Geraldine's Point Of View* Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Manang. Kailan pa siya nakatayo diyan? "M-Manang, kailan ka pa nandiyan?" Nakatingin lang siya sa akin at napakagat ako sa labi ko at napatingin naman ako kay Mike mahina ko siyang siniko na kinatingin naman niya sa akin. "Kasalanan mo ito eh! Ang landi mo." Nagulat naman siya sa sinabi ko at napaturo siya sa sarili niya na parang di makapaniwala sa sinabi ko. "What? me?" "Oo, malandi ka talaga, tsk. Manang, fake news lang ang narinig ninyo at hindi yun totoo." Napayuko ako. Paano ba ito! "Alam ko na noon pa man na ikaw ang madame ng mansion na ito." Natigilan naman ako sa sinabi nito at dahan-dahan na napatingin ako kay Manang. "Araw-araw kong nakikita ang litrato ninyo nung kasal ninyo ni Master kaya alam-alam na alam ko na ikaw po iyan, Madame." "H-Huh? So unang kita niyo sa akin ay kilala niyo na ako." "Sa simula ay nagdadalawang isip pa po ako nung tinanong ko kay Master ay sinabi
Geraldine's Point of View* Binawi ko ang kamay ko at ngumiti kay Rafayel. Kung di ko pa kasi gagawin ang bagay na yun ay sigurado na kakainin ako ng buhay ng lalaking ito. Baka di ko pa matapos ang mission ko! "Uhmm... Kumain ka na po at sa kusina lang po ako." Aalis sana ako nang magsalita na naman si Mike. "Where do you think you're going? Hmm? You're the Chef today so stay here." Hindi ko alam na kailangan pala na ganun ang gawin! Napatingin ako kay Manang sa unahan at yumuko naman ito at lumabas na siya kasama ang ibang mga maids at kami na lang tatlo ang naiwan. Napapout naman ako at bumalik sa pagtayo sa gilid. "Sit down." Natigilan naman ako sa sinabi ni Mike at nakita ko si Rafayel na nasa upuan na din niya at nagulat dahil sa sinabi ni Mike. "Ha?" "Sit down." Napatingin ako sa sahig. Hmm... Mukhang malinis naman ang sahig kaya agad akong nag indian sit na kinagulat nilang dalawa. Bigla namang napatayo si Rafayel at agad akong inanalayan sa pagtayo. "Hala bakit?"
3rd Person's Point of View*Lumakad si Rafayel at agad niyang naramdaman ang mga taong nakasunod sa kanya at Apat lang ang nasa likuran niya ngayon at isang iglap siniko niya ang mukha ng taong sumugod sa kanya.Agad niyang tinantya na di maririnig ni Girlie ang ingay na nanggagaling sa mga lalaking umatake sa kanya."Keep your mouth in silence."Sinipa niya ang mukha nung taong nasa likod niya hindi niya pwedeng palabasin ang baril niya dahil baka magising si Girlie sa mahimbing na pagkakatulog nito. At isa-isa niya yung pinatulog hanggang sa bumagsak na lahat at napabuntong hininga na lang siya at kinuha niya ang phone niya at tinawagan niya ang mga gwardya."Pumunta kayo ngayon dito sa garden dahil may mga kalat kayong lilinisin at isa pa wag na wag kayong gagawa ng ingay."'Yes, Sir.'Napabuntong hininga na lang ulit siya at napatingin sa kung nasaan nakita niya si Mike na nakaupo pa din sa sofa at napansin niya na wala si Girlie.Nakatalikod kasi ang sofa sa pwesto niya kaya di
