Hindi niya kilala nag lalaking nakatayo sa labas ng bahay nila. May dala itong malaking package. "Pwede ko bang malaman kung ikaw si Aino Scott?" tanong ng lalaki.“Hindi, pero ako ang Mommy niya.” sagot ni Sabrina.“Para kasi sakanya ang package na ito. Galing pa ito sa ibang bansa.” Package? Mula noong nagbuntis siya, hindi pa siya ulit nag oorder ng kahit ano online. Kadalasan, sina Ruth at Yvonne lang ang nag-oorder ng mga regalo para kay Aino, pero sa tuwing mangyayari yun ay ang mga ito mismo ang nagdadala sa bahay nila. Medyo nag aalangan si Sabrina, pero sa halip na magtanong pa ay kinuha niya nalang ang package at pumirma sa receiver’s form. Sobrang laki ng package!Pagkatapos maipasok ang kahon, kumuha siya ng kutsilyo para buksan ito. Nanlaki ang mga mata ni Sabrina dahil tumambad sakanya ang lahat ng klase ng magagandang laruan. Kanino kaya ito galing? Sino naman kaya ang bibili ng napakaraming laruan para kay Aino nang sabay-sabay?Naisip ni Sabrina na tawagan s
Samantala, kalmadong sumagot si Sabrina. "Nagpapacheck-up ako! Hindi lang naman siguro mga Ford ang nakakaalam na kailangang magpa check up ng mga buntis, diba? Pumupunta kami ni Sebastian every two weeks kaya hindi niyo na kailangang mag alala.’ "Kung talagang nagpapacheck up ka, bakit hindi mo alam kung lalaki o babae ang magiging apo ko?" tanong ni Sean.Napakunot-noo si Sabrina. "Kailangan ba malaman? Anuman ang kasarian, anak pa rin namin ito ni Sebastian, at kapatid ni Aino. Hindi ba sapat na iyon?""Gayunpaman, wala pa ring tagapagmana ang pamilyang Ford!" "Hindi ba si Aino ang tagapagmana?" tanong ni Sabrina. "Kung sakaling hindi ako nabuntis ulit hindi ba si Aino lang naman din ang magiging tagapagmana ng Ford Group! Walang iba pa!"“Ikaw…” Nangimnginig ang boses ni Sean sa sobrang galit. Sa totoo lang, gusto lang naman talaga niyang bisitahin si Sabrina noong nalaman niyang buntis ito. Sino ba namang mag aakala na aangasan siya nito? Galit na galit na tumayo si Sean, h
Sakto, sabay na pumasok sina Aunt Lewis at Zayn, “Anong nangyari?” Gulat na tanong ni Aunt Lewis.Lumapit si Zayn kay Sabrina. "Sabrina, anong nangyari?Sino ang kaaaway mo? Naririnig ko na galit na galit kang sumisigaw!!"Bakas sa ekspresyon ng mukha ni Zayn ang sobrang pag aalala para kay Sabrina, habang si Sabrina naman ay hawak pa rin ang kanyang phone. “Sino ang dumating.” Tanong ni Holden sa kabilang linya. "Ang kapatid ko," sabi ni Sabrina."Ah yung playboy na naging pabigat sayo ng pitong taon?" tanong ni Holden.Pinilit ni Sabrina na manatiling kalmado. "Kahit kailan, hindi naging pabigat ang kapatid ko sa akin kaya itigil mo yang mga walang kwenta mong pinagsasabi.” “Ahhh oo nga pala! Hindi siya yun. Si Nigel Conor! Yung kaibigan niya. Loko din yung lalaking yun eh. Pero kung ikukumpara kay Sebastian, mas mabuting tao pa rin yung Nigel. Ilang beses ka niyang sinaktan sa loob ng pitong taon! At hindi lang yun! Hinayaan ka rin niyang saktan ng ibang mga tao. Pero anong g
Nagulat si Holden at bago pa man din siya makapag reavt ay biglang ibinaba ni Zayn ang tawag at galit na sinabi niya kay Sabrina. "Huwag na huwag ka ng sasagot sa mga taong katulad niya sa susunod! I-block mo agad ang kanyang number niya!! Hindi ito local na number kaya madali mong malalaman na siya yan. Bakit ba kasi sinasagot mo pa siya at hinahayaan mong magalit ka?"Hindi nabanggit ni Sabrina kay Zayn na kapatid ni Sebastian ang tumawag, ang kakambal ni Sebastian na kapatid din ni Grace. Sa tingin niya, isa yun sa pinanghuhugutan ni Holden ng sama ng loob dahil hindi man lang nito nakita si Grace bago ito mamatay. Pero hindi naman siya sumasang ayon na masamang tao si Sebastian dahil kahit gaano ito kalupit sa ibang tao, pagdating sa mga kapatid nito ay bigla itong lumalamnoy. Gulat na gulat si Sabrina na nakatitig kay Zayn, at hindi makapaniwalang sinabi, “Zayn… ano bang mga sinabi mo kay Holden? Bakit parang ang tapang tapang mo naman ata…. Te…teka? Nasaan si Tessa? Akala ko
