Muling huminga ng malalim si Hector, “Hindi ko alam. Kung saan saan na siya nakapunta kasi wala naman siyang permanenting trabaho at tinutuluyan. Isa siyang tipo ng babae na sobrang walang pangarap, kaya hindi talaga siya karapat-dapat na maging isang ina. Habang sinsabi yun ni Zayn, naalala niya yung babaeng nakita niya kanina sa labas ng Ford Group. Sobrang putla ng mukha nito, pero wala naman sa awra nito na mahilig magpasarap… Pero sa totoo lang, pinipigilan niya ring magsalita dahil hindi naman talaga siya sigurado kung yun ba talaga ang nanay ni Tessa. “Paano ba kayo nagkakilala ng nanay ni Tessa?”Gulat na gulat si Hector. “Ba-bakit mo kailangang tanungin ang mga bagay na ‘to?” Ramdam sa boses ni Hector na sobrang kinakabahan siya. Bahagyang ngumiti si Zayn, at walang padalos-dalos na sinabi, “Sa totoo lang, nabalitaan ko na hinaharass si Tessa. Sa tingin ko nanay niya yung may gawa. “Ano? Wag na wag lang siyang magpapakita sa akin dahil baka mapatay ko siya!” Galit na
“Ang pinaka naging dagok siguro naming ay yung sampung taon naming agwat. Mahal na mahal ko siya at hindi nagtagal, nagbunga ang pagmamahalan naming. Walang kapantay ang saya naming noon kasi yun lang naman ang pangarap naming eh… ang magka anak…”Natigilan si Hector at huminga ng malalim bago siya nagpatuloy ng may pagalit na tono. “Sino ba namang mag aakala na…”Ramdam ni Zayn ang bigat sa loob ni Hector. Hindi na bago sakanya ang mga narinig niya, pero kumpara sa mga kwento ni Tessa, sobrang mas detalyado ang naging kwento ni Hector. “Anong nangyari?” Tanong ni Zayn. “Nakakahiya! Nakakahiya talagaang ginawa niya!” Nagbuntong hininga si Hector at nahihiyang tumingin kay Zayn. “Sige nga, sabihin mo sa akin kung sinong lalaki ang kakayaning tanggapin ang ginawa niya? Sobrang bait ko sakanya. Inalagaan ko siya at binayaran ang mga utang niya. Sobrang saya naming apat eh, pero….pero… bakit nagawa niyang manlalaki? Kitang kita ng dalawa kong mga mata na may kasama siyang ibang lalak
Napalunok si Hector sa sobrang gulat. “Si..sinabi ba sayo ‘to ni Tessa?” Ngumiti si Zayn at kalmadong sumagot, “Hindi. Diba ikaw din ang nagsabi na eighteen palang yung nanay ni Tessa noong nagkakilala kayo kaya hindi mo pa siya pwedeng pakasalan?” “Ah, oo tama. Dahil masyado pa siyang bata noon, hindi pa kami pwedeng magpakasal, pero mag asawa naman ang naging turingan naming noon.”Tumango si Zayn. “Alam ko.” Natigilan siya sandali bago siya nagpatuloy, “Kahit anong mangyari, siya pa rin ang nanay ni Tessa kaya baka naman madaan pa natin ‘to sa usapan. Titignan ko kung anong pwede kong gawin. Plano kong kitain siya.”“Zayn, sobrang bait mo.” Sabi ni Tessa. “Diba ikaw ang nagsabi na magiging son-in-law na ako ng pamilyang ‘to? Ginagawa ko lang ang responsibilidad ng isang son-in-law.” Sagot si Zayn. Nagtawanan ang lahat. Sobrang saya Tessa na sumandal pa siya sa balikat ni Zayn sa harapan ng lola at tatay niya. Pero sa kabila ng masayang tawanan, may ibang iniisip si Zayn. B
