"Sabrina? Sabrina?"Si Sabrina ay namutla nang sinabi niya, "Sebastian, kung iniwan na ni Jane si Alex, edi wala na pala siyang aasahan ngayon. Gusto niya talaga si Aino, at gustong gusto rin naman siya ni Aino."Matapos ang isa pang mahabang buntong hininga, nagpatuloy si Sabrina, "Nung ako ay nilinlang ni Selene dati, tinulungan ako ni Jane kay Selene nang bukal sa loob. Hindi ko makakalimutan ang pabor na ito."Sebastian, pupunta ako sa bahay ni Alex ngayon din para tanungin kung nasaan si Jane. Dadalhin ko siya sa bahay ng nanay ko, para masamahan nila ang isa't isa."Sumagot si Sebastian, "Sige lang. Papapuntahin ko si Kingston para sunduin ka na ngayon.""Sige."Pagkatapos ng tawag, sinabi ni Sabrina kay Yvonne at Ruth sa seryosong tono, "Si Jane... May nangyari sa kanya!"Sila Yvonne at Ruth ay naghabol ng hininga.Sila ay nagtatawanan at nagbibiruan lang kanina tungkol kay Jane na posibleng buntis, at ngayon sila ay nagagalit."Sumosobra na si Alex!""Paano niya nagaw
Walang nasabi si Lily.Natural lang ito para kay Lily, dahil kahit sila Sabrina, Ruth at Yvonne ay natigilan din sa kabastusan at pagiging dominante ni Aino.Nung oras na nakalampas nila sa bungad ng pintuan, sila Sabrina, Ruth at Yvonne ay sinabi kay Aino, "Munting bata, kapag lumabas ang matapang na babae mamaya, dapat kang...""Magtatago po ako sa likod niyong lahat," masunuring sinabi ni Aino."Oo, tama yan. Ang mga munting bata ay hindi dapat nakikisali sa problema ng mga matatanda, okay!" sabi ni Ruth kay Aino.Tumango si Aino. "Naintindihan ko po."Habang sila ay naglalakad, ang bulinggit ay naging isang masunuring munting bata.Bago bumukas ang pinto, ang munting bata ay nasa likod pa rin nila. Sa isang kurap ng mata, bigla siyang nagmadali papunta sa harap nilang tatlo.Agad niya pa ngang pinagalitan ang babae at tinawag siyang masamang babae.Ay nako!Siya ay mas matapang pa kaysa sa munting palaaway na si Ruth!Siya ay mas malakas pang sumabog kaysa sa munting pap
Sa pagkakataong ito, ang munting bata ay naglakas-loob pang bugbugin ang isang matanda, at siya ay nag-uutos pa dito.Ang mas mahalaga pa, bakit nakikinig ang dalawa niyang kaibigan sa batang yun?Nako!Nung oras na yun, si Sabrina ay natigilan.Sa sahig naman, habang ang apat ng na babae ay pagulong gulong, siguaradong si Lily ang malapit nang matalo.Hindi niya inasahan kailanman na siya ay sasaktan ng isang anim na taong gulang na bata. Pagkatapos na mag-ingay at umikot ang ulo niya sa pagkatama niya sa sahig, bigla namang may mga daliring nakapasok sa butas ng ilong niya.Ito ay talagang masakit.Sobrang sakit.Sobrang itong sakit na si Lily ay nagsimula nang umungol na parang isang tupa. "Baa, baa."Itataas niya palang sana ang kamay niya para bugbugin ang munting bata, pero ang mga kamay niya ay inipit na ng dalawang babae.Ginamit pa nga ng dalawang babae ang mga paa nila, tinapakan nila ang mga kamay nito gamit ang tig-isang paa.Sa buong Europa, at kahit sa buong mu
Ang lahat ay tumigil.Nang lumingon si Sabrina, isang hindi naka-ahit na Alex, na may madilim na ekspresyon, ang nakatayo doonJusko!Kalahating buwan palang ang nakalipas! Paano naging ganon si Alex?Siya ay laging maganda ang pananamit, maayos ang kilos, at kalmado. Walang makakahula kung ano ang nasa isip niya. Lagi siyang mukha payapa sa labas, pero siya ay talagang may kakayahan.Pero paano naman ngayon?Mukha siyang isang lalaking gusgusin at napabayaan.Kahit na ganon ang itsura niya, ang boses niya ay sapat pa ring malamig para manginig ang lahat.Ito ay para bang naglakad sila papasok sa isang freezer.Silang tatlo na bumubugbog kay Lily ay agad na tumigil dahil sa takot.Pero, nakita agad ni Aino na ang tatay niya ay nasa likod ni Tito Alex.Siya ay sobrang natuwa, at hinila niya nang malakas ang ilong ni Lily sa huling pagkakataon.Ang butas ng ilong ni Lily ay nahila ng mga limang sentimetro bago ito bumalik sa dati."Ah... Ikaw kasuklam-suklam na bata ka!" Si
