Sabi ni Thomas, “Tsk, tignan mo kung gaano kamahal-mahal si Young Master Snow. Sarah, kamangha-mangha ka. Makalipas ang napakaraming taon, hindi mo lang naging nobyo si Shaun ulit, naging back-up mo pa si Rodney.”Kahit na hindi kasing inpluwensyal ng pamilyang Hill ang pamilyang Snow, isa pa rin ito sa top 5 na pamilya sa Australia. Isa pa, ang mga anak ng pamilyang Snow ay kasangkot sa parehas na politikka at negosyo, hindi tulad ng mga Hill na naging makapangyarihan lang dahil kay Shaun.Sabi-sabi pa nga na ang tiyuhin ni Rodney ay kandidato maging prime minister sa susunod na taong eleksyon. Sa lahat ng kandidato, siya ang may pinaka malaking tiyansang manalo.Maraming mayayamang babae ang interesado kay Rodney, na mahala ng tinuturing na kapatid na si Sarah.“Kun ganoon, hindi dapat mawala ang koneksyon natin sa kanila.” Huminga ng malalim si Sarah. “Kung iwan man ako ni Shaun, pwede pa akong pumunta kay Rodney.”“Paano iyon magiging possible? Ikakasal ka na bukas.” Tuwing ma
"Sarah. Sarah, masama ang loob ko na ikakasal ka na bukas.""Sarah, gusto kita. Alam mo ba 'yun?"“...”Patuloy na bumubulong si Rodney habang yakap niya ang hita ni Freya.Talagang hindi natutuwa si Freya sa kilos na Remeo ng lalaki. Sa katunayan, siya ay lalong naiinis sa mga salita ng lalaki, at pakiramdam niya na ang kagwapuhan ng lalaki ay sayang. Ang lalaki ay mayroong magandang mukha, pero may seryosong mali sa utak niya.Bakit niya magkakaroon ng crush kay Sarah? Siya ang pinakamasamang babae sa buong Canberra.Ito ay nagbigay kay Freya ng udyok na turuan ng leksyon ang baliw na 'to, o hindi siya isang Lynch."Okay. Alright. Alam ko. Ngayon, tayo." pinakalma ni Freya ang lalaki kagaya ng kung paano siya kay Suzie at inangat ang lalaki.Nagbuckle ang mga tuhod ni Rodney. Sa sandaling iyon, namali siya ng tapak at nahulog sa ibabaw ni Freya. "Sarah, ang katawan mo ay sobrang lambot… sobrang gaan... sobrang bango ng amoy. Gusto ko ito."“...”Si Freya, na pinagsasamantal
Nagduda si Rodney kung binabangungot ba siya hanggang ang isang babae mula sa kabilang banda ay lumapit at kumapit sa kanya. “Handsome, bakit hindi ka pa matulog ng mas mahaba? Maaga pa.”Nangatog siya at nilipat ang kanyang titig sa kabilang banda, kung saan nakakita siya ng mataba, blonde ang buhok na babaeng palapit sa kanya. Ang bibig ng babae ay puno ng...Matapos, ang isa pang babae sa kama ay kasabay ma gumising din. Lahat sila ay walang kakulangan sa kapangitan.May pwersa niyang sinampal ang kanyang sarili ng dalawang beses. Matapos ‘nun, sumigaw siya at napatalon patayo sa gulat. Sa kanyang pagkabalisa, napagtanto niyang hubad siya.Sobrang nagulat siya na ginamit niya ang kumot para takluban ang sarili. Kung hindi dahil sa sobrang masakit sa kanyang mukha, hindi siya maniniwala na lahat ay totoo. “Sino kayong lahat? Bakit kayo nandito? Anong ginawa niyo sa akin?”“Anong problema sayo, handsome? Tinawagan mo kami kagabi, at natulog ka ng mahimbing. Sinubukan ka naming
Natuwa si Catherine mula sa pagbabasa sa mga komento.“Ikaw ang gumawa nito?” Binalik niya ang phone kay Freya. Siguro ay hindi alam ng iba, pero naintindihan niya lahat. Si Rodney ay lantad na tapat kay Sarah. ‘Yon ay halatang prank sa lalaki.“Haha, tama ‘yan. Nagkita kami sa bar kagabi. Siya ay talagang lasing, kaya kumuha ako ng ilang babae para sa kanya.” Nakangiti si Freya. “Ang mga babaeng ‘yun ay mas mainam kaysa kay Sarah, tama?”Walang masabing sumulyap sa kanya si Catherine. “Pwede mo siyang iprank hangga’t gusto mo, pero hindi mo dapat tinwagan ang mga tagapagbalita. Narinig ko ng tiyuhin ng Rodney ay tatakbo bilang presidente. Kapag ang usaping ito ay lumaki, siguradong pupukawin nito ang pamilyang Snow.”“...Uh.” Medyo natakot si Freya ng marinig ang mga salita ng babae. “Ito… ay posibleng hindi nangyari? Hindi kailanman ay narinig ko ang pamilyang Snow na naging petty.”“Hindi rin ako sigurado, pero… pero baka nasira mo ang repotasyon ni Rodney. Mag-ingat ka lang.”
