Nagulat din si Hector, pero bandang huli ay ngumiti nalang din siya kay Zayn, “Iho, kilala mo ba ako? Ah alam ko na! Siguro isa ka sa mga naging suki ko no? Hindi ko akalain na ikaw ang magiging son-in-law ko, pero isa lang ang masasabi ko, ang galing mong pumili ah! Marami talagang nagkakagusto dito sa anak ko dahil bukod sa napaka ganda na, grumaduate din siya sa isang magandang university at ngayon naman ay nagtatrabaho na siya sa pinaka malaking company sa South City!” “Mister Caven, ako po si Zayn Smith, ang director ng Smith Group. Sigurado po ako na narinig niyo na ang company naming, tama?” Kalmadong tanong ni Zayn. Kasalukuyang nagbabalat ng sibuyas si Hector at nang sandaling marinig niya ang sinabi ni Zayn, bigla niyang nabitawan ang hawak niyang sibuyas. Napalunok siya habang gulat na gulat na nakatingin kay Zayn, at nahihiyang ngumiti kay Tessa. “Ikaw talagang bata ka, bakit naman hindi mo sa akin sinabi na…na sobrang yaman pala ng boyfriend mo! Sobrang ginulat mo nama
Hindi alam ni Zayn kung anong sasabihin niya. Sa sobrang galit niya, gusto niya nalang matawa. ‘Ano bang ginagawa ng lalaking ‘to?’“Tumayo ka nga diyan.”Pero walang plano si Hector na tumayo, “Director Zayn, gusto ko po kayong makausap dahil gusto kong sabihin sainyo na sobrang pinagsisihan ko po talaga ang nangyari noon. Sa totoo lang, sa tingin ko po ay nakarma ako ng sobra noong nagkasakit ako ng malala at para turuan ang sarili ko ng leksyon, pinutol ko po ang hinliliit ko para palagi kong maalala ang nangyari. Itininaas ni Hector ang kanyang kamay at ipinakita kay Zayn. Totoo ang sinabi nito… talaga ngang pinutol nito ang hinliliit nito pero hindi nag’react si Zayn.Nagpatuloy si Hector, “Mula nun, sinubukan ko talagang maging isang mabuting tao at itinuon ko nalang ang pansin ko sa nanay at sa anak ko. Sakanila na umikot ang mundo ko. Wala akong ginawang kahit anong ilgal at kung hindi ka naniniwala sa akin, handa akong samahan ka sa pulis para icheck ang police record ko.
Muling huminga ng malalim si Hector, “Hindi ko alam. Kung saan saan na siya nakapunta kasi wala naman siyang permanenting trabaho at tinutuluyan. Isa siyang tipo ng babae na sobrang walang pangarap, kaya hindi talaga siya karapat-dapat na maging isang ina. Habang sinsabi yun ni Zayn, naalala niya yung babaeng nakita niya kanina sa labas ng Ford Group. Sobrang putla ng mukha nito, pero wala naman sa awra nito na mahilig magpasarap… Pero sa totoo lang, pinipigilan niya ring magsalita dahil hindi naman talaga siya sigurado kung yun ba talaga ang nanay ni Tessa. “Paano ba kayo nagkakilala ng nanay ni Tessa?”Gulat na gulat si Hector. “Ba-bakit mo kailangang tanungin ang mga bagay na ‘to?” Ramdam sa boses ni Hector na sobrang kinakabahan siya. Bahagyang ngumiti si Zayn, at walang padalos-dalos na sinabi, “Sa totoo lang, nabalitaan ko na hinaharass si Tessa. Sa tingin ko nanay niya yung may gawa. “Ano? Wag na wag lang siyang magpapakita sa akin dahil baka mapatay ko siya!” Galit na
“Ang pinaka naging dagok siguro naming ay yung sampung taon naming agwat. Mahal na mahal ko siya at hindi nagtagal, nagbunga ang pagmamahalan naming. Walang kapantay ang saya naming noon kasi yun lang naman ang pangarap naming eh… ang magka anak…”Natigilan si Hector at huminga ng malalim bago siya nagpatuloy ng may pagalit na tono. “Sino ba namang mag aakala na…”Ramdam ni Zayn ang bigat sa loob ni Hector. Hindi na bago sakanya ang mga narinig niya, pero kumpara sa mga kwento ni Tessa, sobrang mas detalyado ang naging kwento ni Hector. “Anong nangyari?” Tanong ni Zayn. “Nakakahiya! Nakakahiya talagaang ginawa niya!” Nagbuntong hininga si Hector at nahihiyang tumingin kay Zayn. “Sige nga, sabihin mo sa akin kung sinong lalaki ang kakayaning tanggapin ang ginawa niya? Sobrang bait ko sakanya. Inalagaan ko siya at binayaran ang mga utang niya. Sobrang saya naming apat eh, pero….pero… bakit nagawa niyang manlalaki? Kitang kita ng dalawa kong mga mata na may kasama siyang ibang lalak
