Share

Kabanata 196

Author: Suzie
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Tumalikod ang matabang lalaki para harapin si Sabrina at sumigaw, "Ikaw hampaslupa, humingi ka ng tawad! Kailangan mong lumuhod at humingi ng tawad!"

"Sabi ko, ayusin mo ang pananalita mo!" Kalmadong sagot ni Sabrina.

"Bakit? May sinabi ba akong mali? Hindi ba solong ina ka? at hindi lang pala yun, hindi ka rin pala kasal! Ang mga babaeng katulad mo ay ipinanganak na walang hiya at walang halaga! Ang hampaslupa mong anak ay walang pinagkaiba sa hampaslupa niyang nanay, at talagang sinubukan niyang saktan ang anak ko? Sino ka ba sa tingin mo?"

Isang babaeng mukhang mapanira ang nakatayo sa tabi ng matabang lalaki at masama ang tingin sa kanya. Nakasuot siya ng itim at puting stripes na jacket na gawa sa balahibo ng mink at para bang ipinagmamalaki nito kung gaano siya kayaman. Sobrang kapal ng makeup niya sa mukha at para bang nasisira ito habang sinisigawan niya si Sabrina. Kitang kita na ang mag-asawang ito ay mga hindi edukadong nagpipilit mayaman, at hindi natatakot si Sabrina sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 197

    "Ang lolo at lola ni Leo ay malaki ang binigay at sila ang nag sponsor ng mahigit dalawang daang libong dolyar dito sa eskwelahang ito, sila ang...""So ang sinasabi mo talaga," Pinutol ni Sabrina ang pagsasalita ni Miss. Wals at nainis ito, "Kung hindi kami humingi ng tawad, pagbabawalan niyo na ang anak ko na ituloy ang pag-aaral niya sa eskwelahang ito?"Natatakot ako..." Sagot ni Miss Wals habang nahihirapan siyang sabihin ang tamang salita. "Natatakot ako na baka hindi lang ganun kasimple yun. Kahit na mag drop out si Aino, kailangan niya pa rin... humingi ng tawad.""Para saan pa?" Tumaas ang boses ni Sabrina."Ms. Scott, kailangan niyong maintindihan na yung anak niyo talaga ang naunang sumuntok sa kaklase niya," Sabi ni Miss Wals."Gusto kong makita ang kuha sa cctv!" Galit na galit si Sabrina. Sa nakalipas na limang taon na tumira siya dito, hindi siya nakagulo sa kahit sino at naging tutok lang siya sa trabaho niya. Siguro nga siya ay isang tao na tapat at seryoso at mas

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 198

    "Wag kang aalis dyan, hampaslupa!" Hindi nakatayo ang lalaki dahil sa sakit ng likod niya kaya sumigaw na lang siya habang nakaupo sa sahig. "Ikaw babae, subukan mong lumabas sa eskwelahang 'to ngayon at sisiguraduhin kong magdudusa ka dahil dito. Makikita na lang ng mga tao ang bangkay mo at ng anak mo sa kalye at nabubulok na!"Nagulat si Aino sa pananakot ng lalaki at nanigas ang kamay na nakahawak sa palad ng nanay niya.Tiningnan ni Sabrina ang anak niya, kumirot nang konti ang puso niya para sa bata at sinabi niya, "Aino, okay lang yan. Si Mama ang bahala sa kanila."Tumango si Aino at si Sabrina ay lumingon at tinitigan nang kalmado ang mapanirang pamilya. "Nakatayo na ako dito ngayon, bakit di niyo na gawin ang balak niyo ngayon? Nasa sibilisadong lipunan tayo, subukan niyo lang akong saktan at tatawag ako ng pulis. At hindi lang yun, magsasampa rin ako ng kaso laban sa eskwelahang ito. Narinig ko na ang biyenan mo ang tumulong para ipatayo itong eskwelahan, tama ba yun? At

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 199

    Lalo na sa tatlong buwan na yun. Pinapasok siya sa isang hindi pangkaraniwang komunidad sa South City para paglaruan ng mga lalaki na galing sa mayayamang pamilya at halos muntik pa siyang mapatay dito. Sapat na ang tatlong buwan para hindi na maniwala si Sabrina sa totoong pagmamahal at higit sa lahat ayaw niya ng magkaroon ng kinalaman sa mga mayayamang lalaki. Ang gusto niya na lang ay mabuhay nang payapa kasama ang anak niya at si Zayn dito sa probinsya habang nabubuhay pa siya at wala ng higit pa doon.Nag-alangan nang saglit si Sabrina bago sumagot, "Director Johns, medyo marami pa po akong gagawing trabaho dito. Paumanhin po pero kailangan ko munang ibaba ito."Binaba ni Sabrina ang tawag at mabilis na sumakay sa scooter kasama ang anak niya. Pagkabalik pa lang nila ng bahay, pumasok si Aino at sumigaw ito, "Tito, tito!" habang papunta siya.Narinig sila ni Zayn at ginulong ang sarili palabas. "Oh, Nandito na pala ang pinakamamahal naming si Aino. Pwede mo bang sabihin kay Ti

