Geraldine's Point of View* Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos niya ito na kinatingin ko sa mga mata niya. Teka may sapi ba ang isang ito? Pa-iba iba ng mode eh. Iniinis ako nito kanina dahil di ako papakainin ng sweets at ngayon ay naging switch to dream boy na naman siya. Napatingin naman ako kay Rafayel at nag-sign sa kanya kung ano ang nangyayari sa bestfriend niya. 'Sinapian ba ang bff mo?' Nakita ko na nakangiti lang siya at kumindat sa akin. Teka ano na naman ang sinabi niya sa lalaking ito? "Don't look at other men. Focus your attention only on me, wife." Uminit naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya at napalunok ako dahil nakikita ko sa mga mata niya ang selos. Bakit ka nagseselos? Ano ba ang sinabi ng lalaking yun sayo? 'He's possessive of whatever he owns.' Naalala ko ang sinabi noon ni Rafayel ang mga katagang iyon. Okay, kalma lang, Gerry. Napag-aralan mo na yan noon eh kung paano i-handle ang possessiveness ng isang lalaki. "Don't worry sayo lang ang atten
3rd Person's Point of View* Masayang nakatingin si Jane kay Geraldine na masayang nakatingin sa pa-mini concert ng idol niya at napakunot ang noo niya nung napayakap na si Gerry kay Mike dahil sa kasayahan nito. Matagal ng alam ni Jane ang tungkol sa katauhan ni Gerry at matagal na din niyang sinusundan ito noon pa man sa mga mission nito. Napakamao siya habang nakatingin kay Mike na nakatingin na kay Gerry. Lalapitan sana siya ni Jane nang biglang tumama si Jane sa isang dibdib na kinapikit niya at naramdaman niya ang mga kamay ng nakabangga niya sa bewang niya. Agad naman siyang napatingin sa lalaking sumalo sa kanya at nanlalaki ang mga mata niya nang makita niya si Rafayel na nakatingin sa mga mata niya. 'Damn..' mahinang mura niya nang makita na naman ang lalaking iniiwasan niya. At magkalapit pa ang mga mukha nila sa isa't isa. "Hmm... Familiar scent, darling." Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin kay Rafayel at agad niya iyong tinulak pero di pa din siya nito binib
3rd Person's Point of View* Dahan-dahang nakatingin ngayon si Jane sa kanya at hindi siya nagpahalata sa nangyayari ngayon. "Sir Rafayel, ano naman po ang i-a-avoid ko po sa inyo?" Napangiti naman si Rafayel at dahan-dahan na lumapit kay Jane. At hinaplos niya ang pisngi ni Jane na kinatingin ni Jane sa kanya. "Hmm, why, na-expired na ba ang pagkagusto mo sa akin kaya nagkaka-amnesia ka na, my girl?" Nanlaki naman ang mga mata ni Jane dahil sa sinabi niya. "Sir, wag po..." Pa-inosenteng ani ni Jane sa kanya. "Jane!" Napatingin naman si Jane kay Manang na tinawag siya. "Nandyan na po." Agad namang napa-iwas si Jane at agad siyang tumakbo papunta kay Manang at nakahinga na lang siya ng maluwag dahil sa nangyayari. "Thank you, Manang." "Bakit, anong ginawa sayo ni Sir Rafayel?" "Nangungulit lang siya. Wala atah kausap eh." "Pasensyahan mo na, mabait naman yang si Sir Rafayel." Napangiti naman si Jane at dahan-dahan na tumango at pumasok na sila. Sa pwesto naman ni Rafaye
