Halos mabuwal ang pinto ng bar nang buwelo kong itulak iyon. Nagulat ang lahat ng tao sa loob, pero wala akong pakialam."Christopher!" tawag ko nang malakas. Agad siyang lumabas mula sa likod ng counter, halatang hindi niya inaasahan ang pagdating ko. "Sir Drake! Ano pong maipaglilingkod ko?" tanong niya, pilit na pinapakalma ang kanyang boses pero kita sa kanyang mukha ang kaba.Dumiretso ako sa counter at inilapag ang maskara roon nang mariin, sapat na halos marinig ang tunog ng pagbangga nito sa kahoy. "Sino si maskara girl?. Sino siya? Gusto ko ng sagot ngayon din."Nanlaki ang mga mata ni Christopher. "Sir, ah… si Maya po?""wag ka ng mag-ma-ang-maangan pa Christopher. Alam mo kung sino ang tinutukoy ko," malamig kong sagot, hinigpitan ko ang pagkakatingin sa kanya. "Yung babaeng ito. Ang suot niyang maskara. Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa kanya saan siya nakatira, sino siya, bakit siya nandito. At huwag mo akong bigyan ng mga walang kwentang sagot."Nakita ko ang pag-
Napuno ng gulat ang kanyang mukha, ngunit bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Maya, halatang nagmamadali at hingal na hingal. Nang makita niya ako, natigilan siya, at nakita ko ang takot at galit sa kanyang mga mata."Anong ginagawa mo dito?" tanong niya, ang boses niya ay nanginginig ngunit puno ng determinasyon. “a… Mama lalabas lang po kami bibili lang kami pagkain natin”“O sige anak”Pagdating sa labas ay tahimik lang ako.“Anong kailangan mo? Pano mong nalaman na nandito ako?. Oh pakshit alam ko na!...si Christopher.?” napapadabog niyang sabi“Wala akong masamang intensyon gusto ko lang tumulong.”Hindi ko siya sinagot agad. Tinitigan ko siya, pilit na binabasa ang kanyang mukha. Kahit sa simpleng unipormeng pangtrabaho, hindi maikakailang kaakit-akit siya, ngunit higit pa roon, ang kanyang mga mata ang nagdala ng bigat sa akin. Mga matang puno ng pagod, takot, at isang matibay na pader ng depensa."Maya," mahinahon kong sabi, pilit na pinipigil ang gal
TARA (MAYA) POVTinawagan ko si Christopher habang kumukulo pa rin ang dugo ko sa galit."Christopher, anong ginawa mo?!" sigaw ko sa telepono. Halos hindi ko na mapigilan ang boses ko. "Bakit mo sinabi kay Drake ang tungkol sa sitwasyon ni Mama? Hindi mo dapat ginawa 'yon!"May kaunting katahimikan sa kabilang linya bago siya sumagot. "Maya, hindi ko 'yon sinasadyang sabihin. Binantaan niya ako," paliwanag niya, halatang nagpipigil din ng emosyon."Binantaan? Bakit ka naman niya babantaan? At bakit kailangan niyang malaman ang tungkol kay Mama?" tuloy-tuloy kong tanong, halos hindi na siya makahabol sa mga tanong ko."Maya, kumalma ka nga," sabi niya, pilit na inaayos ang tono ng boses niya. "Alam kong galit ka, pero makinig ka muna. Si Drake ang may alam kung paano ka matutulungan sa gastusin para kay Tita. Alam kong hindi siya ang pinaka-okay na tao sa buhay mo, pero... mabait din siya kahit papaano."Halos mamilipit ako sa sinabi niya. "Mabait? Christopher, sinaktan niya ako dati…
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Christopher bago siya sumagot. "Maya, gawin mo ang lahat ng kaya mo. Kung kinakailangan, itakas mo ang Mama mo bago pa kayo balikan ni Drake. Pasensya na, Maya... pero sa puntong ito, wala na akong magagawa para ipagtanggol ka. Hindi mo dapat tinanggihan si Drake" May lungkot sa kanyang tinig, ngunit naroon din ang determinasyon sa kanyang babala.Hinawakan ko nang mahigpit ang telepono habang nasa byahe. Nangangatog ang mga kamay ko habang pinipilit kong mag-isip ng solusyon."Ano’ng gagawin ko? Paano ang utang ko sa ospital? Paano si Mama?" Puno ng kaba at pangamba ang buong pagkatao ko. Alam kong nasa panganib na kami, at isang maling galaw lang ay baka tuluyan kaming madamay sa galit ni Drake."Maya, please," mariing bilin ni Christopher. "Kung mahalaga sa’yo ang buhay mo at ang kaligtasan ni Mama, umalis na kayo ngayon. Magtago kayo kahit saan—basta malayo sa lugar na ito."Hindi ko na nagawang sumagot. Nanginginig ang buong katawan ko
