Share

Perfectly Imperfect Love
Perfectly Imperfect Love
Author: pen_nyx

Prologue

Author: pen_nyx
last update Last Updated: 2021-07-13 18:42:13

Ngayon ay ang anibersaryo naming dalawa ni Renrem ngunit tila nakalimot na naman siya.

"Hays Mika ano pa bang aasahan mo sa lalaking iyon," buntong hininga ko.

Ilang oras pa ang aking hinintay, umaasa na baka may bago ngayong anniversary namin. Habang hinihintay siya ay paulit na tumatakbo sa aking isipan ang bagay na dapat noon ko pa man ginawa. Nakakapagod ilaban ang isang bagay na alam mong matagal ka ng talo. Nakakapagod umasa na may magbabago.

Pinunasan ko ang luha na pumatak sa aking pisngi. Kasabay noon ay napansin ko ang engagement ring namin na nakasuot sa daliri ko. Agad ko itong hinubad sa aking daliri at pinagmasdang mabuti.

"Sabi mo mahal mo'ko, sabi mo hindi mo hahayaang makaramdam ako ng kahit anong klaseng sakit. Pero bakit ganito, bakit sobra- sobra yung binibigay mo sa akin," sambit ko habang kinakabisa ang kabuuan ng singsing na iyon.

"Alam kong hindi ka dadating," sabay tayo ko at pinatay ang mga kandilang nakabukas.

Sa muling pagkakataon ay nasayang na naman ang oras at pag aabala ko para rito.

Iniligpit ko na lahat ng nasa lamesa, nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Renrem. Tiim- bagang ko siyang tinignan habang papalapit siya sa akin. Amoy na amoy ko ang alak na nakadikit sa kaniya damit. Nang makakapit ito ay agad niya akong hinalikan pero naka iwas agad ako.

"Hon ba't ka ganiyan? Hindi mo lang ba ako babatiin o kaya hahalikan manlang," may panunuya sa tono ng boses nito.

"Hindi pwede iyan kapag kinasal na tayo," dagdag pa nito sabay hawak sa bewang ko.

Pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kaniya ngunit mahigpit ang pagkaka- kapit nito sa akin.

"B-bitawan mo nga ako, Renrem!" sigaw ko sa mismong mukha niya.

"Ano bang problema mo Mika? Dapat nga inaasikaso mo ako dahil pagod ako!" mataas na boses na saad nito sa akin.

Tinulak ko siya kaya tuluyang kumalas ang mga braso niya na naka- kapit sa bewang ko.

"Pagod na ako Ren, pagod na pagod na akong intindihin ka at unawain." Nagsimula ng tumulo ang mg luha ko.

"Mika ano na naman bang kadramahan ito," irita nitong tugon.

"Hindi mo nga alam kung anong mayroon ngayon, hindi mo ako nagawang alalahanin dahil busy ka sa babae mo," sigaw ko sa kaniya.

"Wala akong ibang babae Mika," seryoso nitong sabi.

"Oh talaga! Alam kong tanga ako dahil patuloy akong naniniwala sa mga kasinungalingan mo at pangako, pero tapos na ako."

Sobrang sakit na, durog na durog na ako. Hindi ko na kaya.

Hinubad ko sa mismong harapan niya ang engagement ring naming dalawa at saka dahan- dahang pinatong sa ibabaw ng lamesa.

"Anong ginagawa mo?!" gulat niyang tanong.

"Tinatapos ko na ang sa atin, Renrem. Simula ngayon, hinding- hindi na kita gugulahin pa. Simu--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil niyakap niya ako bigla.

"Alam ko sobrang dami kong pagkakamaling nagawa sa iyo. Pero Mika, please 'wag naman sanang ganito. Tulungan mo akong magbago, ayusin natin 'to Mika. Parang awa mo na," pagmamaka- awa nito sa akin.

Kung dati, sa ganitong paraan lang ay lumalambot na agad ang puso ko kay Renrem pero hindi ko alam ngayon. Sobrang nagiging matigas na ako pagdating sa kaniya, marahil sobra na akong napagod na makinig at maniwala sa kaniya.

"Tama na, pagod na ako sa mga kasinugalingan mo at mga dahilan mo na paulit- ulit lang. Mahal kita pero sobrang sakit na, Renrem, sobra na akong nauubos," tuluyan nang bumagsak ang mga luha na halos kanina ko pa pinipigilan.

