Sa hindi kilalang city, walang kilala si Sabrina at hindi niya alam ang mga daan dito. Wala rin siyang telepono. Sinubukan niyang gamitin ang telepono ni Zayn pero hindi niya alam ang password kaya hindi niya ito mabuksan. Nakatingin si Sabrina kay Zayn na walang malay at nawawalan na nang pag-asa, tumunog ang telepono ni Zayn.Noong sinagot niya ito, si Marcus ang tumatawag. Nanginginig si Sabrina habang sinasagot niya ang telepono. “Hello, Young Master Shaw…”“Sabbie, umiiyak ka? Anong problema? Okay ka lang ba? Kasama mo si Zayn diba? Bakit ikaw ang sumagot nang tawag ko?”“Si Zayn… walang siyang malay at may lagnat siya. Nabubulok na ang sugat sa kamay niya. Wala akong telepono at hindi ko alam kung saan ako hahanap ng doktor o wala akong alam na ospital dito…” nawawalan nang pag-asa si Sabrina.“Makinig ka Sabbie, kailangan mong iligtas si Zayn o mamamatay siya. Kailangan mong kumalma. Maghanap ka ng phone booth at magdial ng emergency number. Dalhin mo muna si Zayn sa opera
"Pero yung tita ko po kasi..." nagsimula si Marcus."Wala itong kinalaman sa tita mo! Eh ano naman kung merong pagkakapareho ang babaeng yun sa tita mo? Sabi mo kamukha ni Sabrina ang tita mo, pero kung ako ang tatanungin, sasabihin ko na yung fiancé ni Sebastian Ford na si Selene Lynn ay kamukha rin ng tita mo!" Dismayadong sumigaw ang Old Master habang pinipigilan niya ang sarili niyang sipain ang apo niya."Sinong Lynn?" tanong ni Oliver.Napabuntong hininga ang Old Master at nagpaliwanag. "Sa pagkakaalam ng lahat, si Sebastian Ford ay isang masamang tao na hindi nag-aalangan marumihan ang kamay niya. Maraming tinulong sa kanya ang Lynn Family, lalo na si Selene Lynn na anak ni Lincoln Lynn, nung nahihirapan siya dati na makuha ang mataas na posisyon sa pamilya. Sinakripisyo niya ang sarili niya para maligtas si Sebastian Ford. Nung nasa panganib si Sebastian Ford, inalay niya ang pagiging inosente niya kapalit nga kaligtasan nito at ngayon buntis na siya sa anak ni Sebastian. Si
Samantala, pinatay ni Sabrina ang cellphone niya dahil sinabihan siya ni Zayn. Pagkatapos niyang kausapin si Marcus sa phone ng unang beses, tumakbo siya sa isang malapit na phone booth at tumawag sa 911 para sa emergency. Dumating agad ang ambulansya at nagkaroon na ng malay si Zayn pagkatapos niyang madala sa loob ng ambulansya.Tumingin siya ng isang beses kay Sabrina na humihikbi sa pag-aalala at sinabi, "Sabrina, wag kang umiyak. Wag mong pahirapan ang sarili mo ng ganito, mabubuhay ako."Tumango si Sabrina bilang sagot niya. "Zayn, salamat dahil sinakripisyo mo ang buhay mo para maligtas ako. Nakatanggap ako ng tawag galing kay Master Shaw ngayon lang, sinabi niya na...pinaghahanap tayo ni Sebastian Ford kung saan saan. Kinailangan kong sirain ang kasal niya at hindi niya ko lulubayan dahil doon. Hindi man ako nabangga ng truck na yun, pero bilyon ang mga paraan na pwede niyang maisip para lang patayin ako kung gusto niya talaga. Salamat, Zayn at pasensya na nadamay pa kita dit
"Hindi ko lang talaga naisip na magagawa niya...""Alam ko. Naiintindihan ko na." ngumiti si Zayn. "Hindi mo mahal si Nigel, at talagang siguradong hindi ka rin mahuhulog sa akin. Sabrina, magtiwala ka sakin pag sinabi kong wala akong intensyon na mahulog ang loob mo sakin. Ako mismo ang humanga sayo at wala akong magawa doon kaya gustong kong gawin lahat para sayo. Wag kang mag-alala, hinding hindi ako gagawa ng kahit ano para saktan ka o pilitin kang gawin ang isang bagay na ayaw mo, kahit kailan.""Salamat, Zayn. Pangako, aalagaan kita," nangako si Sabrina habang umiiyak. Tumutupad siya sa mga sinasabi niya at sa buong oras na nasa ospital si Zayn, hindi siya umalis sa tabi nito. Tinapon na rin ni Sabrina ang phone niya bilang pagsunod sa hiling ni Zayn. Pero kahit ganun, nung nakalabas na si Zayn pagkatapos ng isang buwan, nakita pa rin nila ito.May ilang lalaki na nakapaligid sa kanila sa entrance ng ospital at dinala sila papunta sa sasakyan. Walang nagawa ang dalawa, hindi p
