Napa-oo agad ni Juaquin ang aleng si Ofie matapos offeran ang ale ng scholarship para sa anak nito.Maluwag namang nakahinga si Juaquin sa pagsang-ayon ni Ofie sa kanyang alok, muling kinontak ni Juaquin si Mike para alamin kung mayroon na itong nakuha pang ibang ebidensiya ngunit mailap pa rin sa kanila ang kanilang hinahangad.Nang makapagpaalam na si Juaquin kay Ofie ay napahinto siya sa bilihan ng bento cake, pumasok siya sa loob ng shop dahil naalala nito si Lalaine at bumili ng isang box para sa nobya.Nagtake-out rin siya ng meals para sa kanila ng kaibigan nito, bumalik si Juaquin sa kumpanya dala ang mga pinamili nitong pagkain at bulaklak.Napatingin ang lahat sa binata dahil ito ang unang pagkakataong bumili ito ng sariling pagkain, “si Mr. Cristobal talaga ang type ko. He’s the standard!” hibang na nagde-daydream ang iba sa dumaang si Juaquin.“Kung ganito naman ka-sweet ang boyfriend ko araw-araw, palagi na akong kikiligin at hindi masisira ang mood ko sa isang maling cal
Agad nakarating si Aika sa kanilang kumpanya at nagtungo sa conference room kung saan naroon ang lahat ng board members, labis ang kaba ng dalaga sa pag-aakalang tuluyan na siyang tatanggalin sa trabaho ng mga ito. Alam niyang wala siyang magagawa kahit magmanikluhod pa siya sa mga ito. Masakit man sa loob niya at lakas loob niyang tatanggapin anuman ang magiging anunsiyo nila tungkol sa kanya.“Aika Melendres…” tumingin si Aika sa nagsalita, nagsusumamo ang mga mata ng dalaga at parang humihingi pa ng isa pang pagkakataon sa mga ito.Yumuko si Aika kahit hindi pa naririnig ang anunsyo ng editor niya, “I’m sorry dahil binigo ko kayong lahat.”“Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil we are giving you another chance to showcase your talent, maaari ka na uli makabalik sa iyong trabaho,” tumayo ng tuwid si Aika matapos marinig ang anunsiyo ng editor sa kanya.“Talaga po?” walang paglagyan ang kaligayahan na kanyang nadarama dahil sa pagbibigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon.“Hin
Agad pinapunta ni Juaquin si Sandro sa kanyang kumpanya para humingi ng tulong sa kaibigan sa paggawa ng plano para mahuli si AJ. Nakaabang si Juaquin sa pagbukas ng pinto ng kanyang opisina, agad namang dumating ang inaabangan niyang kaibigan.Nakasukbit sa balikat ni Sandro ang kanyang jacket at naghihikab pa nang dumating, “anong problema, dude? Ba’t ang aga mo namang magpatawag ng meeting? Mukhang wala pa ang iba,” hirit niya habang tumitingin sa likod niya kung may parating na.“I need your help regarding sa pumatay sa nanay ng girlfriend ko,” hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad sinabi ang nais sa kaibigan.“You already know na may kinalaman si AJ sa pagkamatay ni auntie Mercy?” tanong ni Sandro, napakunot ang noo ni Juaquin sa binitawang salita ng kanyang kaibigan.“Alam mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin na may alam ka sa ginawa ni AJ?” Agad kinwelyuhan ni Juaquin ang kaibigan, “sabihin mo sakin kung may kinalaman ka sa nangyari? Tinulungan mo ba siya kaya wala kaming maki
“Bakit kasama niya ang babaeng iyon? Kainis siya, hindi man lang niya ko kinausap o pinansin man lang? Hindi naman niya ako kaibigan lang para i-ignore niya ng ganito,” mabigat ang loob ni Lalaine at parang may kung anong tumutusok sa kanyang tiyan, nakakunot ang noo ni Lalaine habang pinapanuod ang sinasakyan nila AJ na paalis.“Bakit siya sumama sa babaeng iyon? Saan sila pupunta?” hinanakit ni Lalaine, pumara ng sasakyan ang dalaga para sundan ang nobyo ngunit bago pa siya makasakay ng sasakyan at hinarang siya ni Sandro.“Bakit narito ka at bakit ka nakaharang dyan?” nagulat si Lalaine dahil parang pinagtatakpan pa ni Sandro ang kaibigan sa ginagawa nitong kalokohan sa kanya.“Wag mo na silang sundan, may importante silang pupuntahan,” saad ni Sandro sa kanya. Nagtaka si Lalaine kung saan magtutungo ang dalawa na hindi siya maaaring sumama. Pakiramdam niya ay nagtutulong ang dalawa para hindi siya makasunod kay Juaquin.“Saan sila pupunta na hindi ako maaaring sumama? Sabihin mo s
