“Matalinong bata si Aino. Naipaliwanag ko na sa kanya, at naintindihan naman niya,” sabi ni Zayn.“Zayn, diba oras pa ng trabaho? Ano bang ginagawa mo dito? Ano ba kasing tumatakbio sa isip mo?” Kilalang kilala ni Sabrina si Zayn. “A..a…magpapakasal na kami ni Tessa bukas,” sagoti ni Zayn.Sobrang nagulat si Sabrina kaya ilang segundo rin bago siya nakasagot, “Pero bakit parang hindi ka naman masaya?” Huminga ng malalim at walang bahid ng pagsisinungaling na sumagot, “Sabrina, para sayo, sobrang kuripot ko ba? Siguro nasanay lang ako sa buhay natin noon na sobrang hirap kaya medyo naiilang ako sa mga taong magagastos.”“Magastos ba si Tessa?” Tanong ni Sabrina. “Hindi pa naman lumalagpas sa kinikikita ko, pero naka ilang milyong dolyar din kasi siya kahapon,” sabi ni Zayn. “Bukas, gusto pa niyang…”Hindi alam ni Sabrina ang kanyang sasabihin. Biglang kumunot ang kanyang noo at sumagot, “Hmm para sa akin, hindi naman na masyadong malaking issue yun. Sino bang babae ang hindi m
“Nakaranas ka ba ng matinding trauma noon?” Seryosong tanong ng doktor kay Zayn. “Nabalian ako ng mga binti dati. Nagpa-physical therapy ako at inoperahan din ako kaya masasabi ko na nakarecover na ng lubusan ang mga binti ko,” sagot ni Zayn.“Ganun ba… Sabihin nalang natin na parang ganito… Noong nabali ang mga binti mo noon, pwedeng naging dahilan yun ng…” hindi alam ng doktor kung paano nito itutuloy ang gusto nitong sabihin, pero naiintindihan nio Zayn kung ano ang pinupunto nito. Sobrang laking balita nito para kay Zayn. Kahit kailan, hindi niya naisip na posible palang maging dahilan ng pagkabaog niya ang naging aksidente niya noon kaya hindi rin sumagi sa isip niya na magpacheck up… “Pwede pa kayang magamot ito?” Mahinahon niyang tanong. Umiling ang doktor. “Mahirap yan maipangako. Bukod sa hindi ka pwedeng magkaanak, wala naman na akong iba pang nakikitang kailangan nating bigyan ng atensyon.” Hindi nakapagsalita si Zayn. Tinignan niya si Tessa, na halatang nagulat din
Hindi niya maintindihan ni Zayn kung ano ang ibig sabihin ni Tessa. “Parte ka ng Ford Group. Bayaw ka ni Director Ford kaya paano ko pa magagawang magtrabaho sa kumpanya niya?” Walang emosyong sagot ni Tessa. Pinilit ni Zayn na ngumiti. ‘Huwag kang mag-alala. Hindi ako mababaw na tao. Labas ang trabaho mo sa Ford Group sa paghihiwalay natin. Oo, bayaw ko nga siya pero hind naman ibig sabihin na hindi ka na pwedeng magtrabaho sa Ford Group. Bukod doon, hindi rin ganoon ang uri ng tao si Director Ford. Hindi makakaapekto sa kinabukasan mo ang paghihiwalay natin.” Ngumisi si Tesa. “Ang sarap pakinggan ng mga sinabi mo, pero pasensya ka na kasi hindi na ako magpapakatangang makikinig ulit sayo.” Natigilan si Zayn at ilang segundo rin ang lumipas bago siya nakasagot, “Nasa sayo kung ayaw mo ng maniwala sa akin.” “Bayaran mo ako. Kailangan mo akong bayaran para sa lahat ng mawawala sa akin.” Sa wakas, nailabas na rin ni Tessa ang tunay niyang intensyon. Gulat na gulat si Zayn,at
Hindi makapaniwala si Hana. "Ano... anong sinabi mo?" Naramdaman ni Hana base sa ekspresyon ng itsura ni Zayn na sobrang lungkot nito. Malayong malayo sa Zayn na nakilala niya, nakita niyang nagpipigil ito ng luha na tila ba para itong isang kawawang bata na iniwan ng mga magulang. Mangiyak-ngiyak na tumingin si Zayn kay Hana, “Ayaw na sa akin ng anak mo dahil baog ako. Ang sabi ng doktor sa akin, hindi raw ako makakabuo ng anak. Anong klaseng lalaki ako? Wala akong kwentnang tao!’ Ito na siguro ang pinaka masakit na balitang narinig ni Zayn sa loob ng tatlumpung dalawang taon niyang buhay. Noong nabalian siya ng mga binti, six years ago, si Sabrina lang ang umagapay sakanya. Ilang taon din siyang naka wheelchair pero ni minsan, hindi niya naramdaman na naging pabigat siya. Pero noong narinig niya kanina ang sinabi ng doktor, bigla siyang nanghina at pakiramdam niya ay hindi siya karapat dapat na mahalin ng ninuman. Tumingin siya kay Hana nang may sobrang putlang mukha. "O… o