”Humanap kayo ng ibang tao para maging man of honor. Magmamadali akong pumunta sa hapon. May utang ako na kailangan ko munang asikasuhin kay Freya, sa kasong tumakas siya.” Nalilito si Rodney sa pagitan ng dalawang banda ng isang sandali, pero sa huli, nireject niya si Chester.“...Okay, huwag kang malelateNang matapos ang tawag, agad na pinahanap ni Rodney sa isang tao ang address ni Freya. Matapos, nagmadali siya papunta sa lugar na iyon.Nang marating ang Hackett Institute, walang nagbukas ng pinto sa kabila ng pagkatok ng mahabang panahon.Matapos tignan ni Freya ang lalaki sa labas sa pamamagitan ng peephole, hindi niya ito pinansin at bumalik sa pagkakatulog.Hindi siya naniwala na kayang buksan ng lalaki ang pinto hangga’t hindi niya ito binubuksan.Napatunayan maya maya na minaliit niya ang galit ng lalaki....Hindi nagtagal, sinipa ni Rodney ang pinto ng kwarto ni Freya.Nang makita niya na ang babae sa kama ay mahimbing pa rin ang tulog, isang alon ng galit ang lum
”Okay, bibigyan kita ng 1,000 dolyar kapag nasa kabilang mundo ka na. Magagamit mo ang pera doon.”Kinuha ni Rodney ang mga binti ni Freya at hinila siya. Nang gagalaw na dapat siya, tumunog ang phone niya.Dali-dali na kinuha ni Freya ang oportunidad at sinipa siya sa mukha. Pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo paalis.“Tumigil ka diyan!”Hinabol siya ni Rodney, ngunit patuloy na tumunog ang phone niya. Naiirita niyang sinagot ang tawag. “Sabihin mo na. Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ko.”“Oh, mukhang hindi ka pa tapos, Young Master Snow? Hindi pa sapat ang limang babae sa isang gabi para sa iyo, kaya kailangan mo rin makipagkita sa mga babae habang may araw pa?” Isang sarkastiko na boses ang narinig.Tinignan ni Rodney ang ID ng tumawag. Ito ay si Jessica Snow. Nanginig siya sa takot. “Big Sis, hindi ko alam na ikaw ito.”“Tama na. Tinatamad ako makipag-usap ng kung ano-ano kasama ka. Bilisan mo at bumalik ka rito. Hinahanap ka ni Grandpa,” Malamig na sinabi ni Jessica Nas
Galit na galit na sinabi ni Old Master Snow, “Huwag mo isipin na hindi ko alam kung bakit uminom ka hanggat malasing ka kagabi. Hindi ba at dahil iyon sa pagpapakasal ni Sarah ngayon? Ang pamilyang Snow ay prominenteng pamilya rin. Bakit ba kami may nakaka-bigo na tulad mo? Kaunti ba ang mga babae sa Canberra at hinabol mo Sarah buong araw? Ang apo ko ay tinatrato na backup sa isang relasyon. Kahit pa hindi ka nakakaramdam ng hiya, kami ng magulang mo ay nakakaramdam.””Grandpa, sobra na ang mga salita mo. Hindi niya ako backup. Matalik na magkaibigan kami ni Sarah,” Hindi komportable na ipinaliwanag ni Rodney.Galit na sinabi ni Wendy, “Kung mabuting magkaibigan lang kayo, bakit kailangan mo magpunta sa kanya kahit kailan at kung kailan ka niya pinapapunta? Noong nag-aaral ka pa lang, ang diary mo ay puno rin ng pangalan ni Sarah.””Mom, sobra ka na. Sinilip mo pa ang diary ko.” Nagalit si Rodney.“Anak kita. Ayaw kita matrato na parang t*nga ng ibang tao,” Balisang sinabi ni Wend
Sa isang seven-star na tabing dagat na hotel, isang kasal ng siglo ay ginaganap.11:48 na nang magkasama nagpakita sina Catherine at Joel."Hindi ba at sina Catherine at Joel iyon? Bakit nagpunta ang magtatay na iyon?""Matagal na magkakilala ang pamilyang Yule at pamilyang Hill, kaya normal lang na imbitado si Joel. Ngunit hindi inaasahan na pupunta rin si Catherine. Siya ang dating asawa ni Shaun, kahit papaano.""Tsk tsk, isang dating asawa ang nagpunta sa kasal ng dati niyang asawa. Ito ay kawili-wili "“...”Tumaas ng sobra ang atmospera dahil sa mga bulong ng mga bisita.Si Shaun, na sinasalubong sa mga bisita sa lawn, ay narinig ang mga bulong ng lahat at tumalikod para tignan. Si Catherine ay naglalakad na nakasuot ng simpleng bistida.May mga mapusyaw na berde na dahon na naka-burda sa bistida niya, naglalabas ito ng maganda, nakakasilaw na gintong kulay. Pinapakita nito ang makurba niyang katawan. May elegante siyang katawan na parang makaluma na kagandahan.Natulala