At yung batang babae! Yung six years old na batang yun! Sobrang cute lalo na kapag tinatawag siyang Uncle Holden nito. Bakit?! Bakit parang ang damot damot naman ata sakanya ng buhay! Imposible! Pagkatapos niyang malaman ang katotohanan, napagdesisyunan niyang pumunta sa South City. Ngayon, wala na siyang pakielam kahit pa ikamatay niya ito. Desidido siyang hanapin si Sean Ford, ang totoo niyang tatay, kung bakit siya iniwan nito! Kung bakit sila inabandona nito ng nanay niya. Kung mamatay man siya, gusto niyang sa South City yun mangyari kaya mas gusto niya pang mahuli siya ng mga pulis para makuha niya ang atensyon ng tatay niya! At ganun-ganun nalang, iniwan ni Holden si Lily, kaya galit na galit itong sumigaw, “Hoy! Hindi mo ba itatanong kung anong pangalan ko?”“Wala akong intensyong malaman ang pangalan ng isang pokpok!”Hindi matanggap ni Lily ang pakikitungo sakanya ni Holden kaya nagmaadali siyang nagbihis at paika-ika itong hinabol pero nabigo siya. Magang-maga ang magk
Ang babaeng nakasalampak sa labas ng bahay ni Alex ay si Jane Sheen! Dalawang linggo na ang nakakalipas noong dinukot at pinagbubugbog ito sa utos mismo ni Lily. Ang buong akala talaga ni Jane ay mamatay na siya noong gabing yun, pero hindi siya tinuluyang patayin nito at kinuha lang nito sakanya ang kanyang debit card. Sa kalagitnaan ng madilim at masukal na kagubatan, walang awa na iniwanang mag isa si Jane. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya natatakot na mamatay. Sino pa nga bang aasahan niya? Si Alex? Ni hindi nga siya naiisip nito habang naghihirap siya…Tama! Wala naman din talaga itong kailangang patunayan sakanya. Sino ba naman kasi siya, diba? Isang katulong. Siguro mabait lang talaga si Alex sa lahat ng mga katulong nito at kaya lang naman siya kinupkop nito ay dahil naawa ito sakanya. Yung isang milyon na binigay nito sakanya, para naman talaga yun sa girlfriend nito diba? Kaya tama lang na kunin sakanya yung atm na yun ng totoong may ari. Noong gabing yun, nais
At ganun na lang, wala siya pera at walang paraan para makipag-usap sa labas, siya ay nagmakaawa para sa pagkain habang nasa daan. Kalahating buwan na ang nakalipas bago siya bumalik sa bahay bakasyunan ni Alex.Si Jane ay isang babaeng simple kung mag-isip. Hindi siya umasa na si Alex ay nandito pa din. Pagkatapos ng lahat, kalahating buwan na ang nakalipas. Baka bumalik na siya sa Kidon City kasama ang totoo niyang kasintahan, tama? Bukod kay Sabrina at ang ilang mga kaibigan ni Sabrina, wala na siyang ibang kakilala sa South City. Bumalik siya dito dahil kilala siya ng mga katulong. Ang gusto niya lang ay makahiram ng pera sa kanila, at magpalit ng malinis na damit, tapos hahanap na siya ng lugar para makapagpahinga sa gabi, at kalaunan, makahanap ng trabaho.Kung sila ay matulungin, baka dalhan siya nito ng ilan sa mga damit niya. Siya ay umalis sa gitna ng galit niya, at wala man lang siya dinala kahit ano. Si Jane ay nakakaawang tumingin sa loob, umaasa na may katulong na lalab
Sa kabilang linya, ang tono ni Alex ay mababa at bigo. "Lily, saan ka ba nagpunta buong araw?"Tumingin si Lily kay Jane at ngumiti nang matamis. "Ayos lang ako. Anong problema, Alex? Masyado ka naman nagmamalasakit sa akin, nag-aalala ka na agad nung oras na umalis ako para magpakasaya? Para namang hindi mo alam na gusto kong lumalabas at nagpapakasaya.""Bumalik ka!" Malamig na utos ni Alex.Nagulat si Lily. "Ngayon na, Alex?""Oo!" Si Alex ay nanatiling tahimik sa ilang sandali, tapos para bang nagkaroon siya ng mabigat na desisyon, sinabi niya, "Lily, matagal tayong nagkahiwalay, halos sampung taon. Sapat na ang sampung taon para baguhin ang isang tao nang buo, tayo..." Si Lily ay sobrang kinakabahan, pakiramdam niya ay nagyelo ang hangin. Ang mga daliring nakahawak sa phone niya ay namutla. Nag-isip siya sa sarili niya nang maraming beses, pakiusap, pakiusap wag mong sabihin ang mga salitang ayaw niyang marinig.Pero, sa kabilang linya, matapos na manatiling tahimik nang il
"Pero siguraduhin niyo na hindi kayo mag-iiwan ng kahit anong bakas!" Walang awang sinabi ni Lily."Madam Parker, ang bayad...""Sampung milyong dolyar!""Madam Parker, lima kami sa grupo, tig-dadalawang milyon lang ang makukuha namin. Sa presyong ito gusto mo na...Mas okay kung sampung milyon bawat isa!""Gusto niyo ng limampung milyong dolyar?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lily."Madam Parker, kahit na limang daang milyong dolyar pa yan, wala naman yan sayo. Paano pa ang limampung milyon..."Tumingin nang masama si Lily sa babaeng nakabaluktot sa lupa sa isang bunton. "Limang daang milyon! Limang daang milyong dolyar para maalis na ang maruming p*kpok na tulad niya!"Matapos na tumigil, siya ay naging determinado. "Sige, limang daang milyon na! Wag kayong mag-iiwan ng kahit anong bakas!"Matapos na ibaba ang tawag, tinapakan ni Lily ang pisngi ni Jane. "Limang daang milyong dolyar! Ikaw malandi ka! Ginastusan mo ako ng limang daang milyon!"Si Jane ay hindi na pumalag pa.
