Nagulat na lang si Ruth dahil naipit na siya sa gitna ng inuupuan niya at ng sumusuporta sa ilalim nito. Tumagilid na ang upuan pagkataapos na masira nito dahil sa bigat ni Ruth. Samantala, may mga metal na parte din na lumuwag at bumaon sa balat niya.Habang nagdudugo, mas lalong naging katawa tawa ang itsura ni Ruth.Nakaupo siya na para bang nakapwesto sa inidoro. At dahil ang balakang niya ay naipit na sa upuan, sinubukan ni Ruth na humawak sa mesa gamit ang dalawang kamay niya para ibalanse ang sarili, pero lalo lang siyang nag mukhang nahihirapan tumae. Sinamahan pa nito ng boses niya na para bang isang umiiyak na baboy, kaya ang eksena sa opisina niya ay napaka pangit talaga.Nang makita ng mga kasamahan ni Ruth ang posisyon niya sa upuan, hindi na sila nakapagpigil at nagsimulang mag tawanan nang malakas.Habang tumatawa sila, tuloy tuloy lang ang pagtulo ng dugo galing sa likod ni Ruth."Nababaliw na ba kayo?! Tumigil na kayo sa pagtawa at tumawag na kayo ng ambulansya. T
Pagkatapos na tingnan ang paligid ng opisina, nakakita si Ruth ng isang pantalon na dapat sana ay panlamig pero naging pansamantala niya itong pamalit.Sa kabilang banda, si Sabrina ay nakasuot ng pantalon na gawa sa isang napaka nipis na tela.Sa madaling salita, kung si Sabrina ang nagkataong umupo sa sirang upuan na yun, siguradong patay na din siya ngayon."Sabrina! Bagong empleyado ka lang, pero paano mo nagawa ang ganito kasamang bagay?Alam mo bang isa itong krimen, at pwedeng masabi na may masama kang hangarin?!" nagalit ang manager ng Human Resources Department habang nakatayo sila sa labas ng emergency room.Mahina ang boses ni Sabrina nang sumagot ito, "Baguhan lang naman po ako na dalawang araw pa lang nagtatrabaho kaya saan ko naman po kukunin ang upuan na yun?"Mukhang nagulat ang manager sa sinabi niya at natahimik nang ilang saglit.Pagkatapos nitong tumigil saglit, binulong niya, "Sila...ang nagsabi na ikaw daw ang tumulak ng upuan papunta kay Miss Mann.""Oo ng
Kay Sabrina, ang South City ay isa lang lugar na puno ng trahedya. Ito ang katotohanan na alam niya sa puso niya simula nung unang beses siyang pumunta dito sa edad na labindalawa. Dahil dito, natutunan na ni Sabrina na pabayaan na lang ang mga ganitong sitwasyon. Dahil wala naman siyang ibang magagawa kundi tumira sa South City sa ngayon, ang kaisa isa lang na pwede niyang gawin ay manatiling kalmado at maging mas mapagpatawad. Kung makaranas man siya ng hindi maiiwasang problema, ganito lang din ang gagawin niya.Sa ngayon, ang gusto niya lang ay ayusin ang trabaho niya.Ayaw niya nang magsimula pa ng kahit anong gulo hanggat kaya niyang iwasan.At habang sinasabi ito ni Sabrina, ang iba niyang kasamahan ay bigla na rin bumalik sa kani kanilang mesa. Hindi na sila nagtangka pang buksan ulit ang mga bibig pagkatapos marinig ang mga masasakit niyang salita.Ginugol ni Sabrina ang maghapon sa mesa niya, tinulungan niya si Linda na tingnan ulit ang mga unang draft na binigay nito s
Walang nang nasabi pa si Linda.Nang makita ng director ang reaksyon ni Sabrina, agad niya itong sinaway, "Linda! Bilang isang staff member, hindi ka pwedeng magsalita na lang tungkol sa mga bagay na hindi mo naman talaga nakita! Sabrina, sabihin mo sa akin ngayon, paano nasugatan si Ruth?!"Bilang design director, wala siyang pakialam kung ano man ang nangyari kay Sabrina sa labas ng trabaho, kabit man o hindi.Gayunpaman, meron siyang sinaktan na kasamahan sa oras ng pagtatrabaho, at ito ay isang seryosong isyu. Dahil si Sabrina ay baguhan pa lang, naisip ng director na tanggalin na lang siya sa trabaho ngayong araw.Gumawa siya ng isang napakalaking gulo!Nakatingin pa rin ng kalmado ang director kay Sabrina, naghihintay ito sa isasagot niya.Sa kabila ng pagkuwestyon sa kanya ng ganun, nanatili pa rin na mahinahon si Sabrina. Ang sinagot niya lang, "Director, sa tingin ko yung personnel, logistics, at security guards ang makakapagbigay sa atin ng pinaka maayos na sagot. Dahil
