공유

Kabanata 362

Nagulat na lang si Ruth dahil naipit na siya sa gitna ng inuupuan niya at ng sumusuporta sa ilalim nito. Tumagilid na ang upuan pagkataapos na masira nito dahil sa bigat ni Ruth. Samantala, may mga metal na parte din na lumuwag at bumaon sa balat niya.

Habang nagdudugo, mas lalong naging katawa tawa ang itsura ni Ruth.

Nakaupo siya na para bang nakapwesto sa inidoro. At dahil ang balakang niya ay naipit na sa upuan, sinubukan ni Ruth na humawak sa mesa gamit ang dalawang kamay niya para ibalanse ang sarili, pero lalo lang siyang nag mukhang nahihirapan tumae. Sinamahan pa nito ng boses niya na para bang isang umiiyak na baboy, kaya ang eksena sa opisina niya ay napaka pangit talaga.

Nang makita ng mga kasamahan ni Ruth ang posisyon niya sa upuan, hindi na sila nakapagpigil at nagsimulang mag tawanan nang malakas.

Habang tumatawa sila, tuloy tuloy lang ang pagtulo ng dugo galing sa likod ni Ruth.

"Nababaliw na ba kayo?! Tumigil na kayo sa pagtawa at tumawag na kayo ng ambulansya. T
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status