Napalunok si Hector sa sobrang gulat. “Si..sinabi ba sayo ‘to ni Tessa?” Ngumiti si Zayn at kalmadong sumagot, “Hindi. Diba ikaw din ang nagsabi na eighteen palang yung nanay ni Tessa noong nagkakilala kayo kaya hindi mo pa siya pwedeng pakasalan?” “Ah, oo tama. Dahil masyado pa siyang bata noon, hindi pa kami pwedeng magpakasal, pero mag asawa naman ang naging turingan naming noon.”Tumango si Zayn. “Alam ko.” Natigilan siya sandali bago siya nagpatuloy, “Kahit anong mangyari, siya pa rin ang nanay ni Tessa kaya baka naman madaan pa natin ‘to sa usapan. Titignan ko kung anong pwede kong gawin. Plano kong kitain siya.”“Zayn, sobrang bait mo.” Sabi ni Tessa. “Diba ikaw ang nagsabi na magiging son-in-law na ako ng pamilyang ‘to? Ginagawa ko lang ang responsibilidad ng isang son-in-law.” Sagot si Zayn. Nagtawanan ang lahat. Sobrang saya Tessa na sumandal pa siya sa balikat ni Zayn sa harapan ng lola at tatay niya. Pero sa kabila ng masayang tawanan, may ibang iniisip si Zayn. B
“Sige, maghahanap ako ng mairereto ko sayo.” Sagot ni Tessa.“Gusto ko matured at mayaman ah!”Natawa si Tessa. “Okay lang ba kahit mga twenty years ang tanda sayo?” “Okay lang! Mas mature, mas masaya! Bakit? Twelve years naman ang pagitan niyo ni Director Zayn ah kaya hindi rin naman ganun kalayo ang twenty years.”“Hahaha. Ano ba talagang hanap mo? Daddy o Asawa?” “Pfft…”Mukha lang silang nagbibiruan pero seryoso talaga ang mga katrabaho ni Tessa. Totoong naiinggit ang mga ito sakanya sa pagkakaroon ng boyfriend na kagaya ni Zayn dahil bukod sa sobrang gwapo na nito, sobrang yaman din kaya sinong babae naman ang hindi talaga maiinggit sakanya? Sobrang saya ni Tessa sa papuring natatanggap niya mula sakanyang mga kasamahan. Sa Ford Group, wala silang eksaktong oras kung anong oras sila pwedeng umuwi, pero noong araw na yun, sobrang nag enjoy si Tessa kaya hindi siya nagmadali at nakayakap lang siya sa braso ni Zayn. “Zayn, gusto kong malaman ng buong mundo na ako ang girl
Biglang kinilabutan si Tessa nang marinig niya ang boses ng babae. Sabay silang lumingon at kagaya ng inaasahan ni Zayn, ang babaeng sumigaw ay pareho sa babaeng nakita niya sa labas ng Ford Group na nirereto sakanya ni Aino noong isang lingo. Bukod sa mas mukha itong galit ngayon, wala itong pinagbago- maging ang suot nitong damit. “Ikaw?” Gulat na gulat na tanong ni Zayn. Hindi pinansin ng babae si Zayn, bagkus, tumingin siya kay Tessa at nakakunot ang noo na sinabi, “Tessa, ang tanda tandan a ng lalaking yan oh. Hindi kayo bagay sa isa’t-isa! Hindi ka ba pwedeng humanap ka nalang ng kaedad mo?” Noong oras na yun, hindi na napiglan ni Tessa na maiyak sa sobrang galit, “Ikaw…ma-matay ka na! Bakit hindi ka pa mamatay?! Mamatay ka na! Ayoko sayo! Umalis ka dito! Mamatay ka na!” Sa sobrang galit ni Tessa, wala na siyang pakielam sa imahe niya sa harapan ni Zayn. Hindi niya inakala na aabot ang kakapalan ng mukha ni Hana sa puntong lalapit na talaga ito sakanya. Kahit na nasigaw
Tumingin si Tessa kay Zayn at umiiyak na parang batang nagsusumbong, “Zayn! Bakit mo ako pinapatigil? Hindi ba dapat siya yung pinapaalis mo? Yang babaeng yan na ata ang pinaka masamang taong nakilala mo sa buong buhay ko! Iniwan niya ako! Ako at ang daddy ko! Kinaya ko na walang nanay noong mga panahong kailangang kailangan ko, tapos ngayon bigla siyang babalik at magpapanggap na concern sa akin? Nakakatawa!”Hindi nakapag salita si Zayn. Anong sasabihin niya? Hindi niya naman sin masisi si Tessa dahil naiintindihan niya na may malalim itong pinaghuhugutan.“Hoy walang kwentang babae! Ano pang ginagawa mo dito? Hihintayin mo pa atang ipabugbog kita eh?” Nanlilisik ang mga mat ani Tessa na nakatitig kay Hana, na nakasalampak sa sahig.“Tessa…ayaw…ayaw lang naman kitang mapahamak, anak….”“Layas!” “Lumayas ka! Lumayas ka na ngayon mismo! Galit ako! Galit na galit ako sayo sa ginawa mo sa daddy ko!” Habang galit na galit na sumisigaw si Tessa, may biglang tumulak sakanyang malakas