Si Sabrina at Gloria ay tumalikod, at nakita nila na ang napaka mausisa at masayang si Aino ay nakatayo doon at nakatingin sa kanila.Nagliwanag ang mga mata ni Gloria.Siya ay lagi lang nakatingin dati sa munting batang yun galing sa malayo.Pero, kailanman hindi niya ito nakita nang malinaw.Nung oras na yun, ang munting bata ay nasa harap mismo niya.Lumuhod siya at hinila si Aino sa yakap niya. "Ang munti kong apo. Ang munting apo kong malambing. Ako... Habang nakatingin ako sa apo ko ngayon, lahat ng paghihirap ko ay para bang sulit lahat.Si Sabrina ay umiyak sa tuwa nang makita niya yun.Sinabi ni Kingston sa likod nila, "Madam, ang munting prinsesa ay hindi talaga dapat babalik nang ganito kaaga. Ang young master ang nag-utos sa akin na sunduin siya para pasayahin ang old madam."Tumango si Sabrina. "Salamat, Kingston. Maraming salamat sayo."Si Kingston ay umiling. "Madam, ako ay nandito ngayon. Kayo po ng nanay mo ay hindi nagkaroon ng magandang buhay hanggang sa ara
Ah, si Aino, ang munting batang yun, ay sobrang nakakatuwa.Siya ay handa pang ibigay ang lahat ng meron siya sa kanyang lola.Nung buong hapong yun, si Sabrina ay marami sanang gustong itanong sa nanay niya, pero si Aino ay palaging nasa tabi ng lola niya. Hanggang sa umabot na ng dis oras ng gabi, nung kinuwentuhan ni Gloria si Aino ng sunod sunod na istorya, saka lang nakatulog si Aino.Pagkatapos nun, hinila ni Sabrina ang kamay ng kanyang ina, nagtanong ng may pang-uusisa at kirot sa puso. "Ma, bakit parang ang lapit niyo lang lagi sa amin? Kahit na sinigaw ko na ang pangalan niyo ng napakaraming beses sa lugar namin, kailanman hindi kayo nagpakita. Bakit po? Alam niyo po ba kung gaano kahirap para sa akin na hanapin kayo?"Nang sinabi niya yun, tumulo ang luha sa mga mata ni Sabrina.Hinila ni Gloria ang anak niya at niyakap ito.Matapos ang mahabang oras, sinabi ni Gloria, "Anak ko! Ikaw lang ang nag-iisang anak na meron ako, kaya gusto ko yung pinaka makakabuti sayo."Ha
Sa kabilang linya, sobrang kalmado ng boses ni Marcus, “Sabrina, gustong hatiin ni lolo ang assets ng Shaw family, kasama na rin ang Shaw residence. Eighty percent ng mga asset niya ang mapupunta sainyo ni Aunt Gloria at gusto niya rin daw maglaan sa burial site ng lola mo, sinabi niya rin na…”Biglang natigilan si Marcus. Ayaw niya sanang biglain si Sabrina kasi alam niya na tatanggi ito pero buong mag damag na hindi nakatulog ang lolo niya. Siguro dahil na rin sa edad nito, halatang halata na na drain at kaninang umaga pa nga ay hapit-hapit itong mahimatay kaya siya na mismo ang nagkusang loob na tulungan itong masabi kay Sabrina ang mga gusto nitong sabihin. Sobrang kalmado rin ni Sabrina. “Director Shaw, ituloy mo lang. Nakikinig ako.”“Gusto raw kasing bigyan ni lolo ang lola mo ng magandang burial site. Gusto niya sanang magkasama sila kasi sobra niya raw nasaktan ang lola mo kaya kapag namatay siya, gusto niyang bumawi.”Hindi makapag salita si Sabrina. Sinilip niya ang
Matangkad at matipuno ang katawan niya; mataas ang ranggo niya. Mahal na mahal niya ang asawa niya dahil naniniwala siya na ang buhay niya ay para lang sa asawa niya. Bukod sa asawa niya, mahal na mahal niya rin ang buong pamilya nito. Isang araw, pumunta siya sa isang kindergarten…Naghihintay sakanya ang isang napaka mahiyaing bata. Sobrang sabik nito sa tatay pero wala itong magawa dahil nandoon man ang tatay nito, kitang-kita naman nito na ibang bata ang binubuhat at niyayakap nito. Noong araw din na yun, nag piano ito at dahil tatlo’t kalahating taon palang ito, sobrang liit pa ng mga daliri nito.Pero wala siyang masabi sa sobrang galing nitong tumugtog ng piano. Pero bago pa man din matapos ang kanta, umalis na siya. Noong panahon na yun, wala siyang kaalam-alam sa kung anong totoong naramdaman ng bata. Pero sobrang nagalit siya! Hahayaan niya ba na habang buhay nalang siyang tatakutin ng isang babae dahil lang sa isang pagkakamali?Siyempre hindi!Hindi si
