Naglalakad si Soledad sa labas ng subdivision nang matanaw niya ang binatang si Sandro sa labas ng bahay nila, “Oy! Ikaw! Anong ginagawa mo dito?” sigaw niya habang papalapit sa binatang mukhang kawawa.Minasdan niya ang kasuotan nitong kulay puti at natitiyak niya kung ano ang nangyari, “tumakas ka siguro sa kasal mo, ano? Kaya ka naparito para…” napaisip si Soledad, “para gamitin ang anak ko!” bintang niya.“H-hindi po, tita. Hindi na ako tumuloy ng kasal dahil mahal ko ang anak niyo,” pagpapakumbabang pag-amin ni Sandro.Nakapamewang si Soledad habang nakatitig sa binata, “hindi na ako naniniwala sa iyo, umalis ka na dito kung ayaw mong ipakaladkad kita sa guard,” pagbabanta niya. Masama ang loob ni Soledad dahil naniwala siyang maganda ang hangarin ni Sandro sa kanyang nag-iisang dalaga pero ‘yun pala ay pagpapanggap lamang ang lahat ng ito, hindi pa nakakaalis si Sandro nang humahangos na lumabas si Oliver at Gio.“Nay! Si ate nasa balita!” sigaw ni Oliver.“E, nasa balita naman
Pinindot ni Lalaine ang profile ni AJ, nanlaki ang mga mata niya nang bumulaga sa kanya ang milyong followers nito sa social media at ang nagpataas pa ng kilay niya ay ang biglang pagsikat nito bilang isang modelo sa Paris.“Totoo ba ito?” bulalas niya, naagaw niya ang atensyon ng kaibigang si Aika, “ano ba ‘yang kanina mo pa tinitignan, Lalaine?” usisa ni Aika dahil curious din siya sa kung anong tinitignan ng kaibigan.Itinapat ni Lalaine ang kanyang cellphone sa harap ng mukha ni Aika, “hindi ba nakakapagtaka naman ang biglang pagsikat niya sa ibang bansa?”“Oo nga, no? Pero bakit ka pa magtataka? Mayaman naman ang pamilya ni AJ kaya sure akong may ginawa ang mga iyan,” alam ni Aika ang history kung paano biglang sumikat si AJ na modelo sa ibang bansa dahil napakaraming articles ang nabasa niya tungkol sa dalaga. Alam niya ring maraming mga tumulong kay AJ dahil pumapabor ito sa namayapang ama ng dalaga kaya karamihan sa kanila ay pinilit at ginawa ang lahat ng makakaya mapasikat l
Nagkita ang magkaibigang sina Juaquin at Sandro sa labas ng kumpanya ni Aika, “what happened? Did you convinced them to let her continue her job as a broadcaster?” tanong ni Juaquin sa kaibigan.Nakayukong umiling si Sandro, ipinaliwanag niya sa board members ang kaniyang sitwasyon pero pagkatapos ay pinalabas na siya at sinabihang pag-iisipan nila ang kanilang desisyon. Hindi matanggap ni Sandro ang pagtanggi sa kanya ng mga board members ng kumpanya, diskumpayadon siyang magpagbibigyana ng kaniyang hiling.“Bakit hindi sila pumayag? Akala ko ba ay kaya mo silang i-handle?” kinuwestyon ni Juaquin ang kakayahan ng kaibigan.“Kung nandito ka lang para ipamukha saking mali ang desisyon ko sa pag-acquire sa company ako, umalis ka na lang,” taboy niya sa kaibigan.“I’m here to help you hindi kung ano pa man dahil kaibigan kita at dahil utos rin ng nobya ko,” natatawa niyang pag-amin.“Hindi mo na kailangang magsinungaling sa akin, Juaquin dahil alam kong kung hindi ka inutusan ni Lalaine
“Bakit ganyan kang makatingin sa akin?” malaki ang ngiti ni AJ sa pag-aakalang nagagandahan sa kanya si Juaquin at nami-miss siya nito dahil sa ilang buwan niyang pagkawala ng Pilipinas.Nakatitig pa rin si Juaquin sa dalaga ng mga sandaling iyon at minamasdan ang kanyang mga mata, nagsalubong ang kilay niya dahil parang nakita na niya ang mga matang iyon. Lumapit si AJ at nagtangkang hawakan ang binata pero hindi siya nagtagumpay dahil mabilis nakaatras si Juaquin mula sa kanya.“Bakit? I just missed you,” tumatawang sabi niya.“Akala ko ba nakalimutan ko na ang ginawa mo kahit pa ngayon ka lamang nagpakita sa akin,” nagtitimpi si Juaquin dahil ayaw niyang manakit ng babae. Malakas ang kutob nito na si AJ nga ang pumatay kay Mercy ngunit hindi wala pa siyang matibay na pruwebang magtuturo dito para mahuli na ang babaeng ito.“I apologize for what I did before,” nakangisi niyang sabi sa binata. Hindi kumbinsido si Juaquin na magbabago na si AJ dahil sa pagkakatanda niya ay kanina lama
