Wala itong pinagbago… sobrang gwapo pa rin nito. Bukod dun, sobrang yaman din nito, na para ng diyos ang tingin dito ng buong Kidon City kaya hinding hindi talaga siya papayag na maagaw ito sakanya ng ibang babae!Sa tulong ng dalawang caretaker, sinakay niya si Alex sa sasakyan niya. Pagkauwi nila, sinalubong sila ng mga katulong at inalalayan nila ito papunta sa kwarto nila. Noong silang dalawa nalang ulit ang naiwan, umupo siya sa tabi nito at tinitigan ang mukha nito. Huminga siya ng malalim at sinabi, na para bang naawa sa sarili niya. “Nakita mo ba ‘tong ginawa ko sayo? Ang bait bait ko no? Ngayong lasing na lasing at wala kang malay, ako ‘tong nasa tabi mo. Nasaan yung Jane na yun? Bakit wala siya dito para alagaan ka?! Tumayo ka nga sandali, tatanggalin ko yung sapatos mo.” Pwersadong pina ayos ng higa ni Lily si Alex. Malalim ang tulog ni Alex nang bigla siyang magsalita, “Jane…Jane…Jane, Nasaan ka? May pera ka ba? Bobo ka talaga kahit kailan! Hindi mo ba alam na dahil s
Lumingon si Lily sa lalaki. Sigurado siya na hindi niya pa ito nakikita kahit kailan.“Sino ka?!” Mayabang na tanong ni Lily. Pero walang planong magpasindak ang lalaki. “Wala ka ng pakielam dun.”Tumawa ng malakas si Lily at pasigaw na sumagot, “Bobo ka ba?! Kahit na hindi mo sabihin sa akin kung sino, alam ko na kaibigan mo si Sabrina! Balita ko kalat na kalat ang mabahong hininga nung babaeng yun sa buong South City! Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ang tindi ng polusyon dito…”Pero bago pa matapos si Lily sa pagsasalita, bigla siyang sinampal ng malakas ng lalaki kaya nabitawan niya ang wine glass na kanyang hawak. “T*ng*n*! Bakit mo ako sinapal?! Hindi mo ba alam kung sino ako?”Noong oras na yun, pakiramdam ni Lily ay nagpatong-patong na ang mga kamalasan niya. Kahapon, binugbog siya ng isang grupo ng mga babae, tapos ngayon naman ay sinampal siya ng isang lalaki na wala man lang siyang kaide-ideya kung sino!Hindi nakuntento ang lalaki at bigla siyang sinabunutan ni
Pakiramdam ni Lily ay pinagtutulungan siya ng lahat. Nang tumingin siya sa paligid niya, nanlilisik ang mga mata nito sakanya. Nasanay siya na may nagpoprotekta sakanya sa tuwing manggugulo siya sa mga bar, pero ngayong gabi…. Himalang walang dumating para ipagtanggol siya! Takot na takot siyang tumingin sa lalaking sumampal sakanya, at bakas sa mga mata nito ang sobra-sobrang pandidiri sakanya. “Wag…wag…wag kang lalapit sa akin…” Takot na takot na sabi ni Lily. Sobrang tapang at angas ni Lily pero kahit anong mangyari, babae pa rin siya kaya wala siyang laban sa kamao ng isang lalaki. “Diba sinabi ko naman sayo kanina na tumigil ka na? Anong ginawa mo? Sige! Ngayon mo ituloy ang mga gusto mong sabihin nang masampal kita hanggang sa mamatay ka!” Takot na takot na tumingin si Lily sa bartender. “Tumawag ka ng pulis!” Pero parang walang nakakarinig sakanya, at imbes na pansinin siya, nagtago ang bartender sa ilalim ng lamesa sa sobrang takot nito. “Wag…wag kang luapit sa akin!”
