Nagduda si Rodney kung binabangungot ba siya hanggang ang isang babae mula sa kabilang banda ay lumapit at kumapit sa kanya. “Handsome, bakit hindi ka pa matulog ng mas mahaba? Maaga pa.”Nangatog siya at nilipat ang kanyang titig sa kabilang banda, kung saan nakakita siya ng mataba, blonde ang buhok na babaeng palapit sa kanya. Ang bibig ng babae ay puno ng...Matapos, ang isa pang babae sa kama ay kasabay ma gumising din. Lahat sila ay walang kakulangan sa kapangitan.May pwersa niyang sinampal ang kanyang sarili ng dalawang beses. Matapos ‘nun, sumigaw siya at napatalon patayo sa gulat. Sa kanyang pagkabalisa, napagtanto niyang hubad siya.Sobrang nagulat siya na ginamit niya ang kumot para takluban ang sarili. Kung hindi dahil sa sobrang masakit sa kanyang mukha, hindi siya maniniwala na lahat ay totoo. “Sino kayong lahat? Bakit kayo nandito? Anong ginawa niyo sa akin?”“Anong problema sayo, handsome? Tinawagan mo kami kagabi, at natulog ka ng mahimbing. Sinubukan ka naming
Natuwa si Catherine mula sa pagbabasa sa mga komento.“Ikaw ang gumawa nito?” Binalik niya ang phone kay Freya. Siguro ay hindi alam ng iba, pero naintindihan niya lahat. Si Rodney ay lantad na tapat kay Sarah. ‘Yon ay halatang prank sa lalaki.“Haha, tama ‘yan. Nagkita kami sa bar kagabi. Siya ay talagang lasing, kaya kumuha ako ng ilang babae para sa kanya.” Nakangiti si Freya. “Ang mga babaeng ‘yun ay mas mainam kaysa kay Sarah, tama?”Walang masabing sumulyap sa kanya si Catherine. “Pwede mo siyang iprank hangga’t gusto mo, pero hindi mo dapat tinwagan ang mga tagapagbalita. Narinig ko ng tiyuhin ng Rodney ay tatakbo bilang presidente. Kapag ang usaping ito ay lumaki, siguradong pupukawin nito ang pamilyang Snow.”“...Uh.” Medyo natakot si Freya ng marinig ang mga salita ng babae. “Ito… ay posibleng hindi nangyari? Hindi kailanman ay narinig ko ang pamilyang Snow na naging petty.”“Hindi rin ako sigurado, pero… pero baka nasira mo ang repotasyon ni Rodney. Mag-ingat ka lang.”
”Humanap kayo ng ibang tao para maging man of honor. Magmamadali akong pumunta sa hapon. May utang ako na kailangan ko munang asikasuhin kay Freya, sa kasong tumakas siya.” Nalilito si Rodney sa pagitan ng dalawang banda ng isang sandali, pero sa huli, nireject niya si Chester.“...Okay, huwag kang malelateNang matapos ang tawag, agad na pinahanap ni Rodney sa isang tao ang address ni Freya. Matapos, nagmadali siya papunta sa lugar na iyon.Nang marating ang Hackett Institute, walang nagbukas ng pinto sa kabila ng pagkatok ng mahabang panahon.Matapos tignan ni Freya ang lalaki sa labas sa pamamagitan ng peephole, hindi niya ito pinansin at bumalik sa pagkakatulog.Hindi siya naniwala na kayang buksan ng lalaki ang pinto hangga’t hindi niya ito binubuksan.Napatunayan maya maya na minaliit niya ang galit ng lalaki....Hindi nagtagal, sinipa ni Rodney ang pinto ng kwarto ni Freya.Nang makita niya na ang babae sa kama ay mahimbing pa rin ang tulog, isang alon ng galit ang lum
