Pumasok si Aika sa kanyang pinagtatrabahuhang kumpanya bilang isang reporter, “hi, Aiks! Wow, bagong bag at outfit!” bati ng kasamahan niyang si Lucille na kanyang kakompetensiya sa work kahit na hindi niya ito ikumpetensiya ay kalaban pa rin ang tingin nito sa kanya dahil mas maraming big time client na nakukuhaan si Aika ng interview.“Hmmm,” maiksi niyang tugon dito.“Mukhang marami kang pera, ah? Sino kayang big time na naman ang naloko mo?” nakangising pangungutya ni Lucille sa kanya.“What are you trying to say?” tanong ni Aika. Tatalikuran na siya ni Lucille ngunit agad niyang nahatak ang braso ng dalaga.Hinarap siya ni Lucille at inagaw ang braso, she mockingly looks and smirk at Aika na para bang may iba itong ibig ipahiwatig sa kanya, “I know your schemes, Aika. Hindi mo na dapat itinatanggi pa dahil alam ko na… kung sabagay nakakahiya nga namang aminin sa lahat that your using your BODY just to get an interview sa mga famous personalities,” prangkang paratang ni Lucille sa
“Di ko alam na antipatiko pala ang lalaking ito, why I bother to talk to him kung pwede ko naman siyang i-ignore?” inis na sabi ni Aika sa sarili.Itinuon niya ang kanyang tingin kay Lucas, “Mr. Mercedes, mind if I ask you if available ka pa rin to accept my interview today, sir?” magalang niyang tanong.“Sure. I don’t want to waste your time waiting for me, let’s go?” masayang pagtanggap sa kanya.“Sandro, hindi na kita masasamahan sa paglabas. Ayokong ng paghintayin pa ang magandang binibining nasa aking harapan.” Ngumiti ng malaki si Aika nang magtagumpay na makakuha ng oras ni Lucas.“Don’t mind me, I will wait for you here at isa pa gusto kong makita ang performance ni Ms. Melendres,” pang-aasar nito. Naupo si Sandro sa sofa na nakaharap kay Aika mula sa malayo.Nagsimula na ang panayam ni Aika matapos maiayos ng kanyang team ang setup ng kamera at ilaw na nakatutok sa dalawa, nakaramdam ng pagkailang si Aika sa simula dahil sa titig ni Sandro sa kanya mula sa malayo.“Anong pro
“What are you doing here in my office?” seryosong tanong ni Juaquin nang biglang sumulpot si Sandro sa kanyang opisina.“I heard naghahabol sa’yo si AJ,” naupo si Sandro sa sofa at nagsalin ng tsaa sa tea cup na nakapatong sa maliit na mesa.“Saan mo naman nakuha ang balitang iyan?” tugon ni Juaquin.“Sa labas. In fact, nasa labas rin siya ngayon at nagpipilit na pumasok sa opisina mo pero ayaw mong papasukin, tama ba ako?” usisa ni Sandro.“Alam mo kung pupunta ka lang sa opisina ko para makiusyoso, pwede wag ka na lang pumunta?” pikon na sabi niya.“Dude. Concern lang ako sa pinasok mo, hindi biro ang inaksaya mong pera just to get her back, remember? Tapos heto ka, you are wasting your time and letting her regret her decision,” payo ni Sandro sa kaibigan niya.Tumayo si Juaquin at sinaluhan ang kaibigan sa pag-inom ng tsaa, “magtapat ka nga sakin… do you still want her back? O baka naman narealize mong mahal mo na si Lalaine Madrigal,” nakangising siniyasat ni Sandro ang reaksyon n
“Bakit naman ang haba ng nguso ng kaibigan kong iyan?” puna ni Lalaine nang makitang nakasimangot ang kaibigan, ibinaba ni Lalaine ang kanyang sling bag sa upuan at naupo sa tapat ng kaibigan.“What’s wrong with you?” pag-uulit ni Lalaine.“Kasi naman, e, nameet ko ‘yung milyonaryong Sandro na iyon kanina,” pag-amin niya.“Huwaaaat?? Paanong nangyari iyon?” gulat na tanong ni Lalaine.Ikinuwento ni Aika ang buong pangyayari sa kaibigan at hindi pa rin makapaniwala sa pagkikita ng dalawa.“That’s odds! Imposibleng magkita kayo pwera na lang kung kayo ang itinadhana sa isa’t-isa,” sambit ni Lalaine sa kaibigan.“Kahit hindi na ako itadhana sa lalaking iyon wag ko lang uli siyang makita. I don’t know what have I done to him para ipahiya niya ako,” naiinis na sumbong ni Aika.“Baka naman naoffend siya nung bibigyan mo siya ng limang libo kasi ang gusto niya ay yung one hundred thousand mo,” natatawang biro ni Lalaine.“Siguro nga, ano?” pagsang-ayon ni Aika sa kaibigan niya. Natigilan si
