Share

Chapter 2- Her Talent Tip

Author: LMCD22
last update Last Updated: 2024-11-19 22:43:06

Geraldine’s Point Of View*

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya na hinahalikan niya ang labi ko at dahan-dahan naman niyang hiniwalay ang labi niya sa akin na kinapalakpak ng lahat ng nandodoon at napangiti naman siya habang nakatingin sa akin.

At ako naman ay nananatili pa ding nanlalaki ang mga mata ko. Teka ninakaw niya ang first kiss ko na para sa future husband ko?

“Y-You kiss my lips?” mahinang ani ko sa kanya.

“Shh, nakatingin pa din silang dalawa at nandidito pa ang mga kaibigan at parents ng real Bride ko.”

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Pinasok ko ang gulong ito kaya paninindigan ko ang bagay na ito.

Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya.

“Yung tip ko ha.”

Mahina naman siyang natawa at dahan dahan na tumango at niyakap niya ako pabalik.

“Of course, later.”

Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at dahan dahan akong tumayo galing sa kandungan niya.

Wala na at naging side line ko na talaga ito ngayon parang ang tip ko ngayon ay parang baon ko sa bakasyon ko.

“Mag-e-exit na ba?” mahinang ani ko sa kanya.

“Magsisimula pa lang, my wife.”

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa pare sa harapan namin na nagulat dahil iba na ang bride na kaharap ngayon sa kanya. Ah oo nga pala kakasimula pa talaga. Bakit nakalimutan ko ang bagay na yun?

“Just continue, she's my real bride for this day, Father.”

Dahan-dahan na lang napatango si Father.

“Anong itatawag ko sayo, Iha?”

“Call me Gerry," nakangiting ani ko sa kanya at dahan-dahan naman siyang napatango.

“Okay, let’s start the wedding ceremony of Mr. Michael and Ms. Gerry.”

Di ko alam pero parang kinakabahan ako sa mangyayari ngayon. Waaa pero just keep the act lang talaga tayo ngayon. Okay, be professional, Gerry.

Marami ngang nangyayari kagaya ng normal na kasal sa simbahan hanggang makarating na kami sa oath stage.

“I take you to be my lawfully wedded Wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part.”

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin siya sa mga mata ko habang sinasabi ang lahat ng iyon. From the heart atah ang groom ko ngayon huh.

“I promise to honor, love, and cherish you all the days of my life.”

Hala may pahabol pa pala? Ako ano ang sasabihin ko? Ah gagayahin ko na lang ang sinabi niya. Waaa sorry na Lord kung puro hindi makakatohanan ang sasabihin namin ngayon sa harapan ninyo.

“I take you to be my lawfully wedded Husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part. I promise to honor, love, and cherish you all the days of my life.”

Madali lang sa akin ang memorization kaya chilax lang sa akin ang bagay na yun.

“It is with great joy and love that I pronounce you officially married. You may seal your vows with a kiss.”

At ganun na nga ang huling nangyari at napatingin ako sa kanya at nagsign na lumapit ako sa kanya at ginawa ko naman at dahan dahan niyang tinaas ang belo at natulala na naman ako sa kagwapuhan niya.

Sa role ko na ito ay isa akong babae na nangangailangan ng pera na easy go lucky lang kaya panindigan ko ito!

“Ang gwapo mo. Di ako nagsisisi na piliin ka ngayong araw.”

Nakangiting ani ko sa kanya at mahina na lang siyang natawa at at isang iglap ay hinila niya ang batok ko at nagtama ulit ang labi namin. Waaaa pati ba naman second kiss!

Nasa sasakyan kami ngayon at papunta kami sa hotel kung saan gaganapin ang kainan at tamang tama ay gutom na ako.

“Let’s talk the money later…. Ah by the way hindi naman talaga ako gold digger uhmm ayoko lang kasing may ginaganun. In short hate ko ang mga ganung babae.”

Nakikita ko na nakikinig lang siya sa akin. Nakangiti lang siya kanina pero ngayon ay wala siyang emosyon. Para siya yung mga nababasa ko sa mga novels na coldhearted CEO. Damn! Nakakakilig yun!

“Talk more.”

Napatingin ako sa kanya at sumandal siya at pumikit.