Nung sisimulan na sana siyang gahasain ng apat o limang mga lalaki, hindi mabilang na mga ahas ang gumapang sa kanila. Ang ilan sa mga ahas ay kulay pula, ang iba naman ay berde, lahat sila ay nagliliwanag sa gabi. Sa malamig na tuktok ng bundok, ang mga katawan ng ahas ay mas lumamig pa. Ang malalaki at matipunong mga lalaki ay natakot, nagtakbuhan sila sa lahat ng direksyon.Mahinang minulat ni Jane ang mga mata niya. Hindi siya natatakot, mamamatay na din naman kasi siya. Siguro ang pagkamatay dahil sa kagat ng ahas ay isang mas nakakaawang resulta.Ilang minuto lang ang nakalipas matapos na tumakbo ang mga lalaki, isang lalaki ang lumakad ng papilay pilay sa kanya. Ang mga kilos niya ay listo at tiyak, hinuli niya sa mahinang parte ang ahas at nilagay sila pabalik sa bag niya.Pinanatiling mulat ni Jane ang mga mata niya at tumingin siya sa lalaking nasa harap niya. Siya ay mukhang nasa kahulihang apatnapu na ang edad."Ikaw...ikaw si...?" Hinihingal na tanong ni Jane.Ang bos
Sumampa siya sa likod ng lalaki at mahinang sinabi. "Wa...wala akong bahay, simula pa nung bata ako. Marami akong ginawang kasalanan sa nakaraan. Sir, niligtas mo ako. Kung ayos lang sayo, mananatili ako sa bahay niyo at tutulungan kitang alagaan ang nanay mo. Kapag lumakas na ulit ang katawan ko, aalis na ako ng bundok at hahanap ako ng trabaho para mabayaran ko ang kabaitan mo."Mabait na ngumiti ang lalaki. "Sige."At ganun na lang, si Jane ay nailigtas ng isang lalaking nasa kalagitnaan na ang edad sa kabundukan. Minsan, pakiramdam niya ay malupit ang kapalaran sa kanya, pero siya ay nakaligtas pa rin. Muntik na siyang mamatay nang maraming beses, pero sa bawat pagkakataon, siya ay naliligtas. Sa hinaharap, hindi na siya aasa sa kahit sino, siya ay magtatrabaho gamit ang dalawa niyang kamay. Hindi niya gustong maging mayaman o makapangyarihan, magiging masaya na siya basta malagyan niya ng laman ang tiyan niya.Nung gabing yun, si Jane ay nakaupo sa bahay na bato sa ilalim ng ma
Si Alex ay mukhang magulo. Sa pagtingin sa walang buhay niyang itsura, maaawa sa kanya ang mga tao sa labas. Kung ibabase sa dating tingin sa kanya, kahit si Sabrina maaawa sa kanya.Kahit hanggang ngayon, naaalala pa rin ni Sabrina yung unang beses na nakilala niya si Alex. Dati, siya ay nasa opisina ni Sebastian, pakiramdam niya ay para nakabitin ang buhay niya, na para bang siya ay papatayin nito sa susunod na segundo. Wala siyang pagkakataon na isipin ang tungkol sa trabaho o karera niya. Pero, nung siya ay nawawala at walang gana, sinabi sa kanya ni Alex, "Pwede kang magkaroon ng sarili mong karera, pwede mong gawin ang trabaho na gusto mo. Dahil gusto sa industriya ng paggawa, pwede mong gawin yun."Ang pagkikitang yun ay nag-iwan kay Sabrina ng magandang pagkilala kay Alex. Kalaunan, nung nakilala niya ang babaeng kinakasama nito, nagustuhan ni Sabrina kung gaano kabait si Jane. Si Sabrina ay hindi pa halos nakakakilala ng kasing hinahon, elegante, bait, at mapagkumbaba tulad