Napalunok si Hector sa sobrang gulat. “Si..sinabi ba sayo ‘to ni Tessa?” Ngumiti si Zayn at kalmadong sumagot, “Hindi. Diba ikaw din ang nagsabi na eighteen palang yung nanay ni Tessa noong nagkakilala kayo kaya hindi mo pa siya pwedeng pakasalan?” “Ah, oo tama. Dahil masyado pa siyang bata noon, hindi pa kami pwedeng magpakasal, pero mag asawa naman ang naging turingan naming noon.”Tumango si Zayn. “Alam ko.” Natigilan siya sandali bago siya nagpatuloy, “Kahit anong mangyari, siya pa rin ang nanay ni Tessa kaya baka naman madaan pa natin ‘to sa usapan. Titignan ko kung anong pwede kong gawin. Plano kong kitain siya.”“Zayn, sobrang bait mo.” Sabi ni Tessa. “Diba ikaw ang nagsabi na magiging son-in-law na ako ng pamilyang ‘to? Ginagawa ko lang ang responsibilidad ng isang son-in-law.” Sagot si Zayn. Nagtawanan ang lahat. Sobrang saya Tessa na sumandal pa siya sa balikat ni Zayn sa harapan ng lola at tatay niya. Pero sa kabila ng masayang tawanan, may ibang iniisip si Zayn. B
“Sige, maghahanap ako ng mairereto ko sayo.” Sagot ni Tessa.“Gusto ko matured at mayaman ah!”Natawa si Tessa. “Okay lang ba kahit mga twenty years ang tanda sayo?” “Okay lang! Mas mature, mas masaya! Bakit? Twelve years naman ang pagitan niyo ni Director Zayn ah kaya hindi rin naman ganun kalayo ang twenty years.”“Hahaha. Ano ba talagang hanap mo? Daddy o Asawa?” “Pfft…”Mukha lang silang nagbibiruan pero seryoso talaga ang mga katrabaho ni Tessa. Totoong naiinggit ang mga ito sakanya sa pagkakaroon ng boyfriend na kagaya ni Zayn dahil bukod sa sobrang gwapo na nito, sobrang yaman din kaya sinong babae naman ang hindi talaga maiinggit sakanya? Sobrang saya ni Tessa sa papuring natatanggap niya mula sakanyang mga kasamahan. Sa Ford Group, wala silang eksaktong oras kung anong oras sila pwedeng umuwi, pero noong araw na yun, sobrang nag enjoy si Tessa kaya hindi siya nagmadali at nakayakap lang siya sa braso ni Zayn. “Zayn, gusto kong malaman ng buong mundo na ako ang girl
Biglang kinilabutan si Tessa nang marinig niya ang boses ng babae. Sabay silang lumingon at kagaya ng inaasahan ni Zayn, ang babaeng sumigaw ay pareho sa babaeng nakita niya sa labas ng Ford Group na nirereto sakanya ni Aino noong isang lingo. Bukod sa mas mukha itong galit ngayon, wala itong pinagbago- maging ang suot nitong damit. “Ikaw?” Gulat na gulat na tanong ni Zayn. Hindi pinansin ng babae si Zayn, bagkus, tumingin siya kay Tessa at nakakunot ang noo na sinabi, “Tessa, ang tanda tandan a ng lalaking yan oh. Hindi kayo bagay sa isa’t-isa! Hindi ka ba pwedeng humanap ka nalang ng kaedad mo?” Noong oras na yun, hindi na napiglan ni Tessa na maiyak sa sobrang galit, “Ikaw…ma-matay ka na! Bakit hindi ka pa mamatay?! Mamatay ka na! Ayoko sayo! Umalis ka dito! Mamatay ka na!” Sa sobrang galit ni Tessa, wala na siyang pakielam sa imahe niya sa harapan ni Zayn. Hindi niya inakala na aabot ang kakapalan ng mukha ni Hana sa puntong lalapit na talaga ito sakanya. Kahit na nasigaw
Tumingin si Tessa kay Zayn at umiiyak na parang batang nagsusumbong, “Zayn! Bakit mo ako pinapatigil? Hindi ba dapat siya yung pinapaalis mo? Yang babaeng yan na ata ang pinaka masamang taong nakilala mo sa buong buhay ko! Iniwan niya ako! Ako at ang daddy ko! Kinaya ko na walang nanay noong mga panahong kailangang kailangan ko, tapos ngayon bigla siyang babalik at magpapanggap na concern sa akin? Nakakatawa!”Hindi nakapag salita si Zayn. Anong sasabihin niya? Hindi niya naman sin masisi si Tessa dahil naiintindihan niya na may malalim itong pinaghuhugutan.“Hoy walang kwentang babae! Ano pang ginagawa mo dito? Hihintayin mo pa atang ipabugbog kita eh?” Nanlilisik ang mga mat ani Tessa na nakatitig kay Hana, na nakasalampak sa sahig.“Tessa…ayaw…ayaw lang naman kitang mapahamak, anak….”“Layas!” “Lumayas ka! Lumayas ka na ngayon mismo! Galit ako! Galit na galit ako sayo sa ginawa mo sa daddy ko!” Habang galit na galit na sumisigaw si Tessa, may biglang tumulak sakanyang malakas
