ni Kian nang mapansin niya ang mga tao sa paligid na nahumaling sa angkin niyang kakisigan. Base sa ngiti niya, ay mukhang gustong-gusto niya naman ang atensyong nakukuha niya. Sanay nga ata siya na maraming nagagwapuhan sa kanya.Nagsuot siya ng shades at inilahad ang kamay niya sa ‘kin. “Phone mo,” kaswal niyang sabi.Nagtaka ako sa kanya. “Phone… ko?” naguguluhan kong tanong.Ngumiti siya sa ‘kin saka siya tumango. “
= KIAN POV =“Kian! Inumaga ka na naman ng uwi! Daig mo pa ang mga asong gala sa kanto, ah!” agad na singhal ni Daddy sa akin nang makita niya akong pumasok sa living room. Tinupi niya ang hawak na d'yaryo at inilapag ‘yon sa mesa. Tumayo siya at lumapit siya sa ‘kin.Nababagot akong bumaling sa kanya. "What's the big deal now? Are you trying to be a good father? Hindi baga—”PAK!“Oh, my God! Harri!” napasigaw si Mommy matapos akong suntukin nang malakas ni Daddy. Agad siyang lumapit sa akin at sinuri ang gilid ng labi kong dumudugo.Pinahid ko ang sugat ko gamit ang likod ng kamay ko.“Wala kang utang na loob! Nakapagtapos ka lang ng pag-aaral ay yumabang ka na! Pinagmamalaki mo ‘yang mga naabot mo sa buhay? Without my surname, you are nothing compared to trash! Itatak mo ‘yan sa kokòte mo!” pangaral niya sa ‘kin sabay duro sa sintido ko.Tahasan akong tumitig sa mga mata niya. “A trash? Ni hindi mo nga magawang gampanan ang tungkulin mo bilang asawa at ama. Nauubos ang oras mo sa ka
= KIAN POV = “Kuya—” “AAHHHH!” malakas kong sigaw nang makasalubong si Nexie. Akala ko kasi si Jhymea ulit. Napakurap-kurap ang kapatid ko sa ginawa ko. Tulad ni Samantha ay wala rin siyang kaide-ideya sa pinaghuhugutan ko. “Napa'no ka?” natatawa niya na lang na sabi nang makabawi. Kinaltukan ko ang sarili ko at nag-iwas ng tingin. “Nabaliw ka na ba? Sabi ko na nga ba, masama talaga sa kalusugan ang maging CEO ng kompanyang ‘to. Magpahinga ka rin kasi,” kaswal na sabi niya sa ‘kin sabay tapik sa balikat ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil iba ang naisip niyang dahilan at hindi si Jhymea. “You're more workaholic than me. Dapat sa sarili mo pinapayo ‘yan,” tugon ko sa kanya tapos ginulo ang buhok niya. “Hey, I'm not a kid anymore. Stop petting me like a puppy,” nakamuktol niyang sabi at inalis ang kamay ko. Nilabas niya ang salamin niya at inayos ang nagulo niyang buhok. “Parang kelan lang no'ng ako pa ang nagpapalit ng diapers mo, ah. Tapos mag-iinarte ka sa akin nang
= KIAN POV = “Oohh… I miss your còck, baby…” nalilibogang anas ni Samantha habang nakayakap mula sa likuran ko. Mariin akong napapikit at mahinang napaungol nang madama ang pilya niyang pagdiin ng utòng niya sa akin. “Fvck…” naiusal ko at gumuhit ang ngiti sa labi. Makakatikim talaga ‘to nang matindi sa akin. Humalinghing siya ng tawa nang marinig ang mahina kong pagmura. Nakiliti ang tenga ko sa mainit niyang hininga kasabay ng dalawang kamay niyang senswal na naglalakbay mula sa dibdib ko pababa sa naghuhumindig kong kargàda. Tumaas ang sulok ng labi ko sa kapusukang ginagawa niya. Sinusubok niya akong talaga. Bubuksan na sana niya ang zipper ko pero inawat ko ang kamay niya at humarap sa kanya. Siniil ko siya ng halik sa leeg at balikat. Kanina pa ako nag-iinit kaya ‘di ko na napigilang sipsìpin ang makinis niyang balat. “Ohhh, Kian… ahhh…” bigkas niya kasunod ang pag-alingawngaw ng malandi niyang pagtawa. Sa reaksyon ng mukha niya ay tila sarap na sarap siya kahit