”Okay, bibigyan kita ng 1,000 dolyar kapag nasa kabilang mundo ka na. Magagamit mo ang pera doon.”Kinuha ni Rodney ang mga binti ni Freya at hinila siya. Nang gagalaw na dapat siya, tumunog ang phone niya.Dali-dali na kinuha ni Freya ang oportunidad at sinipa siya sa mukha. Pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo paalis.“Tumigil ka diyan!”Hinabol siya ni Rodney, ngunit patuloy na tumunog ang phone niya. Naiirita niyang sinagot ang tawag. “Sabihin mo na. Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ko.”“Oh, mukhang hindi ka pa tapos, Young Master Snow? Hindi pa sapat ang limang babae sa isang gabi para sa iyo, kaya kailangan mo rin makipagkita sa mga babae habang may araw pa?” Isang sarkastiko na boses ang narinig.Tinignan ni Rodney ang ID ng tumawag. Ito ay si Jessica Snow. Nanginig siya sa takot. “Big Sis, hindi ko alam na ikaw ito.”“Tama na. Tinatamad ako makipag-usap ng kung ano-ano kasama ka. Bilisan mo at bumalik ka rito. Hinahanap ka ni Grandpa,” Malamig na sinabi ni Jessica Nas
Galit na galit na sinabi ni Old Master Snow, “Huwag mo isipin na hindi ko alam kung bakit uminom ka hanggat malasing ka kagabi. Hindi ba at dahil iyon sa pagpapakasal ni Sarah ngayon? Ang pamilyang Snow ay prominenteng pamilya rin. Bakit ba kami may nakaka-bigo na tulad mo? Kaunti ba ang mga babae sa Canberra at hinabol mo Sarah buong araw? Ang apo ko ay tinatrato na backup sa isang relasyon. Kahit pa hindi ka nakakaramdam ng hiya, kami ng magulang mo ay nakakaramdam.””Grandpa, sobra na ang mga salita mo. Hindi niya ako backup. Matalik na magkaibigan kami ni Sarah,” Hindi komportable na ipinaliwanag ni Rodney.Galit na sinabi ni Wendy, “Kung mabuting magkaibigan lang kayo, bakit kailangan mo magpunta sa kanya kahit kailan at kung kailan ka niya pinapapunta? Noong nag-aaral ka pa lang, ang diary mo ay puno rin ng pangalan ni Sarah.””Mom, sobra ka na. Sinilip mo pa ang diary ko.” Nagalit si Rodney.“Anak kita. Ayaw kita matrato na parang t*nga ng ibang tao,” Balisang sinabi ni Wend
Sa isang seven-star na tabing dagat na hotel, isang kasal ng siglo ay ginaganap.11:48 na nang magkasama nagpakita sina Catherine at Joel."Hindi ba at sina Catherine at Joel iyon? Bakit nagpunta ang magtatay na iyon?""Matagal na magkakilala ang pamilyang Yule at pamilyang Hill, kaya normal lang na imbitado si Joel. Ngunit hindi inaasahan na pupunta rin si Catherine. Siya ang dating asawa ni Shaun, kahit papaano.""Tsk tsk, isang dating asawa ang nagpunta sa kasal ng dati niyang asawa. Ito ay kawili-wili "“...”Tumaas ng sobra ang atmospera dahil sa mga bulong ng mga bisita.Si Shaun, na sinasalubong sa mga bisita sa lawn, ay narinig ang mga bulong ng lahat at tumalikod para tignan. Si Catherine ay naglalakad na nakasuot ng simpleng bistida.May mga mapusyaw na berde na dahon na naka-burda sa bistida niya, naglalabas ito ng maganda, nakakasilaw na gintong kulay. Pinapakita nito ang makurba niyang katawan. May elegante siyang katawan na parang makaluma na kagandahan.Natulala
Ngumiti si Joel habang nagpapaliwanag, "Kinausap ko na ang tatay ni Isaac na hayaan ang mga anak namin makipag-ugnayan sa isa’t-isa.”Naging tahimik bigla ang mga miyembro ng pamilyang Hill. Kahit na hindi maikukumpara sa pamilyang Hill ang pamilyang Stringer, pamilya pa rin sila ng mga iskolar. At saka, ang identidad ni Catherine ngayon ay iba na, Normal lang na gustohin ng pamilyang Stringer ipakasal siya sa kanilang pamilya.Pati si Valerie ay nanahimik, ngunit nakaramdam siya ng bigo. Hindi niya inaasahan na magiging sikat pa rin si Catherine kahit pagkatapos ito maabandona....Sa kabilang kamay, kahit na si Shaun ay nakikipag-toast sa ibang bisita, tingin siya ang tingin sa kung ano ang nangyayari sa gilid ni Catherine. Nang nagpunta si Isaac, hindi niya sinasadya hawakan ng mahigpit ang wine glass.“Shaun, Chester.”Biglang nagpakita si Rodney. Suot niya pa rin ang mga damit niya kahapon. Amoy alak siya, at ang damit niya ay gusot.Minamata siya ni Chester. “Tignan mo ang
