Pinilit ni Catherine na maglakad pabalik sa villa ni Wesley para mangasiwa sa renovation progress.Nanatili siya sa site buong araw. Dumaan si Wesley nung hapon para mamigay ng regalo bilang token of appreciation sa pagsisikap ng mga tauhan.Naoverwhelemed siya sa makapal na envelope na inilagay sa kanyang mga kamay. “President Lyons, ang regalong ito ay higit pa sa karapat dapat sa akin.”“Ito ay simpleng maliit na token of appreciation.” Inaral ng lalaki ang mukha ng babae. “Mukhang hindi mabuti ang lagay mo. May sakit ka ba?”“Sipon lang siguro.”“Magday off ka at magpahinga. Naniniwala akong magpapatuloy ang renovation ayon sa schedule. Hindi ako masamang boss.” Ang boses niya ay mahina at marahan.Tumango ang babae. Ang isang tagalabas ay mas maalalahanin kaysa kay Shaun na nakatira kasama siya.Hindi man lang nagtanong si Shaun tungkol sa pakiramdam niya.Siguro ay sorang kinamumuhian na talaga ng lalaki ang babae ngayon, so bakit pa ito mag-aabala?Ang isang babae ay hi
Isang oras na ang nakalipas mula nang makauwi si Shaun galing sa trabaho ngunit wala pa ring bakas kung nasaan si Catherine. Nawalan na rin siya ng pakialam kay Fudge. Mukhang sinasagad niya talaga ang hangganan.“Halika, Fudge. Sumama ka sa akin mamili ng prutas.”Binitbit niya ang pusa sa kanyang mga braso.Nagmeow si Fudge ng ilang beses para tumanggi. Ang buntis na pusa ay tumangging lumabas, pero dinala pa rin siya ng lalaki. Maraming pamilihan na makikita sa main entrance ng neighborhood. Wala sa ulirat na pumasok si Shaun sa isang bilihan ng prutas. Tinignan niya at sinuri ang mga prutas pero hindi sigurado sa kung ano ang bibilhin.Bakit wala pa sa bahay si Catherine?Ang babaeng may-ari ng bilihan ng prutas ay nakatayo sa may pinto at palihim na humahanga sa walang katulad ang kagwapuhan na binata.Ano ang nangyayari rito? Nagpaikot ikot ang lalaki sa pamilihan mas maraming beses pa sa kaya niyang bilangin ngunit walang binibili. Napansin din ng babae na pasulyap sulya
”Alam kong ako ang asawa mo sa batas, pero kahit kailan ba ay trinato mo na ‘ko na parang isang asawa?” pangungutya ni Catherine. “Sa opinyon mo, isa lang akong walang hiyang babae, mas mababa sa lahat ng kakilala mo.”Pati na rin si Ethan at si Rebecca.Kung ganon ang kaso, bakit niya pa kailangang magkompromiso?Nagalit si Shuan sa mapagmataas na ugali ng babae. “Mabuting alam mo ‘yan…”“Tama. Hindi ko alam ‘to dati at patuloy na inisip na baka may pagkakataon ako. Hayaan mo na lang akong mag-isa simula ngayon! Nakakontrata lang naman ang kasal natin kung sabagay. Hindi pa nga sana magtatagpo ang landas natin kung hindi ko pinilit ang sarili kong tumira rito.”“Mabuti naaalala mo na ipinilit mo ang paraan mo para makapunta rito.” Malupit ang tono ng lalaki. “Ayoko na ring magkaroon pa ng kahit ano sa’yo. Ayoko lang mahawa pa ng maduming sakit na dala mo pauwi matapos ito makuha sa ibang lugar.”Ha… Madumi.Naramdaman niya ang kanyang dugo na dumaloy paakyat ng kanyang ulo. Mak