= KIAN POV = “In the past quarter, we have seen significant growth in our sales figures, exceeding our targets by 15%. This growth can be attributed to our new marketing campaigns and expanded product line,” pagsasalaysay ko ng mga datos sa screen sa harap ng financial advisers, senior managers, executive managers at C-level executives ng Fuentavilla Corp.Seryosong nakikinig ang lahat at inaanalisa ang mga datos sa hawak nilang tablets nang biglang pumasok sa meeting room si Samantha. Isa rin siya sa executive managers ng kompanya.“Good morning,” nakangiting bati niya sa amin saka siya nagtungo sa bakanteng silya. She's wearing a revealing black blouse na low-cut at mini-skirt na hapit na hapit. Mas mukha siyang nasa bar kaysa nasa meeting. Hindi naman siya kagalingan sa trabaho at wala ring achievements when it comes to business. Ni ‘di nga ata niya alam ang pinagkaiba ng assets at liabilities. Pero dahil kabit siya ni Daddy ay agad mo naman sigurong makukuha kung paano siya naka
= JHYMEA POV =“Hay,” nakabusangot na inabot sa akin ni Marinel ang bayad niya para sa bibilhin naming ice cream. Nagmamaktol siya kasi wala na raw ‘yong poging nakita niya kanina.“Sayang naman ‘yon. Pogi na, naging bato pa,” nakanguso niyang sabi at padabog na sumipa sa lupa. Tinawanan ko lang siya. “Baka tapos na ‘yong shift niya, bes,” pag-aalo ko. Pangiti kong inabot sa tindero ng ice cream truck ang bayad namin para sa tig-iisang apa ng double dutch at mint chocolate ice cream nang biglang, “HOY!” agad kong sigaw matapos makitang hinablot ng isang magnanakaw ang bag ng ginang na katabi ko. Humagulgol ng iyak ang ginang na sinubukan pang habulin ang magnanakaw pero hindi na niya nagawa dahil sa katandaan. “Naku po! Ang bag ko! Nando'n lang ang natitirang pera ko. Pampagamot pa ‘yon sa anak kong nasa ospital...” Pinagkatitigan siya ng mga tao sa paligid na nahabag sa kalagayan niya at kasama na rin kami ro'n ni Marinel.Malalim akong huminga at pinahawak sa best friend ko ang
= JHYMEA POV = “Good morning, pretty,” masigla kong bati sa sarili ko nang makatungtong ako sa tapat ng St. Bernard University. “Manang, ‘yong bayad niyo po,” nababagot na tawag sa akin ng konduktor ng jeep na binabaan ko. Sinimangutan ko siya. “Maka-manang naman ‘to,” naiinis kong monologo. “Oh!” pag-aabot ko ng bayad sa kanya saka humarurot ang jeep na ‘yon na binugahan ako ng maitim na usok. “Uho, uho,” pag-ubo ko sabay wasiwas ng kamay ko sa tapat ng mukha ko. “Anyway, life is still beautiful,” pagbawi ko sabay ngiti nang malapad. Dumiretso ako sa gate ng St. Bernard University. “Ma'am, ID” sita sa akin ng guard sabay inspect ng bag ko. Pinakita ko sa kanya ang suot kong ID na itinabi ko sa mukha ko sabay beautiful eyes. “Ito po, Guard,” nagmamagandang sambit ko sa kanya. Sinuri niya naman ‘yong ID at mukha ko kung magkapareho. “Hmm, NBI clearance, Ma'am,” dagdag ng guard. Natigilan ako. “Ha?” patànga kong tanong sa kanya. “Mukha ka kasing kriminal,” nakapameywa
= KIAN POV = “Good morning, Sir,” bati sa akin ng personnel na naka-assign sa meeting room. Tinanguan ko lang siya. Inabangan ko kung matatawa rin siya dahil sa kumalat kong larawan pero napigilan niya ang sarili niya at umiwas na lang ng tingin sa akin. Ibinaba ko sa conference table ang hawak kong folder.Lalabas na sana ng meeting room ang personnel na ‘yon nang tinawag ko siya. “Hey, ‘yong picture ko. Sino ang nagpakalat?” istrikto kong tanong sa kanya.Napakamot siya sa ulo niya at hilaw na natawa. “Hehe, sina Sir Joaquin at Sir Larry po. Maaga po silang dumating kanina rito sa kompanya tapos pinagsesend po sa amin ang picture niyo,” nag-aalinlangang pag-amin nito sa akin. “Hay,” sambit ko na lang at sinapo ang noo ko. Iminuwestra ko ang kamay ko sa kanya na sinasabing pwede na siyang lumabas.Sina Joaquin at Larry ang nagpakalat ng picture ko? Sino pa nga ba? Eh, mga loko-loko ‘yong dalawang ‘yon.“Hey, hey, hey, ang aga mo ah,” bungad ni Joaquin sa akin nang makapasok siya s