Matapos ang limang taon.Ang sinag ng palubog na araw sa gabi ay tumama sa payat na katawan ni Sabrina, nabalot siya ng mala gintong liwanag. Nakasuot siya ng uniporme at may suot na helmet sa ulo, abala ito sa pag detalye ng progreso sa construction site."Madam Scott, hanga ako sa kung gaano ka epektibo ang mga plano mo. Yung mga gastusin natin ngayong batch ay talagang nabawasan kumpara sa mga naunang batch at ang kalidad ng mga materyales na ginagamit natin ay mas maganda din. Masyadong pinag-isipan ang ang pagsasaayos nito para ibenta sa ganitong presyo. May narinig ako na maraming mga apartment ang naibebenta sa mga may-ari dahil sa magandang disenyo at materyales ng mga ito," sabi ng constructor kay Sabrina."Manager Ward, hindi mo na dapat ako tinatawag ng ganyan. Hindi naman ako professional architect. Tawagin mo na lang akong Sabrina." ngumiti si Sabrina sa kanya."Hindi pwede! Madam Scott, wala ka man titulo ng isang architect pero ang mga abilidad mo na ang nagsasabi at
Kahit kailan ay hindi sinubukang pilitin ni Zayn na magkaroon sila ng relasyon ni Sabrina. Nagturingan ang dalawang ito na parang magkapatid. Habang lumilipas ang oras, ang pinagsamahan ng dalawang ito ay napunta sa pagturing nila sa isa't isa na parang magkadugo na din, at itinuturing ng anak ni Sabrina si Zayn bilang tito niya. Lumipas ang apat na taon at naging tahimik ang buhay nila. Umuuwi si Sabrina tuwing gabi para alagaan si Zayn. Tinutulungan niya itong makapasok sa bahay at inaayos nito ang kama para sa kanya bago siya umalis para sunduin ang anak niya sa eskwelahan. Madalas ay sinasamahan ng anak ni Sabrina ang tito niya kapag pabalik na siya sa construction site at nagtatrabaho siya hanggang alas sais imedya. Pero nung kakatapos niya lang tulungan si Zayn sa bahay, tumunog ang phone niya."Hello? Miss Wals?" Ang tawag ay galing sa guro ng anak niya doon sa eskwelahan."Mrs. Scott, kailangan niyo na pong pumunta dito ngayon. Nakipag-away na naman ang anak niyo sa isa niyan
Tumalikod ang matabang lalaki para harapin si Sabrina at sumigaw, "Ikaw hampaslupa, humingi ka ng tawad! Kailangan mong lumuhod at humingi ng tawad!""Sabi ko, ayusin mo ang pananalita mo!" Kalmadong sagot ni Sabrina."Bakit? May sinabi ba akong mali? Hindi ba solong ina ka? at hindi lang pala yun, hindi ka rin pala kasal! Ang mga babaeng katulad mo ay ipinanganak na walang hiya at walang halaga! Ang hampaslupa mong anak ay walang pinagkaiba sa hampaslupa niyang nanay, at talagang sinubukan niyang saktan ang anak ko? Sino ka ba sa tingin mo?"Isang babaeng mukhang mapanira ang nakatayo sa tabi ng matabang lalaki at masama ang tingin sa kanya. Nakasuot siya ng itim at puting stripes na jacket na gawa sa balahibo ng mink at para bang ipinagmamalaki nito kung gaano siya kayaman. Sobrang kapal ng makeup niya sa mukha at para bang nasisira ito habang sinisigawan niya si Sabrina. Kitang kita na ang mag-asawang ito ay mga hindi edukadong nagpipilit mayaman, at hindi natatakot si Sabrina sa
"Ang lolo at lola ni Leo ay malaki ang binigay at sila ang nag sponsor ng mahigit dalawang daang libong dolyar dito sa eskwelahang ito, sila ang...""So ang sinasabi mo talaga," Pinutol ni Sabrina ang pagsasalita ni Miss. Wals at nainis ito, "Kung hindi kami humingi ng tawad, pagbabawalan niyo na ang anak ko na ituloy ang pag-aaral niya sa eskwelahang ito?"Natatakot ako..." Sagot ni Miss Wals habang nahihirapan siyang sabihin ang tamang salita. "Natatakot ako na baka hindi lang ganun kasimple yun. Kahit na mag drop out si Aino, kailangan niya pa rin... humingi ng tawad.""Para saan pa?" Tumaas ang boses ni Sabrina."Ms. Scott, kailangan niyong maintindihan na yung anak niyo talaga ang naunang sumuntok sa kaklase niya," Sabi ni Miss Wals."Gusto kong makita ang kuha sa cctv!" Galit na galit si Sabrina. Sa nakalipas na limang taon na tumira siya dito, hindi siya nakagulo sa kahit sino at naging tutok lang siya sa trabaho niya. Siguro nga siya ay isang tao na tapat at seryoso at mas