Share

Kabanata 200

Tumalikod si Sabrina at nakita ang developer ng kasalukuyan niyang proyekto sa construction, ang may-ari na tumawag sa kanya kanina na si Neil.

“Director John, bakit kayo nandito?” mahinahong tanong ni Sabrina habang nakatingin lang siya kay Neil.

Nakasuot si Neil ng isang suit na magandang-maganda at lalo pang lumabas ang kagwapuhan at mala-atleta niyang katawan dito. Ang itsura at yaman na meron siya ang naging dahilan para mapabilang siya sa isa sa mga piling binata na maraming babae ang nagkakandarapa para makapasok sila sa puso ng mayaman na lalaking ito. Siguro kung nakakilala si Sabrina ng lalaking katulad ni Neil nung college pa siya, baka nahumaling na siya dito. Pero pagkatapos ng lahat, ang gusto na lang ni Sabrina ay tahimik na mabuhay kasama ang anak at kuya niya.

"Gusto sana kitang imbitahang maghapunan pero dahil nakabalik ka na pala sa bahay, naisip ko na pumunta na lang para kamustahin ka." Tinaas ni Neil ang kamay niya na may hawak na isang basket ng prutas at bula
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status