Matangkad at matipuno ang katawan niya; mataas ang ranggo niya. Mahal na mahal niya ang asawa niya dahil naniniwala siya na ang buhay niya ay para lang sa asawa niya. Bukod sa asawa niya, mahal na mahal niya rin ang buong pamilya nito. Isang araw, pumunta siya sa isang kindergarten…Naghihintay sakanya ang isang napaka mahiyaing bata. Sobrang sabik nito sa tatay pero wala itong magawa dahil nandoon man ang tatay nito, kitang-kita naman nito na ibang bata ang binubuhat at niyayakap nito. Noong araw din na yun, nag piano ito at dahil tatlo’t kalahating taon palang ito, sobrang liit pa ng mga daliri nito.Pero wala siyang masabi sa sobrang galing nitong tumugtog ng piano. Pero bago pa man din matapos ang kanta, umalis na siya. Noong panahon na yun, wala siyang kaalam-alam sa kung anong totoong naramdaman ng bata. Pero sobrang nagalit siya! Hahayaan niya ba na habang buhay nalang siyang tatakutin ng isang babae dahil lang sa isang pagkakamali?Siyempre hindi!Hindi si
Parehong lumingon sina Marcus at Old Master Shaw. Nakita nila si Gloria na may tungkod at nakasuot ng itim na raincoat. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay Old Master Shaw. “Anak…” Umiiyak na tawag ni Old Master Shaw. “Hindi ka ba nakakaintindi? Ang bait bait ko sayo kahapon. Paulit-ulit nalang kitang pinagpapasensyahan. Sa lahat ng ginawa mo sa amin ng nanay ko, kulang pa yang buhay mo bilang kabayaran. Pero dahil dugo mo pa rin ang dumadaloy sa akin, hindi kita pwedeng patayin!“Pinalampas na kita, pero umaabuso ka na talaga!”“Gusto ko lang namang bisitahin ang nanay mo…”“Hindi ka niya kailangan!” Umiiyak si Gloria sa sobrang galit. “Noong nabubuhay pa siya, noong niligtas ka niya, noong nahuli siya ng dahil sayo, noong pinanganak niya ako kahit hirap na hirap siya, yun yung mga panahong kailangan ka niya. Pero nasaan ka? Matatanggap niya naman na hindi mo siya kayang mahalin, pero yung trinato mo siya na masahol pa sa hayop? Kaya anong ginagawa mo dito nga
Sa sobrang emosyunal ni Gloria, pati si Sabrina na kasama niya ay naiyak din.Niyakap niya ang Mommy niya, “Mommy, taha na. Alam ko na sa buong buhay ni lola, ikaw lang ang inisip niya at wala siyang ibang gusto kundi ang maging masaya ka kaya kailangan mong maging masaya para sakanya, Mommy…”Ngayon lang nakita ni Sabrina na naging ganun kaemosyunal ang Mommy niya dahil palagi niya itong nakikitang nakangiti. Sigurado siya na namana yun ng Mommy niya sa yumao niyang lola. Hindi man siya nabigyan ng pagkakataon na makilala ito ng personal, sigurado siya na magkakasundo sila nito kung sakali mang buhay pa ito hanggang ngayon.Pinunasan ni Gloria ang mga luha niya at tumingin siya kina Sabrina at Sebastian. “Sebastian, Sabbie, maraming salamat kasi sinamahan niyo ako na bisitahin ang lola niyo. Walang mapag lagyan ang saya ko na dinalaw niyo siya ngayon.”Nagbuntong hininga si Gloria at nagpatuloy, “Hindi ako pwedeng makitira sainyo habang buhay. Gusto kong bumalik sa dati naming b
Nagulat si Sabrina. Masyado siyang naging busy sa galit niya sa Lynn family at sa pagtulong sa nanay niya na lumipat ng bahay kaya hindi lang trabaho niya ang napabayaan niya, pati mga kaibigan niya rin! Base sa pagkakakilala niya kay Jane, hindi naman ito nag ooff ng phone kaya parang biglang huminto ang puso niya. Hindi siya mapakali. At bigla niyang naalala yung nangyari nito lang. Noong gabi bago magpakita muli ang Mommy niya, nagkaroon siya ng masamang panaginip.Nahulog daw siya sa bangin, at sinubukan siyang iligtas ni Jane, pero huli na ang lahat kasi nahulog na siya. Parang totoo talaga ito dahil rinig na rinig niya pa ang pag iyak ni Jane, “Sabrina…”At dahil dun, naalimpungatan siya. Noong gabing yun, hindi rin siya mapakali kaya tinawagan niya rin si Jane. Pero kagaya ngayon, naka off din ang phone nito!Kinaumagahan nun, plano niya sanang pumunta sa bahay bakasyunan ni Alex para makita ang sitwasyon doon matapos magwala nina Jane, Ruth, at Yvonne para saka