“Eh? Matutulog ka?”

“I said talk more.”

Napapout naman ako sa sinabi niya at pinalo siya na kinamulat niya.

“Di pa ako baliw na makikipag-usap sa tulog noh.”

Napahawak naman siya sa braso na pinalo ko.

“Bakit? Para kang nakakita ng kaluluwa?Nakakagulat ba dahil hinawakan kita… Teka nandidiri ka ba sa akin? Hindi ako bayarang baba--- uhmm… ibang kaso sa akin ngayon pero hindi ako kagaya ng iba na pera kapalit katawan. I’m pure and innocent.”

“Really? Di ko nakikita.”

Nanlaki ang mga mata ko at sinamaan talaga siya ng tingin.

“You!”

Nagcrossarms siya habang nakasandal pa din sa sandalan ng inuupuan namin.

Syet! Bakit ang hot niya para siyang model at parang ang perfect ng pagka-sculpture sa kanya ng mga Gods and Goddesses?

“Asset mo talaga ang kagwapuhan mo noh?”

Napatingin naman siya sa akin.

“Kung ano talaga ang nasa isipan mo ay sinasabi mo talaga noh? You’re fearless.”

“Basta realidad na ang pag-uusapan ay fearless talaga ako. Kagaya ng kagwapuhan mo kaya dagdag mo yun sa tip ko mamaya ang pagsabi ko na gwapo ka."

Kumindat ako sa kanya at nakikita ko ang gulat sa mukha niya.

“You’re really unbelievable. You're not the same as others."

“Am I? Ah oo nga pala. Counted sa payment ang first and second kiss ko. Bayaran mo din yun.”

“Bayaran?”

“Yes, bayaran mo yun.”

Bigla siyang lumapit sa akin at nanlaki ang mga mata ko nung ilang inch na lang ang mukha namin.

“Gusto mo din bang lagyan ng interest? Kaya kong ibigay ngayon mismo."

Nakatingin siya sa labi ko at balik sa mga mata ko habang sinasabi niya iyon.

Damn, don’t lost yourself. Tinulak ko ang mukha niya palayo sa akin.

“Nope, I need money.”

Kulang pa kasi ang pocket money ko kung isang buwan ako sa Europe noh!

“You really like money huh.”

“Yes, because money is everything. Kaya nagsisikap ako.”

“Okay, I will give it to you later.”

Napangiti naman ako at magsasalita sana ako nang biglang tumunog ang tiyan ko.

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatingin sa kanya na pinigilan ang matawa at uminit naman ang mukha ko habang nakatingin sa kanya.

"H-Hindi ako yun. Baka yung driver sa harapan."

Nagulat naman ang Driver sa sinabi ko at agad napailing iling.

"Don't blame others for what happened to you."

"Hindi nga ako! Baka ikaw!"

Bigla na namang tumunog ang tiyan ko at napahawak ako doon. Kanina pa talaga akong gutom at gusto ko ng kumain at syempre uminom dahil successful ang pera ko nung last mission ko at lalo na ngayong side line ko.

"Marami bang beer doon?"

"Yes, why? Umiinom ka?"

"Of course! Hindi kaya ako nalalasing. Never akong nalalasing sa mga alak."

"Hmm... Really?"

"Oo naman, sus ako pa."

Ako yata ang pinakamatagal malasing sa organization namin at walang makakatalo sa akin sa bagay na yun.

Nakarating kami sa isang malaking hotel at inanalayan naman nila akong lumabas at nasa wheelchair pa din si Mike at  lumakad na kami papasok sa hotel.

Napapansin ko na nakatingin sa amin ang mga tao at hindi ko naman iyon pinansin hanggang makarating kami sa malaking pintuan at pagkabukas ay nanlalaki ang mga mata ko dahil ang ganda ng lugar.

"Wow, ang ganda."

Napatingin ako sa gilid at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga hard drinks. Wow yun ang pinaka kailangan ko!

Target kita mamaya.

"Wag kang magpahalata, my Wife."

Napatingin ako kay Mike na nakatingin na pala sa akin.

"O-Okay, let's start."

Lumakad na kami at nagpalakpakan ang lahat. Magpapakalasing ako ngayong gabing ito... Mamaya pa pala.

