Lumiwanag ang mukha ng matandang babae nang makita ang lahat ng mga pagkain sa bag. Nanatili siya sa South City noon at dating manager ang anak niya sa isang factory, pero kahit na gano'n, hindi siya nagkaroon ng maraming pagkakataon na makatikim ng isang mamahaling pagkain. "Ma, kailangan mong kumain kahit kaunti 'pag nainit namin 'to mamaya. Kailangang kumain ng matatanda ng mas maraming hipon para makakuha ng maraming calcium.""Oh, oh, sige, sige! Itabi muna natin yung veggie tacos. Kakainin na lang natin 'to kapag wala na tayong makain sa ibang araw," sagot ng matandang babae nang naluluha dahil sa tuwa. Ang tatlong kaanak ay ininit nang masaya ang mga pagkain habang inoobserbahan ni Alex ang lahat gamit ang pares ng binocular mula sa kanyang sasakyan na naka-parke sa labas ng hostel. Mayroong mga bintana sa parehong lugar ng kwarto at kaya, mabilis niyang makita ang lahat ng nangyayari sa loob. Nabalot ang puso niya ng sakit ulit habang pinagmamasdan kung gaano kasaya ang
Sobrang liit ng boses ni Jane, halos 'tila isang bulong ito. Pero, may ensayo si Alex mula pagkabata niya at nagkaro'n ng magandang pandinig. Sa katotohanan, iyon ang kung ano na alam niyang mangyayari. Apat na buwan nang magkasama ang dalawa, kaya paanong hindi pa sila nagsasama sa iisang kwarto? At gayo'n pa 'man, nang narinig niya ang mga salitang lumabas sa bibig ni Jane, hindi pa rin niya mapigilan ang sobrang kalungkutan na naramdaman niya. Naramdaman niya ang pagtibok ng ugat niya sa kanyang ulo habang desperadong gustong gibain ang kwarto. Pero, ang sunod na sinabi ni Noah ang nagpabulag kay Alex sa galit. "Makulit ka! Bakit sobrang kulit mo? Nakalimutan mo na ba yung sinabi ng doktor sa'yo? Hindi madali para sa'yo dalhin ang bata sa simula pa lang, kaya kailangan mong mag-ingat. Isang aksidente, at mawawala mo ang pagkakataon na maging ina habang buhay. Magpapakasal din tayo, kaya hindi natin kailangang magmadali, naiintindihan mo ba?." Malumanay na sabi ni Noah. Naging ma
"..." Kung sa ibang oras lang 'to, sasalubungin ni Sebastian ang madamdamin niyang imbitasyon, pero hindi ngayon. Kung tama ang hula niya, kailangan niyang magpigil. Tinulak niya ng marahan si Sabrina palayo. "Magpakabait ka, Sabrina. Hindi ngayon!"Agad siyang nagsimulang umiyak ulit. "Hindi... Hindi mo na ba ako mahal, Sebastian? Hindi mo na ba ako gusto?" Ngumuso siya nang may mahinang eskpresyon na walang bahid ng kabangisan na pinakita niya noong nakaraang buwan kung saan plano niyang makipaghiwalay at magkaroon sila ng diborsyo. "..." Hindi sumagot si Sebastian. Ano bang dapat niyang sabihin? Inisip niya na baka buntis si Sabrina, at 'yon ang dahilan kung bakit siya naging emosyonal? Kung pupunta sila para magpatingin ng katawan at lumabas na mali pala siya, hindi ba na mas lalong iinit ang ulo ni Sabrina 'non? Hindi niya hiniling ng sobra na mabuntis si Sabrina. May Aino na sila, kaya hindi na mahalaga kung hindi na sila magkaroon ng pangalawang anak. Pero, ang emosyon at pis
Mukhang hindi na nakayanan pigilan ni Alex ang tawa niya. "Hindi, hindi sa gano'n, Sebastian. Sobrang... Sobrang saya ko lang, alam mo ba 'yon?"Nakayanan ni Sebastian pigilin ang galit niya at nagtanong, "Handa nang makipagbalikan si Jane sa'yo?""Hindi.""Kung gano'n bakit mo sinasabi sa'kin 'to sa kalagitnaan ng gabi??""Dahil hindi siya asawa ng kung sino," humuni si Alex na parang isang maliit na bata. "Humihiyaw ka dahil lang diyan?" ubos na pasensyang tanong ni Sebastian. "Alex, hindi ko alam kung ikaw pa ba ang Alex Poole na kilala ko!""Syempre ako 'to. Bakit naman ako magiging ibang tao? Ako 'to yung kapatid mo, Sebastian.""..."Ang babae sa mga bisig ni Sebastian ay nagising mula sa mga tunog. Tamad na minulat ni Sabrina ang mga mata niya at nagtanong, "Gabi na, Sebastian, sinong kausap mo? Babae ba 'yan?"Bumaling si Sebastian sa kanya. Hindi nagiging maayos ang mga emosyon ni Sabrina nitong mga nakaraan, kaya marahan lang siyang bumulong kay Sabrina, "Hindi, si.