“No. This is impossible! Niloloko lang niya ako, ilang beses na niya ba akong pinaasa ng ganito. Panahon na siguro para idrop ko na ang pag-aassume ko na baling araw ay magugustuhan rin niya ako,” sabi ng utak ni Lalaine sa kanya.“Lalaine, I need to hear your answer,” pagmamakaawa ni Juaquin sa dalaga.“I don’t understand what you are trying to say, can you repeat it again?” pagpapaulit niya sa binata. Nakatitig lamang si Lalaine sa mga mata ni Juaquin habang nakikinig sa sasabihin nito.“I said… Gusto kong magstay ka sa tabi because I think I’m starting to fall inlove with you,” pag-amin niya sa dalaga.Iniiwas ni Lalaine ang tingin niya sa binata matapos niyang marinig ang pagtatapat nito sa kanya, hindi siya makapaniwala na darating ang panahong magtatapat si Juaquin sa kanya ng damdamin nito.Ipinatong ni Juaquin ang kanyang kamay sa pisngi ng dalaga at marahang hinaplos ang magang pisngi nito, “I am sorry. Nasaktan ka ng dahil sakin pero pinapangako ko na simula ngayon ay hindin
“AJ, my dearest daughter… Open the door,” utos ni Olivia, mommy ni AJ. Walang tigil ang mommy ni AJ sa kakakatok ng pinto ng kwarto ng anak niya. Labis ang pag-aalala niya nang malaman niyang tatlong araw ng hindi lumalabas ng kwarto ang anak kaya she flew to the Philippines as soon as she heard the news.“What happened to you, AJ? Open the door and let’s talk, honey,” pakiusap ng ina ngunit walang sumasagot mula sa loob.“Ya! Give me the key!” sigaw niya sa katulong, nanakbo ang katulong papunta sa kinaroroonan ni Olivia at agad iniabot ang susi dito.Nanginginig na binuksan ni Olivia ang pinto ng kwarto ng kanyang anak, halos mapasigaw ang ina nang matagpuang nakahandusay ang anak na walang malay sa sahig.“AJ!!!” Maluha-luhang tili niya, dali-dali siyang nanakbo sa nakahandusay na anak at hinagkan ang anak, “yaya, ipahanda mo ang sasakyan. Dadalhin ko sa ospital ang anak ko,” utos ni Olivia.Umaatungal sa kakaiyak si Olivia habang lulan ng sasakyang patungo sa ospital, “anong ginaw
“Juaquin Cristobal!” Sigaw ni Olivia sa binata.Huminto si Juaquin at ngumiti sa ina ng kanyang dating nobya, “kumusta ka, auntie?”“Mabuti naman ako pero ang anak ko…” malungkot na napayuko si Olivia sa nangyari sa anak.“Anong nangyari kay AJ?” nakita ni Olivia ang pag-aalala sa mukha ng binata at palagay niya nga ay walang masamang ginawa ang binata sa anak niya.“Isinugod siya sa ospital kaninang umaga, naabutan kong nakahandusay ang anak ko sa sahig at hindi ko a—alam kung paanong nangyari ang ganun sa anak ko,” umiiyak na sabi ng ina. Nadudurog ang puso ni Olivia sa tuwing nagkukwento sa nangyari sa anak dahil ito ay first time na nangyari kay AJ at pakiramdam niya ay malaki ang pagkukulang niya sa anak niya.“Kumusta na ang lagay niya?” tanong ni Juaquin.“Maayos na naman ang kondisyon niya, Juaquin. Salamat sa pag-aalala mo sa anak ko, buong akala ko talaga ay wala ka ng pakialam sa anak ko,” pagtatapat ni Olivia.“Auntie, kahit wala na kami ay pakialam pa rin naman ako sa kan