******

LMCD22

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bel Escoto
maganda to promise!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 3- His Dowry

    Geraldine Point of View*Habang naglalakad kami ay nakahawak ako sa kamay niya at automatic naman ang wheelchair niya habang naglalakad ako.Todo lang ang ngiti ko habang naglalakad. Jusko parang sa kanya ko tinuloy ang kasal namin nung senator huh?Okay lang. Ngayong gabi lang naman ang lahat ng ito. Sayang talaga ang lahat ng ito kung wala talagang Wife na dadalo. Marami ding bisita at isa pa puro mga mayayaman pa. Million siguro ang nagastos nito. Mamaya ko na lang tatanungin."Let’s hear the message from our surprising couple today, who we never expected to end up together," ani ng host na nasa harapan.Eh? May message pa pala! Napatingin ako kay Mike na nakatingin sa akin."Anong sasabihin ko?" mahinang ani ko sa kanya."Just say whatever you want to say. Ako na ang bahala kung mag-rereact sila."Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong napangiti. "Okay, pero syempre Gentleman's first."Napakunot ang noo niya at napatawa na lang siya ng mahina at kinuha niya ang microphone para m

    Last Updated : 2024-11-20
  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 4- Change of Mind

    Geraldine's Point of View*Parang langit ang nakikita ko ngayon! Sulit ang tatlong buwan ko na mission! Kailangan matikman ko ang lahat ng ito. Jusko! Addict na kung addict. "I miss you, babies.""Pfft."Napatingin ako sa gilid ko at nakalimutan ko na nasa tabi ko pa pala si Mike at ngumiti ako ng inosente sa kanya."Can I have a word, Mr. Muller?" Napatingin ako kay Mike na may kumausap sa kanya at yun ay ang kanang kamay niya at napatingin naman siya sa akin."Ayos lang ako dito. Promise at hindi ako gagawa ng gulo dito. Mataas ang alcohol tolerance ko."Dahan-dahan naman siyang tumango at itulak na ang kanang kamay niya ang wheelchair nito palabas ng room.Napangiti naman ako at kumuha ako ng isang wine glass at nilagyan ko ang baso ko nang marinig ko ang mga usapan sa likod ko."Who is she really? We've only just seen her now.""And with just a snap, she’s suddenly married to Mr. Muller? And you can see, right? It seems like Mr. Muller is fine with it and looks like he knows tha

    Last Updated : 2024-11-21
  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 5- Escape

    Geraldine's Point of View*Nagising ako nang biglang pumasok sa isipan ko na may flight ako ngayon at tatayo sana ako nang may naramdaman akong may yumakap sa akin na kinalaki ng mga mata ko habang nakatingin doon.At naramdaman ko din ang sakit sa pagitan ng binti ko. Dahan dahan akong napatingin sa katawan ko at nakahubad ako ngayon at ganun din siya!"D-Damn..." mahinang bulong ko. Sino naman ang hindi makakamura na nakuha ng iniligtas mong lalaki ang virginity ko?Biglang may pumasok sa isipan ko na alaala na nangyari kagabi."Wife, please, lasing ka."Pero hindi ko siya pinakinggan at hinalikan ko siya at doon ako nanlumo sa sarili ko nang maalala ang nangyari kahapon. Ako ang gumahasa sa kanya! Mahiya ka naman sa ginawa mo, Gerry! Napatingin ako sa kanya at napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit ang ulo ko. Hangover atah ito. Anong inumin ba talaga ang nainom ko kahapon na maski ako ay hindi ko na makilala ang sarili ko sa bagay na yun?Hindi atah yun kagaya ng mga iniinom ko

    Last Updated : 2024-11-23
  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 6- Come Back