"Isa pang pagkakataon Mika, isa nalang parang awa mo na," Yakap nito nang mahigpit sa akin.

"Sobrang dami na ng chances ang naibigay ko sa iyo, halos wala na akong itira para sa sarili ko. Selfish pa rin ba ako kung iisipin ko naman ngayon ang sarili ko, kung mas pipiliin ko muna ang magpahinga kaysa ang magpaloko sa iyo ng paulit- ulit?" Sabay pilit na kawala ko sa mga yakap niya.

"Please Mika, pakiusap. Alam kong mahal mo ako at hindi mo ako kayang iwan," pagsusumamo nito.

"Kaya ba ganoon ka kakampanti na lokohin ako at saktan ako ng madaming beses, kasi alam mong mahal na mahal kita at hindi kita iiwan?" Sigaw ko sa kaniya.

"Hindi Mika."

Sobrang sakit din nito para sa'kin pero kailangan kong magtiis, kailangan kong unahin naman ngayon ang sarili ko, kailangan ko mag-heal.

"Patawarin mo ako, mahal kita pero pagod na ako Renrem. Sana maunawaan mo ako," Hagulgol ko.

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit kasabay ng pagluhod niya sa harapan ko at pag iyak.

Ayoko na humantong tayo sa ganito, hindi ko rin hinangad na malagay sa ganitong sitwasyon.

Hinawakan ko siya sa pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay at unti- unting lumalapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo niya.

"Patawarin mo sana ako, Renrem. Hindi ko na kaya," sabay kalas ko sa agkakahawak niya sa akin.

"Mika..." tawag nito sa akin pero tinalikuran ko na siya at saka kinuha ang mga gamit ko na nasa kabilang side ng bahay.

Hinabol niya ako para pigilan, nagmakaawa siya sa akin at umiyak sa harap ko. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang ganito kahina, pero manhid na ang puso ko.

"Mika, mahal na mahal kita. Please wag ganito, ayusin natin," saad nito ng makapasok ako sa loob ng kotse ko.

Sinara ko iyon at nakabukas ang bintana. Sinimulan ko ng buhayin ang makina ng sasakyan ko, at nang mabuhay ko na ay pinaandar ko na ito.

"Mika pag usapan natin ito, pakiusap, patawarin mo ako," habol nito sa akin.

"Happy anniversary Hon!" huling sambit ko bago tuluyang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Magbabago na ang lahat simula ngayon...

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Xzyriel Aila
Gosh first part palang nakakaiyak na, ano pa kaya sa mga susunod na chapter. Exciting!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 1

    Mika's POV "Sige na bes, anong nangyare at mukhang highblood ka na naman?!" tanong ni Chy na kausap ko sa phone. "Bes monthsary namin ngayon ni Renrem tapos ngayon, gabi na pero kahit text, chat o tawag wala manlang akong natatanggap mula sa kaniya. Naiinis na'ko," irita kong saad. "Then try to contact him." "Juskooo I've already do that before I call you. Pero cannot be reach." "Baka naman nambababae na naman," suhestyon ni Chy. Iyon din ang kanina pa nasa isip ko. I trust him pero I'm scared. FLASHBACK: "Nasaan kaba Ren?" tanong ko sa tawag. "Nasa tra--" "Babe." Hindi niya natapos ang sasabihin n'ya dahil may babaeng nagsalita malapit sa kaniya. "Hon sino yun?" tanong ko. "Ae pasahero lang. Tawag ka nalang mamaya. Bye" "Ho--" Bigla niyang pinatay ang tawag. END OF FLASHBACK: "Busy lang siguro sa work niya. Ikaw naman," pagtatanggol ko kay Renrem.

    Last Updated : 2021-07-13
  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 2

    Mika's POV "Fuck! Renrem answer your damn phone" Inis at magiyak- ngiyak kong saad. "Bwesit ka talaga. Sumagot ka, letcheee" Puro ring lang ang naririnig ko mula sa cellphone ko. It takes almost 2 hours na puro ring lang. Not until... "Hello!" "The hell! Renrem buti may balak kang sagutin. I call you for almost 2 hours" Gigil na saad ko. "Alam mo naman na nasa byahe ako at nagdadrive ako, tapos tatawag ka!" Irita niyang sagot. It's Sunday, so bakit may pasok siya? "Sunday ngayon," saad ko. "Eh ano naman?!" "Wala kang pasok kapag linggo, Renrem." You can't fool me! "Tssk! Kailangan ko magtrabaho para kumita. At isa pa malapit ng magbukas ang shop ko, kailangan ko ng pera," paliwanag niya. Oo nga pala yung shop niya. Umiral na naman pagiging possessive ko haisst! "Sorry hon, 'di ko sinasadya," paumanhin ko. "Okay lang," Walang gana nitong sagot. "Miss na

