Meron lang bawat isang miyembro ng Poole family at ilang mga mayayaman na inimbita niya mismo dito, na dating niyang mga kaibigan. Ito ay dapat isang normal lang na pagtitipon ng pamilya at siya lang ang nag-iisang taong sobra ang pananamit para sa okasyon, na pinagmukha lang talaga siyang tanga.Habang siya ay pinapalibutan ng mapanghusga at mapanuksong mga titig ng bawat bisita sa kwarto, sinigawan ni Mindy si Marcus, "Insan Marcus! Hindi ba pinsan kita? Dalian mo na at palayasin mo na si Ruth! Siya ay walang iba kundi isang pokpok! May pruweba ako na ganun nga siya at sinusubukan niyang kunin sa akin ang asawa ko! Insan Marcus..."Napaiyak na lang si Mindy, pero si Marcus ay nanatiling malayo. Ang old Master Shaw at ang mga magulang ni Marcus, na nag-uusap sa sala, ay narinig ang sigaw ni Mindy at napalabas sila. Silang tatlo ay galit na galit nung nakita nila si Ruth. "Sinong nagpapasok sayo??" Galit na galit na tinuro ni old Master Shaw ang tungkod niya kay Ruth.Nahihiyang s
Sinundan ni Mindy ang boses at tumingin sa direksyon nito. Ang mga taong pumasok sa pintuan ay sila Sabrina at Sebastian. At saka, sa likod nila, hawak ni Yvonne ang kamay ng munting batang si Aino. 'Bakit sila nandito?' Gusto lang naman ni Old Master Shaw na magkaroon sila Mindy at Ryan ng oportunidad na magkasama ngayong araw. Hindi niya ginustong mang-imbita pa ng ibang tao. Nung nakita niya na dumating sila Sabrina at Sebastian, si Old Master Shaw ay halatang sumama ang loob. Pero, si Sabrina ay wala namang pakialan dito. Humawak siya sa braso ng asawa niya, dahan-dahang pumunta sa harap ni Mindy, at seryosong sinabi, "Mindy, tingnan mo kung sino yung nasa pinto." Lumingon si Mindy sa likod at may nakita siyang isang babae na nakatayo sa pintuan. Ang babae ay nasa mga forties na. Meron siyang malalaking kulot at aura ng isang babae na namuhay sa kahalayan. Siya nga yun! Ang babaeng amo ng kahina-hinalang hotel. Pinilit ni Mindy ang sarili niya na magkunwaring
Kung nalaman ng mga tao na galing sa kabuuan ng South City na gumamit si Mindy ng inutang na pera para bihisan ang sarili niya, mabubuhay pa kaya siya sa hinaharap?"Siya ba?" Ngumisi si Sabrina. "Mindy, ang mga damit na suot ni Ruth mula taas hanggang baba ay mas mababa lang sa sampung libong dolyar. Sa kabilang banda, ang mga damit mo, kasama na ang bag mo, ay nagkakahalaga ng mahigit isang milyong dolyar. Saan mo naman nakuha ang milyones na dolyar mo?"Walang nasabi si Mindy."Magsalita ka!" Inutos ni Sabrina nang walang preno."Ako...inipon ito ng tito at tita ko para sa akin," Patigil-tigil na sinabi ni Mindy."Haha!"Sa likod niya, si Ruth ay biglang umiyak. Tinanong niya habang umiiyak, "Nag-ipon ang daddy at mommy ko ng pera para gamitin mo? Mindy Mann, hindi nagkaroon ng magandang trabaho ang daddy at mommy ko buong buhay nila. Ang pamilya ko ay sobrang hirap na kahit kailan hindi ako nakabili ng bagong mga damit, ang mga sinusuot ko lang yung mga pinaglumaan mo. Natuto
Hindi makapagsalita si Sabrina. Tumingin siya kay Mindy na may mahinahon na ekspresyon. "Ano ito?""Matagal ko nang tinatago sa aking puso ang lihim na ito. Ang lihim na wala ni isang nakakaalam. Tungkol sa bagay na 'to, ako lang ang sinabihan ni Selene. Pero, mayroon akong isang kondisyon. Hayaan mong pakawalan ako sa oras na ito. Ano sa tingin mo?" Nagmakaawa si Mindy kay Sabrina na may walang katumbas na sabik na titig. Iniling ni Sabrina ang kanyang ulo. "Mindy, utang mo sa mga tao ang pera. Hindi kita matutulungan dito.""Kaya mo! Kayang-kaya mo! Basta ay hindi labag sa loob mo, matutulungan mo ako. Ikaw ang asawa ni Master Sebastian. Ang pinakapangyarihang asawa ni Master Sebastian. Tiyak na matutulungan mo ako. Kung tutulungan mo ako ng isang beses lang, sasabihin ko ang lihim sa'yo. Ano sa tingin mo?"Natameme si Sabrina. Matapos ng ilang saglit, tinanong niya, "Tungkol saan ito?""Ang iyong ina," ani Mindy.Natigilan si Sabrina. Kung tungkol ito sa ibang bagay, ii