= MIKA POV = Nag-aalala akong bumaling kay Jace habang ginagawan niya ng plates ang mga kaklase namin. Two hundred pesos ang hinihingi niyang bayad kada plates. Tinutulungan ko siyang gumawa sa t'wing wala akong klase.“Jace, nasabi mo na ba kay Ate Jing na huminto ka muna ng pag-aaral kasi hindi mo naihabol ‘yong pambayad sa balance mo no'ng finals?” nag-aalinlangan kong tanong sa kanya.Si Jace kasi ang pinakamabilis matuto sa aming magkaka-batch. Siya rin ang pinakamasipag mag-aral. Pangarap niya talagang makapagtapos ng BS Architecture para sa mama at kapatid niya kaya nanghihinayang ako na napilitan siyang huminto dahil lang hindi siya nakahabol na mag-exam sa finals o kahit sa removal.Saglit siyang napahinto sa pagdo-drawing sa kaharap na tracing paper pero kalaunan ay pinilit niyang ngumiti. “Hindi na kailangan. Nakaipon naman na ako ng pera kaya makakahabol na ako next sem. Alam mo namang naospital si Ate Jing dahil pilit niyang pinagkasya ‘yong oras niya sa pag-aaral at pa
= JHYMEA POV =Napakamot ako sa ulo ko habang nakatitig sa screen ng telepono ko. “Bakit kaya hindi sinasagot ni Kian ang tawag ko? Busy ba siya?” monologo ko at napailing na lang.Tinitigan ko ang ibinigay niyang ointment sa akin at kalaunan ay naningkit ang mga mata ko sa mga Chinese characters na nakasulat sa kahon. Maging ang manual na nakuha ko mula sa loob ng kahon ay Chinese din. Halos maduling ako kakabasa kasi wala akong naintindihan. Muli kong tinawagan si Kian na salamat naman ay sinagot na niya.“Hoy, lalaki!” pagduduro ko sa kanya.Bahagya siyang nagulat sa pagmumukha ko na para bang nakakita siya ng manigno bago niya ako tinugunan. “What do you want? May meeting pa ako,” pagsusungit niya sa ‘kin.“Hehe,” hilaw akong natawa sa kanya sabay taas ng ointment na hawak ko. “Paano ba kasi gamitin ‘to?” nahihiyang tanong ko sa kanya.Napakunot ang noo niya na para bang handang-handa na niya akong pagalitan. “Hay, I told you. Dapat nagpalagay ka na sa akin n'yan no'ng nasa kotse
= KIAN POV = “Good morning, Sir,” bati sa akin ng isang gward'ya matapos niyang buksan ang pinto ng kotse ko. Confident akong bumaba ng sasakyan na suot ang magara kong polo, black slacks, makintab na sapatos at mamahaling shades. Hindi ko alam kung bakit pero parang nagpipigil ng tawa ‘yong mga nakahilerang gward'ya sa paligid ko pero hinayaan ko lang sila. Maging ang grupo ng mga babaeng empleyado sa gilid ng kalsada ay panay rin ang hagikgikan. Bahagya akong natigilan at napaisip pero baka napopogian lang sila sa akin kaya sila natutuwa. Well, I'm always the center of attention. Hindi pa ba ako nasasanay? Nasapo ko ang noo ko at napailing. “Hay, I'm so handsome, perfect and full of charisma,” monologo ko na bahagya pang natawa saka ako nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa gusali ng Fuentavilla Corp. Napatingin sa akin ang gward'ya sa entrance at napapigil din siya ng tawa. Halos sumabog na nga ang bibig niya. “Good morni—uhm, ehem, ehem. Good morning, Sir,” halos hindi matawi