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 200

    Tumalikod si Sabrina at nakita ang developer ng kasalukuyan niyang proyekto sa construction, ang may-ari na tumawag sa kanya kanina na si Neil.“Director John, bakit kayo nandito?” mahinahong tanong ni Sabrina habang nakatingin lang siya kay Neil.Nakasuot si Neil ng isang suit na magandang-maganda at lalo pang lumabas ang kagwapuhan at mala-atleta niyang katawan dito. Ang itsura at yaman na meron siya ang naging dahilan para mapabilang siya sa isa sa mga piling binata na maraming babae ang nagkakandarapa para makapasok sila sa puso ng mayaman na lalaking ito. Siguro kung nakakilala si Sabrina ng lalaking katulad ni Neil nung college pa siya, baka nahumaling na siya dito. Pero pagkatapos ng lahat, ang gusto na lang ni Sabrina ay tahimik na mabuhay kasama ang anak at kuya niya."Gusto sana kitang imbitahang maghapunan pero dahil nakabalik ka na pala sa bahay, naisip ko na pumunta na lang para kamustahin ka." Tinaas ni Neil ang kamay niya na may hawak na isang basket ng prutas at bula

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 201

    Pagkatapos ng hapunan, nagpasya si Sabrina na magpalipas ng gabi sa pagsusuri sa blueprint para sa konstruksyon, habang si Zayn ay hawak-hawak si Aino at binabasahan sya ng libro. Ang dalawa ay labis na natuwa sa piling ng bawat isa at si Sabrina ay sumisilip naman sa kanila paminsan-minsan, pakiramdam na lahat ay tama sa mundo.Kinabukasan pagkatapos ng agahan, nagpunta si Sabrina upang makipag-usap kay Zayn."Babalik ako sa kindergarten ni Aino upang maipatuloy ang paglipat sa kanya, at maghanap ng ibang kindergarten sa ibang lugar. Marahil mas mabuti na panatilihin ang distansya natin sa mga taong tulad ni Mr. Sullivan, napakalakas nila kumpara sa atin at ayokong ipagsapalaran na sumasalungat sa kanila, mas magandang iwasan na lang silang lahat. ""Sige," tumango si Zayn bilang pagsang-ayon.Matapos mapagkasunduan, si Sabrina ay malapit nang lumabas nang makita niya ang dalawang lalaki na nakatayo sa labas ng mga bakod at papatok na sana sa pintuan. Ang dalawang lalaki ay nakasu

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 202

    Napakababa ng tinig ni Sabrina na bahagya kahit na isang bulong na walang naririnig sa tabi niya, at mas katulad ng isang mahinang tunog na inilabas mula sa lalim ng kanyang lalamunan. Ang bawat kalamnan sa kanyang katawan ay hindi mapigilan sa presensya ng lalaki. Ito ay anim na taon at ang nakakatakot na aura sa kanya ay tila mas lumalim lamang mula nang huli siyang makita. Nang hindi man lang nagsabi, maaari niyang mapaluhod ang pinaka-may lakas na loob na mga tao. Ang pamilyang Sullivan ay nawala ang bawat huling hibla ng kanilang dating kayabangan sa sandaling siya ay pumasok, at kaagad na kinubkob ang lalaki."Mister ... Mr. Ford, ano ang nagdala sa iyo dito? Ito ... itong pinsala sa aking likuran na ito ay hindi naman talaga masama," mapang-asang ngumiti si Mr. Sullivan kay Sebastian, nauutal na tila ba nawalan siya ng salita. Natatarantang tumango ang kanyang asawa sa tabi niya, hindi naglakas-loob na bumigkas ng isang solong salita.Nakakagulat na ang anak nilang si Leo ay t