Bukod pa 'ron, hindi niya matiis ang matalas na sakit sa kanyang ibaba, kaya wala na ring pakialam si Mindy na lumaban pa pabalik kay Aino. Sa kasong ito, malaki ang lamang ni Aino kay Mindy. Matapos ang biglang pagsabog ng seryeng sunod-sunod na suntok ni Aino, parehong mga mata ni Mindy ay agad na naging mga mata ng raccoon. Ang kanyang mga mata ay naging sing itim ng uling, at ang parte ng kanyang mga tulikap ay halos hindi na maidilat. Maikukumpara ang sitwasyon sa isang komiks. Hindi mapigilang matawa sa kanya ng mga taong naroroon sa silid. Tumawa rin si Marcus, ngunit ang kanyang ina, na nasa likod niya ay humihikbi. Binaling ni Marcus ang kanyang ulo at pinatahan ang kanyang ina, "Ma, maraming mga bagay ang hindi ko nalilinaw sa'yo sa maikling oras. Mayroon na akong palaging nahihinuha."Nagtanong si Gng. Shaw, "Anong nahihinuha mo?"Seryosong sabi ni Marcus, "Ma, kilala mo nang mabuti ang tito at tita ko. Sabihin mo sa akin gamit ang iyong totoong salita, mabisyong
"Si Mindy talaga ang mali 'ron, pero tama siya sa isang bagay," tumingin ang matandang Master Shaw kay Sabrina nang malupit, at malupit na pinuna, "Ang babaeng ito, hindi siya kailanman naging mabuti!"Sinabi ni Sabrina, "Inaasahan ko na hindi niyo pagsisihan ang mga sinabi niyo! Ikaw, tanda! Ang pang habang buhay na edukasyon mo ay para lang sa wala! Ang buong buhay na kinagisnan mong magandang isang mabuting pamilya ay akto lang ang lahat!"Akto lang ang lahat ng iyon!"Hindi makatotohanan!"Ang iyong katayuan sa buhay ay nakuha lamang sa hindi tamang pamamaraan!"Bigla kong naintindihan kung bakit lumayaw ang iyong anak na babae mula sa inyong bahay!"Dahil iniisip niya na ang lalaking katulad mo, na nangisda para sa karangalan na hindi tama, ay hindi karapat-dapat na maging kanyang ama!"Hindi ka karapat-dapat!"Isang matanda na walang modo!"Puno ng luha ang mukha ni Sabrina nang pinagsabihan niya ang matandang punong Shaw. Minsan lamang siya umiyak mula nang pagkabata
"Huwag kang pumunta rito! Galit ako sa'yo! Hmph! Kakamuhian kita habang buhay! Nandidiri ako sa tuwing nakikita kita!" ang batang babae ay umuungol na sa galit dahil sa matanda. Sa biglaang pagkakataon, ang ungol ang nagpagising sa matanda. Ang maliit na batang ito sa kanyang harapan ay anak ng kaaway ng kanyang apo. Paano siya nakabuo ng pagmamahal sa batang ito?Itinaas ng matandang punong Shaw ang kanyang ulo at tiningnan si Sebastian, at malupit pa rin siya habang sinabi kay Sebastian, "Sebastian, nakita mo rin ito; kahit ang bata ay naimpluwensiyahan niya ng masama. Tulad ng mga bagay na nagawa niya sa apo ko mismo... Sabihin mo sa akin, paano kita susuportahan? Ang bagay lamang na magagawa ko at ang tanging paraan para protektahan ang aking apo sa ngayon ay ibigay ang buong suporta sa Star Island upang depensahan ang iyong pananakop."Matapos marinig ang sinabi ng matanda, lalong humikbi si Sabrina. "Pareho lang kayo ng iyong apo! Mga walang hiya!"Tumingin sa kalangitan
Biglaang umupo si Sebastian. "Anong mayroon, Kingston?""Master Sebastian, sa wakas ay nalaman kong..." dapat na sasabihin ni Kingston ay 'babaeng palaboy', ngunit ay binago niya ang mga salita bago ito lumabas sa kanyang bibig, "ang residente ni madam.""Ano?" Sa oras na ito, talagang natigilan si Sebastian. Si Sabrina, na nasa kanyang mga bisig, ay hindi mapigilang nagtanong, "Anong mayroon, Sebastian? Tungkol ba ito sa kompanya? Naging abala ka noong nakaraan, pero sinabihan pa rin kita na sundan ako sa mga Shaw at tulungan ako."Nakaramdam siya ng paumanhin habang pinagmamasdan ang kanyang asawa. Umiling si Sebastian, "Lalabas ako para harapin ang mga importanteng bagay."Tumango si Sabrina. "Sige lang. Huwag mong pagurin ng sobra ang sarili mo.""Matulog ka nang mabuti. Makakakita ka muna ng sopresa bukas ng umaga."Umalingawngaw ang pagod na boses ni Sabrina sa gulat, "Talaga? Hihintayin ko ang sorpresa mo.""Matulog ka nang mabuti!""Okay!"Talagang inaantok na siya