Natigilan si Sebastian dahil sa gulat sa kabilang linya at nagtanong, "Alex, ano ang sinabi mo?"Sa kabilang banda, binaba na ni Alex ang tawag. Hindi niya akalain na lalapitan siya ni Jane habang kausap niya si Sebastian. Kumatok si Jane sa bintana at binuksan ito ni Andrew. Nang walang anumang babala, nakita ni Jane si Alex mula sa labas ng kotse.Mukhang composed si Jane sa paningin ni Alex. "Ilang araw ka na dito?" tanong niya.Si Alex naman, parang nahuli siyang may ginagawang mali. "J-- Jane..."Ngumiti ng masama si Jane. "Mr. Poole, bibigyan mo na lang ba ako ng mabilis na kamatayan?"Apat na buwan na ang nakalipas mula nang magkita sila at ang muling pagkikita ay parang ilang siglo na ang nakalipas. Nataranta si Alex na parang nasa isang uri ng pantasya; habang ang tono ni Jane ay tila malayong parang hindi pa sila nagkikita, na walang bakas ng oras na kanilang pinagsamahan sa nakalipas na walong taon. Hindi na rin nababanggit na pinanganak niya ang kanyang mga anak noon a
Sa halip, mas gumanda pa siya kaysa dati. Nag- ugat ang kagandahan sa kanyang kalmado, sa kanyang pagbubuntis, sa maliliit na pekas sa kanyang mukha at sa katotohanang wala na si Alex sa kanyang isipan. Noong magkasama pa sila, tinitingnan ni Jane si Alex na puno ng paghanga at pagmamahal -- walang hangganang pagmamahal; at ngayon, ang tanging natitira sa kanyang mga mata nang tumingin siya kay Alex ay defensiveness at determinasyon. Hindi man lang niya itinaas ang kanyang boses, ngunit ang kanyang kalmado ay kahawig ng nakakatakot na kapayapaan bago ang bagyo. Maging si Alex ay hindi nangahas na hilahin si Jane paakyat sa kanyang sasakyan sa mga sandaling iyon. Pinasadahan niya ng tingin si Jane bago mapansin ang bag ng mga natirang pagkain na hawak ni Jane sa kamay niya."Hindi na kailangan pang tingnan! Hindi ko binili ito ng pera. Mabait naman ang may- ari ng restaurant na iimpake ko ang mga natirang pagkain para dalhin."Nagkataon, ang buong restaurant ay na -book para sa hapon
Tumingala si Jane kay Alex nang may pang-aalipusta. "Anong sabi mo?"Pinigilan niyang hawakan si Jane, para hubarin ang sarili niyang jacket at isuot ito kay Jane at binuhat siya papunta sa sasakyan, dahil sa takot na maudyok siya, kalmado siyang sumagot, "Tama ka, Jane. Ilang araw na kitang sinusundan. Nag-aalala ako na baka matakot kita kapag nagpadalos-dalos ako. Sinasabi ko sa'yo ngayon, hindi ako nandito para patayin ka. Nandito ako para iuwi ka.""..." Tumingin si Jane kay Alex. Isang ngiti ang sumilay at nawala nang paulit-ulit bago niya binato na lang bigla ang mga tira-tira sa kanyang kamay papunta sa lupa.Agad nagsimulang tumilapon ang mga tira-tira palabas ng bag at napatingin si Alex pababa sa pagkain na nasa loob ng bag. May mga balat ng hipon, kalahati ng karneng nakasabit lang sa mga buto, at kahit ang isang piraso ng tinapay na halos nanguya na. Sumakit ang puso niya sa nakikita na parang may humihiwa rito. "Ito ang... Ito ang inuuwi mo para kainin? Hindi ba tinat
"Alam mo ba na gumugol ako ng dalawang oras kakatalon mag-isa taas at baba nang nakabuka ang mga hita ko sa banyo? Alam mo ba kung ilang beses ko nang hinugasan ang sarili ko mag-isa? Alam mo ba kung gaano karaming emergency, o mahabang gamitan ng contraceptive pills ang ininom ko? Nasanay na ang katawan ko sa mga 'yon, pero hindi ka pa rin gumagamit ng proteksyon! Hindi mo ba napagtanto kung gaano kadali akong mabuntis noong isa at dalawang taon? Gusto kong dalhin ang mga anak mo, Alex, pero sa punto na sikreto akong gumagawa ng mga bagay na hindi mo ako hahayaan, para lang matakot kita sa bata! Kasama mo ako ng halos walong taon! Kilala kita! Isang tinatanggi na hindi nasilang na bata, magiging maganda kung kukuyugin ka ng lahat! Iyon ang kamay na bakal na sinusundan ng mga elite sa komunidad! Mayro'ng matandang Master ilang dekada ang lumipas. Ang biyenan ni Sabrina Ford at ngayon naman, ikaw! Pare-parehas lang kayo! Kuha ko na, Alex! Hindi kita bina-blackmail gamit ang anak ko! Aks