Inilabas ni Zayn ang lahat ng nararamdaman niya sa harap ni Hana. Siguro dahil ito lang ang taong pwede niyang paglabasan. Gustuhin niya mang tumakbo kay Sabrina, natatakot din siya na baka mastress ito lalo na ngayon na buntis pa naman ito. Ganun din sa mga magulang niya… alam niya na malulungkot ang mga ito ng sobra kaya talagang kay Hana lang niya pwedeng ilabas ang lahat. Matapos ang halos kalahating oras na pag iyak, bahagyang kumalma si Zayn. Nahihiya siyang tumingin kay Hana at sinabi, “Madam Sharpe, pasensya ka na at nakita mo pa yun. Wala lang talaga akong ibang matakbuhan.”"Okay lang, Zayn." Mas nakahinga rin ng maluwag si Hana."Huwag mo na akong tawaging Master Zayn, at huwag mo na rin akong tawaging Mister Smith. Zayn nalang.," sabi ni Zayn.Tumango si Hana. "Zayn, huwag ka nang malungkot. Kailangan mong maging malakas. Nandiyan pa rin ang iyong mga magulang na kailangan ng iyong pag-aalaga at pagmamahal, kaya hindi ka pwedeng maging mahina.""Alam ko. Salamat, Miss
Hindi niya kilala nag lalaking nakatayo sa labas ng bahay nila. May dala itong malaking package. "Pwede ko bang malaman kung ikaw si Aino Scott?" tanong ng lalaki.“Hindi, pero ako ang Mommy niya.” sagot ni Sabrina.“Para kasi sakanya ang package na ito. Galing pa ito sa ibang bansa.” Package? Mula noong nagbuntis siya, hindi pa siya ulit nag oorder ng kahit ano online. Kadalasan, sina Ruth at Yvonne lang ang nag-oorder ng mga regalo para kay Aino, pero sa tuwing mangyayari yun ay ang mga ito mismo ang nagdadala sa bahay nila. Medyo nag aalangan si Sabrina, pero sa halip na magtanong pa ay kinuha niya nalang ang package at pumirma sa receiver’s form. Sobrang laki ng package!Pagkatapos maipasok ang kahon, kumuha siya ng kutsilyo para buksan ito. Nanlaki ang mga mata ni Sabrina dahil tumambad sakanya ang lahat ng klase ng magagandang laruan. Kanino kaya ito galing? Sino naman kaya ang bibili ng napakaraming laruan para kay Aino nang sabay-sabay?Naisip ni Sabrina na tawagan s
Samantala, kalmadong sumagot si Sabrina. "Nagpapacheck-up ako! Hindi lang naman siguro mga Ford ang nakakaalam na kailangang magpa check up ng mga buntis, diba? Pumupunta kami ni Sebastian every two weeks kaya hindi niyo na kailangang mag alala.’ "Kung talagang nagpapacheck up ka, bakit hindi mo alam kung lalaki o babae ang magiging apo ko?" tanong ni Sean.Napakunot-noo si Sabrina. "Kailangan ba malaman? Anuman ang kasarian, anak pa rin namin ito ni Sebastian, at kapatid ni Aino. Hindi ba sapat na iyon?""Gayunpaman, wala pa ring tagapagmana ang pamilyang Ford!" "Hindi ba si Aino ang tagapagmana?" tanong ni Sabrina. "Kung sakaling hindi ako nabuntis ulit hindi ba si Aino lang naman din ang magiging tagapagmana ng Ford Group! Walang iba pa!"“Ikaw…” Nangimnginig ang boses ni Sean sa sobrang galit. Sa totoo lang, gusto lang naman talaga niyang bisitahin si Sabrina noong nalaman niyang buntis ito. Sino ba namang mag aakala na aangasan siya nito? Galit na galit na tumayo si Sean, h
Sakto, sabay na pumasok sina Aunt Lewis at Zayn, “Anong nangyari?” Gulat na tanong ni Aunt Lewis.Lumapit si Zayn kay Sabrina. "Sabrina, anong nangyari?Sino ang kaaaway mo? Naririnig ko na galit na galit kang sumisigaw!!"Bakas sa ekspresyon ng mukha ni Zayn ang sobrang pag aalala para kay Sabrina, habang si Sabrina naman ay hawak pa rin ang kanyang phone. “Sino ang dumating.” Tanong ni Holden sa kabilang linya. "Ang kapatid ko," sabi ni Sabrina."Ah yung playboy na naging pabigat sayo ng pitong taon?" tanong ni Holden.Pinilit ni Sabrina na manatiling kalmado. "Kahit kailan, hindi naging pabigat ang kapatid ko sa akin kaya itigil mo yang mga walang kwenta mong pinagsasabi.” “Ahhh oo nga pala! Hindi siya yun. Si Nigel Conor! Yung kaibigan niya. Loko din yung lalaking yun eh. Pero kung ikukumpara kay Sebastian, mas mabuting tao pa rin yung Nigel. Ilang beses ka niyang sinaktan sa loob ng pitong taon! At hindi lang yun! Hinayaan ka rin niyang saktan ng ibang mga tao. Pero anong g