Geraldine's Point of View*Napatingin ako kay Rafayel na inosenteng nakangiti sa akin nung tingnan ko siya. Ang weird huh? Impossible na siya ang gumawa nito at wala din namang mga gwardya dito.Napatingin ako kay Mike na wala pa ding emosyong nakatingin sa akin. Naningkit naman ang mga mata ko at mas lalo niyang kinakunot noo."What are you doing?""Mauna ka na lang kaya? Susunod naman ako eh."Tinaasan naman niya ako ng isang kilay na kinapout ko. Ano ba yan oh.Tumakbo na ako papunta sa kanya at nung nakaharap ko na siya ay pinitik niya ang noo ko."Aray!""Ganyan ba ang asta ng isang katulong?""Ganyan din ba ang asta ng isang Amo?" balik tanong ko sa kanya at pipitikin sana niya ang noo ko kaya pumikit na lang ako pero naramdaman ko na hindi niya ginawa kaya dahan-dahan akong nagmulat at doon niya pinitik niya ang noo ko at tumalikod na siya.Damn him!Pero kalma lang kasi may mission ka pa sa kanya! Sumunod na lang ako habang nakahawak sa noo ko habang nakapout. Nakarating kami
Geraldine's Point of View*Nakakita na ako ng pampatulog na terno at ang cute nun! Kaya kinuha ko iyon isang sando at shorts na terno. Hinintay ko na matapos siyang maligo kasi naman malayo naman kasi ang banyo sa ibang kwarto eh.Inilibot ko ang boung kwarto at napatingin ako sa picture frame na nasa lamesa. Familiarize ko muna ang boung kwarto bago ako mag simulang mag-imbestiga.Baka mahuli pa ako nito pag magsisimula pa akong mag-imbestiga.Napa-yawn na naman ako kasi kanina pa ako inaantok sadyang ginising lang talaga ako ng lalaking iyon.Sumandal ako sa sofa at dahan-dahan din akong napapikit hanggang sa makatulog na ako.3rd Person's Point of View*Lumabas si Mike habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang towel nito at napakunot ang noo niya dahil ang tahimik ng boung kwarto at hinanap niya si Gerry hanggang makita niya iyon sa sofa na mahimbing na natutulog. Napabuntong hininga na lang siya at dahan-dahan na napa-iling iling."Kahit saan ka na lang mahimbing na natutulog ano?
Geraldine's Point of View* Nakabihis na ako ngayon at iniisip ko kung saan ako naka-assign ngayon at sa library iyon! Waaa I love books! Ibig sabihin hindi ako makakaluto ngayon at magbabasa ako boung araw doon dahil alam ko na babalik na ngayon sa pagtatrabaho ang isang iyon. Lumabas ako ng kwarto niya at muntik pa akong mapamura dahil nasa harapan ko na talaga siya ngayon. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Working as maid again?" Napatingin naman ako sa damit ko. "Yes, mauna na po ako dahil baka hinahanap na ako sa linya ko. Bye, master!" Aalis sana ako nang isang iglap biglang humarang siya sa dinadaanan ko na kinalunok ko. Ano na naman ba ang trip niya? "Bakit po, master? Uhmm, maligo na po kayo baka ma-late po kayo ngayon." "Saan ka naka-assign ngayon?" Natigilan ako sa tanong niya sa akin. Hala bakit na naman? "Hindi naman po importante kung saan ako naka-assign ngayon diba?" "Sinong gagawa ngayon ng almusal ko?" "Edi yung next katulong na papalit sa akin
Geraldine's Point of View*Naglalakad na kami habang nakasunod ako sa likod ni Sire Kenzo. Excited na akong makarating sa library!"True wisdom is not measured by how much you know, but by your ability to grow and learn from what you do not know. Explain to me what's the meaning of that."Natigilan ako nung nagsalita siya ng napakalalim na quote siguro. Napa-isip naman ako ng malalim habang ina-analyze ko ang lahat ng sinasabi niya habang naglalakad pa din kami. "That quote emphasizes that genuine learning goes beyond accumulating knowledge. True wisdom lies in recognizing the limits of what you know and being open to growth through new experiences and understanding. It highlights humility as a key aspect of learning, as acknowledging ignorance allows space for self-improvement and discovery."Parang hiningal ako doon kaka-explain ha. Pero kahit ganun mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko at dahan-dahan naman siyang napatango."Mukhang tama nga ang pananaw ko sayo, Miss Girlie. Muk