Pagdating sa labas ng ospital, naglakas-loob na akong magsalita. “Drake, ano bang ginagawa mo dito? Ayaw mo ba talaga kaming tigilan?” tanong ko nang may halong alinlangan. Sinusubukan kong magpakumbaba kahit ramdam kong pumuputok na ang galit ko sa loob. “Kung may balak kang masama, kung galit ka sa akin, ako na lang ang gantihan mo. Huwag mo nang idamay ang Mama ko. Malubha na ang sakit niya, at wala siyang alam tungkol sa trabaho ko sa club. Nakikiusap ako, Drake. Huwag mo nang sabihin pa sa kanya.” Namumugto ang mga mata ko habang umiiyak na nakiusap.“Sumakay ka sa sasakyan,” utos niya nang malamig. Napakurap ako sa gulat, ngunit wala akong nagawa kundi sumunod. Kung hindi, baka kung ano ang gawin niya. Nang makapasok ako sa likod ng sasakyan, sumunod siya, habang lumabas naman ang kanyang driver. Nang makaupo siya sa tabi ko, bigla niyang hinawakan ang balikat ko.“Hindi ako pumunta dito para manggulo, Maya,” sabi niya nang diretso. Kinuha niya ang isang tseke mula sa bag na nas
"Mabuti kung ganun. Pero ‘yung part-time mo kay Christopher, wala na ba iyon?" tanong niya muli, ang tono niya’y may halong pag-aalala."Huminto na po ako roon, Ma. Full-time daw po ang kailangan nila, at hindi ko kayang mag-full-time. Sinabi ko na lang kay Christopher na sabihan ako kung sakaling magkaroon ulit ng opening," paliwanag ko, ramdam ang bigat ng mga kasinungalingang lumalabas sa aking bibig. Ginagawa ko ang lahat para maitago ang tungkol kay Drake, kasabay ng takot at pag-aalinlangan na bumabalot sa akin."Ah, ganun ba, anak? O sige, magpahinga ka rin kung kinakailangan. Huwag palaging nagpapakapagod sa trabaho. Alam kong kailangan natin ng pera, pero anak, mas mahalaga sa akin ang kalusugan mo," sabi ni Mama, puno ng pagmamalasakit."Opo, Ma. Huwag mo akong alalahanin. Ang isipin mo ay ang sarili mo. Kailangan mong gumaling para sa akin. Marami pa tayong pagsasamahan," sagot ko habang pinipilit na itago ang aking nararamdamang bigat.Pinunasan ko ang mga luha sa aking mg
TARA POVNararamdaman ko ang bigat ng bawat salitang binibigkas ni Mama. Ang pag-aalala sa kaniyang boses, ang nanginginig niyang kamay na pilit kong hinahawakan—lahat ng iyon ay nagbigay sa akin ng pakiramdam na parang pinipilas ang puso ko. Alam kong takot siya, at mas takot ako. Pero hindi ko siya kayang iwan.“Maya,” muling bulong ni Mama, may bahid ng awa at kaba. “Anak, hindi mo dapat sinusugal ang buhay mo para lang sa akin. Bata ka pa, marami ka pang pwedeng gawin. Baka oras na para balikan mo ang pamilya mo.”Napalunok ako. Gusto kong sumigaw, gusto kong sabihin sa kaniya na siya ang totoong pamilya ko, pero ang bigat sa dibdib ko ay parang isang dambuhalang pader na humaharang sa mga salita ko. Sa halip, pinisil ko ang kamay niya, mahigpit na mahigpit, parang ayokong pakawalan.“Mama,” mahina kong sagot, halos pabulong. “Hindi mo ba naiintindihan? Ikaw lang ang tumanggap sa akin nung wala na akong ibang malapitan. Ikaw ang nagligtas sa akin, ikaw ang nagtiyaga kahit na ang d
