Ang itsura ni Selene ay talagang kahindik-hindik habang nakasabit sa leeg niya ang mga sapatos na luma at marumi.Ang imahe niya bilang mataas at matapang na apo ng Old Master Shaw, na ingat na ingat niyang inalagaan sa nakalipas na anim na taon, ay agad na nasira sa isang iglap lang.Habang siya ay nagmamakaawa, grabe din ang pagpapawis ni Selene dahil sa panic na nararamdaman niya. Sa ilang kadahilanan, ang buhok niya na basang basa ng pawis ay magulong nakataas sa ulo niya ay pinagmukha siyang nagalaw na prostitute, na isa talagang kabaliktaran ng imahe na sinubukan niyang alagaan bago mangyari ito.Sa isang tingin, si Selene ay hindi na naiba sa mga babae na ipinahiya sa pamamagitan ng pagparada sa kanila sa daan at may nakasabit na maruruming damit sa mga leeg nila.Hindi naman sa sinadya nila itong gawin. Lahat sila ay halos napahamak sa di nila kasalanan, at wala silang magawa kundi magdusa matapos ang kahihiyan. Ang mga mahihinang tao naman talaga ay laging inaapi.Pero, s
Pero, hindi alam ni Old Master Shaw na si Sebastian pala ay nakatayo sa tabi ni Sabrina nung oras na yun. Ang empleyado din naman kasi na kumuha ng litrato ni Selene na kumalat ay masyado rin nakaramdam ng takot na isama si Sebastian dito.Siya ay isang nabubuhay na pruweba sa katotohanan na ang mga tao ay laging inaapi ang mga mahihina at mga takot sa may kapangyarihan.Habang nagmamakaawa si Selene na may sapatos na nakasabit sa leeg niya, nakaupo lang nang tahimik si Sebastian sa tabi ni Sabrina at inaral ang mga drawing na sinusuri niya.Sinubukan siyang paalisin ni Sabrina. "Ikaw...Bakit nandito ka pa rin?"Kalmadong sumagot si Sebastian, "Sa tingin mo ba kaya sinabit ng bagay na ito ang mga marumi at lumang sapatos sa leeg niya eh dahil natatakot siya sayo?"Para kay Sebastian, si Selene ay hindi nararapat na bigyan ng pangalan ng tao.Siya ay "isang bagay" lang.Nung marinig ni Selene kung paano siya tinawag nito, nakaramdam siya ng pumipintig na sakit sa puso niya.Gayu
Ang matanda at malungkot na boses ni Old Master Shaw ay narinig sa kabilang linya ng tawag."Sebastian, meron lang akong nag-iisang anak, pero nawala siya sakin. Sa bandang huli, nahanap ko rin ang apo ko matapos na humarap sa maraming paghihirap."Maaari kayang gusto mo din na ipagkait siya sa akin, at mapipilitan akong mamatay nang may galit sa edad na walumpu?"Natigilan si Sebastian sa biglaang pagsabog niya.Matapos tumigil sandali, kalmado siyang sumagot, "Old Master, pinapalaki niyo ito masyado. Sa pagtulong ko sa inyo sa South City, sino bang magtatangka na saktan ang apo niyo?"Para lang maging prangka, siya lang ang pwedeng magdesisyon kung anong mangyayari sa kanya. Kung ang pinakamamahal niyong apo ay piniling gumawa ng isang bagay para mawalan siya ng dignidad, walang kahit sino sa siyudad na ito ang makakapigil sa kanya!"Naiwang walang nasabi si Old Master Shaw dito.Alam niya naman din kasi ang bawat isang pagkakamali ng apo niya.Mapagkunwari!Arogante at maka
Biglang sumabog si Selene at napaiyak.Humagulgol siya na parang baliw habang tumatakbo palabas ng architecture design firm. Ang hindi niya alam, meron nang kotse na nakaparada sa labas.Si Marcus at Ryan ay nakaupo sa loob, pinapanood si Selene."Lumabas nang umiiyak ang pinsan mo na may marumi at lumang sapatos na nakasabit sa leeg niya, haha!" Inasar ni Ryan si Marcus."Ano, pinsan mo kaya siya!" Ni minsan ay hindi naman talaga kinilala ni Marcus si Selene bilang sarili niyang kamag-anak. "Pinsan mo siya! Gago, kung magkaroon ako ng pinsan na ganyan kapangit ang mukha at naniniwalang siya ay napakaganda. Siguradong mamamatay ako sa pandidiri. Marcus, hindi mo dapat iparamdam sakin na tinataboy mo ako ng ganito," sabi ni Ryan sa seryosong tono.Hindi niya pinansin ang mga sinabi nito, at nagtanong si Marcus, "Sabihin mo, Ryan! Wala ka na bang ibang kayang gawin bukod sa saktan si Sebastian?"Sumagot si Ryan nang may ngiti, "Alam mo ba kung bakit biglang umalis si Uncle Sebast