Geraldine's Point of View* Nakaupo ako ngayon sa takip ng inidoro dito sa banyo habang nagtitipa ng information na nakalap ko kanina na ipapasa ko sa chief ko mamaya. Dalawang tao ang na-touching interrogation ko kanina. Hindi ko aakalain na tahimik na sumasali ang mga assassins na yun sa mundo ng mga normal na tao at ang dahilan nun ay madali lang silang makakagawa sa mga mission nila na inatas sa kanila at yun na din ang isa sa pagpatay sa amin na tumutugis sa kanila. Hindi ko alam kung nahuli nila ako pero ramdam ko din ang mga tingin nila sa akin. "Wife." Nagulat ako nung nagsalita si Mike sa pintuan at agad ko namang na delete all ang mga sinulat ko. "Damn." Ang taas na ng sinulat ko ha. Mamaya na lang. Tinago ko ang phone ko sa secret pocket ko at flinush ko ang inidoro bago tumayo at lumakad papunta sa pintuan at binuksan ko iyon at nakita ko si Mike na nakatingin sa akin. "Bakit, magbabanyo ka ba, Hubby?" Tiningnan niya ako sa mga mata ko na parang malalim ang inii
3rd Person's Point of View* Nakatingin lang ang assassin kina Gerry at naghihintay na matulog ang Asawa nito para matuloy na niya ang pagpatay kay Mike. Hindi naman niya binigyang pansin ang Asawa hanggang sa tumayo ito at akala niya na isisira lang nito ang kurtina nang isang iglap ay sakal sakal siya ngayon ni Gerry at dahan-dahan na nakatingin ngayon si Gerry sa mga mata niya na kinalaki ng mga mata niya. Hindi niya maintindihan kung ano ang i-rereact niya ngayon sa position nila at ramdam niya ang sakit sa pagkakasakal nito sa leeg nito na parang isang iglap ay babaliin nito ang leeg nito at hindi din pangkaraniwang ang kakayahan ni Gerry na di niya inaasahan sa maliit na katawan nito. "Anong kailangan mo dito sa Asawa ko? Hmm?" kalma pero may pagbabantang ani ni Gerry sa kanya. Nakahawak ngayon ang isang kamay niya sa kamay ni Gerry at ang isang kamay naman niya ay dahan-dahan niyang kinuha ang kutsilyo niya at sa isang iglap tinapon siya ni Gerry palabas ng balcony at napa
Geraldine's Point of View*' Napalunok ako habang nakatingin kay Mike ngayon na nakatayo ngayon sa pintuan ng kwarto at inaantok pa din ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "H-Hubby, bakit gising ka pa?" Alam ba niya na may pinatulog pa akong ibang lalaki matapos ko siyang patulugin? Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at nakatingin lang siya sa mga mata ko at kinuha niya ang isang tela at inilagay niya sa balikat ko. "The wind is cold baka magkakasakit ka." Natigilan naman ako. Hindi ba niya alam ang ginawa ko? Bigla niya akong binuhat na muntik ko ng kinatili dahil sa ginawa niya. "Matulog na tayo." "Bakit ka bigla biglang nambubuhat?" Akmang ihuhulog niya ako kaya agad akong napakapit sa batok niya. "Ito naman oh. Nagtatanong lang ako. Tara na matulog na tayo, hubby." "Tsk." Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang makarating na kami sa higaan. Wala bang nakita ang lalaking ito? Nakikita ko sa mga mata niya na kakagising lang din niya eh. Inihiga niya ako
Geraldine's Point of View* Nakahawak ako sa balikat ko habang nag-ehersisyo ako ngayon dito sa balcony habang naliligo pa ang isa sa banyo. "Grabe same position pa din hanggang nag-umaga? Di na ako nagulat na nagkakaganito ang katawan ko. Ang sakit ng balikat ko!" Bumawi atah ang ehersisyo ko kahapon! Sumilip ako sa baba at nakita ko na nagising na yung assassin na tinali ko sa may garden. May mga bodyguards na ding nakabantay sa kanya doon. At iniimbestigahan na nila ang lalaking nakasabit doon. Napatingin ako sa poison na nakuha ko kahapon sa lalaking iyon. Same poison sa mga nakuha ko noon. Mabagsik ang lasong ito dahil isang tikim mo nito ay patay ka agad na segundo lang kaya delikado ang bagay na ito. Kailangan ko itong itago baka magamit ko ito sa hinaharap. Tinago ko iyon sa pitaka ko at napatingin sa punuan ng apple dahil may bunga doon. Napangiti ako at agad akong pumunta sa kabilang side ng balcony at dahil maaabot lang yun ng kamay kaya inaabot ko iyon at success k