Nabasa ni Juaquin ang mensaheng natanggap niya mula kay Lalaine, nagmadali siyang nagpaalam kay Olivia upang magtungo sa resto ngunit hindi pa siya nakalalayo ay agad binawi ni Lalaine ang paanyaya sa kanya ng dalaga.“Anong problema niya? Bakit uuwi na siya?” nagtataka niyang tanong habang nakatitig sa mensaheng ipinadala sa kanya ni Lalaine.Inatasan niya ang kanyang driver na dumiretso na sila sa kanyang bahay ngunit sobrang traffic at hirap nang makaliko ang sasakyan dahil na rin sa biglaang buhos ng ulan sa gawi paroon.“Nakauwi na kaya siya?” naisip ng binata na itext ang dalaga pero hindi naman ito agad nagreply sa kanya kaya tinawagan niya ito pero hindi rin sumasagot.“What’s the use of your phone kung hindi ka naman sasagot? Nasir aba ang phone mo?” bulong niya.“Ano po yun, sir?” tanong ng driver sa pag-aakalang siya ang kausap ng binata.“I said, tuloy tayo sa address na binigay ko kanina.” Utos niya.Habang patungo sila sa resto ay palakas nang palakas ang buhos ng ulan a
Nahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“
Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.
“Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”
“Ano bang sinabing sakit ng papa mo?” tanong ni Soledad sa kanyang anak. Nag-aalala rin siya para sa kalagayan ng asawa dahil alam niyang malakas at malusog ang pangangatawan ni Jose noon pa man.“Paano siya nagkasakit? Alam kong noon pa man ay malakas talaga ang pangangatawan niya, e. Anong nararamdaman ba niya?” puno ng pag-alala ang dibdib ni Soledad sa kanyang nalaman na balita mula sa anak.“H—hindi ko rin alam, nay. Napansin ko na lamang na mukhang matamlay siya at inuubo,” kwento ni Aika… Matagal natahimik ang mag-ina, hindi kumikibo ang dalawa habang nag-iisip kung paano ito nagkasakit hanggang sa sumagi sa isip ni Aika ang pinsan niyang si Cassie.“Hindi kaya si Cassie ang may kagagawan ng nangyayari kay tatay?” bulalas ni Aika sa ina.“Sinong Cassie?” takang tanong ni Soledad sa anak niya.“Si Cassie, nay. Iyong gumaya sa mukha ko, pinsan ko daw siya sa kapatid ni papa,” pahayag niya sa ina niyang gulong-gulo rin ang isipan.“Si Cassie, anak ni Lucio?? Imposible!” Hindi mani
Busy si Aika sa pag-edit ng balitang kaniyang ia-upload sa page ng kumpanya nila nang biglang sumupot si Sandro sa harapan niya.“Pweda ba tayong mag-usap?” tanong ng binata, minasdang mabuti ni Aika ang itsura ng binata at nang masigurong hindi ito amoy alak o lasing ay pumayag naman siya.“Sige, maupo ka,” utos niya sa binata. Naupo naman si Sandro sa tapat ng inuupuan ni Aika.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya, nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang laptop at patuloy pag-eedit.“I want to know kung anong relasyon mo dun sa matandang palagi mong kasama sa mga restaurant?” diretsahang tanong nito sa kaniya.Nagtaas ng tingin si Aika sa binata at minasda ang maasim nitong mukha, “bakit? Are you jealous?” tanong niya.“Bakit ako magseselos sa matandang iyon?! Sabihin mo sakin kung anong relasyon mo nga sa kanya?” naiinip na si Sandro na malaman mula kay Aika ang relasyon nito sa kanya, nais na niyang bumitaw kung talagang nobyo na ba nito ang matanda.“Bakit
Muling hinatid ng patago ni Jose ang kanyang anak na si Aika sa kanilang subdivision, natigilan si Soledad nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas ng subdivision at pinanuod ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nakita niyang iniluwa ng kotse ang anak niyang si Aika kasama nito si Gio na sakay rin sa loo bang kanyang asawang nang-iwan sa kanya ng mahabang panahon.Hindi niya matanggap na nagawang ilihim ito sa kanya ng kanyang mga anak, sobrang sakit para sa kanya bilang ina ng mga ito ang malaman na tumatakas ang kaniyang anak sa kanya para lamang makita ang ama nila.Nagsawalang kibong pumasok sa loob ng bahay si Soledad at nagpanggap na nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng dalawa niyang anak.Nakatuon ang kanyang paningin sa bumukas na pinto, “hi, ma! May dala kaming pagkain sa inyo ni bunso,” masayang saad ni Aika sa ina.Pumasok si Gio at humalik sa pisngi ng ina matapos maitabi ang sapatos, “kain na kayo, ma,” paglalambing ni Gio sa ina.“Kayo? Hindi niyo