Lumingon si Ryan para tingnan si Marcus at may naiinis na ekspresyon. "Tumahimik ka! Sinusubukan kong makipag-usap sa staff member."Pagkatapos nun, hindi niya pinansin ang seryosong paghanga ng receptionist, at agad niyang binago ang tono niya at sinabi, "Ikaw babae, ako na magsasabi sayo. Kapag nag-isip ka naman ng ganyan ka walang kwentang bagay sa trabaho, siguradong tatanggalin kita! Simula ngayon, ayusin mo yang trabaho mo. Wag mong punuin ang utak mo ng romansa o kung ano pa!"Maamong sumagot ang receptionist, "Opo, Director Poole."Nang makita niya si Ryan na binaba ang telepono, nagtanong na ulit si Marcus, "Makikipag kompetensya ka pa rin ba talaga sa Uncle Sebastian. mo?"Ang naguguluhang si Ryan ay sumagot, "Umalis ka nga dito!""Kotse ko 'to!" Sumigaw pabalik si Marcus.Ang katotohanan na tama siya ay nagpatahimik kay Ryan.Matapos ang ilang segundo, sinabi niya nang may gigil sa ngipin niya, "Ako, ang munting young master na Poole family, ay nag-aatubuling sumakay
Sa wakas, umalis na rin ang dominanteng direktor.Gayunpaman, parang wala pa rin nagbago kay Sabrina tungkol dito.Hindi alintana kung nandito man si Sebastian o wala, magtatrabaho pa din siya katulad ng madalas niyang ginagawa. Araw-araw din naman kasi silang magkasama at magkatabi din matulog tuwing gabi sa bahay, hindi na siya nakakaramdam ng takot sa kanya."Mag-ingat ka," sabi niya kay Sebastian, habang nilalapag ang mga drawing na hawak niya."Lalamig ang tsaa mo. Tandaan mong inumin yan," pagpapa-alala ni Sebastian."Mmm.""At saka, tandaan mo na kailangan mong tumayo at maglakad tuwing lilipas ang kalahating oras. Kundi hindi, hindi yan magiging maganda sa cervical spine mo," sabi ulit ni Sebastian."Mmm."Wala talagang nasabi si Sebastian sa pagsagot niya nang masunurin. Gusto niya talaga siyang tanungin, "Bakit ba nakakaya mong ngumiti nang maliwanag kapag kasama mo ang mga babae mong kaibigan, pero iilan lang ang mga salita mo pagdating sa asawa mo?"Pero, naisip
Ni hindi tumingin si Sebastian kay Ryan.Pero, mas lalo lang natakot si Ryan dahil dito, at dumating sa punto na nagsimula siyang pagpawisan ng malamig.Bakit nandito na naman siya?Uncle Sebastian!Hades!'Ano...Hindi mo dapat niloloko ang mga tao nang ganito. Hindi ba nakaalis ka na? Bakit nandito ka na naman? Talaga ba...talaga bang hindi mo kayang mahiwalay sa asawa mo?'Sa kabila nang takot niyang ekspresyon, nagawa pa rin ni Ryan na ngumiti nang pilit at binati siya, "Uncle Sebastian?""Katulad ka lang ni Selene," kalmadong sinabi ni Sebastian.Agad na sumagot si Ryan, "Ano... Anong sinabi mo? Ang Selene na walang hiyang umalis dito ngayon lang, na may marumi at lumang sapatos na nakasabit sa leeg niya? Uncle Sebastian, paano mo naman ako nakumpara sa kanya?"Hindi niya na gusto pang mabuhay. "Uncle Sebastian, hindi... hindi ako pumunta dito para... para makita si Aunt Sabrina," sinubukang magpaliwanag ni Ryan, pero nasabi niya ang totoong intensyon niya dahil sa kaba.
Na may mapulang mga pisngi, sumang- ayon si Yvonne, "Sige, Director Shaw."Habang pinagmamasdan niya ito ay tuluyang hindi nakaimik si Sabrina. Anong klaseng tao ang makakalimutan ng ganun- ganun na lang sa kaibigan niya pagkatapos na saktan ng pag-ibig?Gayunpaman, gumaan din ang pakiramdam niya.Kung tutuusin, alam niya kung anong klaseng tao si Marcus. Kahit na hindi gusto ni Sabrina si Old Master Shaw, kailangan niyang aminin na ang kanyang apo ay may isang napaka disenteng ugali, at hindi kailanman naloko sa mga babae. Sa katunayan, masasabi pa niyang mas maaasahan si Marcus kaysa kina Nigel at Ryan pagdating sa mga romantikong relasyon.Kaya naman, kung mapapangasawa ni Yvonne si Marcus, magiging happy ending ito para sa kanya.Ang mga bagay na ito sa isipan, napangiti si Sabrina nang makitang paalis na silang apat."Yung dalawa mong matalik na kaibigan?" biglang tanong ni Sebastian.Lumingon sa kanya si Sabrina at sumagot, “Hindi naman best friends. Mga kakilala lang gali