Hindi maalis sa isipan ni Aika ang kinuwento sa kanya ng kaibigan habang pauwi siya sa kanilang tahanan, malakas ang kutob niyang nagsisinungaling lamang si Soledad sa kanila kaya wala siyang kahit anong ikinukwento sa kanila. Matagal nang gustong makita ni Aika ang larawan ng ama pero palaging itinatanggi ng ina na may larawan pa siya nito. Dali-daling pumasok ng bahay si Aika, natagpuan niya si Gio sa sala ng kanilang tahanan na nanunuod, “nasaan si mama?” tanong niya.“Kanina pa umalis, ate, hindi pa nakakabalik,” narinig niyang tugon ng kapatid. Pumasok si Aika sa loob ng silid ng ina at iginala ang kanyang mata sa loob ng silid, hindi na niya mahintay na makausap ang ina kaya siya na mismo ang hahanap ng larawang dekada na niyang hinihingi sa ina.Inisa-isa niya ang mga drawer ng damit ng ina, ilalim ng kama at unan, mga singit-singit ng kwarto halos ibaliktad na niya ang kwarto pero wala siyang makitang larawan kahit saan.Napalingon si Gio sa loob ng bukas na silid ng ina dahil
“Anak, mag-usap tayo!” Sigaw ni Jose sa anak ni Aika, hinarap ni Soledad ang mga anak, “kayo na ang bahalang magdesisyon kung gusto niyo siyang makausap ay hindi ko kayo pipigilan,” payo ni Soledad sa mga anak.Pumasok si Soledad sa loob ng kanyang silid at nagkulong dahil alam niya sa sarili niya na matagal ng sabik sa pagmamahal ng isang ama ang mga anak niya at alam rin niya na magsisisama ang lahat ng anak niya sa kanilang ama lalo na si Aika. Sigurado siyang umalis na sila at sumama sa ama.Naupo si Soledad sa kama habang binabalikan ang alaala noong iniwan sila ni Jose, sariwa pa rin sa kanya ang masakit na pangyayaring iyon sa kanya at nasasaktan siya sa tuwing maaalala niya ang paghihirap nilang mag-ina dahil sa gutom ng mga anak. Hirap na hirap siya noon humanap ng pang-araw araw sa kanyang mga anak mataguyod at mabuhay niya lamang ang tatlong mga anak habang si Jose ay nagpapakasarap sa buhay ng muling sumama sa mga magulang. Mas ginusto ng kanyang asawa ang madaling buhay k
Nataranta si AJ nang makitang huminto ang sinasakyan nila sa City jail, kinakalma niya ang sarili ng mga sandaling iyon at pinilit ngumiti sa harap ni Juaquin.“A-anong ginagawa natin dito? Akala ko ba may sorpresa kang ipakikita sa akin?” kinakabahang tanong ni AJ, wala siyang ideya kung bakit naririto sila pero ang alam niya ay natataranta siya kung anong dahilan ng pagdala ni Juaquin dito sa kaniya. Naniniwala siyang walang nakaalam ng ginawa niya bago siya umalis ng bansang Pilipinas at alam niyang hindi kailanman malalaman ng kahit na sino ang tungkol doon ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang hindi mapaisip.Tumawa si Juaquin sa nasasaksihang pagkataranta ng kalapit na dalaga, hindi nito malaman ang gagawin sa kinaiikot ng lingon sa kanyang upo na parang nais tumakas.“May dadaanan lamang ako sa loob, maaari mo ba akong samahan sa loob?” nakangising tanong ni Juaquin sa kanya.Hindi makasagot si AJ sa tanong ng binata, nais niyang tanggihan agad ang binata sa alok nito sa kanya,