Nagmukha silang mga trumpeta. Ang butas ng ilong niya ay sobrang laki na pwede na itong gamiting embudo. Sa maga niyang mukha, siya ay naging sobrang pangit. Nagmukha talaga siyang baboy. Diyos ko! Nandyan din ang nagdudugo niyang mga labi. At ang dila niya, kailanman hindi siya nakita ni Alex sa ganitong estado dati! Kahit na hindi si Alex at ibang tao ito, siguro pinalayas na rin siya ng mga ito. Hindi nakapagtataka na ang mga babaeng ay nagtatawanan."Ah..." Si Lily ay umiyak nang malakas galing sa itaas. Sa kabilang banda naman, sila Sabrina, Yvonne, Ruth at Aino ay inosenteng nakatingin kay Alex."Mr Poole, pasensya na, ngayon, Aino..." Si Sabrina ay tumingin kay Aino.Agad na sinabi ni Aino, "Sino pong nagsabi sa magnanakaw na yun na tawagin akong pasaway! Sinabi niya pa nga na patay na si Tita Jane! Sino ba siya? Bakit siya nasa bahay ng Tita Jane ko? Bakit siya umakyat sa taas? Dalian niyo po tumawag na kayo ng pulis para hulihin siya, isa siyang magnanakaw!"Sabi ni Sabrin
Nasaan si Jane? Walang nasabi si Alex. Binaba niya ang tawag pa sagutin si Sabrina.Si Sabrina ay nainis. "Hello! Hello! Gago ka! Buong akala ko isa kang mabuting lalaki, isang maingat..."Kahit na alam niyang binaba na nito ang telepono, nagpatuloy pa rin si Sabrina sa paninigaw sa kanya. Kinuha ni Sebastian ang telepono sa kanya. "Bigyan mo siya ng oras para huminahon. Tatanungin ko siya ulit kapag kalmado na siya."Nagbuntong hininga si Sabrina. "Siguro, yan lang muna ang magagawa natin." Pagkatapos nun, ang grupo nila ay pumasok na sa kotse at umalis na sa bahay bakasyunan ni Alex.Si Alex ay umupo sa balkonahe at nakatingin nang umalis sila. Pagkaalis niya sa balkonahe, pumunta siya sa kwarto ni Lily Parker.Hindi inisip ni Lily na pupunta si Alex, kaya hindi niya na ni-lock ang pinto. Nang makita niya itong pumasok ng kwarto niya, ang mukha niya ay namula. Pero kahit na siya ay namumula, hindi talaga ito kapansin-pansin. Ang mukha niya ay dark maroon na ang kulay na parang p
Lumipat si Alex ng venue, at nag order siya ng tatlong bote alak ng sabay-sabay. Sobrang laki ng private room, pero mag isa lang siya. At noong gabing yun ay uminom siya ng uminom hanggang sa tuluyan na siyang nalasing. Paulit-ulit sa isip niya ang mga ala-ala nila ni Jane na para bang nasa pelikula sila. Hanggang sa panaginip, parang kasama niya pa rin si Jane. Kumpara sa ibang mga babae, hindi ito ganun kadaldal kaya kapag hindi siya nagsalita, hindi rin ito magsasalita, pero walang katumbas ang pagiging attentive nito. Alam nito na pagod siya sa tuwing umuuwi siya kaya sasalubungin kaagad siya nito para tulungan siyang magtanggal ng coat at alalayan siyang umupo.Ni wala na siyang kailangang gawin dahil pati pagtanggal ng sapatos at pag suot sakanya ng tsinelas ay gagawin din nito. Hindi pa yun doon natatapos dahil pagkatapos nun ay kukuha pa ito ng basang towel para punasan ang kamay niya nang hindi niya na kailangan pang pumunta sa kusina para maghugas ng kamay bago siya ku
Siyempre yun naman talaga ang tamang gawin, diba? Lahat naman siguro ng lalaking nasa tamang pag iisip ay ganun ang gagawin kaya tama lang naman na si Lily ang pinili niya, diba?Wala naman siyang sinabi na gusto niyang piliin si Jane kasi ang totoong rason lang naman kung bakit niya ito kinupkop ay dahil naawa lang siya rito kasi muntik na itong mamatay noon…Hindi niya naman talaga ito minahal, dba? Kasi ang totoong mahal niya ay walang iba kundi si Lily…Yung nag iisang babaeng minahal niya mula pagkabata…Pero bakit siya nasasaktan ngayon? Nagpatuloy siya sa pag inom, at sa pagkakataong ito, hindi na talaga niya kinaya at bigla siyang nagsuka. “Sir, Sir!” Inalalayan ng manager si Alex dahil tuluyan na itong nawalan ng malay. Nagaadaling sinugod ng manager si Alex papunta sa ospital, kung saan agad-agad itong swineruhan ng mga doktor at dahil mag isa lang ito at hindi niya ala kung sino ang kokontakin, napilitan ang manager na samahan ito buong magdamag. Kinabukasan, maagang n