Sabi ni Old Master Shaw, "Ako ay...Ikaw ang apo ko...""Imposible 'yan!" ismid ni Sabrina, ang itsura sa kanyang mukha ay parang nakakatuwa ang sitwasyon, na parang nakatingin siya sa unicorn na gumagala sa paligid ng silid.Tumalikod siya at tumingin kay Kingston at sa tatlong miyembro ng Lynn family. Tapos, sabi niya kay Old Master Shaw, "Gusto ko lang malinaw na ipaliwanag sa'yo. Una, hindi ko sinaktan ang apo niyo at ang pamilya niya, pangalawa, sa susunod, pakiusap pakawalan mo na ako."Kapag bigla ka na lang nagbigay ng madaming rason, ibat ibang klase ng rason, huwag mo akong sisihin na hindi ko pinapansin ang kabutihan niyo sa pagsagip sa asawa ko at sa biyenan ko."Tsaka, mula sa verification process ngayon lang, nakita ko na hindi tayo magkadugo."“ Ako si Lincoln Lynn at anak na babae ni Gloria Shaw, habang ang iyong apo ay ipinanganak sa kanyang ina at kasintahan ng kanyang ina; na kung bakit hindi ko siya nauugnay. Ngayon, hindi mo na kailangan ang aking mga bato, di
May isang tao lang na maglalakas loob na hindi pansinin ang mga salita niya, at ito ay si Sebastian.Bukod kay Sebastian, walang sinuman ang magtatangka na suwayin siya."Sige na, pumunta na kayo doon para matanong na kayo," sabi ni Old Master Shaw.Umalis na ang dalawang escort.Si Old Master Shaw ay tumingin sa kanilang tatlo at sinabi sa mahina at matandang tono, "Hindi ko kayo hahayaang mamatay agad! Dahil ang militar ay nadamay na, hindi na magiging madali para sa inyo ang mamatay. Ipapatikim ko sa inyo ang sakit na mas malala pa kaysa sa kamatayan."Sabi ni Selene. "Lo... Lolo, hindi niyo na po ba ako mahal?"Si Old Master Shaw ay biglang ngumiti nang malamig. "Tinatawag mo akong lolo mo? Gusto mo bang maramdaman kung paano makagat ng isang dosenang mga aso na kasing laki ng baka?"Ang mukha ni Selene ay namutla sa takot. "Lolo... Paano po kayong naging ganyan kalupit... Boohoo.""Malupit?" Ang malamig na ngiti ay nanatili sa mukha ni Old Master Shaw. "Kumpara sa lahat ng
Nang tumingin siya sa likod, si Gloria ay ngumiti kay Marcus. "Napakabait na pamangkin! Salamat. Marami ang tinulong mo kay Sabrina simula nung nakilala ka niya, kaya dapat talaga kitang pasalamatan."Si Marcus ay nagsimulang umiyak. "Tita Gloria, payag po kayong tanggapin ako bilang pamangkin niyo?"Si Gloria ay nakangiti pa rin. "Stupidong bata, tayo ay magkadugo. Bakit naman hindi kita tatanggapin? Kahit na hindi dahil sa katotohanan na magkadugo tayo, ikaw ay may mabuting puso, kaya bakit naman ako magkukunwari o magtatago ng kahit ano sayo?"Si Marcus ay parang nakakita mismo ng pag-asa sa sarili niya. "Tita Gloria, kung payag po kayong tanggapin ako, edi...""Hindi!" Ang sagot ni Gloria ay diretso.Walang nasabi si Marcus.Ang lolo ni Marcus ang nagsabi sa kanya na magmakaawa sa tita niya ngayon lang. Hindi kayang tumingin ni Marcus sa nagmamakaawang tingin ng lolo niya.Siya lang ang makakatulong sa lolo niya.Sa hindi inaasahan, ang tita niya ay malamig at matalino, at
"Dahil nahawakan ng nanay ko ang kahinaan mo, dahil ang nanay ko ay isang mantsa sayo na hindi mo matanggal."Tapos, Old Master Shaw, pwede bang magsabi ako ng ilang salita para sa nanay ko?"Si Old Master Shaw ay agad na tumango. "Sige. Sige, anak ko, pwede kang magsalita.""Ang nanay ko ay gumawa ng sampung libong pagkakamali, at siya ay walang hiya, ginugulo ka niya kahit may pamilya ka na. Yun ay kasalanan niya lahat. Mababa ang kanyang loob, at siya ay wala nang magawa. Sinira niya ang pamilya niyo, pero pwede bang..."Kapag nakakita ka ng isa pang pagpatay sa natitirang oras ng buhay mo, at nakakilala ka ng isang babae nung ikaw ay tumatakas... Kapag nagmakaawa ka sa babaeng ito na isalba ang buhay mo, at ang babaeng yun ay niligtas ka, pero ang likas na ugali mo ay nangingibabaw, at gusto mo agad makuha ang babae yun... Hindi mo yun kasalanan, likas na ugali mo lang yun bilang isang ganid na tao! Hindi mo yun makontrol! Hindi mo mapigilan ang sarili mo!"Pero pakiusap, wag