Sa wakas ay malaya na si Catherine.40 minuto ang lumipas, lumitaw siya sa lugar ni Freya.Ang buhok ni Freya ay magulo. Inaantok na humikab ito sa hindi inaasahang bisita. “May pagtatalo na naman kayo? Ilang araw mong pinaplanong manatili rito ngayon?”“Seryoso na ito ngayon. Hindi na ako muling babalik doon.” Nagpalit si Catherine ng pambahay na tsinelas bago pumasok.“Nagbibiro ka. Sinakripisyo mo ang kasal mo at ngayon nagbago na ang isip mo?”Itinikom niya ang kanyang maputlang mga labi bago ipinilit ngumiti ng mapait. “Hindi lahat ng usapan ay garantisadong may kita. Iisipin ko ito bilang hindi nagtagumpay na investment.”Talagang ikinagulat ito ni Freya. “Seryoso ka ba?”“Oo.” Tinilapon ni Catherine ang kanyang sarili sa sopa. Mukha pa rin siyang masama ang pakiramdam at pagod. “Pagod ako. Sobrang, sobrang pagod.”Kumunot ang noo ni Freya. “Sinisipon ka ba?”“Oo.” Nilabanan ni Catherine ang luhang namumuo sa kanyang mga mata. “Napansin ito ng lahat bukod sa kanya. Hilin
Golf course.Boom! Inindayog ni Shaun ang gold club at ang bola ay mabilis na nawala sa kalayuan.Si Chase, na nakatayo sa gilid, ay naramdaman ang dumaang ihip ng hangin at walang kontrol na nanginig.Mula ng iwan ni Catherine ang lalaki, si Shaun ay nagtatampong kagaya nito bawat araw. Nagagalit na si Chase dahil dito.“Hindi pa bumabalik si Catherine?”“Wala na ‘yun sa akin kung patay siya o buhay.” Si Shaun ay suminghot ng paghamak bago maglakad papunta sa harap. Sa isang iglap ay biglang kumalam ang tiyan niya.Kinamot ni Chase ang dulo ng ilong nito. “Alam ko sanay ka sa pagkain niya, pero hindi mo dapat ginugutom ang sarili mo ngayon na umalis na siya…”“Hindi ko ginugutom ang sarili ko,” sagot ni Shaun, tunog na halatang naiinis. “Sa wakas ay mapapanatili ko ang pagiging fit ko ngayong umalis na siya.”“...”Namuo ang pawis sa noo ni Chase. Hindi pa niya natutuklasan ang parteng ito ng kanyang kaibigan.Bigla niyang hinangaan si Catherine na natiis nitong mabuhay kasam
“Hoy, hindi iyon maganda. Ibang iba ka sa First Young Lady Jones kahit na pareho kayong nanggaling sa isang pamilya.”“Tumpak! Binilhan pa kami ng kape at tsaa ni First Young Lady Jones kanina. Pinalaki ka ng mag-asawang Jones mula pagkanganak ngunit ang ugali mo ay hindi gaano kaganda kung ikukumpara.”Naningkit ang mga mata ni Catherine.Isang gwapong batang lalaki na nakabihis ng gray suit ang dumating para isalba siya. Ang intimadasyon ay halata sa boses niya.“Sobrang importante ng araw ngayon para sa pamilyang Jones at Lowe. Maraming marangal na bisita ang darating sa pagdiriwang na ito, pati si Cindy Turner. Ngunit tinambangan ng grupo niyo ang isang mahinang babae para ipahiya siya. Artista ba siya o online influencer? Dahil gustong-gusto niyo siyang makapanayam, bakit hindi kayo magtulungan lahat para gawin siyang susunod na online sensation?”Ang suot ng matangkad na lalaki ay nagpapakita ng kahanga-hangang paraan.Unti-unting nawala ang mga reporter, at isang tawa ang
“Officer Chandler, ito ang isa ko pang mahal na anak na babae, si Catherine. Hindi lang siya matapang kundi siya rin ay mabait at tuwid. Kamakailan lang, siya ay nakipagtulungan sa mga pulis at nagpanggap para mahuli ang grupo na gumagawa ng ilegal na bidyo. Sigh, ang panganay kong anak ay ikakasal na ngunit ang bunso ko ay wala pa rin asawa, Sana ikasal na rin siya kaagad. Hindi ba may batang anak na lalaki ka rin na pwede…”May mga biglaang emosyon na sunod-sunod ang nangibabaw sa mukha ni Officer Chandler. Alam ng lahat ng nasa Melbourne na muntik na gahasain si Catherine sa live stream. Walang pamilya ang malakas ang loob na kunin siya.“Ay, tama, parang mabait na bata siya. Sayang lang na ang mas bata kong anak na lalaki ay nasa relasyon na. Hey, ‘di ba si Chairman Wright iyon? Ang tagal natin hindi nagkita.”Gumawa ng dahilan si Officer Chandler at naglakad paalis nang mabilis.Sabi ni Jeffery nang bigo, “Huwag ka mag-alala, Cathy. Hahanapan kita ng magandang asawa ngayong ar
