"Ngayon ay minarkahan ang araw na ibabalik ko ang aking pamilya sa dating tirahan at ipinakilala ko sila sa mga kamag- anak at kaibigan. Napakasaya rin ng araw na masangkot ako sa ganitong uri ng kaguluhan. Bukod dito, may isang bagay na kailangan kong linawin upang maiwasang magdulot karagdagang pagkalito kay Ms. Lynn. Hindi naman mahalaga sa akin kung di ako naintindihan ni Ms. Lynn, pero alam ng lahat na isa akong duminado ng asawa, kaya natural na ayaw kong hindi maintindihan ng asawa ko ang sitwasyon.""Pfft!" Sa pagkakataong ito, si Yvonne naman ang hindi napigilang tumawa. Hindi na natakot si Yvonne kay Sebastian gaya ng dati, at nagsimula na siyang masanay sa lalaki pagkatapos na makasama si Sabrina ng maraming oras. Si Ruth, na magkaakbay na nakatayo kay Ryan sa hindi kalayuan sa kanya, ay tumawa rin. "Hindi mo pa nakikita ang ganoong katatawanan at mapagmalasakit na bahagi ng aking Tiyo Sebastian, hindi ba?" tanong ni Ryan. "Mm-hm." Tumango si Ruth. Tila may naalala
"Ano -anong sinabi mo?" Napakurap -kurap si Sabrina. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya, ngunit sa sandali ding iyon, alam niyang walang mali sa pandinig niya. Alam din niyang bihira lang magbiro si Sebastian, sa totoo lang, hindi naman niya ginawa. Kakasabi lang ba niya na isusuot niya ang sapatos niya sa harap ng lahat? Napaatras siya ng isang hakbang at nauutal, "Se- Sebastian, tigilan mo nga yang pagbibiro mo." Si Sabrina ay hindi ganoon ka- dramatiko ng isang babae na tulungan siya ng isang lalaki sa kanyang sapatos, hindi pa banggitin na gawin iyon sa publiko. Ano kaya ang iisipin ng mga tao? Tumingin siya sa kanya ng buong seryoso at sinabing, "Alam mo hindi ako nagbibiro!" Napalunok si Sabrina. Tinulak ni Aino ang kanyang ina at hinimok, "Mommy! Bilisan mo na!" "Aino Scott!" Sumirit si Sabrina. Patuloy na itinulak ni Aino ang kanyang ina habang ginagaya ang tono ng isang matanda at sinabing, "Mommy, kahit ako ay hindi ko magawang ipasuot sa akin ni daddy ang a
Hindi pa siya nakakaramdam ng higit na espesyal o higit na minamahal sa buong buhay niya, at nakaramdam siya ng pag-iinit na may bukol sa kanyang lalamunan. "Sebastian..." "Kasya ba sila?" tanong niya ulit. "Oo! Kasya sila, napakahusay!" Si Sabrina ay kumikinang na parang batang babae. Ipinagpatuloy niya ang pagsusuot ng isa. "Tumayo ka at gumawa ng ilang hakbang." Ginawa niya ang sinabi, at napagtanto na ang kailangan lang ay isang magandang pares ng takong para mahulog ang loob ng isang babae sa kanila. Naglakad- lakad siya nang may kumpiyansa na para bang siya ay isang modelo sa isang runway, ang kanyang puso ay kumikislap sa pananabik at kagalakan. Bigla siyang tumalikod na nakataas baba at nagtanong, "Mukha ba akong mas matangkad sa iyo sa mga ito?" "Mangarap ka!" ngumuso siya. Humagikgik si Sabrina. Iyon ang pinakakaakit- akit na ngiti na nakita ni Sebastian sa kanya, at kasabay nito, ang pinakahiyang naramdaman ng Pamilya Lynn at ng matandang Master Shaw. Naghuhuk
May bahid ng itim at pula sa buong mukha niya, pilit na ngumiti si Selene at tumingala kay Sebastian. "Sa... sabihin mo na." "Nang sinamahan ko ang aking asawang si Sabrina na pumili ng kanyang gown, hindi namin alam na nagpareserba ka rin sa simpleng istilong damit na ito mula kay Sloane. May patakaran si Sloane laban sa pagsisiwalat ng anumang personal na impormasyon ng kanilang mga kliyente, ngunit ang aking asawa ay may kanya kanyang Nakatingin kami sa damit na ito, kaya sinabi namin sa staff na gusto naming kunin ang simpleng istilong damit kapalit ng burda ng brilyante na orihinal niyang taglay, bilang isang uri ng kabayaran nang direkta mula sa Direktor ng grupong Ford na si Sebastian Ford." Nanlaki ang mata ni Selene. Lumingon si Sebastian para tingnan ang shop assistant na nagdeliver ng heels at nagtanong, "Hindi ba't iyon nga ang sinabi ko four days ago?" "Yes, Mr. Ford," sagot ng shop assistant, "iyan din ang sinabi namin kay Ms. Selene Lynn dito, hindi kami lubos