Geraldine's Point of View* Natapos ko ang tatlong pagkain sa ilang minuto lang at napanganga naman silang dalawa dahil minagic ko nga ang mga pagkaing ito. Isa-isa naman nilang tinikman ang mga iyon at umupo na ako dahil magpapahinga ako sandali kanina pa kasi ako nakatayo noh. "Kami na lang ang magdadala ng mga pagkaing ito sa dining room, Girlie?" "Gora lang, Ate." At tumango naman sila at lumakad na sila habang dala-dala ang pagkain. Pwede na siguro ako bumalik doon noh? Marami pa naman akong tatapusin. Mukhang mamaya na ako kakain. Napatingin naman ako sa niluto ko at mukhang kailangan ko munang kumain muna dahil gutom na din ako. Kaya naglagay ako ng pagkain sa plato ko at ipapasok ko na sana ang pagkain sa bibig ko nang biglang narinig ko ang tawag ni Ate Cooker sa akin. "Girlie, tawag ka ni--- mamaya ka na kumain. Bakit hindi ka daw nagpakita doon?" "Ate, gutom na ako. Mabuti naman kayo at nakakain na kayo at ako ay wala pa." "Basta, hinahanap ka na ni Mast
Geraldine's Point of View*Nandidito ako ngayon sa garden at mabuti dito ay mabango at maganda kaya nawawala ang stress ko.Napatingin ako sa rosas na nandodoon at ang ganda nun pero hindi pwedeng magpapa-linlang sa kagandahan niya dahil hindi mo alam bigla ka na lang masusugatan. Pero hinawakan ko pa din iyon at hindi lang hawak kundi hinayana kong tumusok ang tinik na nasa stem sa kamay ko. Napabuntong hininga ako ngayon habang nakatingin doon sa kamay ko na dumudugo na ngayon.Hindi naman masakit dahil sanay na ako sa bagay na ito."Madame!"Napatingin ako sa isang lalaki na lumapit sa akin at according sa sout niya ay mukhang siya ang gardener dito at may dala din siyang pangtanim."Hala, madame, dumudugo po ang kamay ninyo. Paano ba ito, kukuha po muna ako ng first aid kit."Agad kong naamoy ang scent niya na pamilyar sa akin. Same scent na nasa basement. Don't tell me siya ang lumigtas sa akin nung hinulog ako ng mga katulong sa basement?Aalis sana siya nang hawakan ko ang la
Geraldine's Point of View*Nakahawak ako sa balikat ko habang nag-ehersisyo ako ngayon dito sa balcony habang naliligo pa ang isa sa banyo."Grabe same position pa din hanggang nag-umaga? Di na ako nagulat na nagkakaganito ang katawan ko. Ang sakit ng balikat ko!"Bumawi atah ang ehersisyo ko kahapon! Sumilip ako sa baba at nakita ko na nagising na yung assassin na tinali ko sa may garden. May mga bodyguards na ding nakabantay sa kanya doon.At iniimbestigahan na nila ang lalaking nakasabit doon. Napatingin ako sa poison na nakuha ko kahapon sa lalaking iyon. Same poison sa mga nakuha ko noon.Mabagsik ang lasong ito dahil isang tikim mo nito ay patay ka agad na segundo lang kaya delikado ang bagay na ito. Kailangan ko itong itago baka magamit ko ito sa hinaharap.Tinago ko iyon sa pitaka ko at napatingin sa punuan ng apple dahil may bunga doon. Napangiti ako at agad akong pumunta sa kabilang side ng balcony at dahil maaabot lang yun ng kamay kaya inaabot ko iyon at success ko naman