    Geraldine's Point of View*One Month later...Napamulat ako at nasa bath tub pala ako. Waaa nakatulog ako doon at napatingin ako sa cellphone ko na tumutunog at kinuha ko iyon at nung tingnan ko iyon ay nakita ko ang pangalan ni Chief kaya sinagot ko iyon."Hello, Chief!""Oh, nag-enjoy ka ba sa isang buwan mo diyan? Nasaan ka ngayon?""Nasa city of love ako ngayon.""Nasaan? Nsaa ilo-ilo ka ba?""Chief, kailan ka pa naging loading? Nasa Paris ako noh.""Ayan ba. Sabihin mong Paris may pa city of love ka pa diyang nalalaman.""May regla ka ba, Chief?""Seriously? Fine, kalma na ako. Bukas na ang dating mo diba?""Yes, nakahanda na ang mission ko?""Of course. Excited ka na ba?""Oo naman noh. Exclusive kaya ang misyon ko. Sigurado bigatin ang magiging subject ko. Clue naman oh.""Oh sige, isang mafia."Nanlaki ang mga mata ko at napangiti ako ng wala sa oras."Hmm, mukhang matagal tagal na nung last mission ko sa mafia na yan ha.""Pero success mo namang masolutionan lahat."Napangiti

    Last Updated : 2024-11-24
  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 7- Her Subject's information

    Geraldine's Point of View*Nakarating na kami sa department at agad akong sinalubong ng mga kasamahan ko."Welcome back, Agent Astraea!""Thank you! Oh di ko kay nakalimutan at may pasalubong kayo sa akin.""Yun!""Bribery na yan ha," ani ko sa kanila na kinatawa naman nila."Nasaan si Chief?""Nasa opisina. Ikaw na ang pumasok may gagawin kaming mga brotherhood mo."Tumango naman ako sa sinabi ni Skyler at ganun din ang iba. May mga trabaho din kasi sila at sinundo lang talaga nila ako.Kumatok ako ng tatlong beses at agad kong binuksan ang pintuan."Chief!"Napatingin naman si chief sa akin."Oh, dumating na pala ang hinihintay ko eh! Halika dito para masimulan ko ng makwento sayo ang tungkol sa subject mo."Dahan-dahan naman akong tumango at lumakad na ako papunta sa swivel chair at umupo ako doon at nagdekwatro pa ang mga binti ko at sumandal at napatingin sa projector na nasa harapan namin."Okay, let's start."Biglang lumabas ang logo sa white board."The subject mo ngayon ay is

    Last Updated : 2024-11-25
  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 8- His Mansion

    Geraldine's Point of View*Kinabukasan nun ay nasa taxi na ako papunta sa mansion ng mga Muller at napakagat ako sa labi ko habang nakatingin sa labas. Ano ba ang unang gagawin ko? Mabuti tamang tama na may nagpost na kakailanganin nila ng maid sa mansion nila pero hindi personal maid ni Mike kundi taga linis lang ng mansion niya. Paano ba ako makakalapit sa kanya para malaman ko na at matapos na ang mission na ito?"Miss."Napatingin naman ako sa Driver na tinawag ako."Po?""Alam mo naman ang lugar na pupuntahan mo diba?"Nagtataka naman akong napatingin sa Driver."Ah opo, bakit po?""Alam mo ba na kawawa ang mga nasa loob ng mansion na yun? Palaging nababalitaan na may mga patayan na nangyayari sa loob dahil sa sunod sunod na pagputok ng mga baril sa loob ng mansion nila."Napakunot ang noo ko sa sinabi niya."Talaga po?""Oo, yun ang sabi nila. Wala ding nagtatagal na mga katulong doon dahil sa pagmamalupit daw sa loob ng mansion.""Bakit, nakita ba nila ang mga ginagawa sa loob

    Last Updated : 2024-11-26
  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 9- Being a maid

    Liliana's Point of View*Nakatingin ako sa kanya ngayon at napanganga ako dahil mas lalo atah siyang gumwapo sa paningin ko. Mabuti iba ang disguise ko ngayon at hindi kagaya nung kinasal kami."Yumuko ka."Napatingin naman ako kay Manang at agad akong napayuko lalo na nung kumunot ang noo ni Mike na nakatingin sa akin. Shocks nahuli na ba ako?"Manang."Napatingin naman ako nung marinig kong nagsalita si Mike."Yes, master."Tingnan mo na. Yun din naman pala ang tawag sa kanya may pakunot noo pa eh."Nabalitaan ko na may bagong nag-apply ngayon."Napatingin naman ako sa kanya at napatingin naman si Manang sa akin."Ah yes po. Ito na po siya si Miss Girlie Dell."Dahan-dahan naman itong napatango at napatingin naman siya sa akin."Isali mo na siya sa mga bago na nasa training ground."Natigilan naman ako sa sinabi niya. Teka hindi lang pala ako nag-iisa?Napatingin naman ako kay Manang at yumuko naman ito at umalis na si Mike. Training ground?Paano yun?"Narinig mo na ang sinabi ni M