Geraldine's Point of View* Nandidito ako ngayon sa garden at mabuti dito ay mabango at maganda kaya nawawala ang stress ko. Napatingin ako sa rosas na nandodoon at ang ganda nun pero hindi pwedeng magpapa-linlang sa kagandahan niya dahil hindi mo alam bigla ka na lang masusugatan. Pero hinawakan ko pa din iyon at hindi lang hawak kundi hinayana kong tumusok ang tinik na nasa stem sa kamay ko. Napabuntong hininga ako ngayon habang nakatingin doon sa kamay ko na dumudugo na ngayon. Hindi naman masakit dahil sanay na ako sa bagay na ito. "Madame!" Napatingin ako sa isang lalaki na lumapit sa akin at according sa sout niya ay mukhang siya ang gardener dito at may dala din siyang pangtanim. "Hala, madame, dumudugo po ang kamay ninyo. Paano ba ito, kukuha po muna ako ng first aid kit." Agad kong naamoy ang scent niya na pamilyar sa akin. Same scent na nasa basement. Don't tell me siya ang lumigtas sa akin nung hinulog ako ng mga katulong sa basement? Aalis sana siya nang hawakan
Geraldine's Point of View*Nararamdaman ko pa rin ang labi ni Mike na nasa leeg ko nang may naramdaman akong may paparating kaya agad ko siyang natulak at alam ko na naramdaman din niya 'yun.Pero imbes na ayusin namin ang pag-upo namin ay mas lalo niya akong niyakap na parang ayaw niya akong bitawan."Jusko! May tao na paparating, hubby."Napatingin naman siya sa akin pero napa-smirk lang siya."Let him see us.""Huh?"Biglang bumukas ang pintuan na kinatingin ko roon. Oh my god! Nakakandong ako kay Mike ngayon. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at pinasandal sa leeg niya.Eh? Problema ng lalaking ito?"P-Princess."Natigilan ako hindi sa boses na narinig ko kundi sa pagtawag sa akin ng princess. At isa pa may kaunting pamilyar ang boses niya.Gusto ko siyang tingnan pero nasa ulo ko pa rin ang kamay ni Mike na parang ayaw niya akong ipatingin sa taong 'yun."Muller, what are you doing? I want to see my cousin. Princess, Gerry, naalala mo pa ba ako? Please, look at me."Natigilan
3rd Person's Point of View*Kalmang isa-isang tinitingnan ang lahat ng mga estudyante ng mga guro at may iba na kinakabahan lalo na't alam nila na magpositibo sila sa drugang iyon."Mabuti nakita agad nila ang bagay na 'yun. Kaya pala may biglang namamatay nang dahil sa bagay na 'yun. Kanino naman kaya 'yun nagsimula?"Napatingin naman si Dylan, ang ninong ni Gerry sa kasama nitong guro."By the way, sino ba ang nakapagsabi na alam nito ang tungkol sa drugang iyon?""Si Professor Michael.""Yung bagong professor?"Tumango na lang si Dylan at napatingin siya sa mga estudyante.May lumapit na lalaki sa kanila at isang guro rin iyon at hindi lang 'yun guro kasi anak 'yun ni Dylan. Siya rin ang pinsan ni Gerry na kakarating lang galing sa ibang bansa. Nalaman kasi nito na babalik ang pinsan nito na matagal ng nawawala."David.""Dad, what's happening? Bakit walang tao sa buong school at hindi ko alam na may program pala dito."Dahan-dahan namang umiling si Dylan."Hindi ito program. May
