Share

Kabanata 602

Ni hindi tumingin si Sebastian kay Ryan.

Pero, mas lalo lang natakot si Ryan dahil dito, at dumating sa punto na nagsimula siyang pagpawisan ng malamig.

Bakit nandito na naman siya?

Uncle Sebastian!

Hades!

'Ano...Hindi mo dapat niloloko ang mga tao nang ganito. Hindi ba nakaalis ka na? Bakit nandito ka na naman? Talaga ba...talaga bang hindi mo kayang mahiwalay sa asawa mo?'

Sa kabila nang takot niyang ekspresyon, nagawa pa rin ni Ryan na ngumiti nang pilit at binati siya, "Uncle Sebastian?"

"Katulad ka lang ni Selene," kalmadong sinabi ni Sebastian.

Agad na sumagot si Ryan, "Ano... Anong sinabi mo? Ang Selene na walang hiyang umalis dito ngayon lang, na may marumi at lumang sapatos na nakasabit sa leeg niya? Uncle Sebastian, paano mo naman ako nakumpara sa kanya?"

Hindi niya na gusto pang mabuhay. "Uncle Sebastian, hindi... hindi ako pumunta dito para... para makita si Aunt Sabrina," sinubukang magpaliwanag ni Ryan, pero nasabi niya ang totoong intensyon niya dahil sa kaba.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status