“Sige, maghahanap ako ng mairereto ko sayo.” Sagot ni Tessa.“Gusto ko matured at mayaman ah!”Natawa si Tessa. “Okay lang ba kahit mga twenty years ang tanda sayo?” “Okay lang! Mas mature, mas masaya! Bakit? Twelve years naman ang pagitan niyo ni Director Zayn ah kaya hindi rin naman ganun kalayo ang twenty years.”“Hahaha. Ano ba talagang hanap mo? Daddy o Asawa?” “Pfft…”Mukha lang silang nagbibiruan pero seryoso talaga ang mga katrabaho ni Tessa. Totoong naiinggit ang mga ito sakanya sa pagkakaroon ng boyfriend na kagaya ni Zayn dahil bukod sa sobrang gwapo na nito, sobrang yaman din kaya sinong babae naman ang hindi talaga maiinggit sakanya? Sobrang saya ni Tessa sa papuring natatanggap niya mula sakanyang mga kasamahan. Sa Ford Group, wala silang eksaktong oras kung anong oras sila pwedeng umuwi, pero noong araw na yun, sobrang nag enjoy si Tessa kaya hindi siya nagmadali at nakayakap lang siya sa braso ni Zayn. “Zayn, gusto kong malaman ng buong mundo na ako ang girl
Biglang kinilabutan si Tessa nang marinig niya ang boses ng babae. Sabay silang lumingon at kagaya ng inaasahan ni Zayn, ang babaeng sumigaw ay pareho sa babaeng nakita niya sa labas ng Ford Group na nirereto sakanya ni Aino noong isang lingo. Bukod sa mas mukha itong galit ngayon, wala itong pinagbago- maging ang suot nitong damit. “Ikaw?” Gulat na gulat na tanong ni Zayn. Hindi pinansin ng babae si Zayn, bagkus, tumingin siya kay Tessa at nakakunot ang noo na sinabi, “Tessa, ang tanda tandan a ng lalaking yan oh. Hindi kayo bagay sa isa’t-isa! Hindi ka ba pwedeng humanap ka nalang ng kaedad mo?” Noong oras na yun, hindi na napiglan ni Tessa na maiyak sa sobrang galit, “Ikaw…ma-matay ka na! Bakit hindi ka pa mamatay?! Mamatay ka na! Ayoko sayo! Umalis ka dito! Mamatay ka na!” Sa sobrang galit ni Tessa, wala na siyang pakielam sa imahe niya sa harapan ni Zayn. Hindi niya inakala na aabot ang kakapalan ng mukha ni Hana sa puntong lalapit na talaga ito sakanya. Kahit na nasigaw
Tumingin si Tessa kay Zayn at umiiyak na parang batang nagsusumbong, “Zayn! Bakit mo ako pinapatigil? Hindi ba dapat siya yung pinapaalis mo? Yang babaeng yan na ata ang pinaka masamang taong nakilala mo sa buong buhay ko! Iniwan niya ako! Ako at ang daddy ko! Kinaya ko na walang nanay noong mga panahong kailangang kailangan ko, tapos ngayon bigla siyang babalik at magpapanggap na concern sa akin? Nakakatawa!”Hindi nakapag salita si Zayn. Anong sasabihin niya? Hindi niya naman sin masisi si Tessa dahil naiintindihan niya na may malalim itong pinaghuhugutan.“Hoy walang kwentang babae! Ano pang ginagawa mo dito? Hihintayin mo pa atang ipabugbog kita eh?” Nanlilisik ang mga mat ani Tessa na nakatitig kay Hana, na nakasalampak sa sahig.“Tessa…ayaw…ayaw lang naman kitang mapahamak, anak….”“Layas!” “Lumayas ka! Lumayas ka na ngayon mismo! Galit ako! Galit na galit ako sayo sa ginawa mo sa daddy ko!” Habang galit na galit na sumisigaw si Tessa, may biglang tumulak sakanyang malakas
Hindi nagtagal, si Zayn na ang bumasag ng katahimikan at pinagalitan niya si Aino. “Aino, kung ano-anong pinagsasabi mo jan!”Sobrang nasaktan si Aino sa pagsigaw sakanya ng kanyang uncle kaya umiyak siya. “Bakit mo ako pinapagalitan! Magaling akong kumilatis at nagdesisyon na ako na siya ang gusto kong maging auntie! Ayoko kay Tessa!” Nang marinig yun ni Tessa, hindi niya rin napigilang umiyak at muli, nanlilisik ang kanyang mga mat ana tumingin kay Hana, na nakasalampak pa rin sa sahig, Hoy Hana Sharpe! Hindi ka ba talaga nahihiya? Kunwari ka pa na concern sa akin pero si Zayn lang pala talaga ang habol mo! Ano? May gusto ka rin sa boyfriend ko? At sa sobrang pagkadesperada mo, maging yung bata dinamay mo pa? Wala ka na ba talagang hiya? Ang kapal-kapal ng mukha mo!” Hindi alam ni Hana kung paano siya sasagot, “A…a..”Ano ba kasing ginawa niyang kasalanan? Ni hindi niya nga kilala ang batang nasa harapan niya ngayon at nagtanggol sakanya. Wala rin siyang alam tungkol kay Zayn b