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 203

    Saan kaya sila maaaring tumakbo? Bumagsak ang luha sa mga mata ni Sabrina habang kinakagat ang ibabang labi upang maiangkla ang sarili mula sa nalulunod na kawalan ng pag-asa at tumanggi na tumingin kay Sebastian."Ang aking kaibigan dito ay kumikita ng higit sa isang milyon bawat araw! Makaka-manatili siya sa ospital ng isang linggo, at sinasabi mo na ang limang milyon ay sobra sa isang halaga bilang kabayaran sa kita ng pagkawala at mga gastos para sa kanyang paggaling?" Pagpapatuloy ni Sebastian."..." Tahimik lang si Sabrina."Kung nasa akin ito, sasabihin kong sampung milyon ang naaangkop na halaga!" Walang pakialam na inangkin ni Sebastian."Oo nga, Mr. Ford, salamat, maraming salamat! Tama ang iyong katwiran, dapat silang magbayad ng sampung milyon para sa mga nawala natin!" Sa suporta ni Sebastian, naging mas matuwid lamang si G. Sullivan.Sa kabila ng pagiging bata, si Leo ay masyadong mapagmasid at agad na bumaling ng ngiti kay Sebastian, "salamat, Tito Ford.""Hmph! Ma

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 204

    Sa mukha ng marilag na tao, si Aino na walang takot, unang beses na sumuka. Nakita niya ang lalaking ito dati sa kompyuter ng kanyang ina, at ang kanyang ina ay laging humihikbi sa katahimikan nang gabi nang mag-isa siyang nakatingin sa litrato ng lalaking ito. Sa isang limang taong gulang na bata, naiintindihan lamang ni Aino ang luha ng kanyang ina bilang isang resulta ng takot sa lalaki, at natural lamang sa isang bata na matakot sa kinakatakutan ng kanilang ina. Sa takot na takot, naglakas loob si Aino na hindi sumagot at umatras ng ilang hakbang.Si Leo, na nasa likuran ni Sebastian, ay lalong naiinip at sumisigaw, "Tito Ford, patayin mo siya! Patayin mo si Aino Scott!"Parehong kapwa natulala sina Zayn at Sabrina na parang usa na tila masasagasaan, tila sa wakas ay nagtipon ng lakas ng loob si Aino na magsalita."Kaya mo bang bitawan ang mommy ko?" Tanong niya."Ano?" Naguluhan si Sebastian na naguluhan."Natatakot sa iyo ang mommy ko, palagi syang umiiyak tuwing nakikita ka

Pinakabagong kabanata

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2077

    "Lahat kayo ay inakusahan ako! Ako, at si Ryan Poole, at iiyak na lang dito!"Sa sandaling iyon, wala kang mapapansing bahid ng pagkapiyok sa tinig ni Ryan. Alam ni Sabrina na nagmamalaki lang siya. Siya'y lubos na nagmamalaki."Dalhin mo kami agad kay Ruth! Kung hindi mo kami ipapakita ang daan, bubugbugin kita ng husto!" sabi ni Sabrina na puno ng inis."Sige ba! Aunt Sabrina!" Tumalikod si Ryan at tumungo papunta sa ward."Sandali, Ryan. Sandali!" Tawag muli ni Sabrina. Lumingon si Ryan at tumingin kay Sabrina. "Anong mayroon?""Sabihin mo muna sa akin, mayroon ka bang mga lalaki, babae, o kambal?""Hindi ko sasabihin! Hindi ko muna sasabihin! Hindi ko lang sasabihin sa iyo!" Sinabi ni Ryan na may walang katulad na bastos na ekspresyon.Napakayabang ni Ryan na nagawa pa niyang humini sa tono. Nainis doon si Sabrina at kahit ang grupo ng tao sa likod niya ay sobra rin nakaramdam ng galit at gulat. Gayunpaman, nang makitang naging ama lang si Ryan noong araw na iyon, hindi ni

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2076

    Nakatayo mag-isa si Ryan sa labas ng delivery room at kakaiba ang kanyang ekspresyon. Takot na takot si Sabrina at sobra ang kalabog ng kanyang puso. Hinawakan niya si Ryan at nagtanong, "Nasaan si Ruth? Bakit hindi ko naririnig ang sigaw niya? Sabihin mo sa akin, kumusta si Ruth?"Tinaas ni Ryan ang mga kilay niya at tumingin kay Sabrina. "Alam mo ba, Aunt Sabrina?""Ano?" tanong ni Sabrina. "Si Ruth... pagkatapos niyang madala sa delivery room, inabot ng hindi aabot... hindi aabot ng isang oras at pinanganak niya ang dalawang bata!"Hindi nakapagsalita si Sabrina. Napatigil din si Sebastian."Walang sakit na naramdaman si Ruth, alam mo ba 'yon? Hindi pa ako kailanman nakakita nang ganoong kabilis na pagpapanganak, Aunt Sabrina. Talagang nirerespeto ko noon noong ikaw, si Aunt Jane, at ang asawa ni Zayn na si Hana, noong nanganak, lahat kayo ang pineke ang mahirap na proseso. Hahaha..."Walang masabi si Sabrina. Pagkatapos ng mahabang panahon, tinaas niya ang kanyang kamay at