Pinag-isipan ni Lily ang sinabi ng lalaki. “Hmm Holden Payne? Parang ngayon ko lang narinig ang pangalan yan.”“Hindi mo naman talaga ako kailangang makilala.” Ramdam na ramdam sa boses ng lalaki ang sobrang pandidiri kay Lily. Pagkatapos, walang awa niya itong hinila patayo na parang walang pakielam na wala itong damit. Gulat na gulat si Lily sa nangyari. Noong isang araw pa siya nabubugbog kaya sobrang sakit na ng buong katawan niya, pero parang walang awa ang lalaki at bigla siyang sinuntok nito sa tiyan.“Ikaw…” Galit na galit na sigaw ni Lily. “Bakit mo ginawa yun?!” “Ayokong maging nanay ka ng anak ko!” Puno ng pandidiring sabi ng lalaki. Nagpumiglas si Lily at pagkatapos siyang suntukin ng lalaki, nagbihis ito ng mabilisan at naglabas ng isang tumpok ng pera.Binilang ng lalaki sa harapan ni Lily ang pera at pagkatapos, kumuha ito ng two hundred dollars at binato sa mukha ni Lily. “Hindi mo ‘to deserve!” “Holden Payne, tumigil ka!” Sigaw ni Lily. Pero hindi natinag
At yung batang babae! Yung six years old na batang yun! Sobrang cute lalo na kapag tinatawag siyang Uncle Holden nito. Bakit?! Bakit parang ang damot damot naman ata sakanya ng buhay! Imposible! Pagkatapos niyang malaman ang katotohanan, napagdesisyunan niyang pumunta sa South City. Ngayon, wala na siyang pakielam kahit pa ikamatay niya ito. Desidido siyang hanapin si Sean Ford, ang totoo niyang tatay, kung bakit siya iniwan nito! Kung bakit sila inabandona nito ng nanay niya. Kung mamatay man siya, gusto niyang sa South City yun mangyari kaya mas gusto niya pang mahuli siya ng mga pulis para makuha niya ang atensyon ng tatay niya! At ganun-ganun nalang, iniwan ni Holden si Lily, kaya galit na galit itong sumigaw, “Hoy! Hindi mo ba itatanong kung anong pangalan ko?”“Wala akong intensyong malaman ang pangalan ng isang pokpok!”Hindi matanggap ni Lily ang pakikitungo sakanya ni Holden kaya nagmaadali siyang nagbihis at paika-ika itong hinabol pero nabigo siya. Magang-maga ang magk
Ang babaeng nakasalampak sa labas ng bahay ni Alex ay si Jane Sheen! Dalawang linggo na ang nakakalipas noong dinukot at pinagbubugbog ito sa utos mismo ni Lily. Ang buong akala talaga ni Jane ay mamatay na siya noong gabing yun, pero hindi siya tinuluyang patayin nito at kinuha lang nito sakanya ang kanyang debit card. Sa kalagitnaan ng madilim at masukal na kagubatan, walang awa na iniwanang mag isa si Jane. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya natatakot na mamatay. Sino pa nga bang aasahan niya? Si Alex? Ni hindi nga siya naiisip nito habang naghihirap siya…Tama! Wala naman din talaga itong kailangang patunayan sakanya. Sino ba naman kasi siya, diba? Isang katulong. Siguro mabait lang talaga si Alex sa lahat ng mga katulong nito at kaya lang naman siya kinupkop nito ay dahil naawa ito sakanya. Yung isang milyon na binigay nito sakanya, para naman talaga yun sa girlfriend nito diba? Kaya tama lang na kunin sakanya yung atm na yun ng totoong may ari. Noong gabing yun, nais
At ganun na lang, wala siya pera at walang paraan para makipag-usap sa labas, siya ay nagmakaawa para sa pagkain habang nasa daan. Kalahating buwan na ang nakalipas bago siya bumalik sa bahay bakasyunan ni Alex.Si Jane ay isang babaeng simple kung mag-isip. Hindi siya umasa na si Alex ay nandito pa din. Pagkatapos ng lahat, kalahating buwan na ang nakalipas. Baka bumalik na siya sa Kidon City kasama ang totoo niyang kasintahan, tama? Bukod kay Sabrina at ang ilang mga kaibigan ni Sabrina, wala na siyang ibang kakilala sa South City. Bumalik siya dito dahil kilala siya ng mga katulong. Ang gusto niya lang ay makahiram ng pera sa kanila, at magpalit ng malinis na damit, tapos hahanap na siya ng lugar para makapagpahinga sa gabi, at kalaunan, makahanap ng trabaho.Kung sila ay matulungin, baka dalhan siya nito ng ilan sa mga damit niya. Siya ay umalis sa gitna ng galit niya, at wala man lang siya dinala kahit ano. Si Jane ay nakakaawang tumingin sa loob, umaasa na may katulong na lalab
Sa kabilang linya, ang tono ni Alex ay mababa at bigo. "Lily, saan ka ba nagpunta buong araw?"Tumingin si Lily kay Jane at ngumiti nang matamis. "Ayos lang ako. Anong problema, Alex? Masyado ka naman nagmamalasakit sa akin, nag-aalala ka na agad nung oras na umalis ako para magpakasaya? Para namang hindi mo alam na gusto kong lumalabas at nagpapakasaya.""Bumalik ka!" Malamig na utos ni Alex.Nagulat si Lily. "Ngayon na, Alex?""Oo!" Si Alex ay nanatiling tahimik sa ilang sandali, tapos para bang nagkaroon siya ng mabigat na desisyon, sinabi niya, "Lily, matagal tayong nagkahiwalay, halos sampung taon. Sapat na ang sampung taon para baguhin ang isang tao nang buo, tayo..." Si Lily ay sobrang kinakabahan, pakiramdam niya ay nagyelo ang hangin. Ang mga daliring nakahawak sa phone niya ay namutla. Nag-isip siya sa sarili niya nang maraming beses, pakiusap, pakiusap wag mong sabihin ang mga salitang ayaw niyang marinig.Pero, sa kabilang linya, matapos na manatiling tahimik nang il