“Kingston,” Tawag ni Sebastian.“Ano po yun, Master Sebastian?” Alertong sagot ni Kingston. “Dalhin mo si Aino at itong babae sa sasakyan.”“Opo, Master Sebastian!” Bago pa man din bumaba si Sebastian, naikwento na sakanya ni Kingston ang nangyari, at kagaya din ng katayuan ni Zayn, awang awa rin ito sa babaeng nakasalampak sa sahig, pero hindi rin naman sila pwedeng basta-bastang pumanig sa kung kanino dahil hindi rin naman nila alam ang buong kwento kung bakit ganun nalang din kagalit si Tessa dito. Pero isa lang ang malinaw para kay Sebastian, sobrang hinahangaan niya ang anak niya dahil bilang tatay nito, nararamdaman niya na mabuti ang intension nito.Sa murang edad ni Aino, naranasan nito na mag pagala-gala kasama sina Sabrina at Zayn kaya siguro ganun nalang kababa ang loob nito nang makita ang babae. Kung ganun, paano naman magagawa ni Sebastian na magalit sa anak niya kung napaka puro naman ng intensyon nito. Hindi man sinabi ni Aino ng direkta, sigurado si Sebastian na
"Lahat kayo ay inakusahan ako! Ako, at si Ryan Poole, at iiyak na lang dito!"Sa sandaling iyon, wala kang mapapansing bahid ng pagkapiyok sa tinig ni Ryan. Alam ni Sabrina na nagmamalaki lang siya. Siya'y lubos na nagmamalaki."Dalhin mo kami agad kay Ruth! Kung hindi mo kami ipapakita ang daan, bubugbugin kita ng husto!" sabi ni Sabrina na puno ng inis."Sige ba! Aunt Sabrina!" Tumalikod si Ryan at tumungo papunta sa ward."Sandali, Ryan. Sandali!" Tawag muli ni Sabrina. Lumingon si Ryan at tumingin kay Sabrina. "Anong mayroon?""Sabihin mo muna sa akin, mayroon ka bang mga lalaki, babae, o kambal?""Hindi ko sasabihin! Hindi ko muna sasabihin! Hindi ko lang sasabihin sa iyo!" Sinabi ni Ryan na may walang katulad na bastos na ekspresyon.Napakayabang ni Ryan na nagawa pa niyang humini sa tono. Nainis doon si Sabrina at kahit ang grupo ng tao sa likod niya ay sobra rin nakaramdam ng galit at gulat. Gayunpaman, nang makitang naging ama lang si Ryan noong araw na iyon, hindi ni
Nakatayo mag-isa si Ryan sa labas ng delivery room at kakaiba ang kanyang ekspresyon. Takot na takot si Sabrina at sobra ang kalabog ng kanyang puso. Hinawakan niya si Ryan at nagtanong, "Nasaan si Ruth? Bakit hindi ko naririnig ang sigaw niya? Sabihin mo sa akin, kumusta si Ruth?"Tinaas ni Ryan ang mga kilay niya at tumingin kay Sabrina. "Alam mo ba, Aunt Sabrina?""Ano?" tanong ni Sabrina. "Si Ruth... pagkatapos niyang madala sa delivery room, inabot ng hindi aabot... hindi aabot ng isang oras at pinanganak niya ang dalawang bata!"Hindi nakapagsalita si Sabrina. Napatigil din si Sebastian."Walang sakit na naramdaman si Ruth, alam mo ba 'yon? Hindi pa ako kailanman nakakita nang ganoong kabilis na pagpapanganak, Aunt Sabrina. Talagang nirerespeto ko noon noong ikaw, si Aunt Jane, at ang asawa ni Zayn na si Hana, noong nanganak, lahat kayo ang pineke ang mahirap na proseso. Hahaha..."Walang masabi si Sabrina. Pagkatapos ng mahabang panahon, tinaas niya ang kanyang kamay at