    Last Updated : 2024-11-27
  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 10- Competition

    Geraldine's Point of View*Nakatingin ako ngayon sa harapan ng full body mirror habang sout ko ngayon ang uniform ng mga katulong nila. Napangiti ako at napaikot sa salamin. "Okay!"Nagulat ang apat na kasamahan ko sa sigaw ko na kinatingin ko sa kanila at nagpeace sign na lang ako sa kanila."Excited ka na, Girlie."Napatingin naman ako sa naging friend ko sa Apat na ito at siya si Jane. Katulad ko siya na taga bukid din at nag-apply bilang katulong dito.Hindi kagaya nung tatlo na may experience kaya ganyan kataas ang tingin sa sarili na parang dinaig pa ang madame eh."Of course naman lalo na't gusto kong malibot ang boung bahay. Ang gaganda ng mga designs at syempre gwapo din si Master."Napatingin naman silang apat sa akin."Girlie, alam mo naman diba na bawal yun. Mapapaalis ka kung mapapansin ni Master na may gusto ka sa kanya.""Bakit ba ayaw niyang magustuhan siya? Lalaki naman siya diba? May Asawa nga siya.""Malamang loyal siya sa Asawa niya kaya kung ano ang iniisip mo ay

    Last Updated : 2024-11-29

Latest chapter

  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 90- Shopping together

    3rd Person's Point of View* Hinila pa din ni Rafayel si Jane papunta sila sa gilid ng pool at mabilis namang binawi ni Jane ang kamay niya. "Sire Rafayel, ano po ang ginagawa niyo? Bakit kayo nanghihila?" Hinimas himas ni Jane ang kamay niya habang nakatingin kay Rafayel. Napabuntong hininga na lang si Rafayel at nanghihinang napatingin kay Jane. "Diba sabi mo gusto mo ako? Hinalikan at ginahasa mo nga ako nung gabing iyon." Nanlaki naman ang mga mata ni Jane dahil sa sinabi nito. "Ha? Ano pong pinagsasabi ninyo po? Wala po akong alam sa pinagsasabi po ninyo." Nalungkot naman siya at tiningnan niya ako. "May sakura flower ka sa may likod mo. Nakikita ko yun habang pinapasok kita." Nanlaki naman ang mga mata ni Jane dahil sa sinabi nito. "Wala akong ganun." "You force yourself to me at wala akong kalaban laban sa bagay na yun. Panagutan mo ako." Napanganga naman ako habang nakatingin ako sa kanya ngayon. This man... "Anong pinagsasabi mo? Wala akong maalala sa sinasabi mo

  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 89- Jealousy feelings

    Geraldine's Point of View* Naningkit ang mga mata ko habang naglalakad kami ngayon sa pabalik sa sasakyan. Mabuti wala na ang mga assassins dahil inubos na siguro ni Sky ang mga iyon. Nahawak ang kamay ko sa braso niya habang naglalakad pero napansin ko na may lumapit na mga bodyguards niya at napayuko ang mga ito sa harapan namin. "Bakit sila nandidito?" mahinang sabi ko kay Mike. Napatingin naman siya sa akin na parang in love na in love sa akin. Ang weird talaga ng lalaking ito. "May pinagawa lang ako sa kanila, wife." Napatingin ako sa mga gwardya nang maalala ko yung isa ay siya yung pinunasan ko ng abs. "Ehem... Let's go? Saan mo gusto pumunta? May bibilhin ka ba?" Nang may naisip ako. "Let's go shopping." Napatingin naman siya sa mga gwardya at tumango siya doon at yumuko naman ang mga ito bago umalis at bumalik ang tingin niya sa akin. "Let's go, let's go shopping." Napa-yes naman ako na may fight hand pang gestures at natawa na lang siya. Pinagbuksan niya ako n