Hindi matanggap ni Olivia ang nangyari sa kanyang anak, hindi siya natutuwa sa pangyayaring itong naganap sa kanyang anak. “Alis muna ako, anak. Babalikan kita,” nilakasan ni Olivia ang loob para sa kanyang anak na nagdurusa sa loob ng bilangguan na maraming pasa, galos at dugo ang noo. Agad siyang nagtungo sa kumpanya ni Juaquin para makiusap dito na iatras nito ang kaso laban sa anak, alang-alang sa kanilang pinagsamahan ngunit hinarang siya ng guard building at hindi pinapasok. “Bakit ayaw ninyo akong papasukin? Kilala ako ni Juaquin, sigurado akong papapasukin niya ako. Tawagin niyo siya,” utos ni Olivia sa mga sekyung nagbabantay ng gusali. “I’m sorry, ma’am pero si Mr. Cristobal mismo ang nag-utos na wag kayong papasukin,” paliwanag ng isang sekyu. “Imposible! Hindi ako naniniwalang magagawa niya akong balewalain, kilala niya ako kaya ako’y papasukin niyo na kung ayaw niyong mapagalitan kapag naabutan niya ako dito sa labas,” pagbabanta niya sa mga ito. “Pasensya na ma’am, g
Nahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“
Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.
“Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”
“Ano bang sinabing sakit ng papa mo?” tanong ni Soledad sa kanyang anak. Nag-aalala rin siya para sa kalagayan ng asawa dahil alam niyang malakas at malusog ang pangangatawan ni Jose noon pa man.“Paano siya nagkasakit? Alam kong noon pa man ay malakas talaga ang pangangatawan niya, e. Anong nararamdaman ba niya?” puno ng pag-alala ang dibdib ni Soledad sa kanyang nalaman na balita mula sa anak.“H—hindi ko rin alam, nay. Napansin ko na lamang na mukhang matamlay siya at inuubo,” kwento ni Aika… Matagal natahimik ang mag-ina, hindi kumikibo ang dalawa habang nag-iisip kung paano ito nagkasakit hanggang sa sumagi sa isip ni Aika ang pinsan niyang si Cassie.“Hindi kaya si Cassie ang may kagagawan ng nangyayari kay tatay?” bulalas ni Aika sa ina.“Sinong Cassie?” takang tanong ni Soledad sa anak niya.“Si Cassie, nay. Iyong gumaya sa mukha ko, pinsan ko daw siya sa kapatid ni papa,” pahayag niya sa ina niyang gulong-gulo rin ang isipan.“Si Cassie, anak ni Lucio?? Imposible!” Hindi mani
Busy si Aika sa pag-edit ng balitang kaniyang ia-upload sa page ng kumpanya nila nang biglang sumupot si Sandro sa harapan niya.“Pweda ba tayong mag-usap?” tanong ng binata, minasdang mabuti ni Aika ang itsura ng binata at nang masigurong hindi ito amoy alak o lasing ay pumayag naman siya.“Sige, maupo ka,” utos niya sa binata. Naupo naman si Sandro sa tapat ng inuupuan ni Aika.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya, nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang laptop at patuloy pag-eedit.“I want to know kung anong relasyon mo dun sa matandang palagi mong kasama sa mga restaurant?” diretsahang tanong nito sa kaniya.Nagtaas ng tingin si Aika sa binata at minasda ang maasim nitong mukha, “bakit? Are you jealous?” tanong niya.“Bakit ako magseselos sa matandang iyon?! Sabihin mo sakin kung anong relasyon mo nga sa kanya?” naiinip na si Sandro na malaman mula kay Aika ang relasyon nito sa kanya, nais na niyang bumitaw kung talagang nobyo na ba nito ang matanda.“Bakit