Bago pa malaman ng kahit na sina, agad binuhat ni Ryan ang asawa niya at nagmadali palabas nang nagmamadali. Ang lahat sa kasal at masasabi na agad kung anong nangyayari. Tumabi sila nang sa dalawang grupo kasama ang isang grupo na umatras sa kasal ni Yvonne at ang iba ay sinundan si Ryan sa kasal. Doble ang saya ni Yvonne sa araw na iyon. Hindi dahil sa kasal niya lang, pero pati na rin dahil manganganak na ang kaibigan niya. Nadala pa rin ang kasal sa isang sobrang buhay kasiyahan. Pagkatapos matapos ang kasal at hinatid na nila si Yvonne at Marcus paalis para matapos na nila ang kasal pagkatapos ay si Sabrina at ang iba pang mga tao ay pumunta sa hospital. Hindi maikukumpara ang pag-alala ni Sabrina sa buong biyahe niya papuntang hospital. Dahil iyon din ang unang pagkakataon na manganganak si Ruth at kambal pa ito, hindi lang alam ni Sabrina kung magiging maayos ang magiging delivery ito at kung cesarean na seksyon ba ang kailangan. Sa buong paglalakbay, pinipilit ni Sabrina si
Hindi makapaniwalang tumingin si Old Master Shaw kay Yvonne. "Anak ko, pinag-isipan mo na ba ito nang mabuti? Hindi ka na ba... natatakot sa akin? Hindi ka na ba... galit sa akin?"Nakaramdam ng hiya si Yvonne. "Alam mo po 'yon?""Siyamnapung taon na ako. Magiging matandang halimaw na ako. Ano pa ba ang hindi ko malalaman? Inisip ko na ito. Kung ayaw mo sa akin, pupunta ako sa nursing na pabahay pagkatapos niyang makasal ni Marcus..." sabi ni Old Master Shaw. "Hindi..." Hindi ganoo'ng kawalang puso si Yvonne. "Pasensya na. Malapit ako kay Sabrina at natuklasan ko ang maraming tao na abusuhin at pahiyain siya. Mula nung mga impostora mo pong mga apo na patuloy siyang sini-set up para paulit-ulit na abusuhin si Sabrina. Talagang galit ako sayo nang sobra mula noon. Hindi mo maiisip kung paano tumakas si Sabrina at ang kanyang ina nang may ngipin sa mga balat nila. Sobrang nakakaawa sila. Kaya, sa mahabang panahon, natatakot po ako sa'yo dahil...""Simula ngayon, nag-iba na ang opinyon
Kahit na takot si Yvonne magpakasal, siya ang pinakamasaya sa lahat ng mga babae. Simula pagkabata, Parehas na minahal si Yvonne ng kanyang mama at papa, at kahit ang kanyang tito, tita, at pinsan ay minahal din siya ng sobra. Hindi kailanman nagdusa ng kahit anong paghihirap at pagdurusa si Yvonne sa paglaki niya. Lumaki siyang malambing na babae sa pamilya.Ang relasyon niya kay Marcus ang tanging nagparamdam sa kanya ng pagkagipit. Tulad ng naramdaman niya mula kay Old Master Shaw. Ito ay dahil nasaksihan niya kung paano malupit na tratuhin ni Old Master Shaw si Sabrina na siyang sobrang nakaramdam ng takot si Yvonne kay Old Master Shaw. Habang lumilipas ang panahon, kahit si Old Master Shaw ay naramdaman ang takot niya sa kanya. Sa isang pagkakataon, kumuha na ng inisyatibo si Old Master Shaw na tanungin si Yvonne, "Anak ko, para kang isang takot na maliit na uwak. Bakit sa tuwing nakikita mo ako ay lilingon ka sa iba at hindi makapagsalita kahit na isang katiting na salita sa a
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ryan.“Sa kasalukyan, buntis ang aking pinakamamahal na asawa ng kambal! Isipin niyo yun! Nabuo ang kambal namin habang sobrang abala siya sa pagdadraft ng architectural design! Ang galing ng asawa ko diba?” Masayang sabi ni Ryan. Dahil dito, biglang namula si Ruth. Siya ang bride kaya kung siya ang papapiliin, ayaw niya muna sanang iaannounce na buntis siya! Pero huli na ang lahat dahil saktong sakto ang sinabi ni Ryan para sindakin ang mga mayayabang na babaeng pinagtatawanan siya kanina. Sobrang laki ng benepisyo ng ginawa ni Ryan dahil may tradisyon sa KIdon City na sa araw ng kasal, ipapahiya ng mga bisita ang bride. Pero ngayong sinabi na ni Ryan na buntis siya, wala ng naglakas ng loob na gawin yun!Sobrang engrande ng kasal nina Ruth at Ryan, kaya sobrang nakatulong ito sa confidence ni Ruth. Alam niya na kumpara sa asawa nina Jane at Sabrina, hindi hamak na mas mababa si Ryan, pero dahil hindi naman nagkaroon ng engrandeng kasal ang mga ito