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2075

    Bago pa malaman ng kahit na sina, agad binuhat ni Ryan ang asawa niya at nagmadali palabas nang nagmamadali. Ang lahat sa kasal at masasabi na agad kung anong nangyayari. Tumabi sila nang sa dalawang grupo kasama ang isang grupo na umatras sa kasal ni Yvonne at ang iba ay sinundan si Ryan sa kasal. Doble ang saya ni Yvonne sa araw na iyon. Hindi dahil sa kasal niya lang, pero pati na rin dahil manganganak na ang kaibigan niya. Nadala pa rin ang kasal sa isang sobrang buhay kasiyahan. Pagkatapos matapos ang kasal at hinatid na nila si Yvonne at Marcus paalis para matapos na nila ang kasal pagkatapos ay si Sabrina at ang iba pang mga tao ay pumunta sa hospital. Hindi maikukumpara ang pag-alala ni Sabrina sa buong biyahe niya papuntang hospital. Dahil iyon din ang unang pagkakataon na manganganak si Ruth at kambal pa ito, hindi lang alam ni Sabrina kung magiging maayos ang magiging delivery ito at kung cesarean na seksyon ba ang kailangan. Sa buong paglalakbay, pinipilit ni Sabrina si

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2074

    Hindi makapaniwalang tumingin si Old Master Shaw kay Yvonne. "Anak ko, pinag-isipan mo na ba ito nang mabuti? Hindi ka na ba... natatakot sa akin? Hindi ka na ba... galit sa akin?"Nakaramdam ng hiya si Yvonne. "Alam mo po 'yon?""Siyamnapung taon na ako. Magiging matandang halimaw na ako. Ano pa ba ang hindi ko malalaman? Inisip ko na ito. Kung ayaw mo sa akin, pupunta ako sa nursing na pabahay pagkatapos niyang makasal ni Marcus..." sabi ni Old Master Shaw. "Hindi..." Hindi ganoo'ng kawalang puso si Yvonne. "Pasensya na. Malapit ako kay Sabrina at natuklasan ko ang maraming tao na abusuhin at pahiyain siya. Mula nung mga impostora mo pong mga apo na patuloy siyang sini-set up para paulit-ulit na abusuhin si Sabrina. Talagang galit ako sayo nang sobra mula noon. Hindi mo maiisip kung paano tumakas si Sabrina at ang kanyang ina nang may ngipin sa mga balat nila. Sobrang nakakaawa sila. Kaya, sa mahabang panahon, natatakot po ako sa'yo dahil...""Simula ngayon, nag-iba na ang opinyon

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2073

    Kahit na takot si Yvonne magpakasal, siya ang pinakamasaya sa lahat ng mga babae. Simula pagkabata, Parehas na minahal si Yvonne ng kanyang mama at papa, at kahit ang kanyang tito, tita, at pinsan ay minahal din siya ng sobra. Hindi kailanman nagdusa ng kahit anong paghihirap at pagdurusa si Yvonne sa paglaki niya. Lumaki siyang malambing na babae sa pamilya.Ang relasyon niya kay Marcus ang tanging nagparamdam sa kanya ng pagkagipit. Tulad ng naramdaman niya mula kay Old Master Shaw. Ito ay dahil nasaksihan niya kung paano malupit na tratuhin ni Old Master Shaw si Sabrina na siyang sobrang nakaramdam ng takot si Yvonne kay Old Master Shaw. Habang lumilipas ang panahon, kahit si Old Master Shaw ay naramdaman ang takot niya sa kanya. Sa isang pagkakataon, kumuha na ng inisyatibo si Old Master Shaw na tanungin si Yvonne, "Anak ko, para kang isang takot na maliit na uwak. Bakit sa tuwing nakikita mo ako ay lilingon ka sa iba at hindi makapagsalita kahit na isang katiting na salita sa a

