Share

Kabanata 1147

Pakiramdam ni Lily ay pinagtutulungan siya ng lahat. Nang tumingin siya sa paligid niya, nanlilisik ang mga mata nito sakanya. Nasanay siya na may nagpoprotekta sakanya sa tuwing manggugulo siya sa mga bar, pero ngayong gabi…. Himalang walang dumating para ipagtanggol siya! Takot na takot siyang tumingin sa lalaking sumampal sakanya, at bakas sa mga mata nito ang sobra-sobrang pandidiri sakanya.

“Wag…wag…wag kang lalapit sa akin…” Takot na takot na sabi ni Lily. Sobrang tapang at angas ni Lily pero kahit anong mangyari, babae pa rin siya kaya wala siyang laban sa kamao ng isang lalaki.

“Diba sinabi ko naman sayo kanina na tumigil ka na? Anong ginawa mo? Sige! Ngayon mo ituloy ang mga gusto mong sabihin nang masampal kita hanggang sa mamatay ka!”

Takot na takot na tumingin si Lily sa bartender. “Tumawag ka ng pulis!” Pero parang walang nakakarinig sakanya, at imbes na pansinin siya, nagtago ang bartender sa ilalim ng lamesa sa sobrang takot nito.

“Wag…wag kang luapit sa akin!”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status