“Sigurado ka bang hindi mo siya nakikilala?” Pinakita sa kanya ng inspector ang litrato ni Lucifer. “Pagkatapos ng aming imbestigasyon, maikukumpirma naming naninirahan ang lalaking ito sa isang apartment na nakapangalan sa iyo. Bukod pa roon, nakita kang labas-masok sa nasabing apartment na iyon ilang araw lang ang nakalilipas. Tingin nami’y mayroon kayong kinalaman sa isa’t isa.”Kakila-kilabot ang itsura ni Shaun.Ano pa ba ang mas nakakahiya kaysa sa pag-aakusa ng mga pulis na nakikiapid ang iyong asawa nang hindi mo alam sa mismong kasal ninyo?Nagulat din dito ang mga guest. Hindi nila inaasahang masasaksihan nila ang ganitong nakasisindak na eksena habang dumadalo sa isang kasalan.“Totoo ba? Sinasabi ba ng pulis na mayroong relasyon si Sarah doon sa banyagang iyon?”“Iyon mismo ang kanyang sinasabi.”“Imposible naman, ‘di ba? Narinig kong in love sila ng halos sampung taon na. Isa pa, sa kundisyon at pangangatawan ni Shaun, kinakailangan pa bang humanap ni Sarah ng iba?”
Ng ibaba ni Freya ang kanyang tingin, napagtanto niyang may nilagay na diamond necklace si Ryan sa kanyang leeg."Ikaw…""Ito ay isang regalo para sayo." Hinalikan siya ni Ryan sa noo. "Hindi pa kita nabibigyan ng regalo kahit na matagal na tayong nagde date.""Hindi iyan totoo. Lagi kang bumibili ng mga regalo ni Dani…”“Walang kwenta iyan. Ang pagbili ng mga regalo para sa aking anak na babae ay natural. Ang pagbili ng mga ito para sayo ay isang bagay din siyempre."Labis na naantig si Freya. Si Dani ay hindi anak ni Ryan, ngunit sinabi pa rin niya ang mga salitang iyon…Minahal niya talaga siya.Gayunpaman, siya ay napakahina at mahiyain."Kailan mo balak umalis? Ihahatid na kita sa bago mong tahanan," Sabi ni Ryan.“Balak ko lumipat bukas. Pupunta ang mga magulang ko sa Canberra kinabukasan. Magkakaroon tayo ng family dinner sa gabi."“Mm. Sasamantalahin ko ang pagkakataong manatili at kumain kapag pinapunta na kita, okay?" Hinawakan ni Ryan ang mukha niya at nagtanong.
Ibinaba ni Freya ang mga bagay na hawak niya. Lumingon siya at umikot sa baywang ni Ryan gamit ang dalawang kamay. "Walang tutulong dito. Kung patuloy akong mananatili dito, at patuloy kang... ganito, matutuklasan din tayo sa madaling panahon.""Tulad ng ano?" Ang malungkot na boses ni Ryan ay umalingawngaw mula sa kanyang leeg.“Basta... ganito. Gaya ng ginagawa mo ngayon." Namula si Freya. "Palagi kang naghahanap ng mga dahilan upang mapunta ako sa iyong lugar sa umaga o pumunta sa aking lugar pagkatapos ng trabaho sa gabi. May makakahanap na kakaiba sa madaling panahon. Kung lilipat ako, walang mga taong tumitingin sa bawat galaw namin. Magiging mas maginhawang mag date din sa labas."Ilang oras ding tinitigan ni Ryan si Freya. Siya ay napabuntong hininga. “Pero kailangan kong magtrabaho ng dagdag na oras ng madalas. Malalaman ng tatay ko kung hindi ako babalik pagkatapos ng trabaho. Kung madalas akong lumabas, maghihinala sila."“Huh?”Napakurap si Freya. "Anong gagawin natin?