  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 88- Date

    Geraldine's Point of View* Tiningnan ko siya sa mga mata niya at ngumiti ako. "Yes, ah baka nakaka-estorbo kami sa date ninyo..." Pinutol pa niya ang sinasabi ko ha. "Ah hindi naman," ani ni Josh. "... Dahil kayo nakaka-estorbo kayo sa amin." Napatingin naman ako kay Mike na walang emosyon na nakatingin kay Josh. "Ganun ba? Ah sorry for doing that. Sige, enjoy your date." At umalis na sila at napabuntong hininga na lang ako at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Kalma lang, hubby." Sobrang hinang talaga ng pagkasabi ko sa bagay na yun dahil pinagtitigan na kami ng mga tao dito. Pero kilala naman talaga si Mike bilang mainitin ang ulo kaya sanay na siguro ang mga tao dito. Wala akong choice kundi gawin ang bagay na ito sa public. Hinawakan ko ang pisngi niya na kinatingin naman niya sa akin at dinala ko iyon sa mukha ko hanggang sa mahalikan ko ang pisngi niya at nagulat naman ang mga nanonood sa amin ngayon dito. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya a

  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 87- Restaurant

    3rd Person's Point of View* Flashback... Nanlalaki ang mga mata ni Asher nung pinaharurut ni Geraldine ang sasakyan kasama si Rafayel at agad niyang tinawagan si Rafayel. At mabuti sinagot nito ang tawag pero hindi siya maririnig nito at i-non lang nito ang call at agad siyang sumakay sa sasakyan niya at mabilis na pinaharurut at tiningnan niya ang gps ni Rafayel kung saan sila ngayon. At naririnig niya ang lahat ng pinag-usapan nilang dalawa habang nagmamaneho. 'Bakit di na lang siya naging katulad ko na mabait? Bakit parang sinapian siya parati ni Satanas?' Natigilan siya sa sinabi nito habang nagmamaneho at kumirot din ang puso niya. 'Kung ayaw mong tuluyang mawala sayo ang Asawa mo ay magbago ka. You're old enough na kaya mo ng i-handle ang company ninyo at isipin mo naman ang sarili mo wag ang sinasabi ng ibang tao, Asher,' naalala niya ang sinabi ni Rafayel sa kanya at doon na niya narealize ang lahat. Hindi na normal ang nararamdaman niya ngayon. Grabe na siya mag-aala

  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 86- My Possess Husband

    Geraldine's Point of View* Nasa sasakyan kami ngayon. Di ko alam kung nagbabago ba siya o iniimbestigahan niya ang pagkatao ko. Hindi muna kami umuwi dahil kakain daw kami sa labas. Di ko alam kung saan kami pupunta ngayon basta ang alam ko kakain kami. Ginutom na din ako eh nang may naalala ako. "Mike---" Napakunot ang noo niya nung tinawag ko siya sa pangalan niya. "Wife, mukhang nakalimutan mo na agad ang itatawag mo sa akin ha." Napalunok ako. "Hubby ang sinabi ko ha." "What is it?" Ayun bumalik na naman sa pagiging kalma ang mukha niya. Ang bilis magpalit ng emosyon eh. Napatingin ako sa harapan at mabuti nag-stop pa ang traffic light. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya nang napansin ko na ang kamay na inilahad ko ay yung may benda. "Ay wrong hand." Pinakita ko ang isang kamay ko na kinataka niya. "What is that?" "Nasaan yung apple ko na binigay ko sayo kanina? Ayaw mo yung kainin diba? Kaya akin na." Mahina naman siyang natawa na kinagulat ko. Tumatawa pa

  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 85- Planning

    Geraldine's Point of View* Nagulat ako sa ginawa ni Mike nung niyakap niya ako ng mahigpit na parang wala ng umaga at nakatago lang ang mukha niya sa leeg ko habang mahigpit pa ding niyayakap ang katawan ko. "Okay, bro, mauna na ako at ako na ang magmamaneho ng sasakyan mo." Lumakad na si Rafayel papunta sa sasakyan na ginamit ni Mike at nakatingin na lang ako sa kanya hanggang sa umalis na siya. Bakit may payakap yakap pa ang lalaking ito? "Mike..." "I'm so sorry, wife." Natigilan ako nung humingi siya ng tawad sa akin at dahan-dahan siyang napatingin sa akin at nagtitigan kami ngayon sa mga mata niya. Napa-iwas naman ako ng tingin. "B-Bakit ka naman nagso-sorry, ano ba ang ginawa mo." Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at napatingin naman ako doon. "For calling you stupid at hindi ko na pinagigiba ang garden. Hindi ko alam na special yun sayo." Napa-ikot ko ang mga mata ko. "Bakit mo naman ginawa yun? Sayo naman ang garden na yun at isa pa wala naman akong karapa