Talagang magtataka ang kahit sino kung paano natitiis ng isang walumpung taong gulang na matanda ang ganito katinding sitwasyon. Ang hindi alam ng karamihan ay si Old Master Shaw ay bagay maging isang manloloko simula pa nung bata pa siya. Nung na-ospital siya sa Kidon City, nagkonsulta si Sebastian sa doktor tungkol sa kalagayan nito at sinabihan siya na malakas naman ang matanda. Ginawa niya lang ang lahat ng ito para sa apo niya. Pinilit niyang sumama sa kanya ang apo niya papuntang Kidon City dahil sa takot na baka madamay siya sa kalupitan ni Sebastian."Ang apo ko ay nandito din sa old Ford residence. Bakit kailangan mo pa ng permiso ko para pakawalan siya kung gusto mo talaga?" Si Old Master Shaw ay sumagot nang medyo nahihiya sa tanong ni Sebastian."Tama ka dyan," tumawa si Sebastian at inutusan ang mayordomo. "Sige na! Palayain mo na si Young Master Shaw!"Agad namang tumango ang mayordomo bilang pagsagot niya. "O-opo, Master Sebastian! Gagawin ko na po yan agad!""Saglit
Hindi natinag si Sabrina sa mabangis na sigaw ni old Master Shaw. Tiningnan niya lang ito nang kalmado na may pagkalungkot na hindi maipaliwanag sa boses niya habang sumasagot siya, "Sa tingin ko may gustong gawin sakin si old Master Shaw, no? Kasi hindi ka naman magpupumilit nang ganyan kung wala, di ba?""At sa tingin ko alam mo na din kung ano ang gagawin ko sayo?" seryoso niya namang sinabi."Sa totoo lang hindi ko alam."Ano kaya ang posible niyang gawin para saktan siya? Ano siya hilo! Kahit naman sabihin niya na may pruweba siya, pwede naman yun madaya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sinubukan siyang akusahan sa bagay na hindi niya naman ginawa, nangyari na ito nang ilang beses kay Sabrina kaya nasanay na siya sa ganito. Sabi nga ng isang movie star, 'lahat ng sakit ay kaya nang tiisin pag nakasanayan mo na ito'. Totoo nga na lagi niyang kasama ang sakit."Sabrina Scott, ikaw babae ka! Inaamin ko na ikaw ay maparaan talaga! Hindi mo lang inalipin ang mga puso ni Ni
Sa bandang huli, nahulog na din ito sa kanya, dinurog siya nito nang pira-piraso. Naging isa siyang batang ina at paulit-ulit na tumatakas sa panganib sa buong anim na taon, hanggang sa nahanap siya nito. Nawalan siya ng lakas ng loob na magmahal. Sinara niya ang puso niya at inisip na hindi na siya magmamahal pang muli ng iba. Hindi niya kayang tanggapin ang posibilidad na masaktan siya ulit. Pero, nahulog pa rin siya ulit sa parehong lalaki hanggang sa punto na hindi niya na ito matanggi."Oo mahal ko siya!" desididong sinabi ni Sabrina. Tinitigan siya ni Sebastian."Kung mahal mo siya, bakit mo ibebenta ang pinakamahalagang bracelet na binigay sayo ng nanay niya?" paghamon ni Old Master Henry.Ang bracelet na pagmamay-ari ni Grace ay nanggaling din sa Ford Family. Pakiramdam nila ay nabigo nila ito kaya ibinigay sa kanya ang emerald bracelet. Siguro nga ay talagang itinuring ni Grace si Sabrina bilang manugang niya para ibigay sa kanya ang isang bagay na napakahalaga. Eh pinahala
Ang mga luha ay tumutulo sa mukha ni Sabrina habang nagiging mahigpit ang ekspresyon niya. Suot ang sky-blue niyang damit pati na ang kristal na sapatos sa paa niya, nagmukha siyang diwata na talagang kakaiba sa mundong ito. Lumunok siya bago nagpaliwanag sa mababa niyang boses, "Nung panahon na may isang buwan na lang si Aunt Grace para mabuhay, may isang okasyon dito sa lumang Ford residence para kayo ay mamili ng isang babae na mataas ang estado para maging asawa mo galing sa mga imbitadong bisita. Si Aunt Grace ay desperadong pumunta sa okasyon na yun para makita ang lumang bahay sa sarili niyang mga mata. Ang pinakamalaki niyang pangarap ay ang makatira sa lumang Ford residence, kahit isang araw lang. Sinabi niya pa nga minsan na mamamatay na siyang masaya kung kikilalanin siya ng Ford Family bilang isa sa kanila sa publiko. Alam ni Aunt Grace na mananatili lang siyang nakaratay sa kama niya at hindi siya makakadalo sa pagtitipon na yun, kaya nagmakaawa siya sakin na kumuha ng ila