...Sa parking lot sa ibaba.Nag thumbs up si Freya kay Catherine dahil sa paghanga. "President Jones, ang iyong dominanteng aura ay nag uumapaw ngayon lang. Napakasatisfying panoorin.”“Naiinis din ako kay Rodney. Hindi pa rin siya malinaw sa kanyang sitwasyon hanggang ngayon. Siya ay kumikilos na parang salamat sa kanya na nakuha namin ang Osher Corporation." Binuksan ni Catherine ang pinto ng kotse at pumasok."Tama iyan. Gusto niyang magpakita tayo ng respeto sa kanya? Sino siya sa tingin niya?"Isang harrumph ang pinakawalan ni Freya. Pagkasuot pa lang niya ng seatbelt ay tinawag siya ni Forrest. “Nakatakda na ang petsa ng paglipat sa villa. Sa susunod na Lunes na. Ang pamilya Lynch ay magkakaroon ng piging sa isang hotel at mag iimbita ng ilang kamag anak at kaibigan sa Canberra."Malapit na yan..." Nagulat si Freya."Diba sabi mo gusto mong umalis sa lalong madaling panahon? Kaya naman pinatrabaho ko ang mga contractor ng overtime. Ang pagsasaayos ay natapos na sa loob ng
Makalipas ang limang minuto, bumalik si Freya. Si Catherine at ang abogado ay tapos ng tingnan ang mga dokumento. "Walang problema. Pirmahan natin."Pagkatapos maglagay ng pirma nina Freya, Catherine, at Rodney, nagmamadaling sinabi ni Rodney, “Malaking araw ngayon. Payagan akong imbitahan kayong lahat na kumain sa malapit na restaurant. Kunin natin ito bilang isang pagdiriwang para sa tagumpay ng pagkuha ng Freycatheli—”“Sasamahan ka ni General Manager Hoffman mula sa aming kumpanya, President Snow. Si President Lynch at ako ay may ilang iba pang mahahalagang bagay na aasikasuhin mamaya." Magalang na tumanggi si Catherine ng hindi hinintay na matapos ni Rodney ang kanyang pangungusap."President Jones, ginagawa mo akong masama." Hindi masyadong maganda ang ekspresyon ni Rodney. "Dapat mong malaman na maraming mga lokal at overseas na kumpanya ang interesado sa pagkuha ng Osher Corporation. Gayunpaman, hindi ko sila pinansin. Unang pumasok sa isip ko si Freycatheli, at hindi ko sin
“Magaling iyan.”Naghiyawan ang lahat ng nasa meeting room.Sinabi ng tagapamahala ng departamento ng marketing, "Naisip pa namin na ang pagkuha ay tatagal ng ilang buwan. Hindi ako makapaniwala na makukumpleto sa loob ng isang linggo. Masyadong nakakagulat.""Ang Osher Corporation ay isang ginugol na puwersa. Ang paghawak ay magiging isang pag aaksaya lamang ng pera." Ngumiti ng mahina si Catherine. "Sige. Kapag matagumpay nating nakuha ang Osher Corporation, magkakaroon ng malaking pagbabago sa loob ng mga panloob na empleyado ng kumpanya. Syempre, tataas din ang katayuan ng Freycatheli sa Australia, kaya dapat maghanda ang marketing department. Ipaalam sa mga tagalabas ang tungkol sa pagkuha na ito, at linawin sa kanila na ang magiging boss ng Osher Corporation ay hindi na si Rodney kundi ang Freycatheli.""Pagkatapos ng acquisition, dapat bang tanggalin ang shop-in-shop ng Osher Corporation sa mga mall?""Hindi, ngunit baguhin ang lahat ng mga signage sa Freycatheli."“...”