    Last Updated : 2021-07-14
  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 3

    Third Person's POVWARNING: contains matured themeSa paglipas ng panahon walang nagbago sa takbo ng relasyon ng dalawa. Nandoon pa rin ang tampuhan, selosan, iyakan at hiwalayan na nauuwi sa balikan.Kasabay ng paglipas ng panahon ay ang patuloy na paglago ng negosyo ni Renrem, na itinayo niya para sa future nila ni Mika.Mahal na mahal ni Renrem si Mika, pero sadyang mahina si Renrem pagdating sa tukso lalo na't malayo si Mika sa kaniya. Kahit anong iwas ang gawin niya ay mahina pa rin siya, lalo na kung si Mika ang malapit sa kaniya. Dahil lalo siyang nadadala sa tukso at karisma na mayroon ang dalaga.Ayaw niyang mawala si Mika, kaya sa tuwing nakikipag hiwalay ito sa kaniya ay gumagawa siya ng paraan. Pinupuntahan niya ito sa paaralang pinapasukan at doon niya ito susunduin para kausapin.Si Mika naman, dahil sa dalaga pa siya at nasa tamang gulang na, hindi niya maiwasang humang

    Last Updated : 2021-07-14
  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 4

    Renrem's Pov 4:10 pm na at pauwi na ako. Pinuntahan ko kasi si Mika dahil 8th monthsary namin ngayon at nag- celebrate kami. Nagpunta lang kami sa isang amusement park para magsaya at sumakay sa mga rides. Kumain rin kami sa mall at syempre after nun hindi mawawala kung ano man 'yang iniisip niyo hahaha. Biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko, kaya agad ko itong kinuha para sagutin ang tawag. "Hello!" Sagot ko sa tawag. "Hello, hindi kana nagpaparamdam sa'kin. Magtatampo na ako." Shitt si Jane! "Naging busy lang ako sa trabaho," palusot ko. Naku naman umiiwas na nga ako eh. Tapos hinahabol pa rin ako, tsk! "Miss na kita. Kailan mo ba ako pupuntahan?" tanong nito sa mapang- akit na tono. Tukso please layuan mo na ako, please! "Busy lang ta--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil namatay bigla ang phone ko, lowbat. Hayss save! Binaba ko ang phone ko at nagpatulo

    Last Updated : 2021-07-14
  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 5

    Mika's PovKakauwi ko lang galing sa school at inis na inis na ako. Almost 4 days nang hindi nagpaparamdam sa akin si Renrem."Pag lang nalaman ko na nambabae ka! Naku kingina mo lang talaga" Pang- gigil kong bulong.Baka mabasag ko yung baso letchee, bakit ako pa kasi pinaghugas dito 'di ko naman toka ngayon."Hoyy Claudine ang daya mo, ikaw dapat ang naghuhugas ngayon ah!" Irita kong saad sa pinsan ko."Look Mika, bagong manicure at pedicure ako oh," maarte niyang sagot.Ginaya ko ang pananalita niya na may halong pang- aasar ngunit walang tunog."Letchee ka!" Bulong ko.Habang naghuhugas ako ay aksidente kong nabitawan yung baso."Mika, ano ba yan?!" Tanong ni Lola.Bigla akong nakadama ng kakaibang kaba sa hindi malamang dahilan. May nangyare ba? Ang sama ng kutob ko ngayon, sana wala naman!Pagkatapos kong maghugas ay umakyat aga

    Last Updated : 2021-07-14
  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 6