Geraldine's Point of View*' Napalunok ako habang nakatingin kay Mike ngayon na nakatayo ngayon sa pintuan ng kwarto at inaantok pa din ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "H-Hubby, bakit gising ka pa?" Alam ba niya na may pinatulog pa akong ibang lalaki matapos ko siyang patulugin? Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at nakatingin lang siya sa mga mata ko at kinuha niya ang isang tela at inilagay niya sa balikat ko. "The wind is cold baka magkakasakit ka." Natigilan naman ako. Hindi ba niya alam ang ginawa ko? Bigla niya akong binuhat na muntik ko ng kinatili dahil sa ginawa niya. "Matulog na tayo." "Bakit ka bigla biglang nambubuhat?" Akmang ihuhulog niya ako kaya agad akong napakapit sa batok niya. "Ito naman oh. Nagtatanong lang ako. Tara na matulog na tayo, hubby." "Tsk." Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang makarating na kami sa higaan. Wala bang nakita ang lalaking ito? Nakikita ko sa mga mata niya na kakagising lang din niya eh. Inihiga niya ako doon at inay
3rd Person's Point of View*Nakatingin lang ang assassin kina Gerry at naghihintay na matulog ang Asawa nito para matuloy na niya ang pagpatay kay Mike. Hindi naman niya binigyang pansin ang Asawa hanggang sa tumayo ito at akala niya na isisira lang nito ang kurtina nang isang iglap ay sakal sakal siya ngayon ni Gerry at dahan-dahan na nakatingin ngayon si Gerry sa mga mata niya na kinalaki ng mga mata niya.Hindi niya maintindihan kung ano ang i-rereact niya ngayon sa position nila at ramdam niya ang sakit sa pagkakasakal nito sa leeg nito na parang isang iglap ay babaliin nito ang leeg nito at hindi din pangkaraniwang ang kakayahan ni Gerry na di niya inaasahan sa maliit na katawan nito."Anong kailangan mo dito sa Asawa ko? Hmm?" kalma pero may pagbabantang ani ni Gerry sa kanya. Nakahawak ngayon ang isang kamay niya sa kamay ni Gerry at ang isang kamay naman niya ay dahan-dahan niyang kinuha ang kutsilyo niya at sa isang iglap tinapon siya ni Gerry palabas ng balcony at napa-ubo
Geraldine's Point of View*Nakaupo ako ngayon sa takip ng inidoro dito sa banyo habang nagtitipa ng information na nakalap ko kanina na ipapasa ko sa chief ko mamaya. Dalawang tao ang na-touching interrogation ko kanina. Hindi ko aakalain na tahimik na sumasali ang mga assassins na yun sa mundo ng mga normal na tao at ang dahilan nun ay madali lang silang makakagawa sa mga mission nila na inatas sa kanila at yun na din ang isa sa pagpatay sa amin na tumutugis sa kanila. Hindi ko alam kung nahuli nila ako pero ramdam ko din ang mga tingin nila sa akin."Wife."Nagulat ako nung nagsalita si Mike sa pintuan at agad ko namang na delete all ang mga sinulat ko."Damn."Ang taas na ng sinulat ko ha. Mamaya na lang. Tinago ko ang phone ko sa secret pocket ko at flinush ko ang inidoro bago tumayo at lumakad papunta sa pintuan at binuksan ko iyon at nakita ko si Mike na nakatingin sa akin. "Bakit, magbabanyo ka ba, Hubby?" Tiningnan niya ako sa mga mata ko na parang malalim ang iniisip. Hmm
3rd Person's Point of View*Dahan-dahang nakatingin ngayon si Jane sa kanya at hindi siya nagpahalata sa nangyayari ngayon."Sir Rafayel, ano naman po ang i-a-avoid ko po sa inyo?"Napangiti naman si Rafayel at dahan-dahan na lumapit kay Jane.At hinaplos niya ang pisngi ni Jane na kinatingin ni Jane sa kanya."Hmm, why, na-expired na ba ang pagkagusto mo sa akin kaya nagkaka-amnesia ka na, my girl?"Nanlaki naman ang mga mata ni Jane dahil sa sinabi niya."Sir, wag po..."Pa-inosenteng ani ni Jane sa kanya."Jane!"Napatingin naman si Jane kay Manang na tinawag siya."Nandyan na po."Agad namang napa-iwas si Jane at agad siyang tumakbo papunta kay Manang at nakahinga na lang siya ng maluwag dahil sa nangyayari."Thank you, Manang.""Bakit, anong ginawa sayo ni Sir Rafayel?""Nangungulit lang siya. Wala atah kausap eh.""Pasensyahan mo na, mabait naman yang si Sir Rafayel."Napangiti naman si Jane at dahan-dahan na tumango at pumasok na sila.Sa pwesto naman ni Rafayel at napangiti na