Mga alas dos ng tanghali nang nakatanggap siya ng tawag mula kay Jane. Gulat na sinagot ito ni Sabrina, "Medyo napapadalas na tawag mo sa'kin nitong nakaraan, Jane."Kaswal na humalakhak si Jane. "Hindi na ako matatakot tawagan ka simula ngayon, Sabrina. Hindi na ako magtatago kay Alex.""...""Kung mayro'ng krisis, simpleng kailangan nating resolbahin ito. Walang problema na sobrang lala na hindi natin kayang resolbahin," nangingiting sabi ni Jane. Maririnig ang pagkalugmok sa tono ni Jane at may pakiramdam si Sabrina na nagpapaalam na si Jane, agad nagtanong si Sabrina, "Jane, mayro'n ka bang--""Wala," pinutol siya ni Jane at sabi, "May maganda akong balita sa'yo. Nakahanap ako ng trabaho bilang taga-hugas ng pinggan sa restaurant. Nagpapahinga lang ako ngayon dahil tapos na akong hugasan ang mga hugasin. Mayro'n pa akong mabuting bagay na gustong sabihin sa'yo.""Ano 'yan, Jane?" kuryusong tanong ni Sabrina. "May nakita akong napakadaming tira-tira sa tanghali, at bago pa
Lumabas si Sabrina sa banyo ng may luhang tumutulo pababa sa kanyang mukha. Puno ng saya ang mga mata niya nang sabi, "Hubby, buntis ako, hubby! Buntis ako! Hahaha!""..." Ganap na napahinto si Sebastian. Binalot ni Sabrina ang mga bisig niya kay Sebastian at bumulong, "Alam ko na sa wakas kung bakit sobrang emosyonal ko at sobrang daling umiyak nitong nakaraan, hubby! Iyon ay dahil buntis ako."Ang sorpresa sa tono ni Sabrina at sa kanyang ekspresyon ay hindi matutumbasan, habang ang tuwa ni Sebastian ay nanatiling nakatago sa kanyang puso. Hindi alintana ang gaano kabuo ang tuwa na naramdaman niya sa loob, hindi niya hinayaang ipakita ito, simple lang siyang bumulong sa asawa niya, "Huwag kang gumalaw ng sobra.""Alam ko!""Hindi na pwedeng maging mapili sa pagkain."Hindi naman talaga mahina kumain si Sabrina sa simula pa lang, nawawalan lang siya ng gana nitong mga nakaraang araw. "Kuha ko!""Ihahatid natin si Aino sa eskuwelahan at papatingin na natin ang katawan mo sa osp
Lalong naguluhan ang lalaki.“Ibig sabihin noon, dalawang tao lang ang kailangan mong pagsilbihan sa pamilyang ito. Ang isa sa kanila ay si Aino at ang isa ay ako. Sa hinaharap, kailangan mong maglingkod sa apat na tao."May isa pang kahulugan, na kung una mong pinapalitan ang lampin ng baby number one, may posibilidad na umakyat si baby number two sa braso mo at kagatin ka!"Hindi nakaimik si Sebastian."Kami... magkakaroon tayo ng dalawang bagong sanggol?" pigil na tanong ng lalaki."Tama iyan!"Napatingin si Sabrina sa asawa na may malawak na ngiti. "Simula ngayon, kailangan mong baguhin ang paraan ng pakikipag- usap mo sa akin, okay?"Tanong ni Sebastian, “Baguhin? Magpalit ng ano?"“Kamahalan, Reyna! Mula ngayon, kailangan mo na akong tawagin bilang Kamahalan!”Sabi ni Sebastian, “Oo, oo, oo, Kamahalan. Pakiusap.”Sa sandaling ito, ang lalaki, na noon pa man ay malamig, mahinahon, solemne, at isang taong hindi kailanman nagbibiro, bahagyang yumuko ang kanyang katawan at
Pagkaraan ng mahabang panahon, saka lang dahan- dahan at mahinahon na nagtanong si Sebastian, “Alex, ano ba talaga ang nangyari para gumawa ka ng ganoong desisyon?”Sa kabilang linya, matindi na ang galit ni Alex na para bang isa siyang bulkan na malapit nang sumabog.Kagabi, matagal siyang natahimik sa tawag ni Sabrina kay Alex.Napakasaya niya, ngunit nakalimutan niya ang tungkol sa pinakamahalagang bagay.Hindi nakasama ni Jane ang lalaking iyon, ngunit nahulog na si Jane sa lalaking iyon. Ang buong puso niya ay para sa lalaking iyon!Pagkagising ni Alex, pumunta ulit siya sa malaking hostel, at nagkataon lang na nakita niya si Jane at ang lalaking iyon na naghuhugas ng mukha at nagsisipilyo ng ngipin sa labas ng bakuran. Katatapos lang mag- toothbrush ng lalaki nang mabilis na hinawakan ni Jane ang palanggana na nasa ilalim ng gripo sa harap ng lalaki. "Maghugas ka ng mukha, Noah.""Sige!" Tumingin si Noah kay Jane na may malaking ngiti, at puno ng pagmamahal ang mukha nito.