Share

Kabanata 368

Tumahimik lang si Sebastian habang hinihintay si Aino na magsalita.

Kahit na tinatawag pa din siyang Stinky Bum ng batang ito, halatang halata na mas malapit na siya ngayon kay Sebastian kumpara nung una siyang dumating sa bahay niya. Makulit na bumulong si Aino sa tenga ng papa niya, "Daddy, narinig ko ang sinabi ni Mommy sa panaginip niya dati."

Bigla siyang napatingin kay Sabrina nang walang sinasabi.

Nang mapansin ang pagsulyap nito sa kanya, nagtatakang tumingin si Sabrina sa mag-ama.

Nagpatuloy si Aino, "Sabi ng mama ko hindi ka daw niya gusto sa panaginip niya. Pero, alam ko talaga kung ano ang ibig sabihin nun. Ang gusto niya talagang sabihin ay gustong gusto ka niya!"

Nagulat si Sebastian sa matalas na kaisipan ng batang ito.

Ang batang ito talaga!

Sa inaasahan niya sa anak niya, ang limang taong gulang na batang ito ay nakikita agad kung ano ang ibig sabihin ng mga kinikilos ng matatanda. Naintindihan niya maigi ang mga naiisip ng mama niya, at malamang ito ang dahilan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status