Drake SOBELHabang tahimik akong nakaupo sa loob ng aking opisina, napansin kong napapahigpit ang pagkakakapit ko sa gilid ng aking computer table. Halos hindi ko namalayan na ang bawat tibok ng puso ko ay mas tumitindi habang iniisip ko si Maya. Hindi ko na kayang hintayin ang araw na tuluyan na siyang mapasakin, ngunit malinaw sa akin ang naging kapalit ng kaniyang pagsang-ayon na magpakasal.Naputol ang aking pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Pumasok si Raymond, at magalang siyang bumati, “Boss.”Tiningnan ko siya nang malamig. “Raymond, siguraduhin mong mamayang gabi ay nasa bahay na si Maya,” madiin kong sabi. Ramdam ko ang bahagyang pag-aalinlangan sa kilos niya, ngunit batid kong alam ni Raymond na seryoso ako. Alam niya ang ugali ko—ang bawat utos ko ay kailangang magawa nang walang tanong.“Gusto ko, pagdating ko roon, nandoon na siya. Huwag mo nang alalahanin ang mga gamit niya. Ako na ang nag-asikaso niyan. Inutusan ko na ang sekretarya ko na maghanda ng
Ito pala ang plano ni Andrew mula pa noong una, balak pala niyang mag-propose sa akin sa mismong birthday ko.Hayop ka Jackie!, alam mo pala ang plano ng anak mong mag-pakasal sa akin sa pagbabalik niya mula sa business trip niyang ito. Kaya pala ganoon na lang ang pagmamadali niyong mag ina na itulak ako sa kama ng ibang lalaki! Sinong mag aakala na papalpak ang plano niyo at kay Arthur ako mapupunta!“napaka dimonyo mong ina!” Galit na galit ako!Sobrang galit na galit ako kay Jackie!Nagagalit ako dahil pinapatay ako ng kunsensya dahil sa biglaang pagtalikod ko kay Andrew. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kahit magalit pa ako?Tapos na ang lahat. Hindi ko na maaaring balikan ang nakaraan namin ni Andrew.Sunod-sunod ang pagtawag ni Andrew sa akin.Paulit-ulit kong kinakansel iyon, hanggang sa tuluyan ko ng patayin ang telepono ko at naupo nang mag-isa sa tabi ng park.Tahimik akong nakaupo roon, nakatulala nang matagal, bago ko muling binuksan ang telepono ko at tinawagan ko s
Ang buong restaurant ay napuno ng mga paborito kong bulaklak. Bago pumasok sa loob ng resto, ang mga puno ng sycamore sa magkabilang gilid ay nakasabit ang mga makukulay na ilaw at iba't ibang "birthday wishes" at "love" na mga card. Ang mga makukulay na ilaw ay kumikislap, ang simoy ng hangin sa gabi ay humahaplos sa aking katawan, at ang paligid ay puno ng isang romantikong atmospera. Sumunod ako sa kasamahan ni Andrew papasok sa looban ng resto nang medyo malabo ang iniisip. Hindi ko kagad nagets ang mga nangyayari pero na wiwirduhan ako. Nakita ko ang mga kasamahan ni Andrew sa kaniyang trabaho na may hawak na mga heart-shaped balloons ng iba't ibang kulay, na kusang bumubuo ng isang bilog, na may ngiting may pagpapala sa kanilang mga mukha. Sa gitna ng resto ay may malaking projection screen na kasing taas ng isang tao. Matapos ang dalawang malalakas na tunog, lumitaw ang imahe ni Andrew sa screen. Naka-Formal attite siya, may suot na pulang bow tie, may hawak na isang bu
SA OPISINANakahinga ng maluwag si Ella nang matiyak niyang alam ni Arthur na ngayong araw ay birthday ni Frances. Pagdating ng oras ng tanghalian, hinanap niya si Frances para mag-lunch.FRANCES POVBinuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ito, at naalala ko na iniiwasan ako ni Arthur kaninang umaga kahit pa alam kong mag flight siya ngayon, kaya't bigla akong tumango ng malungkot.Pero dahil kilala ako ni Ella, alam niyang may hindi okay na nangyayari sa akin. Kinuha niya ang cellphone ko at tinignan ang mga message ko.Sa huli, nagbiro na lang si Ella sa akin "Baka gusto ka niyang sorpresahin ka. Pinipigilan niya lang ngayon at hindi ka pinapansin, tapos bibigyan ka ng sorpresa pagkatapos ng trabaho. Para maging emosyonal ka at ma touch ka!” Tumingin ako kay Ella at ngumiti "Saan mo na naman natutunan lahat ng 'yan?"Itinaas ni Ella ang kanyang baba nang may kumpiyansa, "Maghintay ka lang!"Pagdating namin sa canteen, tinawagan ko iba pa naming mga kasamahan at trineat ko sila