Napa-oo agad ni Juaquin ang aleng si Ofie matapos offeran ang ale ng scholarship para sa anak nito.Maluwag namang nakahinga si Juaquin sa pagsang-ayon ni Ofie sa kanyang alok, muling kinontak ni Juaquin si Mike para alamin kung mayroon na itong nakuha pang ibang ebidensiya ngunit mailap pa rin sa kanila ang kanilang hinahangad.Nang makapagpaalam na si Juaquin kay Ofie ay napahinto siya sa bilihan ng bento cake, pumasok siya sa loob ng shop dahil naalala nito si Lalaine at bumili ng isang box para sa nobya.Nagtake-out rin siya ng meals para sa kanila ng kaibigan nito, bumalik si Juaquin sa kumpanya dala ang mga pinamili nitong pagkain at bulaklak.Napatingin ang lahat sa binata dahil ito ang unang pagkakataong bumili ito ng sariling pagkain, “si Mr. Cristobal talaga ang type ko. He’s the standard!” hibang na nagde-daydream ang iba sa dumaang si Juaquin.“Kung ganito naman ka-sweet ang boyfriend ko araw-araw, palagi na akong kikiligin at hindi masisira ang mood ko sa isang maling cal
Agad nakarating si Aika sa kanilang kumpanya at nagtungo sa conference room kung saan naroon ang lahat ng board members, labis ang kaba ng dalaga sa pag-aakalang tuluyan na siyang tatanggalin sa trabaho ng mga ito. Alam niyang wala siyang magagawa kahit magmanikluhod pa siya sa mga ito. Masakit man sa loob niya at lakas loob niyang tatanggapin anuman ang magiging anunsiyo nila tungkol sa kanya.“Aika Melendres…” tumingin si Aika sa nagsalita, nagsusumamo ang mga mata ng dalaga at parang humihingi pa ng isa pang pagkakataon sa mga ito.Yumuko si Aika kahit hindi pa naririnig ang anunsyo ng editor niya, “I’m sorry dahil binigo ko kayong lahat.”“Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil we are giving you another chance to showcase your talent, maaari ka na uli makabalik sa iyong trabaho,” tumayo ng tuwid si Aika matapos marinig ang anunsiyo ng editor sa kanya.“Talaga po?” walang paglagyan ang kaligayahan na kanyang nadarama dahil sa pagbibigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon.“Hin
Agad pinapunta ni Juaquin si Sandro sa kanyang kumpanya para humingi ng tulong sa kaibigan sa paggawa ng plano para mahuli si AJ. Nakaabang si Juaquin sa pagbukas ng pinto ng kanyang opisina, agad namang dumating ang inaabangan niyang kaibigan.Nakasukbit sa balikat ni Sandro ang kanyang jacket at naghihikab pa nang dumating, “anong problema, dude? Ba’t ang aga mo namang magpatawag ng meeting? Mukhang wala pa ang iba,” hirit niya habang tumitingin sa likod niya kung may parating na.“I need your help regarding sa pumatay sa nanay ng girlfriend ko,” hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad sinabi ang nais sa kaibigan.“You already know na may kinalaman si AJ sa pagkamatay ni auntie Mercy?” tanong ni Sandro, napakunot ang noo ni Juaquin sa binitawang salita ng kanyang kaibigan.“Alam mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin na may alam ka sa ginawa ni AJ?” Agad kinwelyuhan ni Juaquin ang kaibigan, “sabihin mo sakin kung may kinalaman ka sa nangyari? Tinulungan mo ba siya kaya wala kaming maki
“Bakit kasama niya ang babaeng iyon? Kainis siya, hindi man lang niya ko kinausap o pinansin man lang? Hindi naman niya ako kaibigan lang para i-ignore niya ng ganito,” mabigat ang loob ni Lalaine at parang may kung anong tumutusok sa kanyang tiyan, nakakunot ang noo ni Lalaine habang pinapanuod ang sinasakyan nila AJ na paalis.“Bakit siya sumama sa babaeng iyon? Saan sila pupunta?” hinanakit ni Lalaine, pumara ng sasakyan ang dalaga para sundan ang nobyo ngunit bago pa siya makasakay ng sasakyan at hinarang siya ni Sandro.“Bakit narito ka at bakit ka nakaharang dyan?” nagulat si Lalaine dahil parang pinagtatakpan pa ni Sandro ang kaibigan sa ginagawa nitong kalokohan sa kanya.“Wag mo na silang sundan, may importante silang pupuntahan,” saad ni Sandro sa kanya. Nagtaka si Lalaine kung saan magtutungo ang dalawa na hindi siya maaaring sumama. Pakiramdam niya ay nagtutulong ang dalawa para hindi siya makasunod kay Juaquin.“Saan sila pupunta na hindi ako maaaring sumama? Sabihin mo s