Muling hinatid ng patago ni Jose ang kanyang anak na si Aika sa kanilang subdivision, natigilan si Soledad nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas ng subdivision at pinanuod ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nakita niyang iniluwa ng kotse ang anak niyang si Aika kasama nito si Gio na sakay rin sa loo bang kanyang asawang nang-iwan sa kanya ng mahabang panahon.Hindi niya matanggap na nagawang ilihim ito sa kanya ng kanyang mga anak, sobrang sakit para sa kanya bilang ina ng mga ito ang malaman na tumatakas ang kaniyang anak sa kanya para lamang makita ang ama nila.Nagsawalang kibong pumasok sa loob ng bahay si Soledad at nagpanggap na nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng dalawa niyang anak.Nakatuon ang kanyang paningin sa bumukas na pinto, “hi, ma! May dala kaming pagkain sa inyo ni bunso,” masayang saad ni Aika sa ina.Pumasok si Gio at humalik sa pisngi ng ina matapos maitabi ang sapatos, “kain na kayo, ma,” paglalambing ni Gio sa ina.“Kayo? Hindi niyo
“Anak, kilala mo ba ang pulis na iyon? Bakit niya tayo tinulungan?” tanong ni Olivia sa anak, napansin niyang iba ang tinginan ni Franco at ng kanyang anak kaya hindi niya maiwasan ang magtanong dahil nag-aalala rin siya sa pwedeng mangyari sa anak niya.“Sort of,” tugon ng anak, napasimangot si Olivia sa anak sa sagot nitong hindi niya mawari, “anong sort of, anak? Tutulungan ka ba niya kung hindi kayo ganun kakilala? Saka bakit ganun kayong magtinginang dalawa? May relasyon ba kayo?” sunod na sunod na tanong ni Olivia.“Wala, ma,” namumula ang mga pisngi ni AJ na siyang nasilayan ng ina niya.“Wala o wala pa?” pilit pinapaamin ni Olivia ang anak ngunit hindi ito umamin, “dyan ka nga, ma. Punta lang ako sa mga kasama kong bilanggo,” saad niya at iniwanan ang ina.Simula noon, nadalas ang patagong pagkikita nila ni Franco at palaging may nangyayari sa kanila, sa banyo, sa sulok o di kaya ay sa kwarto ng binata. Maraming beses na ginamit nilang dalawa ang isa’t-isa para maalis ang lami
Hindi makatulog ng mahimbing si Franco magmula nang halikan siya ni AJ nung araw na sinundo niya si AJ patungo ng bilangguan. Alas dose na ng gabi at gising na gising pa rin si Franco, hindi siya mapakali sa loob ng barracks nila kaya lumabas siya para makapagpahangin hanggang sa dalawin siya ng antok.Paulit-ulit sumasagi sa isipan niya ang mga halik at haplos na ipinaramdam sa kanya ni AJ, hindi niya namamalayang naglalakad na pala siya patungo sa kulungan ng mga bilanggo hanggang sa mahinto siya sa tapat ng bilangguan ni AJ.Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa malamig na semento sa loob ng kulungan na may nakalatag na isang manipis na katya sa sahig, para silang mga sardinas na nagsisiksikan sa isang lata sa sobrang sikip para sa kanila.Pinagmamasdan niya ang natutulog na dalaga hanggang sa maalimpungatan si AJ, maingat siyang tumayo para hindi niya magising ang iba pang mga preso na katabi niya, hinakbangan niya ang mga ito para malapitan ang binata.Humawak ang dalaga sa rehas
Tahimik na kumakain sina Lalaine kasama ang kaibigan at ama nito sa isang restaurant nang biglang ipalabas ang balita tungkol kay AJ at sa ina nitong nailipat na ang dalawa sa correctional. Nakahinga na siya ng maluwag dahil wala ng takas ang dalawa ngunit hindi pa rin niya maging masaya sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang ina kahit pa nakakulong na ang dalawa at mapagbabayaran na nila ang kasalanan.Masakit pa rin para kay Lalaine ang nangyaring pagkawala ng kanyang ina dahil lang sa pagmamahal ni AJ para kay Juaquin, napansin ni Aika na nakatulala ang kanyang kaibigan, “anong problema, bff? Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Aika.“Hindi ko lang maiwasang maisip si nanay kahit pa nakakulong na ang mag-inang iyan, I missed her so much but I can’t do anything but to miss her,” pag-amin niya, hindi niya maiwasang maluha sa harap ng mag-ama, tumalikod si Lalaine at pinunasan ang luha.“Bakit? Anong problema? Baka makatulong ako sa problema niya?” tanong ni Jose sa anak niya.“Pa, ta