Share

Kabanata 825

Tumango si Sabrina. Siguradong kayang kaya mo yan. Naniniwala ako sayo. Hindi mo kailangan maghintay hanggang sa magtatlumpung taong gulang ka. Basta mag-aral ka nang maayos sa loob ng dalawang taon, magiging magaling ka din dyan!"

Na-master din ni Sabrina ang craft na ito sa loob ng dalawang taon.

Tumango din si Mindy. "Sabrina, mauna ka nang pumasok. May mga sasabihin lang ako kay Old Master Shaw at Mr. at Mrs. Shaw."

"Sige." Pumasok na si Sabrina.

Si Ruth, na nanatili sa pwesto niya, ay tumingin sa tatlong tao at sinabi sa napakatamlay na tono, "Narinig niyo rin siguro kung ano yung sinabi ko kay Sabrina kanina lang. Pareho lang din ang gusto kong sabihin sa inyo."

"Ruth, ikaw ang totoo kong pamangkin. Hindi ko ito alam dati, pero alam ko na ngayon. Gusto kitang magkaroon ng magandang buhay..."

Tinaas ni Ruth ang kamay niya at pinatigil ang nanay ni Marcus. "Pumanaw ang mga magulang ko nung pitong taong gulang palang ako. Sunod sunod talaga ang kamalasan ko, at hindi ko masisi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status