Tumalikod si Catherine para tignan si Rebecca bago tumawa ng bahagya ulit.“Palihim kang naiinggit sa akin dahil mas maganda ako sayo, tama? Sabihin mo na ito kaysa nagbabato ka ng palihim na nagpaparinig kaliwa’t kanan sa lahat ng oras. Kung sabagay, kailangan mo lang ito sabihin at ibang tao na ang gagawa ng maruming trabaho para sa iyo, hindi ba? Pagkatapos pwede ka na ulit magpanggap na mahina at inosente ulit.”“Catherine, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Tunay na pinupuri kita.“ Luha ng hinaing ang unti-unti namumuo sa mata ni Rebecca.Hindi na kaya panoorin ni Ethan ‘to ng mas matagal. “Catherine, hindi pa ba sapat ‘yan? Ikaw lang ang masama kay Rebecca simula umpisa.”“Ayan, may tao na humahakbang para protektahan ka ngayon.” Ang dulo ng labi ni Catherine ay naging makabuluhan na ngiti.Lumaki ang mata ni Ethan sa galit. Nagsalita na rin sa huli si Jeffery, “Okay, may mga bisita pa tayo sa paligid. Catherine, pumunta ka sa private room para samahan ang lola mo. Lumabas ka
Ng ibaba ni Freya ang kanyang tingin, napagtanto niyang may nilagay na diamond necklace si Ryan sa kanyang leeg."Ikaw…""Ito ay isang regalo para sayo." Hinalikan siya ni Ryan sa noo. "Hindi pa kita nabibigyan ng regalo kahit na matagal na tayong nagde date.""Hindi iyan totoo. Lagi kang bumibili ng mga regalo ni Dani…”“Walang kwenta iyan. Ang pagbili ng mga regalo para sa aking anak na babae ay natural. Ang pagbili ng mga ito para sayo ay isang bagay din siyempre."Labis na naantig si Freya. Si Dani ay hindi anak ni Ryan, ngunit sinabi pa rin niya ang mga salitang iyon…Minahal niya talaga siya.Gayunpaman, siya ay napakahina at mahiyain."Kailan mo balak umalis? Ihahatid na kita sa bago mong tahanan," Sabi ni Ryan.“Balak ko lumipat bukas. Pupunta ang mga magulang ko sa Canberra kinabukasan. Magkakaroon tayo ng family dinner sa gabi."“Mm. Sasamantalahin ko ang pagkakataong manatili at kumain kapag pinapunta na kita, okay?" Hinawakan ni Ryan ang mukha niya at nagtanong.
Ibinaba ni Freya ang mga bagay na hawak niya. Lumingon siya at umikot sa baywang ni Ryan gamit ang dalawang kamay. "Walang tutulong dito. Kung patuloy akong mananatili dito, at patuloy kang... ganito, matutuklasan din tayo sa madaling panahon.""Tulad ng ano?" Ang malungkot na boses ni Ryan ay umalingawngaw mula sa kanyang leeg.“Basta... ganito. Gaya ng ginagawa mo ngayon." Namula si Freya. "Palagi kang naghahanap ng mga dahilan upang mapunta ako sa iyong lugar sa umaga o pumunta sa aking lugar pagkatapos ng trabaho sa gabi. May makakahanap na kakaiba sa madaling panahon. Kung lilipat ako, walang mga taong tumitingin sa bawat galaw namin. Magiging mas maginhawang mag date din sa labas."Ilang oras ding tinitigan ni Ryan si Freya. Siya ay napabuntong hininga. “Pero kailangan kong magtrabaho ng dagdag na oras ng madalas. Malalaman ng tatay ko kung hindi ako babalik pagkatapos ng trabaho. Kung madalas akong lumabas, maghihinala sila."“Huh?”Napakurap si Freya. "Anong gagawin natin?