    Mika's POVAFTER 2 YEARS:"Mika yung folder mo baka makalimutan mo kaka- review mo d'yan," paalala ni mama."Opo ma. Nasa bag ko na po," saad ko."Ate nandito na si Renrem sa labas." Sigaw ni Renz mula sa labas.Kinuha ko na ang mga gamit ko at inayos iyon habang hawak- hawak ang libro ko."Ma, alis na po ako," paalam ko kay mama.Kasabay kong lumabas si mama ng bahay at naabutan namin si papa na nakikipag kwentuhan kay Renrem.1 year na ang lumipas simula nang iligtas ni Renrem sina papa at Fria mula sa aksidente. Siya ang naospital at sa kabutihang palad, after 3 months na gamutan sa kaniya ay naka- recover din siya at tuluyang nakalabas ng ospital. After nun lumapit siya kina mama at papa para tuluyan ng ayusin ang relasyon naming dalawa at ma-legal kami ulit. Niligawan niya sina mama at papa sa loob

    Last Updated : 2021-07-14
  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 7

    WARNING: contains matured themeMika's POV5 minutes nalang ang hinihintay namin para sa uwian. At dahil bakante ang klase namin ay malayang- malaya ang mga kaklase ko."Oi tara sa mall later," masayang aya sa' kin ni Chy."Bes alam mo naman na friday ngayon at kay Renrem ako uuwi,"saad ko."Hay nako!" irita niyang saad."Sa sabado, tara?" aya ko naman."Ayoko 'no, for sure kasama si Renrem." Sabay cross arms niya.Nag- ring na ang bell hudyat na uwian na. Nagligpit na kami ng gamit ni Chy at nag- ayos ng sarili tyaka lumabas ng classroom."Uyy Chy tara na sa mall?" aya ng isa naming kaklase kay Chy."Oy bet ko yan!" sagot niya pabalik. "Ehh ikaw 'di ka talaga sasama?" baling niya sa' kin."Hindi na muna Chy, next time nalang," malungkot kong saad."Haisst ikaw bahala. Pero pag need

    Last Updated : 2021-07-18
  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 8

    Renrem's POVPinarada ko ang kotse ko sa harap ng bahay namin. 7:17 pm na nang maka uwi kami ni Mika, mahimbing na siyang natutulog ngayon dahil sa pagod. Bago kasi kami tuluyang umuwi ay may dinaanan pa kami sa mall ulit at nabitin siya sa pagkain na binili namin bago kami gumawa ng milagro hahahah.Bumaba ako ng kotse at agad na pumunta sa kabilang pinto ng sasakyan sa tapat ni Mika at saka binuksan iyon at binuhat si Mika para 'di na siya magising. Pa- bridal ko siyang binuhat, bukas pa ang ilaw sa sala at rinig ko pa ang boses ni Ice. Kumatok ako ng ilang beses sa pinto at nang magbukas ang ito ay bumungad sa harap ko si Aira."oy kuya Ren, pasok," saad ni Aira at saka naman ako pumasok."pagod na pagod si Mika ah!" bungad ni Tita."sobra," nakangisi kong saad."dalhin mo na sa kwarto para makapag- pahinga na," ani Papa."sige po," usal ko at saka nagtungo sa kwarto namin.

    Last Updated : 2021-07-23

Latest chapter

  • Perfectly Imperfect Love   Special Chapter

    Triggered Warning: This chapter contains brutal scene and unpleasant action. Read at your own risk!"Nasaan ako?" agad na tanong ko pagkadilat na pagkadilat ng mga mata ko.Puting mga ilaw, puting pader, puting kumot at higaan. Agad akong napatingin at napahawak sa tyan ko."Ang baby ko? Nasaan ang baby ko? Nasaan si Renrem?!" malakas kong sigaw habang umiiyak at nagwawala.Mabilis na nakapasok ang mga tao na nakasuot ng puting uniporme, mga nurse sila. Agad nila akong hinawakan at pilit na pinapakalma."Nasaan ang baby ko?""Saan niyo dinala ang anak ko? Mga hayop kayo!" malalakas na sigaw ko mula sa kanila pero tila hindi sila natitinag."Renremmmmmmmmmm!"May pumasok na isang babae at nakasuot ito ng coat na pang- doctor."Sino ka?" takot kong tanong habang patuloy pa rin sa pagpalag."Kumalma ka, ligtas ka dito," mahinahon nitong sagot sa akin."Nasaan ang anak ko?" hag