3rd Person's Point of View*Masayang nakatingin si Jane kay Geraldine na masayang nakatingin sa pa-mini concert ng idol niya at napakunot ang noo niya nung napayakap na si Gerry kay Mike dahil sa kasayahan nito. Matagal ng alam ni Jane ang tungkol sa katauhan ni Gerry at matagal na din niyang sinusundan ito noon pa man sa mga mission nito.Napakamao siya habang nakatingin kay Mike na nakatingin na kay Gerry.Lalapitan sana siya ni Jane nang biglang tumama si Jane sa isang dibdib na kinapikit niya at naramdaman niya ang mga kamay ng nakabangga niya sa bewang niya.Agad naman siyang napatingin sa lalaking sumalo sa kanya at nanlalaki ang mga mata niya nang makita niya si Rafayel na nakatingin sa mga mata niya.'Damn..' mahinang mura niya nang makita na naman ang lalaking iniiwasan niya.At magkalapit pa ang mga mukha nila sa isa't isa."Hmm... Familiar scent, darling."Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin kay Rafayel at agad niya iyong tinulak pero di pa din siya nito binibitawan.
Geraldine's Point of View*Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos niya ito na kinatingin ko sa mga mata niya. Teka may sapi ba ang isang ito? Pa-iba iba ng mode eh. Iniinis ako nito kanina dahil di ako papakainin ng sweets at ngayon ay naging switch to dream boy na naman siya.Napatingin naman ako kay Rafayel at nag-sign sa kanya kung ano ang nangyayari sa bestfriend niya.'Sinapian ba ang bff mo?'Nakita ko na nakangiti lang siya at kumindat sa akin. Teka ano na naman ang sinabi niya sa lalaking ito?"Don't look at other men. Focus your attention only on me, wife."Uminit naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya at napalunok ako dahil nakikita ko sa mga mata niya ang selos.Bakit ka nagseselos? Ano ba ang sinabi ng lalaking yun sayo?'He's possessive of whatever he owns.'Naalala ko ang sinabi noon ni Rafayel ang mga katagang iyon. Okay, kalma lang, Gerry. Napag-aralan mo na yan noon eh kung paano i-handle ang possessiveness ng isang lalaki."Don't worry sayo lang ang attention ko,
Geraldine's Point of View*Nanlulumo ako ngayon at kumuha ako ng wine at uminom ako at di ko napansin na nasa ika-tatlong baso na ako ngayon.Pero hindi naman ako madaling malasing. Ang hina lang nito sa akin at hindi naman ako madaling matutumba.Tinatanong ninyo kung nasaan ang lalaking iyon at ayun todo chismis sa mga businessmen sa paligid.Wala talaga siyang pake-alam sa akin. Tsk. Edi wag.Napatingin ako sa relo ko at tiningnan ko kung anong oras na at biglang may nagsalita sa akin sa gilid."Hi."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang magandang babae at kilala ko ang babaeng ito. Mayaman din siya! Anak siya ng may-ari isang malaking shipping company sa luzon na si Joanne Mercader.Ngumiti ako sa kanya."Have a sit, miss.""Thank you."Umupo naman siya."Pasensya ka na kung biglaan ang pag-kausap ko sayo."Ngumiti naman ako at sabay iling-iling."You're Mr. Muller's wife, right?""Yes, I am.""You're beautiful ang gorgeous.""Am I? Thank you, same also to you."Mahina na