“Anak, kilala mo ba ang pulis na iyon? Bakit niya tayo tinulungan?” tanong ni Olivia sa anak, napansin niyang iba ang tinginan ni Franco at ng kanyang anak kaya hindi niya maiwasan ang magtanong dahil nag-aalala rin siya sa pwedeng mangyari sa anak niya.“Sort of,” tugon ng anak, napasimangot si Olivia sa anak sa sagot nitong hindi niya mawari, “anong sort of, anak? Tutulungan ka ba niya kung hindi kayo ganun kakilala? Saka bakit ganun kayong magtinginang dalawa? May relasyon ba kayo?” sunod na sunod na tanong ni Olivia.“Wala, ma,” namumula ang mga pisngi ni AJ na siyang nasilayan ng ina niya.“Wala o wala pa?” pilit pinapaamin ni Olivia ang anak ngunit hindi ito umamin, “dyan ka nga, ma. Punta lang ako sa mga kasama kong bilanggo,” saad niya at iniwanan ang ina.Simula noon, nadalas ang patagong pagkikita nila ni Franco at palaging may nangyayari sa kanila, sa banyo, sa sulok o di kaya ay sa kwarto ng binata. Maraming beses na ginamit nilang dalawa ang isa’t-isa para maalis ang lami
Hindi makatulog ng mahimbing si Franco magmula nang halikan siya ni AJ nung araw na sinundo niya si AJ patungo ng bilangguan. Alas dose na ng gabi at gising na gising pa rin si Franco, hindi siya mapakali sa loob ng barracks nila kaya lumabas siya para makapagpahangin hanggang sa dalawin siya ng antok.Paulit-ulit sumasagi sa isipan niya ang mga halik at haplos na ipinaramdam sa kanya ni AJ, hindi niya namamalayang naglalakad na pala siya patungo sa kulungan ng mga bilanggo hanggang sa mahinto siya sa tapat ng bilangguan ni AJ.Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa malamig na semento sa loob ng kulungan na may nakalatag na isang manipis na katya sa sahig, para silang mga sardinas na nagsisiksikan sa isang lata sa sobrang sikip para sa kanila.Pinagmamasdan niya ang natutulog na dalaga hanggang sa maalimpungatan si AJ, maingat siyang tumayo para hindi niya magising ang iba pang mga preso na katabi niya, hinakbangan niya ang mga ito para malapitan ang binata.Humawak ang dalaga sa rehas
Tahimik na kumakain sina Lalaine kasama ang kaibigan at ama nito sa isang restaurant nang biglang ipalabas ang balita tungkol kay AJ at sa ina nitong nailipat na ang dalawa sa correctional. Nakahinga na siya ng maluwag dahil wala ng takas ang dalawa ngunit hindi pa rin niya maging masaya sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang ina kahit pa nakakulong na ang dalawa at mapagbabayaran na nila ang kasalanan.Masakit pa rin para kay Lalaine ang nangyaring pagkawala ng kanyang ina dahil lang sa pagmamahal ni AJ para kay Juaquin, napansin ni Aika na nakatulala ang kanyang kaibigan, “anong problema, bff? Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Aika.“Hindi ko lang maiwasang maisip si nanay kahit pa nakakulong na ang mag-inang iyan, I missed her so much but I can’t do anything but to miss her,” pag-amin niya, hindi niya maiwasang maluha sa harap ng mag-ama, tumalikod si Lalaine at pinunasan ang luha.“Bakit? Anong problema? Baka makatulong ako sa problema niya?” tanong ni Jose sa anak niya.“Pa, ta