Desperadong hinawakan ni Noah si Jane. "Gaano ka ba kakulit, Jane? Wala pang sinasabi si Mr. Poole na papatayin ka niya at gusto mo na agad patayin ang sarili mo. Iniisip mo ba yung bata sa sinapupunan mo?"Tumingin si Jane kay Noah nang lumuluha. "Alis! Umuwi ka na! Huwag mo akong guluhin. Hindi mo ako matutulungan dito!""Sa'yo ako! Ako ang lalaking papakasalan mo sa oras na manganak ka na! Paano kita maiiwanan dito??"'... Hindi ba alam ng dalawang 'to na nakatayo ako rito?' Isip ni Alex habang galit silang nilapitan at binuhat si Noah gamit ang isang kamay mula sa likod ng kwelyo niya.Mukhang maskulado si Noah habang mukha namang mas payat si Alex, pero sa paraan ng pag-angat niya kay Noah ay madali lang sa kanya na parang pumupulot siya ng maliit na sisiw. Walang awa niyang binato si Noah sa tabi at agad lumabas ang dugo sa gilid ng bibig ni Noah. Tumitig si Noah kay Alex nang may awa at takot. Alam niyang galing sa mayamang elite ang lalaking 'to sa Kidon City at narinig n
"Pero may kabayaran ang lahat ng 'yon. Wala akong ipagmamalaki kahit noon pa, at may kabayaran sa bawat pag-ikot ng buhay ko na parang isang tao, at sa pagdalo ng mga kasiyahan nang nakabihis na parang isang babae na may mataas na katayuan sa buhay. Bumalik ang ex-girlfiend niya at gustong patayin ako. Susuko na sana ako, Noah, sukong-suko na ako noon, pero natanto ko na ang tanging bagay na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para mabuhay ay ikaw at si Mom. Ikaw lang ang nagpakita sa'kin kung ano talaga ang isang asawa. Maaring hindi talaga tayo, pero sa tingin ko asawa kita mula sa kailaliman ng puso ko. At nandiyan si Mom, Nagkaroon ako ng sariling magulang noon, at maayos at buhay pa rin sila hanggang ngayon, pero hindi nila ako kailanman binigyan kahit katiting na init at pagmamahal. Ang mama mo lang ang nag-iisa na gumawa ng cotton na sapatos at pantalon para sa'kin. Dalawang buwan ang nakalipas, nagkaroon ako ng lagnat. Nag-alala si Mama na baka maapektuhan ang bata at, sa kabil
Nanlabo ang paningin ni Jane sa mga luha, pero hindi nagpapakita ng kahit anong takot ang ekspresyon niya patungo kay Alex. Umiling siya nang lumuluha at sabi, "Hindi... Hindi ko sinabi na masama ka, Master Alex. Nag... Nagmamakaawa lang ako na pakiusap ay pakawalan mo na si Noah. Wala siyang kinalaman dito. Wala talaga. May ina pa siyang kailangan niyang alagaan. Pakawalan mo na siya at sasama ako sa'yo. Sasama talaga ako, pinag-isipan ko na 'tong mabuti, sasama ako sa'yo... Pakiusap..."Ang kawalan ng pag-asa sa kanyang tinig ay walang hanggan, at si Alex, na humahawak sa kanyang baba, ay naramdaman ang pagdurog ng kanyang puso. Sa sandaling 'yon, nais niya nang labis na madurog niya ang babaeng ito hanggang sa kamatayan dito mismo. "Hayaan mong tanungin kita nito, sino ako?" pangngalaiti niya."Ikaw si Master Alex, ang kilalang Master Alex ng Kidon City," tumugon siya sa luha."Ikaw at ako, ano ba tayo? Ano tayo??"Tumulo ang mga luha sa mukha ni Jane papunta sa palad ni Alex.
"Mamatay ka na ngayon! Bugbugin ka sana ni Alex hanggang sa mamatay ka! 'Yang syota mo rin, parehas kayo!" Malupit na sabi ni Lily. Sa mga kalye, pansamantalang hinarang ang lugar, at ang mga tauhan lamang ni Alex ang naiwan sa pinangyarihan, para sa mga nagtataka pa rin sa nangyayari, nasisilip lang nila ang mga puwang ng kanilang mga pintuan.Sa kalye kung saan humihip ang hanging nagpapalamig ng buto, sina Alex, Jane at Noah, na nakahiga sa lupa, kasama ang mga tauhan ni Alex na nakapalibot sa kanila, ang tanging mga tao na natira. Narinig ng lahat si Jane nang tawagin niya si Alex na 'Hubby' nang malakas at malinaw.Kilala ng mga lalaking ito ang kanilang amo at masasabi niyang talagang galit si Alex at higit sa lahat, baliw na inggit. Sa sandaling iyon mismo, isa si Garrett sa mga taong nag-aalala nang husto tungkol kay Jane, ngunit ano ang kabutihan ng pag-aalala? Hindi nagdalawang isip ang kanyang amo na kumuha ng buhay. Ang kawalan ng awa ni Alex ay maihahambing sa kay Seba