Share

Kabanata 587

Samantala, bumalik si Sabrina para tumayo sa tabi ni Ruth at dala ang skin-care products. "Ito na oh."

"Salamat po, Mrs. Ford."

"Pumasok na tayo. Magang maga ang mga mata mo dahil sa lahat ng pag-iyak mo. Pumunta ka sa banyo mamaya at maghilamos ka ng mukha gamit ito tapos maglagay ka rin ng produktong 'to. Makakabawas yan ng pamumula at maga," Mahinahong nagbilin si Sabrina. Hindi niya tinanong ang tungkol sa nangyari sa pagitan ni Ruth at nanay niya. Hindi naman kasi talaga madaldal si Sabrina, kaya hindi niya naisip na may karapatan siyang magtanong tungkol sa problema ng pamilya ng iba. Bawat pamilya naman talaga ay may kanya kanyang problema na kailangan harapin.

Pumasok nang magkakasama ang tatlo sa loob ng elevator at nung pagkasara pa lang ng elevator, isang dosenang empleyado ang bigla na lang lumitaw. Nakarating na sila nang mas maaga, pero wala silang lakas ng loob para sumakay sa iisang elevator kasama si Sabrina kaya nagdesisyon silang magtago. Nung nakita nila sa saril
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status