Geraldine's Point of View*Busy kami ako sa pagbabasa rito sa mga folders at kahit isa ay wala akong maintindihan kung ano ang topic nito!Binagsak ko ang folder sa lamesa na kinatingin ni Mike sa akin."Wife?""Oh?""Bakit ka galit?"Napapikit ako at napahinga ng malalim sabay sambit, "Mukhang kailangan kong aralin ang tungkol sa pamamalakad ng school na ito.""That's exactly what I wanted to tell you earlier.""Eh bakit hindi mo sinabi?!"Kanina ko pa kasi tinitingnan kung ano pa ba ang maintindihan ko sa nakasulat dito at isa pa wala talaga akong maintindihan."Don't force yourself to understand things. Ituturo ko sa'yo someday ang mga natutunan ko sa dad mo. Don't worry, may forever naman tayo na magtuturuan.""Alam ko na hindi biro na maging guro ka."Natigilan naman siya sa sinabi ko. Nakikita ko naman kasi na malamig pa sa ice blocks ang lalaking ito once magtuturo parang every move mo ay makikita niya agad."And why is that?""Anong why is that? Ang cold mong magturo at alam k
Geraldine's Point of View* Natigilan naman ako habang nakatingin kay Mike. "Don't worry, about that. She will come here at your graduation. Kailangan muna niyang mag-adjust dahil matagal na siyang hindi nakakapunta dito." "So ibig sabihin hindi na siya sanay makipaglaban? Sayang siya pa naman ang pinakamagaling noon kaya siya naging top 1 sa phantom syndicate noon." Napa-smirk na lang si Mike. "About that. She's much stronger than you all." "So ibig sabihin ay nagte-training pa rin siya?" "Much more than that. Mamaya n'yo na alamin once nandidito na s'ya." Dahan-dahan na lang silang tumango. Hanggang makarating na kami sa gym. Pinaupo na namin sila sa upuan at napabuntong hininga na lang ako habang nakatayo kami sa isang part ng gym na di masyadong makita ng mga tao sa labas. Naramdaman ko na may yumakap sa akin sa likuran ko at naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. "Wife, wala namang masakit sa'yo kanina diba? Hindi ka naman sinaktan ng lalaking 'yun?" "Ahh hindi nama
Geraldine's Point of View*"3, 2, 1."Biglang natigilan si One sa paggalaw at isang iglap ay natumba ito agad. Nagulat naman sila sa nangyari at napatingin ako sa katawan niya."Hmm... Ganito nga ang nakita ko kaninang umaga.""Ganito rin ang mga reports na nakikita ko sa mga cleaners every morning. Ganito ang kaso na kahit hindi sila pinatay ay sila na ang pumatay sa sarili nila sa pamamagitan ng gamot."Napatingin sa akin si Mike nung sinabi niya 'yon. Biglang bumukas ang pintuan at agad naming nakita si Ninong at iba pang heads."Pinatay ninyo?" gulat na ani ni Ninong at umiling naman ako. "Pinatay siya ng drogang ininum niya, prof. Minsan nga nakikita ko siya sa likod ng school na may iniinject sa likod ng siko niya."Tinuro pa ni Six ang likod ng siko ni One nung nagsalita siya.Napatingin ako sa mga estudyante dito. At nakikita ko na walang maski isa sa kanila ang may pagkakapareho sa lalaking iyon."They clear pero hindi pa rin tayo makakasigurado na clear talaga kayo dahil b
Geraldine's Point of View*Flashback...Napakunot ang noo ko habang nakatingin kalaban ko dahil para walang wala sila sa sarili nila at mukhang pakiramdam nila ay hindi sila napapabagsak."Anong meron sa mga taong ito?" mahinang ani ni Zeke."Parang... Ang lakas din nila na parang may pampa-high."Agad kong na-gets ang mean ni Xavier. Nagkatitigan naman kami ni Ethan."Pamilyar sa akin ang baho nung lalaki. Parang ang gamit nilang droga ay yung nag-unti unting pumapatay sa kanila habang iniinom nila iyon ng matagal at kapalit nun ay lumalakas sila," mahinang ani ko at mabilis na inatake ang lalaki at nakita ko nga sa likod ng solo nito ang mga tusok ng syringe.Mabilis kong binuksan ang bag nito at nakita ko ang syringe roon at isang foil."Ito nga ba ang sinasabi ko. Target the vital points hindi normal na mga tao ang kaharap natin ngayon."Napatango naman ang mga kasamahan ko at agad silang pinatulog agad. Kung papatagalan pa namin ang bagay na 'yun ay sigurado mas lalakas pa ang mg