...Sa parking lot sa ibaba.Nag thumbs up si Freya kay Catherine dahil sa paghanga. "President Jones, ang iyong dominanteng aura ay nag uumapaw ngayon lang. Napakasatisfying panoorin.”“Naiinis din ako kay Rodney. Hindi pa rin siya malinaw sa kanyang sitwasyon hanggang ngayon. Siya ay kumikilos na parang salamat sa kanya na nakuha namin ang Osher Corporation." Binuksan ni Catherine ang pinto ng kotse at pumasok."Tama iyan. Gusto niyang magpakita tayo ng respeto sa kanya? Sino siya sa tingin niya?"Isang harrumph ang pinakawalan ni Freya. Pagkasuot pa lang niya ng seatbelt ay tinawag siya ni Forrest. “Nakatakda na ang petsa ng paglipat sa villa. Sa susunod na Lunes na. Ang pamilya Lynch ay magkakaroon ng piging sa isang hotel at mag iimbita ng ilang kamag anak at kaibigan sa Canberra."Malapit na yan..." Nagulat si Freya."Diba sabi mo gusto mong umalis sa lalong madaling panahon? Kaya naman pinatrabaho ko ang mga contractor ng overtime. Ang pagsasaayos ay natapos na sa loob ng
Makalipas ang limang minuto, bumalik si Freya. Si Catherine at ang abogado ay tapos ng tingnan ang mga dokumento. "Walang problema. Pirmahan natin."Pagkatapos maglagay ng pirma nina Freya, Catherine, at Rodney, nagmamadaling sinabi ni Rodney, “Malaking araw ngayon. Payagan akong imbitahan kayong lahat na kumain sa malapit na restaurant. Kunin natin ito bilang isang pagdiriwang para sa tagumpay ng pagkuha ng Freycatheli—”“Sasamahan ka ni General Manager Hoffman mula sa aming kumpanya, President Snow. Si President Lynch at ako ay may ilang iba pang mahahalagang bagay na aasikasuhin mamaya." Magalang na tumanggi si Catherine ng hindi hinintay na matapos ni Rodney ang kanyang pangungusap."President Jones, ginagawa mo akong masama." Hindi masyadong maganda ang ekspresyon ni Rodney. "Dapat mong malaman na maraming mga lokal at overseas na kumpanya ang interesado sa pagkuha ng Osher Corporation. Gayunpaman, hindi ko sila pinansin. Unang pumasok sa isip ko si Freycatheli, at hindi ko sin
“Magaling iyan.”Naghiyawan ang lahat ng nasa meeting room.Sinabi ng tagapamahala ng departamento ng marketing, "Naisip pa namin na ang pagkuha ay tatagal ng ilang buwan. Hindi ako makapaniwala na makukumpleto sa loob ng isang linggo. Masyadong nakakagulat.""Ang Osher Corporation ay isang ginugol na puwersa. Ang paghawak ay magiging isang pag aaksaya lamang ng pera." Ngumiti ng mahina si Catherine. "Sige. Kapag matagumpay nating nakuha ang Osher Corporation, magkakaroon ng malaking pagbabago sa loob ng mga panloob na empleyado ng kumpanya. Syempre, tataas din ang katayuan ng Freycatheli sa Australia, kaya dapat maghanda ang marketing department. Ipaalam sa mga tagalabas ang tungkol sa pagkuha na ito, at linawin sa kanila na ang magiging boss ng Osher Corporation ay hindi na si Rodney kundi ang Freycatheli.""Pagkatapos ng acquisition, dapat bang tanggalin ang shop-in-shop ng Osher Corporation sa mga mall?""Hindi, ngunit baguhin ang lahat ng mga signage sa Freycatheli."“...”