Tumambad sa pintuan ang umiiyak na Aino, kasama ni Sebastian. Agad-agad itong tumakbo papalapit kay Zayn at niyakap ito ng mahigpit. “Uncle Zay, sorry…’Napakamot na lang si ng kanyang Zayn. Noong sandali ding iyon, lumapit si Sebastian kay Zayn. "Alam ko na.""Anong alam mo?" tanong ni Zayn."Kanina, dumating si Tessa sa office para mag submit ng kanyang resignation. Sa sobrang pagmamadali niya, hindi na niya nahintay ang sahod niya para sa buwan na ‘to. Tinanong siya ni Kingston kung may kinalaman ba ito sa iyo at kung iniwan mo ba siya pweo laking gulat daw niya noong tumawa si Tessa at sinabi. 'Kahit na isang bundok pa ng ginto at pilak ang ilagay sa harapan ko, hindi ako magiging isang masayang babae kung baog ang mapapangasawa ko!”Nang makita ni Sebastian na medyo nailang si Zayn, sinubukan niyang mas maging mahinahon, "Ano bang sinabi ng doktor sa iyo? Hindi na daw ba kayang gamutin?”Nang makita ni Zayn na sabay-sabay na nakatitig sina Sebastian, Aino at Sabrina sakanya,
Balak din sanang bigyan ni Zayn ang kapatid niya, pero medyo nag alangan siya. Paano kung marami pala ang maging mga anak ng kapatid niya? Paano kapag nadagdagan pa ang mga anak ni Sabrina? Syempre hindi niya naman pwedeng hindi mabigyan ang iba niya pang mga pamangkin. Habang nasa kalagitnaan ng pagmumuni-muni kung kani-kanino niya hahatiin ang kanyang mga ari-arian, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Maaga siyang nagising kinabukasan. Maganda ang gising niya kaya kumpara kahapon, hindi hamak na mas masigla siya ngayon. Pagkatapos niyang bumangon, nagtoothbrush, nag hilamos at kumain ng mabilisan bago siya bumalik sa ospital Sa hindi inaasahang pagkakataon, wala siyang nadatnan na pasyente sa ward na dinadalaw niya nitong mga nakaraang araw kaya nagpapanic niyang tinawag ang nurse, at kagaya niya, sobrang nagulat din ito. Nasaan ang pasyente?! Bakit nawawala ang pasyente?! Nang sandaling yun, sakto ring nakita ni Zayn si Cecilia na naglalakad papunta sakanya at u
Sa sobrang sakit ng pagkakasampal niya, pati Tessa ay sumakit din ang kamay. Tinignan niya si Hana mula ulo hanggang paa na para bang diring-diri siya rito. Hindi alintana ni Hana ang maraming tao at malutong siyang nagmura, “Hana Sharpe! Walang hiya kang babae ka! Hanggang kailan ka ba magpapanggap? Pasalamat ka at sampal lang angt inabot mo sa akin. Dapat lang yan sayo! Para maalala mo kung gaano kakapal ang mukha mo. Makinig ka! Hindi kita nanay at kahit kailan, hinding hindi kita kikilalanin bilang nanay! At ano yang pinuputok ng busti mo? Gusto mong ibalik ko sa lalaking yun ang pera niya? Bakit? May relasyon ba kayo? Ha ha! Siya nga mismo hindi ako sinisingil tapos heto ikaw? Gumagawa ng eksena para pilitin akong ibalik ang pera buong puso namang binigay sa akin?!” Galit na galit si Tessa. “Hana Sharpe, ano ba ang relasyon niyo ng lalaking yun? At sino ka ba sa inaakala mo para utos-utusan ako? Tama si Daddy! Isa kang malanding babae! P*kp*k! Baka nakalimutan mo na kung paano
Yumuko si Hana sa sobrang hiya. “Pasensya ka na, Mr. Smith. Pumunta ako dito para sabihan ang anak ko na ibalik sayo ang mga pera mo. Nakakahiya lang na hiwalay na kayo pero ang dami niya pa ring kinuha sayo.” Ramdam sa tono ng boses ni Hana ang sobra sobrang hiya. “Pasensya na po talaga.” Pagkatapos, tahimik siyang tumalikod at naglakad papalayo.” "Saan ka pupunta?" tanong ni Zayn.Hindi makapaniwala si Tessa sa eksenang nakikita niya. Maging si Hector ay gulat na gulat rin. “Hindi na ako babalik dito. Mula ngayon, hindi ko na hahabulin si Tessa at kakalimutan ko na rin na anak ko siya. Kahit pa magkasalubong kami balang araw, hindi ko na siya papansinin at kahit hanggang sa mga huli kong sandali, hinding hindi ako lalapit sakanya.” Sobrang bigat ng puso ni Hana. Dalawampu’t dalawnang taon niyang minahal si Tessa. Maiintindihan niya kung may sama ito ng loob sakanya pero ang hindi niya matanggap ay ang umabot pa sa punto na walang awa siyang sinampal at sinumpa nito na para bang