Tinignan ni Sabrina si Yvonne, at hiyang-hiyang sumagot si Yvonne, “Sabrina, alam mo naman na sobrang close namin ni Ruth sayo. Para ka na nga naming ate eh. Kayo ni Jane ang close at kahit na kaibigan din naman namin siya, siyempre hindi pa rin yun parehas. “Hindi na rin namin siya sinubukang ikontak mula noong nagkagulo sa ospital nang dahil kay Selene.”Tumungo si Ruth. “Oo nga. Alam ko din na hindi natuwa si Jane sa nangyari sa ospital. Kami ni Yvonne ang nagdala sakanya doon, tapos…” Naintindihan na Sabrina ang lahat ngayon! Parehong hindi kinontak nina Yvonne at Ruth si Jane habang sobrang abala niya sa nakalipas na dalawang linngo! Pero hindi niya rin naman masisisi ang dalawa niyang kaibigan…Dahil kahit sa mga magkakamag anak nga ay normal lang na hindi mag usap ng medyo matagal.“Ano kayang pwede nating gawin, Sabrina? Hmm gusto mo bang pumunta tayo sa bahay bakasyunan ni Alex pagkatapos ng trabaho natin para madalaw natin si Jane?” Tanong ni Yvonne. Sumang ayon
Halos lumuwa ang mga mata noong nakita niya kung gaano kalambing makipag usap si Sebastian kay Sabrina! Mukhang nagkamali siya..At tama nga ang sinasabi ng iba…Sobrang laki ng pinag bago ng pinsan niya! Hindi na ito yung pinsan niya na nakilala niya bilang walang awa, mamatay tao at mapag mataas! Pero sigurado siya na kina Sabrina at Aino lang naman ito naging mabait! Sa harap ng ibang tao, ganun pa rin naman ito! Tama… Hindi pa rin ito nagbago! Isa pa… halata namang nagpaparinig ito sakanya! Bakit? Hindi kaya dahil nagseselos siya sa akin?!Sobrang daming tanong ang pumasok sa isip ni Nigel at hindi siya makapaniwala! Hindi pa siya kumakain mula pag gising niya pero pakiramdam niya ay nabibilaukan siya! Nakatitig lang siya kay Sebastian habang nakikipag usap ito sa phone. “Anong sabi mo? Si Alex? Diba naging busy tayo kay Mommy kaya hindi ko pa rin siya nakokontak hanggang ngayon. Ang alam ko lang… siya ang umasikaso sa pag alam kung sino ang pamilyang pinatay
May isang tumawa at sarcastic na sinabi, “Ha ha! Baka maiwan dito ang kaluluwa niya, pero yung katawan niya? Ha ha! Baka wala ng makakita ulit!” Nagpanggap siya na walang naririnig at kalmado siyang naglakad papasok. Sobrang kapal ng usok.Mas grabe pa pala ang sasalubong sakanya kaysa sa naimagine niya!Maraming mukhang manyakis na lalaki na mukhang gurilya. Kung makatingin sakanya ang mga ito ay para siyang lalamunin ng buhay! Pero hindi siya nagpatinag. At nagpakalasing siya noong gabing yun. Uminom siya na para bang wala siyang pakielam sa kung magkano na ang babayaran niya, at may binaliktad pa nga siyang lamesa! Dahil sa eksenang ginawa niya, nagdagsaan ang kulang kulang isang daan na matitikas na lalaki at pinalibutan siya.Pero parang wala siyang pakielam at nagpatuloy siya sa pag inom. Hindi nagtagal, may grupo ng mga lalaking dumating. Yun ay ang mga tauhan na pinadala ni Alex para protektahan siya! Siyempre, walang mapag lagyan ang kilig niya! Sa k
Si Sebastian ay napaatras.Sinabi ng intuwisyon niya sa kanya na may nangyari siguro kay Sebastian matapos ang kalahating buwan na hindi nila pag-uusap.Biglang naalala ni Sebastian na, nung nakalipas na kalahating buwan, isang babae ang biglang pumasok sa Ford Group, at sinasabi na siya ay hinahanap nito.Nung oras na yun, si Sebastian ay hindi man lang tumingin sa babae, at inutusan ang kanyang mga tao na paalisin siya.Malabo niyang naalala na sinabi ng babaeng yun na siya ay kay Alex.Yun ba ang babaeng nang-iwan kay Alex sa loob ng maraming taon, si Lily?Siguro!Ang babaeng yun lang ang maglalakas-loob na kumilos nang walang pakundangan sa harap ni Alex.Kahit si Jane ay hindi maglalakas-loob.Kung bumalik na ang babaeng yun, edi malamang nawala na ang lugar ni Jade sa puder ni Alex.Si Sebastian ay nagkaroon nang hindi kilalang pakiramdam sa puso niya.Kung ito ay sa nakaraan, kailanman ay hindi siya magkakaroon ng pakialam sa iba.Alam niya na si Alex ay pansamantal