  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 84- Over Viewing

    3rd Person's Point of View* Hahabulin sana ni Mike si Gerry, galing kasi siya sa garden matapos niyang pahintuin si Justine sa pagsira sa garden na hindi pa nasisimulan. Biglang kumirot ang puso niya nung walang emosyon siyang tiningnan ni Gerry at nung binawi nito ang kamay nito na hawak niya. Parang maling desisyon ang ginawa niya kanina dahil mukhang special sa Asawa niya ang garden nito. Nang naalala niya ang sinabi ni Manang sa kanya. Flashback... "Master, paano kung i-upgrade natin ang garden? Mukhang gusto ni Madame ang garden, Nakita ko kasi na nakangiti siya habang nakatingin parati sa garden. Kahit na sa balcony ninyo ay nakikita ko siya nakatingin pa din sa garden ninyo." Napa-isip naman siya at napatingin sa gilid ni Manang na si Justine. "May maganda ka bang naiisip kung paano magiging maganda ang garden?" "Mayroon po, master. Ako na po ang bahala sa bagay na yan, master." Dahan-dahan namang napatango si Mike. "Sigurado ako na mas lalong gaganahan si Madame sa b

  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 83- Ruined

    Geraldine's Point of View* Nagulat ako habang nakatingin kay Mike. Baka nagseselos siya kay Justine! Inosente lang si Justine at di ko hahayaan na pagtripan siya nito! Timing din noh badtrip din ako sa kanya dahil sinabihan pa niya ako ng stupid kanina. "Bakit ka nandidito?" Agad akong napatayo at agad kong nilapitan si Mike na walang emosyon ang mukha nang napansin niya ang kamay ko na may bandage kaya agad kong tinago ang kamay ko sa likod ko. "What happened to your hand? Bakit nakahawak siya sa kamay mo?" Napatingin naman siya doon at mukhang nakita niya na may first aid kit doon. Patay... Hinawakan niya ang kamay ko at napakunot ang noo niya habang nakatingin sa kamay ko at hindi niya pinuksan ang nakabenda sa kamay ko. May dugo pa kasi doon pero maliit na lang. "What happened?" "Uhmm... Wala lang i---" Napatingin siya kay Justine at hindi sa akin. Jusko! Wala namang kasalanan si Justine! "Hinawakan po ni Madame ang Rosas po. Pasensya na po at hindi ko naprotektahan si

  • Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire   Chapter 82- Gardener

    Geraldine's Point of View* Nandidito ako ngayon sa garden at mabuti dito ay mabango at maganda kaya nawawala ang stress ko. Napatingin ako sa rosas na nandodoon at ang ganda nun pero hindi pwedeng magpapa-linlang sa kagandahan niya dahil hindi mo alam bigla ka na lang masusugatan. Pero hinawakan ko pa din iyon at hindi lang hawak kundi hinayana kong tumusok ang tinik na nasa stem sa kamay ko. Napabuntong hininga ako ngayon habang nakatingin doon sa kamay ko na dumudugo na ngayon. Hindi naman masakit dahil sanay na ako sa bagay na ito. "Madame!" Napatingin ako sa isang lalaki na lumapit sa akin at according sa sout niya ay mukhang siya ang gardener dito at may dala din siyang pangtanim. "Hala, madame, dumudugo po ang kamay ninyo. Paano ba ito, kukuha po muna ako ng first aid kit." Agad kong naamoy ang scent niya na pamilyar sa akin. Same scent na nasa basement. Don't tell me siya ang lumigtas sa akin nung hinulog ako ng mga katulong sa basement? Aalis sana siya nang hawakan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status