Ang mga salita ni Gloria ay nagpaiyak sa mga taong nandoon.Si Sabrina ay humihikbi.Si Marcus ay may naluluhang mukha.Kahit ang mga magulang ni Marcus ay namula ang mga mata.Si Sebastian, na laging malamig at walang awa, ay nadala din.Si Sebastian ay nagsalita sa mahinang boses, "Mama..."Pagkatapos nun, niyakap niya si Gloria ng isang kamay. "Mama, hindi ka na magdudusa. Simula ngayon, meron ka na pong anak mo, manugang mo, at kahit ang munti niyong malupit na apo ay nandyan para ipagtanggol kayo." Tumigil siya, at sinabi, "Pagkatapos ng ilang araw, kapag maayos na ang lahat, ililipat namin ang puntod ng lola ni Sabrina at bibigyan siya ng maayos na burol. Siya ay isang nakakahangang babae. Nagawa niya kayong palakihin sa loob ng sampung taon sa kabila ng malala niyang sakit."At hindi lang yun, nag-iwan pa siya ng napakaraming mahalagang bagay."Siya ay isang babae na karapatdapat sa ating paggalang." Pagkatapos ng mga salita ni Sebastian, niyakap ni Marcus ang binti
Walang sinuman ang makakaintindi sa nararamdaman niya.Ang dapat na kaaway niya ay ang taong nanloko sa kanya, pero minahal niya ito na parang anak niya sa loob ng anim na taon.Pero, trinato niya ang taong kamag-anak niya dapat na parang dumi, tinatapak tapakan siya sa buong oras.Sino kayang makakapagpakalma sa puso niya?Nang makita kung paano umiyak si Old Master Shaw, walang sinuman sa kainan ang nagkaroon ng pakialam.Ilang mga empleyado ang nagtuturo at nabubulungan sa likod niya, "Sabi ko na eh, dapat lang kay Old Master Shaw lahat yan!""Ayaw niya sa sarili niyang apo at anak, pero sa halip ay tinulungan niya ang ibang tao na saktan sila. Ha, napakagaling ng ginawa niya.""Tingnan mo siyang umiyak, gaano siya nakaaawa?""Anong nakakaawa sa kanya?! Siya ay mukhang napakarangal, pero siya ay walang kwenta!""Siya ay masyado talagang nakatutok sa imahe niya. Para sa kapakanan ng kanyang hustisya, kadakilaan at karangalan, para sa kapakanan ng asawa niyang sabi niya ay ma
Si Sabrina at Gloria ay tumalikod, at nakita nila na ang napaka mausisa at masayang si Aino ay nakatayo doon at nakatingin sa kanila.Nagliwanag ang mga mata ni Gloria.Siya ay lagi lang nakatingin dati sa munting batang yun galing sa malayo.Pero, kailanman hindi niya ito nakita nang malinaw.Nung oras na yun, ang munting bata ay nasa harap mismo niya.Lumuhod siya at hinila si Aino sa yakap niya. "Ang munti kong apo. Ang munting apo kong malambing. Ako... Habang nakatingin ako sa apo ko ngayon, lahat ng paghihirap ko ay para bang sulit lahat.Si Sabrina ay umiyak sa tuwa nang makita niya yun.Sinabi ni Kingston sa likod nila, "Madam, ang munting prinsesa ay hindi talaga dapat babalik nang ganito kaaga. Ang young master ang nag-utos sa akin na sunduin siya para pasayahin ang old madam."Tumango si Sabrina. "Salamat, Kingston. Maraming salamat sayo."Si Kingston ay umiling. "Madam, ako ay nandito ngayon. Kayo po ng nanay mo ay hindi nagkaroon ng magandang buhay hanggang sa ara
Ah, si Aino, ang munting batang yun, ay sobrang nakakatuwa.Siya ay handa pang ibigay ang lahat ng meron siya sa kanyang lola.Nung buong hapong yun, si Sabrina ay marami sanang gustong itanong sa nanay niya, pero si Aino ay palaging nasa tabi ng lola niya. Hanggang sa umabot na ng dis oras ng gabi, nung kinuwentuhan ni Gloria si Aino ng sunod sunod na istorya, saka lang nakatulog si Aino.Pagkatapos nun, hinila ni Sabrina ang kamay ng kanyang ina, nagtanong ng may pang-uusisa at kirot sa puso. "Ma, bakit parang ang lapit niyo lang lagi sa amin? Kahit na sinigaw ko na ang pangalan niyo ng napakaraming beses sa lugar namin, kailanman hindi kayo nagpakita. Bakit po? Alam niyo po ba kung gaano kahirap para sa akin na hanapin kayo?"Nang sinabi niya yun, tumulo ang luha sa mga mata ni Sabrina.Hinila ni Gloria ang anak niya at niyakap ito.Matapos ang mahabang oras, sinabi ni Gloria, "Anak ko! Ikaw lang ang nag-iisang anak na meron ako, kaya gusto ko yung pinaka makakabuti sayo."Ha