  • Perfectly Imperfect Love   Epilogue

    Renrem's POVThe church was filled of people who loves her so much. Mga taong simula una hanggang ngayon ay naging saksi kung gaano naging mabuting anak, kaibigan, kapamilya at tao si Mika.I just can't look at her that straight, sobrang ganda niya pa rin simula nung unang beses ko siyang makita. Sobrang naging mabilis ang tibok ng puso ko noon, hindi naman kasi talaga ako naniniwala sa love at first sight eh tyaka sa slow motion daw kapag nakita mo yung taong parang sayo. But it was proven and tested by my own experience."Hoy kuya baka matunaw ako sa pagtitig mo jan ah sayang naman kagandahan ko HAHAHA joke!" natatawa mong sabi nun dahil napansin mong nakatitig ako sayo tyaka ka nagpeace sign sa akin.Bagay sa kaniya ang white dress na suot niya even at her simple make up, hindi niya kailangang maging magarbo para hangaan."Alam mo ganito lang po yan, aanhin mo yung ganda kung yung ugali mo naman po hindi naaayon sa itsura mo, I mean panget

  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 99

    Renrem's POV"What happen to Shawn and Mika?" nagpa- panic at gulantang na tanong ng mommy ni Shawn nang makita kami sa labas ng emergency room."Naka usap na namin ang mga pulis na rumesponde sa lugar kanina," mahinanong saad ng papa ni Mika habang nakayakap sa mama ni Mika na umiiyak."Then what? Anong nangyari sa kanila?" kalmado ring tanong ng daddy ni Shawn."Sinadya ang pagbunggo sa sinasakyan nila hanggang sa mahulog ito sa bangin. May nakitang taxi doon na may nakasaya na babae at duguan din ito, hinihinala nilang ito ang may pakana sa pagbunggo sa dalawa," paliwanag ng papa ni Mika.Matapos kasi nung pagtawag sa akin ni Mika ay agad kong tinawagan ang parents nito at pagkalipas ng ilang oras ay nakatanggap sila ng tawag sa mga nagpakilalang pulis. Agad kaming nagtungo sa lugar na iyon at nakita ang dalawang sasakyan na inaangat ng mga pulisya habang sina Mika ay sinasakay sa ambulasya.Marami ang naging sugat at pasa ni Mika,

  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 98

    Mika's POVNapuno nang lungkot at galit ang naging pag uusap namin kanina kasama sina Renrem dahil hindi talaga nila inaasahan na kaya iyong gawin ni Ella. Pati rin naman ako ay nabigla sa natuklasan ko, ipapa-aku niya ang isang bata sa lalaking hindi naman nito tunay na ama kahit na handang akuin ng totoong ama ang bata. Pareho kami ng sitwasyon, ang kaibahan ko lang sa kaniya ay willing si Shawn na akuin ang anak ko.Teka bakit napunta sa akin?!"Are you okay baby?" tanong ni Shawn na biglang nagpabalik sa akin sa reyalidad."May bigla lang sumagi sa isip ko," nakangiti kong sabi."Hm like what?" muli nitong tanong."Baby, pareho pala kami ng sitwasyon ni Ella. Pina-aku ko din sa iyo ang anak ko kahit na willing naman si Renrem na magpaka- ama sa kaniya," nakayuko kong sambit.Naramdaman ko ang biglang paghinto ng sinasakyan namin."No, hindi kayo pareho!" May diin nitong sabi habang nakatingin sa akin."Tinangga

  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 97

    Shawn's POVIts a win or lose risk, but I will accept what Mika's decision is. Kung gusto niyang balikan si Renrem ipaglalaban ko muna siya and if siya na mismo ang magsasabi sa mismong mukha ko that she love Renrem again, then sige I will give the happiness that she wants. Pero once na saktan, paluhain at madurog siya ulit ni Renrem, ako na ang babasag sa pagmumukha nang lalaking iyon."Baby kumain muna kayo!" aya ni Mika sa amin sabay lapag ng mga pagkain sa lamesa."Thank you baby!" Malambing na pasalamat ko sa kaniya kasabay ng pag alok ko ng kamay ko sa kaniya para patabihin siya sa akin. Agad naman niyang inabot ang kamay niya at pumwesto sa tabi ko."So ikaw yung ama ng pinagdadalang sanggol ni Ella?" tanong ni Mika kay Brent."Oo ako nga, pero pinapa- aku niya sa ibang lakaki ang anak ko!" gigil na saad ni Brent.Pinahanap ko si Brent sa private investigator ni dad and they find him sa isang barangay sa Batangas. At doon ko mis