Pagsakay ni Freya sa sasakyan ay nakonsensya pa rin siya.Ang pakiramdam ng pagiging malihim sa The Lodge ay tiyak na magpapahirap sa kanya sa kabaliwan maaga o huli.Hindi nagtagal, pinadalhan siya ni Ryan ng isang mensahe sa WhatsApp: [I miss you…]Halos itapon ni Freya ang phone niya sa message na iyon. Binabaliw siya nito.Pagkarating niya sa kumpanya, isang katulong ang nagdala ng bouquet sa kanya. "Manager Lynch, may nagpadala sayo ng bouquet."Ibinaba ni Freya ang test tube sa kanyang kamay, tinanggal ang kanyang gloves, at kinuha ang mga bulaklak na nakabalot sa pink na wrapping paper. Hindi lamang isang uri ng bulaklak ang naroroon. Sa katunayan, ang mga hydrangea, bellflower, tulips, at marami pang ibang uri ng magagandang bulaklak ay pinagsama sama. Ito ay napakarilag at mabango.May maliit na card sa bouquet. Binuksan ni Freya ang card, na nakasulat, "I miss you, my princess..."Wala siyang maisip na iba pang magsusulat ng ganoong katamis na salita maliban sa isang t
Laking gulat ni Freya kaya bumilis ang tibok ng puso niya. Napasilip siya sa pintuan ng kwarto. Ng mapagtanto niyang nakasara na ang pinto ay nakahinga siya ng maluwag.Gayunpaman, hindi siya ganap na komportable. Medyo kinakabahan pa rin siya.Paano kung biglang umakyat ang katulong?Paano kung…"Mangyaring manatiling nakatutok."Ang malalim at mahinang boses ni Ryan ay narinig mula sa kanilang manipis na mga labi.Hindi nakaimik si Freya. Paano siya mananatiling nakatutok?Palusot sila at nagmukha siyang magnanakaw.“Halika na. Na miss kita." Binigyan siya ni Ryan ng mahaba at malalim na halik habang kinulong ang mukha niya. Sa gitna ng mapusok na halik, paos ang boses ng lalaki na para bang may dumaan na kuryente sa kanya. Namamanhid ang buong katawan niya. “Na miss mo ba ako?”"...Bilisan mo."Hindi mapakali si Freya."Tinatanong kita kung na miss mo ba ako." Kinagat ni Ryan ang kanyang labi. "Kung hindi ka tapat sa akin, hindi kita bibitawan.""Namiss kita. Namiss kita
Matagal na rin simula nang makatanggap ng ganoong sampal si Heidi. Siya ay lumipad sa matinding galit. “Oo, problema ito ng iyong pamilya, pero si Freya ay aking goddaughter. Mangyaring umalis sa aming bahay ngayon din."Ng matapos siyang magsalita, kinaladkad ng ilang bodyguard sa likod niya si Rodney palabas ng The Lodge.Nagbabala si Heidi, “Tandaan mo siya. Hindi ko na siya gusto sa The Lodge."Galit na galit si Rodney. "Aunty Heidi, huwag kang snob.""Snob ako?" Si Heidi ay nadala sa pagkagalit.Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ay naalis si Rodney.Medyo natulala sina Freya at Ryan. Hindi nila inaasahan na magiging ganoon ang mga bagay.Si Nathan, na napahawak sa gitna, ay nakaramdam ng pinaka naiilang. "Bakit galit na galit ka sa isang bata?""Hindi mo ba narinig kung gaano siya sarcastic?" Galit na sinabi ni Heidi, "Sapat na ako sa kanya. Ang ginawa niya ay nagdulot ng napakaraming problema para sa amin, ngunit kailangan naming ayusin ang kanyang gulo. Bukod dito, ang
Dinala nina Freya at Ryan si Dani sa harap ng bakuran para mag almusal.Si Dani, na nasa yakap ni Ryan, ay tumingin sa paligid gamit ang malaki at maitim niyang mga mata.Walang kahihiyang sumama si Rodney. "Dani, ihahatid kita sa bahay ni Lola, okay?"Agad na napalingon si Dani. Pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Ryan na para bang si Ryan ang kanyang biological father.Nagseselos si Rodney. “Ryan, ibalik mo sa akin ang anak ko. Ibinabalik ko siya sa dating tirahan, at ngayon lang sinang ayunan ni Freya.""Maaari mo siyang dalhin doon pagkatapos kong umalis para sa trabaho." Seryosong sabi ni Ryan, “Ayokong makipaghiwalay si Dani sa akin ngayon. Kung pilit ko siyang ibibigay sayo, iiyak siya. Hindi na siya ang sanggol na walang alam. Maaari na siyang gumulong, at mayroon siyang sariling mga opinyon. Naiintindihan mo ba?""Naiintindihan ko, at iyon ang dahilan kung bakit gusto kong makipag bonding sa kanya." Naiinip na sinabi ni Rodney, “Ryan, sinusubukan mong maging