Geraldine's Point of View* Pumasok na ako sa room at natigilan ako nang sabay silang napatingin sa akin na parang gulat na makita na pumasok pa ako. "Good morning?" patanong na wika ko sa kanila. "Akala ko nag-drop na ang babaeng ito." Napatingin agad ako kay One na biglang nagsalita. Pero imbes na magalit ay napangiti na lang ako at lumakad papunta sa upuan ko. "Nah, wala sa vocabulary ko ang salitang susuko. I will play him until the end dahil pumayag ako sa palaro ni Prof." Nagulat naman sila habang nakatingin sa akin. "Nakita mo naman 'di ba na hindi namin siya kaya at isa pa hindi full force ang pinakita niya sa amin nung nakipaglaban siya sa amin kahapon." "He's totally a monster like master!" Ani nila Three at Seven at tumango naman ang iba. Nakikita ko sa kanila na nasa mga 18-20 years old pa atah sila. Nung edad kong yan ay sanay na ako sa mga duguang labanan paano na lang kaya kung lumaki talaga ako dito. Baka mas malala pa ako sa demonyo. Mabuti kontrolado ko ang
Geraldine's Point of View* Humihikab ako habang naglalakad kasi naman pinagod ako ng Asawa ko kagabi. Alam niya naman na maaga pa akong papasok ngayon eh! Mamaya pa papasok si Mike dahil may pinagawa pa si Dad sa kanya. Okay na 'yun para makatulog rin ako sandali sa room. 'Woah! Hindi ko aakalain na buhay talaga ang top 1 na si Princess Nyx!' Napakunot na naman ang noo ko nang marinig ko na naman ang Princess! Jusko hanggang kailan nila titigilan ang pagtawag sa akin niyan? Naalala ko empress din ang tawag sa akin kung kikilalanin na nila ako bilang asawa ng Mafia emperor. Oh diba noon mission ko Ang patayin ang emperor pero ngayon Asawa ko na. Hindi mo talaga malalaman ang panahon lalo na ngayon. 'At isa pa dadating pa silang dalawa ng Mafia emperor sa labanan ng mga phantom! Woah! Kukuha talaga ako ng ticket niyan!' Ay may ticket pa pala 'yun? Hindi ko alam na concert pala ang pupuntahan nila. Pero paano nila nalaman ang bagay na 'yun? Tanging ang phantom students lang nam
Geraldine's Point of View* Hinawakan niya ang bewang ko at lumakad kami papunta sa sasakyan at una niya akong pinasok doon. Nakatingin lang ako sa kanya na parang malaking problema ang nangyayari ngayon. Napatingin ako sa kamay ko. Namu-mroblema ba siya na baka matalo siya? Ganun na lang ba ang galit niya sa akin? Kung mananalo siya ay hindi na niya ako mapapatawad. Napatingin ako sa year book na nasa upuan namin. Dahil sa year book na 'yun kaya kami may tampuhan ngayon. Nagising na ako sa katotohanan bakit lumalaki na ang tampuhan namin ngayon? Napatingin ako sa year book. Gusto ko pa sanang tingnan ang laman nito pero mukhang hindi na lang. Kinuha ko ang year book at napatingin ako sa labas ng bintana. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan na kinatingin niya sa akin. "What are you doing?" Malakas kong hinagis ang year book na hawak ko na kinatigil ni Mike. "Bakit mo tinapon ang year book?" gulat na ani niya sa akin ngayon. "Yun naman ang dahilan ng lahat ng ito 'di ba? Ayoko