"Makakapagmaneho ka ba?" Tinanong siya ni Sebastian na nakaupo sa loob ng kotse.Nagtaka si Sabrina sa biglaang tanong nito pero sumagot na lang din siya. "Hindi."Samantala, si Kingston, na nakarinig sa pag-uusap nila ay nagsalita, "Madam, sa panahon ngayon na lahat ng tao ay may lisensya na, paano nangyaring hindi ka pa rin nakakapag maneho?"Nitong umaga lang, sobrang nag-aalala si Kingston na baka tanggalin na siya ni Master Sebastian. Pero ngayon, ilang oras pa lang ang nakalipas, bumalik na naman siya sa pagiging mabait kay Sabrina. Kahit si Kingston ay hindi napansin ang pagiging matapang niya noong mga nakaraang araw.Pero, natigilan pa rin saglit si Sabrina sa tanong niya.Nang umupo siya sa loob ng kotse at hindi nagsasalita, ang mga mata niya ay para bang nabalot ng kalungkutan.Kung may iba pang baguhan na nagkaroon ng parehong problema na hinarap ni Sabrina sa kumpanyang yun, siguradong bumitaw at umalis na agad yun nung una pa lang.Pero hindi ganun si Sabrina.Si
Habang patuloy na iniisip ni Sabrina ang mga alaala niya, umabante na ang kotse. Nang magising na siya ulit sa realidad, agad siyang tumingin kay Sebastian at nagpapanic itong nagtanong, "Saan...saan tayo pupunta? Hindi ba dapat susunduin natin si Aino?""Bibilhan na kita ng kotse," sagot ni Sebastian."Pero...pero hindi ako nagmamaneho," nautal si Sabrina.Kalmadong sumagot si Sebastian at hindi niya tiningnan si Sabrina, "Nakakalakad ka ba agad pagkapanganak mo pa lang?"Hindi makasagot si Sabrina."Hah..." si Kingston, na nasa harapan at nagmamaneho, ay hindi napigilan ang pagtawa.Napansin niya na para bang mas madalas ang pagpapakita niya ng pagmamahal sa kanya simula nung naibalik ni Master Sebastian si Madam galing sa Ciarrai Country,Medyo kakaiba ang pagpapakita ng pagmamahal ni Master Sebastian kumpara sa ibang lalaki.Kahit na medyo mayabang at para bang hindi makatotohanan sa panlabas, yung kilos niya ay nagiging sobrang nakakakilig kapag gusto niya. Sa bagay, sino
Tumahimik lang si Sebastian habang hinihintay si Aino na magsalita.Kahit na tinatawag pa din siyang Stinky Bum ng batang ito, halatang halata na mas malapit na siya ngayon kay Sebastian kumpara nung una siyang dumating sa bahay niya. Makulit na bumulong si Aino sa tenga ng papa niya, "Daddy, narinig ko ang sinabi ni Mommy sa panaginip niya dati."Bigla siyang napatingin kay Sabrina nang walang sinasabi.Nang mapansin ang pagsulyap nito sa kanya, nagtatakang tumingin si Sabrina sa mag-ama.Nagpatuloy si Aino, "Sabi ng mama ko hindi ka daw niya gusto sa panaginip niya. Pero, alam ko talaga kung ano ang ibig sabihin nun. Ang gusto niya talagang sabihin ay gustong gusto ka niya!"Nagulat si Sebastian sa matalas na kaisipan ng batang ito.Ang batang ito talaga!Sa inaasahan niya sa anak niya, ang limang taong gulang na batang ito ay nakikita agad kung ano ang ibig sabihin ng mga kinikilos ng matatanda. Naintindihan niya maigi ang mga naiisip ng mama niya, at malamang ito ang dahilan
Pagkatapos pag-isipan ito, baka nga mas bagay sa kanya ang trabaho sa isang construction site bilang technician o iba pang posisyon.Siguro nga marumi at buwis buhay ang trabahong ito pero alam niyang malinis ang mga tao dito.Nagdesisyon si Sabrina sadyain ang iba't ibang mga construction site sa loob ng siyudad bukas.Nung kinaumagahan, hindi niya sinabi kay Sebastian na mawawalan na siya ng trabaho o kahit ang plano niya na maghanap ng ibang trabaho. Ayaw ni Sabrina na tanungin siya nito nang marami at higit sa lahat, ayaw niyang malaman ni Sebastian na nakipag-away siya sa isa niyang kasamahan pagkatapos pa lang ng dalawang araw na pagpasok sa trabaho. Pagkakain ng agahan, magkasamang hinatid ni Sabrina at Sebastian si Aino sa eskwelahan, at si Kingston ang nagmamaneho. Pagkatapos nito, pumunta sila sa dating opisina ni Sabrina. Nang tumigil ang sasakyan, pinaalalahanan siya ulit ni Sebastian, "Wag kang magtatagal masyado sa opisina. Susunduin kita para sa driving lessons pagk