Hindi nagtagal, si Zayn na ang bumasag ng katahimikan at pinagalitan niya si Aino. “Aino, kung ano-anong pinagsasabi mo jan!”Sobrang nasaktan si Aino sa pagsigaw sakanya ng kanyang uncle kaya umiyak siya. “Bakit mo ako pinapagalitan! Magaling akong kumilatis at nagdesisyon na ako na siya ang gusto kong maging auntie! Ayoko kay Tessa!” Nang marinig yun ni Tessa, hindi niya rin napigilang umiyak at muli, nanlilisik ang kanyang mga mat ana tumingin kay Hana, na nakasalampak pa rin sa sahig, Hoy Hana Sharpe! Hindi ka ba talaga nahihiya? Kunwari ka pa na concern sa akin pero si Zayn lang pala talaga ang habol mo! Ano? May gusto ka rin sa boyfriend ko? At sa sobrang pagkadesperada mo, maging yung bata dinamay mo pa? Wala ka na ba talagang hiya? Ang kapal-kapal ng mukha mo!” Hindi alam ni Hana kung paano siya sasagot, “A…a..”Ano ba kasing ginawa niyang kasalanan? Ni hindi niya nga kilala ang batang nasa harapan niya ngayon at nagtanggol sakanya. Wala rin siyang alam tungkol kay Zayn b
“Kingston,” Tawag ni Sebastian.“Ano po yun, Master Sebastian?” Alertong sagot ni Kingston. “Dalhin mo si Aino at itong babae sa sasakyan.”“Opo, Master Sebastian!” Bago pa man din bumaba si Sebastian, naikwento na sakanya ni Kingston ang nangyari, at kagaya din ng katayuan ni Zayn, awang awa rin ito sa babaeng nakasalampak sa sahig, pero hindi rin naman sila pwedeng basta-bastang pumanig sa kung kanino dahil hindi rin naman nila alam ang buong kwento kung bakit ganun nalang din kagalit si Tessa dito. Pero isa lang ang malinaw para kay Sebastian, sobrang hinahangaan niya ang anak niya dahil bilang tatay nito, nararamdaman niya na mabuti ang intension nito.Sa murang edad ni Aino, naranasan nito na mag pagala-gala kasama sina Sabrina at Zayn kaya siguro ganun nalang kababa ang loob nito nang makita ang babae. Kung ganun, paano naman magagawa ni Sebastian na magalit sa anak niya kung napaka puro naman ng intensyon nito. Hindi man sinabi ni Aino ng direkta, sigurado si Sebastian na
Nagulat si Zayn nang marinig niya ang naging sagot ni Hector. Bata palang siya, nag iwan na ng masamang impresyon sakanya si Hector at muli itong nabuhay nang makita niya ang naging reaksyon nito. “Bakit?” Tanong ni Zayn.“A…ayoko lang siyang istorbohin,” sagot ni Hector. Tinignan ni Zayn ng diretso sa mga mata si Hector. “Sobrang naapektuhan na si Tessa dahil dito kaya pati ang trabaho niya ay nadadamay na rin. Palagi siyang natatakot kaya hindi siya makapag concentrate kasi kinakabahan siya na baka matalo kayo sa kaso kung kayo lang ang lalaban. Ngayon, tutulungan na kayo ni Sebastian kaya mas malaki na ang kasiguraduhan niyo maliban nalang kung may tinatago kayong sikreto na makakahila sainyo pababa.”Pinilit ni Tessa si Hector, “Daddy, kapag tinulungan tayo ni Director Ford, sigurado ako na mananalo tayo! Bakit ba ayaw mong magpatulong? Natatakot ka ba?”Sobrang nag aalangan si Hector na magsalita, pero bandang huli ay yumuko nalamg siya at malungkot na sinabi, “Pinagpalit
“May nangyari ba?” Malambing na tanong ni Zayn. “Bakit ka umiiyak?”“Zayn, magpakatotoo ka nga sa akin…Sobra ba yung ginawa ko kanina?” Tanong ni Tessa. Hindi nakasagot si Zayn. Sa totoo lang, para sakanya, sobra nga yung ginawa ni Tessa kanina. Dahil hindi sumagot si Zayn, nagpatuloy si Tessa. “Alam ko naman na karamihan ng ibang tao ay sasabihin sa akin na nanay ko pa rin siya kahit anong mangyari kaya dapat hindi ako ganun kasama sakanya. Pero alam ba nila kung ano ang pinagdaanan ko? Lumaki ako ng walang nanay. Nasaan siya noong kailangan ko ang yakap niya? Wala… Mag isa lang ako habang pinapanuod kung paano asikasuhin ng ibang nanay ang mga kaklase ko. Hindi ko na mabilang kung ilang gabi akong umiyak hanggang sa makatulog ako kasi sobrang dami kong tanong na walang kasagutan. Sinanay niya akong mabuhay ng wala siya, at ngayong kaya ko na ang sarili ko at hindi ko na siya kailangan ay bigla siyang babalik? Para ano? Para saktan nanaman ako? Kaya sabihin mo nga sa akin… mali b