”Tamaaa! Pero ano pa nga bang magagawa natin. Siya ang type ng young prince kaya kahit na sumalampak pa tayo dito, wala na tayong magagawa.” “May naisip ako! Bakit kaya hindi natin batiin ng bagong kasal ng Spanish mamaya? Tignan natin kung anong magiging reaksyon niya.” “Uy, gusto ko yang ideya na yan.”“Haha! Gusto ko siyang makita na mamula sa kahihiyan.” “Eto nga… balita ko napaka baba daw ng self esteem niya.”“Haha! Tara batiin na natin siya..”Galing sa mga prominenteng pamilya ang grupo ng mga babae. Hindi sila maawat sa paguusap at pagtatawanan habang naglalakad papunta sa direksyon ni Ruth. Nang oras na yun, kasalukuyang nakikipag usap si Ruth sa mga Poole. Hindi naman siya nakakaramndam ng anumang kaba at takot dahil kagaya nga ng sinabi ni Sabrina, wedding niya yun at siya ang host kaya tama lang na kausapin niya ang mga bisita nila.Noong malapit na ang grupo ng mga magagandang babae kay Ruth, sakto namang may dumating na isang napaka gwapong foreigner na nakas
Ika-labing-apat ng Pebrero noon at malamig ang panahon. Subalit para sa Grand Enigma Hotel, ito ay tila nasa kalagitnaan ng tagsibol. Maraming magagandang babae at mga marilag na babae mula sa iba't ibang panig ng bansa ang nagtipon sa marilag na hotel na iyon. Ngunit ang pinakamagandang babae sa araw na iyon ay ang bungang-bisig na si Ruth.Normal na sobrang lamig tuwing February 14, pero pinainit ng mga nagagandahan at eleganteng kababaihan ang Grand Enigma Hotel. Siyempre, ang pinaka maganda sa lahat ay walang iba kundi ang bride na si Ruth. Ang wedding dress na suot niya ay nagkakahalaga ng mahigit one million dollar na personal na dinesign at pinatahi ni Sabrina sa ibang bansa. Sahill hindi nakasuot ng magandang wedding dress, gusto niyang maranasan ito ni Ruth. Habang nakaupo sa dressing room, hindi napigilan ni Ruth na humagulgol. “Sabrina, sobrang swerte ko talaga na nkilala ko kayo. Maaga akong nawalan ng mga magulang at pamilya kaya kung hindi dahil sainyo ni Yvonne, bak
Noong nine years old ako, sobrang hirap ng pamilya namin na hindi kami makabili ng sapatos. Nagkataon, isang araw nakita ko nag nagtapon ka ng sapatos sa basurahan. Hinintay kitang umalis bago ako lumapit, pero bumalik ka at kinuha mo sa akin yung sapatos. Ginawa mo akong katatawanan. Ang sabi mo sa akin, kumahol ako na parang aso, pagkatapos, naaliw ka at marami ka pang ibang pinagawa sa akin. Siyempre, bata pa ako nun at gustong gusto ko na magkaroon ng bagong sapatos kaya ginawa ko lahat ng mga pinagawa mo.”Hindi nakapag salita si Lily. Naalala niya yun. Noong mga panahon na yun, bilang anak ng isang mayamang pamilya, hindi niya naman kailangang personal na magtapon sa basurahan, pero nang makita niyang may nagkakalkal ng basura na kaedaran niya, naisip niya na mukhang masayang pag tripan ito kaya kumuha siya ng isang pares ng luma niyang sapatos bilang pain. Hindi naman ikinakaila ni Lily na sobrang natuwa siya sa ginawa niya at para sakanya wala lang yun. Sa totoo lang, ang bu