FRANCES POVKinabukasan, nagising ako ng maaga para magluto ng almusal, gusto ko sanang magka-ayos kami ng aking asawa sa aming alitan nitong nakaraang gabi. Halos hindi kasi niya ako pinapansin, sa di ko malamang dahilan. Masaya naman kami noong nakaraang araw pero biglang nagbago ang mood niya kagabi.Marahan akong kumatok sa pinto ng guest room pero walang Arthur na sumagot mula sa kabilang bahagi ng kwarto kaya naman nagdesisyon na akong pumasok na.Habang naglalakad, hindi maipinta ang mukha ko, kakaibang kalungkutan ang bumabalot sa aking katauhan.Pagdating ko sa pintuan ng Office ko ay biglang nanakbo si , Ella papunta sa akin at sinadya akong banggain, kinuha niya ang isang regalo at inabot sa akin . "Frances, Happy Birthday!"Sandali akong napatigil, at saka ko lang naalala na birthday ko pala ngayong araw. Magmula naman kasi ng mamatay si Mama, kinalimutan ko ng mag celebrate ng birthday. Para sakin ang araw sa buong taon ay normal lang. Kinuha ko ang regalo at walang gan
Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi niya kaya sinagot ko din sila ng nararapat na sagot.“Teka lang huh…Una sa lahat ang obligasyon namin si Papa, at FYI nagbibigay kami ng pang gastos ni Papa.Pangalawa, hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo, ngayon kung maka-asta ka akala mo ay talagang ulirang ina ka?At pangatlo, bakit hindi niyo pag-trabahuhin yang si Ate Leonor. Hindi yung aasa lang siya sa binibigay namin kay Papa. Kung tutuusin siya ang pinaka-matanda sa amin pero siya ang pinaka-walang pinagka-katandaan.” agad na napa-ismid si Tita Mylene pero nagmatigas siyang umalis ng kusa.Napaisip ako, ngayon lang ako nakakita na niyawyawan ng kaniyang mapang-aping madrasta sa sarili nitong bahay, pagka bukas na pagkabukas pa lang ng pinto. ANo pa nga bang magagawa ko, kung palalayasin ko sila malamang na gagawan nila ito ng malaking issue kaya naman hinayaan ko na lang silang pumasok. Inalok ko na lang sila ng juice. Alam kong may naglalaro na naman sa isip ng mga ito kaya nand
Kagaya ng hindi ko pagyayabang, bumungad sa kanila ang isang mala mansyong bahay na tinitirahan namin ni Arthur. Hindi ko kailanman flinex sa aking social media account ang aming bahay dahil hindi naman ito sa akin. “Tang in*! Frances, ito ang bahay niyo?!” sigaw ng kasamahan kong bakla na halos ikahulog ko na sa golf cart sa sobrang pagkagulat.Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga. “Bwisit ka bakla, gulat na gulat ako sayo!, oo ito yung bahay namin.” Ngunit hindi agad sila gumalaw. Nakabuka ang mga bibig nila, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila sa kanilang harapan. Si Kristal, na kanina ay puro kayabangan ngayon ay halatang hindi makasabay sa pangyayari. Kahit na inaatake siya ng pride niya dahil sa dami ng paninirang sinasabi niya sa akin sa opisina ay hindi rin maipagkailang namangha din siya sa bahay na tinutuluyan namin ni Arthur. “Frances… ito ba talaga ang bahay mo?” tanong ng isa na hindi pa rin makapaniwala.“Hindi. Trip ko lang pumasok para sa staycat
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al