Pagsakay ni Freya sa sasakyan ay nakonsensya pa rin siya.Ang pakiramdam ng pagiging malihim sa The Lodge ay tiyak na magpapahirap sa kanya sa kabaliwan maaga o huli.Hindi nagtagal, pinadalhan siya ni Ryan ng isang mensahe sa WhatsApp: [I miss you…]Halos itapon ni Freya ang phone niya sa message na iyon. Binabaliw siya nito.Pagkarating niya sa kumpanya, isang katulong ang nagdala ng bouquet sa kanya. "Manager Lynch, may nagpadala sayo ng bouquet."Ibinaba ni Freya ang test tube sa kanyang kamay, tinanggal ang kanyang gloves, at kinuha ang mga bulaklak na nakabalot sa pink na wrapping paper. Hindi lamang isang uri ng bulaklak ang naroroon. Sa katunayan, ang mga hydrangea, bellflower, tulips, at marami pang ibang uri ng magagandang bulaklak ay pinagsama sama. Ito ay napakarilag at mabango.May maliit na card sa bouquet. Binuksan ni Freya ang card, na nakasulat, "I miss you, my princess..."Wala siyang maisip na iba pang magsusulat ng ganoong katamis na salita maliban sa isang t
Laking gulat ni Freya kaya bumilis ang tibok ng puso niya. Napasilip siya sa pintuan ng kwarto. Ng mapagtanto niyang nakasara na ang pinto ay nakahinga siya ng maluwag.Gayunpaman, hindi siya ganap na komportable. Medyo kinakabahan pa rin siya.Paano kung biglang umakyat ang katulong?Paano kung…"Mangyaring manatiling nakatutok."Ang malalim at mahinang boses ni Ryan ay narinig mula sa kanilang manipis na mga labi.Hindi nakaimik si Freya. Paano siya mananatiling nakatutok?Palusot sila at nagmukha siyang magnanakaw.“Halika na. Na miss kita." Binigyan siya ni Ryan ng mahaba at malalim na halik habang kinulong ang mukha niya. Sa gitna ng mapusok na halik, paos ang boses ng lalaki na para bang may dumaan na kuryente sa kanya. Namamanhid ang buong katawan niya. “Na miss mo ba ako?”"...Bilisan mo."Hindi mapakali si Freya."Tinatanong kita kung na miss mo ba ako." Kinagat ni Ryan ang kanyang labi. "Kung hindi ka tapat sa akin, hindi kita bibitawan.""Namiss kita. Namiss kita
Matagal na rin simula nang makatanggap ng ganoong sampal si Heidi. Siya ay lumipad sa matinding galit. “Oo, problema ito ng iyong pamilya, pero si Freya ay aking goddaughter. Mangyaring umalis sa aming bahay ngayon din."Ng matapos siyang magsalita, kinaladkad ng ilang bodyguard sa likod niya si Rodney palabas ng The Lodge.Nagbabala si Heidi, “Tandaan mo siya. Hindi ko na siya gusto sa The Lodge."Galit na galit si Rodney. "Aunty Heidi, huwag kang snob.""Snob ako?" Si Heidi ay nadala sa pagkagalit.Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ay naalis si Rodney.Medyo natulala sina Freya at Ryan. Hindi nila inaasahan na magiging ganoon ang mga bagay.Si Nathan, na napahawak sa gitna, ay nakaramdam ng pinaka naiilang. "Bakit galit na galit ka sa isang bata?""Hindi mo ba narinig kung gaano siya sarcastic?" Galit na sinabi ni Heidi, "Sapat na ako sa kanya. Ang ginawa niya ay nagdulot ng napakaraming problema para sa amin, ngunit kailangan naming ayusin ang kanyang gulo. Bukod dito, ang
Dinala nina Freya at Ryan si Dani sa harap ng bakuran para mag almusal.Si Dani, na nasa yakap ni Ryan, ay tumingin sa paligid gamit ang malaki at maitim niyang mga mata.Walang kahihiyang sumama si Rodney. "Dani, ihahatid kita sa bahay ni Lola, okay?"Agad na napalingon si Dani. Pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Ryan na para bang si Ryan ang kanyang biological father.Nagseselos si Rodney. “Ryan, ibalik mo sa akin ang anak ko. Ibinabalik ko siya sa dating tirahan, at ngayon lang sinang ayunan ni Freya.""Maaari mo siyang dalhin doon pagkatapos kong umalis para sa trabaho." Seryosong sabi ni Ryan, “Ayokong makipaghiwalay si Dani sa akin ngayon. Kung pilit ko siyang ibibigay sayo, iiyak siya. Hindi na siya ang sanggol na walang alam. Maaari na siyang gumulong, at mayroon siyang sariling mga opinyon. Naiintindihan mo ba?""Naiintindihan ko, at iyon ang dahilan kung bakit gusto kong makipag bonding sa kanya." Naiinip na sinabi ni Rodney, “Ryan, sinusubukan mong maging