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2072

    Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ryan.“Sa kasalukyan, buntis ang aking pinakamamahal na asawa ng kambal! Isipin niyo yun! Nabuo ang kambal namin habang sobrang abala siya sa pagdadraft ng architectural design! Ang galing ng asawa ko diba?” Masayang sabi ni Ryan. Dahil dito, biglang namula si Ruth. Siya ang bride kaya kung siya ang papapiliin, ayaw niya muna sanang iaannounce na buntis siya! Pero huli na ang lahat dahil saktong sakto ang sinabi ni Ryan para sindakin ang mga mayayabang na babaeng pinagtatawanan siya kanina. Sobrang laki ng benepisyo ng ginawa ni Ryan dahil may tradisyon sa KIdon City na sa araw ng kasal, ipapahiya ng mga bisita ang bride. Pero ngayong sinabi na ni Ryan na buntis siya, wala ng naglakas ng loob na gawin yun!Sobrang engrande ng kasal nina Ruth at Ryan, kaya sobrang nakatulong ito sa confidence ni Ruth. Alam niya na kumpara sa asawa nina Jane at Sabrina, hindi hamak na mas mababa si Ryan, pero dahil hindi naman nagkaroon ng engrandeng kasal ang mga ito

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2071

    ”Tamaaa! Pero ano pa nga bang magagawa natin. Siya ang type ng young prince kaya kahit na sumalampak pa tayo dito, wala na tayong magagawa.” “May naisip ako! Bakit kaya hindi natin batiin ng bagong kasal ng Spanish mamaya? Tignan natin kung anong magiging reaksyon niya.” “Uy, gusto ko yang ideya na yan.”“Haha! Gusto ko siyang makita na mamula sa kahihiyan.” “Eto nga… balita ko napaka baba daw ng self esteem niya.”“Haha! Tara batiin na natin siya..”Galing sa mga prominenteng pamilya ang grupo ng mga babae. Hindi sila maawat sa paguusap at pagtatawanan habang naglalakad papunta sa direksyon ni Ruth. Nang oras na yun, kasalukuyang nakikipag usap si Ruth sa mga Poole. Hindi naman siya nakakaramndam ng anumang kaba at takot dahil kagaya nga ng sinabi ni Sabrina, wedding niya yun at siya ang host kaya tama lang na kausapin niya ang mga bisita nila.Noong malapit na ang grupo ng mga magagandang babae kay Ruth, sakto namang may dumating na isang napaka gwapong foreigner na nakas

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2070

    Ika-labing-apat ng Pebrero noon at malamig ang panahon. Subalit para sa Grand Enigma Hotel, ito ay tila nasa kalagitnaan ng tagsibol. Maraming magagandang babae at mga marilag na babae mula sa iba't ibang panig ng bansa ang nagtipon sa marilag na hotel na iyon. Ngunit ang pinakamagandang babae sa araw na iyon ay ang bungang-bisig na si Ruth.Normal na sobrang lamig tuwing February 14, pero pinainit ng mga nagagandahan at eleganteng kababaihan ang Grand Enigma Hotel. Siyempre, ang pinaka maganda sa lahat ay walang iba kundi ang bride na si Ruth. Ang wedding dress na suot niya ay nagkakahalaga ng mahigit one million dollar na personal na dinesign at pinatahi ni Sabrina sa ibang bansa. Sahill hindi nakasuot ng magandang wedding dress, gusto niyang maranasan ito ni Ruth. Habang nakaupo sa dressing room, hindi napigilan ni Ruth na humagulgol. “Sabrina, sobrang swerte ko talaga na nkilala ko kayo. Maaga akong nawalan ng mga magulang at pamilya kaya kung hindi dahil sainyo ni Yvonne, bak

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2069

    Noong nine years old ako, sobrang hirap ng pamilya namin na hindi kami makabili ng sapatos. Nagkataon, isang araw nakita ko nag nagtapon ka ng sapatos sa basurahan. Hinintay kitang umalis bago ako lumapit, pero bumalik ka at kinuha mo sa akin yung sapatos. Ginawa mo akong katatawanan. Ang sabi mo sa akin, kumahol ako na parang aso, pagkatapos, naaliw ka at marami ka pang ibang pinagawa sa akin. Siyempre, bata pa ako nun at gustong gusto ko na magkaroon ng bagong sapatos kaya ginawa ko lahat ng mga pinagawa mo.”Hindi nakapag salita si Lily. Naalala niya yun. Noong mga panahon na yun, bilang anak ng isang mayamang pamilya, hindi niya naman kailangang personal na magtapon sa basurahan, pero nang makita niyang may nagkakalkal ng basura na kaedaran niya, naisip niya na mukhang masayang pag tripan ito kaya kumuha siya ng isang pares ng luma niyang sapatos bilang pain. Hindi naman ikinakaila ni Lily na sobrang natuwa siya sa ginawa niya at para sakanya wala lang yun. Sa totoo lang, ang bu

DMCA.com Protection Status