Parehong lumingon sina Marcus at Old Master Shaw. Nakita nila si Gloria na may tungkod at nakasuot ng itim na raincoat. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay Old Master Shaw. “Anak…” Umiiyak na tawag ni Old Master Shaw. “Hindi ka ba nakakaintindi? Ang bait bait ko sayo kahapon. Paulit-ulit nalang kitang pinagpapasensyahan. Sa lahat ng ginawa mo sa amin ng nanay ko, kulang pa yang buhay mo bilang kabayaran. Pero dahil dugo mo pa rin ang dumadaloy sa akin, hindi kita pwedeng patayin!“Pinalampas na kita, pero umaabuso ka na talaga!”“Gusto ko lang namang bisitahin ang nanay mo…”“Hindi ka niya kailangan!” Umiiyak si Gloria sa sobrang galit. “Noong nabubuhay pa siya, noong niligtas ka niya, noong nahuli siya ng dahil sayo, noong pinanganak niya ako kahit hirap na hirap siya, yun yung mga panahong kailangan ka niya. Pero nasaan ka? Matatanggap niya naman na hindi mo siya kayang mahalin, pero yung trinato mo siya na masahol pa sa hayop? Kaya anong ginagawa mo dito nga
Sa sobrang emosyunal ni Gloria, pati si Sabrina na kasama niya ay naiyak din.Niyakap niya ang Mommy niya, “Mommy, taha na. Alam ko na sa buong buhay ni lola, ikaw lang ang inisip niya at wala siyang ibang gusto kundi ang maging masaya ka kaya kailangan mong maging masaya para sakanya, Mommy…”Ngayon lang nakita ni Sabrina na naging ganun kaemosyunal ang Mommy niya dahil palagi niya itong nakikitang nakangiti. Sigurado siya na namana yun ng Mommy niya sa yumao niyang lola. Hindi man siya nabigyan ng pagkakataon na makilala ito ng personal, sigurado siya na magkakasundo sila nito kung sakali mang buhay pa ito hanggang ngayon.Pinunasan ni Gloria ang mga luha niya at tumingin siya kina Sabrina at Sebastian. “Sebastian, Sabbie, maraming salamat kasi sinamahan niyo ako na bisitahin ang lola niyo. Walang mapag lagyan ang saya ko na dinalaw niyo siya ngayon.”Nagbuntong hininga si Gloria at nagpatuloy, “Hindi ako pwedeng makitira sainyo habang buhay. Gusto kong bumalik sa dati naming b
Nagulat si Sabrina. Masyado siyang naging busy sa galit niya sa Lynn family at sa pagtulong sa nanay niya na lumipat ng bahay kaya hindi lang trabaho niya ang napabayaan niya, pati mga kaibigan niya rin! Base sa pagkakakilala niya kay Jane, hindi naman ito nag ooff ng phone kaya parang biglang huminto ang puso niya. Hindi siya mapakali. At bigla niyang naalala yung nangyari nito lang. Noong gabi bago magpakita muli ang Mommy niya, nagkaroon siya ng masamang panaginip.Nahulog daw siya sa bangin, at sinubukan siyang iligtas ni Jane, pero huli na ang lahat kasi nahulog na siya. Parang totoo talaga ito dahil rinig na rinig niya pa ang pag iyak ni Jane, “Sabrina…”At dahil dun, naalimpungatan siya. Noong gabing yun, hindi rin siya mapakali kaya tinawagan niya rin si Jane. Pero kagaya ngayon, naka off din ang phone nito!Kinaumagahan nun, plano niya sanang pumunta sa bahay bakasyunan ni Alex para makita ang sitwasyon doon matapos magwala nina Jane, Ruth, at Yvonne para saka
Tinignan ni Sabrina si Yvonne, at hiyang-hiyang sumagot si Yvonne, “Sabrina, alam mo naman na sobrang close namin ni Ruth sayo. Para ka na nga naming ate eh. Kayo ni Jane ang close at kahit na kaibigan din naman namin siya, siyempre hindi pa rin yun parehas. “Hindi na rin namin siya sinubukang ikontak mula noong nagkagulo sa ospital nang dahil kay Selene.”Tumungo si Ruth. “Oo nga. Alam ko din na hindi natuwa si Jane sa nangyari sa ospital. Kami ni Yvonne ang nagdala sakanya doon, tapos…” Naintindihan na Sabrina ang lahat ngayon! Parehong hindi kinontak nina Yvonne at Ruth si Jane habang sobrang abala niya sa nakalipas na dalawang linngo! Pero hindi niya rin naman masisisi ang dalawa niyang kaibigan…Dahil kahit sa mga magkakamag anak nga ay normal lang na hindi mag usap ng medyo matagal.“Ano kayang pwede nating gawin, Sabrina? Hmm gusto mo bang pumunta tayo sa bahay bakasyunan ni Alex pagkatapos ng trabaho natin para madalaw natin si Jane?” Tanong ni Yvonne. Sumang ayon