  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 96

    Warning: matured contentRenrem's POVKarga ko si Heaven papasok ng kwarto habang sinusundan ko si Mika. Tapos na kasi ang masayang party kaya nagsi- uwian na din ang lahat. Pagod na pagod si Heaven dahil kanina pa ito nakikipaglaro sa ibang bata."Ihiga mo nalang siya diyan," utos sa akin ni Mika.Dahan- dahan kong binaba si Heaven sa kama at maayos na kinumutan habang si Mika ay tahimik na nakatingin sa akin."Renrem thank you!" bigla nitong saad.Napatingin naman ako sa kaniya habang inaayos ang higaan ni Heaven."Mika.. Ako dapat yung mag- thank you sayo kasi hinayaan mo akong makasama ang anak ko sa espesyal na araw niya. Sobrang saya ko na makitang masaya din si Heaven, kaya maraming salamat!" may kagalakang ngiti kong sagot aa kaniya.Nag- nod ito tyaka umupo sa kabilang side ng kama sa tabi ni Heaven."Hindi naging alintana ni Heaven ang pagkawala ni Shawn dahil sayo. Hindi siya naging malungk

  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 95

    Mika's POV"Mami, where's dadi?" tanong sa akin ni Heaven habang inaayos ko ang damit niya."Baby, your daddy call me last night and he said na hindi raw muna siya makakapunta sa birthday mo dahil may mahalaga raw siyang gagawin," malungkot kong paliwanag.Alam kong magiging sobrang lungkot ni Heaven dahil ito ang unang beses na mawawala si Shawn sa mismong kaarawan nito."Mami it is more than important than me?" Heaven said with an teary eyes.I hugged her just to comfort her tyaka ko sinuklay at niyapos ang buhok niya."Ofcourse no baby, you know how much daddy loves you hindi ba?! And for sure sobrang importante nun kasi hindi naman siya aalis kung hindi," paliwanag ko.Pero ano ba talagang dahilan mo Shawn? Wala ka manlang sinabi sa akin na kahit anong paliwanag kung bakit wala ka ngayon..."Happy birthday Heaven!" bungad ni Renrem dahilan para makuha niya ang atensyon namin."Hm sorry naka istorbo yata a

  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 94

    Shawn's POV"Anak natin iyan, Ella. Ako ang ama niyan!" sagot pabalik nung lalaki."At ipapaako mo lang sa iba. Paano kong sabihin ko sa kaniya na ako talaga ang ama ng batang iyan?!" sigaw muli nung lalaki."Just go away from me, from us!" Galit na sigaw naman nung Ella"Malalaman ito ni Renrem!" Pagbabanta nung lalaki sabay naglakad paalis.Until now ay hindi pa rin mawala- wala sa isip ko ang narinig kong usapan ng girlfriend ni Renrem at nung lalaki na ama raw ng pinagbubuntis ni Ella."Ahh! They both give me an headache!" usal ko sabay hilot sa sentido ko."What is that anak? Are you okay?" Takang tanong ni dad.Should I tell it to Renrem ba?!"Nothing dad, I'm just thinking something lang po," sagot ko."Hm about what?"muli niyang tanong."Dad na- try mo na bang malagay sa isang sitwasyon na if you're telling the truth maaari kang mawalan?" I simply asked him.I don't know if

  • Perfectly Imperfect Love   Chapter 93

    Mika's POV"Mika ano pang kulang dito sa French Onion Soup?" tanong sa akin ni tita Tina."All-purpose flour tita," sagot ko."Ayy mukhang ubos na yung flour eh, teka bibili muna ako baka meron jan sa labas," saad ni tita."Sige po tita"Agad na lumabas si tita pa, kaya tanging si Renrem at Aira lang ang kasama ko dito sa kusina dahil sina kuya Jay at sina mama ay busy pa mamili ng ibang sangkap sa market."Tama na kaya itong tamis ng banana crepes na ginagawa ko?" mahina kong tanong sa sarili ko."Patikim nga if okay na!" biglang sulpot ni Renrem sa likuran ko.Bigla akong nakaramdam ng butterfly sa stomach ko.WHAAAAAA!"Hm sige," ilang na sagot ko.Pinaghiwa ko siya ng slice ng banana ng crepes tyaka aktong isusubo ko sa kaniya nang may bigla akong ma- realize.Naiwan ang kamay ko sa ere habang nakatapat sa kaniya yung tinidor na may slice. Nakita ko ang pag ngiti niya sabay yuko ng bahagya

DMCA.com Protection Status