Dalawang araw makalipas.Bumalik si Freya mula sa Melbourne papunta sa Canberra kinagabihan.Si Catherine mismo ang sumundo sa kanya."Bwisit, nawala lang ako ng ilang araw at si Suzie ay naging anak na ni Liam." Malungkot na sinabi ni Freya, "Kung gayon, hindi na sila pwedeng bumalik sa US kasama ko. Ako ay mababagot at malulungkot doon. Dapat bang ilipat ko ang opisina ko sa Canberra? Ang mga magulang ko ay umaasa din na ako ay makakabalik na ng permanente.""Yeah, sige." Tapos tanong ni Catherine, "Hindi ba't gusto makipagcollaborate ng SE Group sayo? Pwede kang makipagtulungan sa kanila at magkasamang talunin ang Osher Corporation.""Pinaguusapan ito, ang mga tao mula sa Osher Corporation ay tinatawagan ako araw araw. Humihingi sila ng tawad at nagmamakaawa sakin na bumalik." Pagkasabi ng bagay na ito, si Freya ay sobrang yabang.Sa sandaling ito, tumunog ang phone niya na may notification na nagpapakita ng 'Rodney Snow'.Tinignan ni Freya si Catherine at tinaas ang kanyang
Sa seaside villa.‘Di kalaunan, nakatanggap ng tawag si Sarah.“Ang lalaki na iyon… ay natapos na.”Nagliwanag ang mata ni Sarah. “Magaling. Mabisa talaga kayo. Natabi niyo na ba ang katawan niya?”“Inilibing na ito sa kabundukan. Walang pumapasyal pagkatapos lumagpas sa malayong lugar na iyon.”“Salamat.”Tumawa ng marahan ang tao sa kabilang linya. “Hindi mo pa ako kailangan pasalamatan. Ngayon at tinulungan kita, kailangan mo ibalik ang pabor sa susunod.”“Alright.” nagngitngit ng ngipin si Sarah. Alam niya na hindi ilusyon na wala ng balikan kapag sinimulan niya ang bagay na ito. Gayon pa man, sobrang kaginhawaan malaman na si Lucifer, na naging tinik sa kanya, ay pinatay na.Pagkatapos ay may tunog ng makina ng kotse ang dinig mula sa labas.Dali-dali siyang bumaba. “Shanic, bumalik ka sa tamang oras. Pinadala sa akin ng nag-aayos ng kasal natin ang floor plan ngayon, at ito ang kalalabasan ng disenyo ng venue ng kasal natin. Okay lang ba ito?”Kaswal lang tinignan ni Sh
Natigil ng ilang sandali si Lea, ngunit pagkatapos ng ilang pag-aalinlangan, tumango siya. Dahil ang mga anak niya ay hindi maayos ang lagay sa isa’t-isa, umaasa siya na magsisilbing tulay si Suzie sa kanila. “Alright, sige.”Sa pasukan ng preschool.Sa oras na nakarating si Shaun, hindi pa pinapalabas ang mga bata. Nakasuot siya ng damit at pares ng walang lukot na puting kaswal na pantalon. Sa matangkad at elegante niyang pigura, ang gwardya sa gate ay walang malay na nagpapakita ng respeto.Habang ang karamihan ng mga bata sa preschool ay may mayaman na magulang, bihira lang makakita ng magulang na tulad niya na naglalabas ng malakas na pakiramdam ng kapangyarihan.“Sir, maaari ko ba malaman kung sinong bata ang pinunta mo?”“Nandito ako para kay Susan Jones,” sagot ni Shaun.“Nasa nursery siya na klase. Ang nursery na klase ay may aktibidad sa labas ngayon.”Magalang siyang dinala ng gwardya sa compound. Wala pa isang minuto, nakarating na sila sa lugar kung saan ginaganap a
“...Opo,” Kabadong sagot ni Suzie.“Suzie.” Biglang lumuhod si Shaun at taimtim na sinabi sa bata, “Bata pa kayong dalawa, kaya’t walang problema. Habang tumatanda ka, kailangan mong maunawaan na hindi mo pwedeng basta-bastang hawakan ang kamay ng sinumang lalaki.”“Oh.” Tungo ni Suzie. Hindi nga naman siya hahawak ng kamay ng sinumang lalaki, ngunit dahil kapatid niya si Lucas, tila’y wala lamang ito para sa kanya.“Pwede mong subukang makipagkaibigan sa ibang babae,” Payo ni Shaun.“Uncle Shaun, ‘wag po kayong makisawsaw sa pakikipagkaibigan ko,” Nguso ni Suzie.Hindi na nakapagsalita si Shaun matapos alipustahin ng bata.Sige na nga, bata pa naman siya. Marahil ay oobserbahan na lamang niya ang bata.Lingid sa kanyang kaalaman na nagtatago lamang si Lucas sa likod ng pinto habang pinanonood si Shaun na maglakad palayo kasama si Suzie.Iniisip ng guro na hinahangaan ni Lucas si Suzie sa pagkakaroon ng magulang na susundo sa kanya, kaya nama’y marahan niyang nilapitan at inali
Nang natauhan si Thomas ay agad niya tinangkang suntukin si Freya sa tindi ng galit na kanyang nararamdaman.Subalit ay lumaban si Freya at ‘di kinalauna’y nalaglag sa lapag ang lalaki.Nababalot ng putik ang lapag at sa loob ng ilang segundo’y nakaramdam ng pananakit sa kanyang katawan si Thomas. “P*ta…”“Hindi ka na makapagsalita, huh?” Inapakan ni Freya ang mukha ng lalaki.“Kuya.” Sa tindi ng pagkabagot ni Sarah ay tuluyang nagbago ang itsura ng kanyang mukha. Agad siyang kumaripas papunta kay Freya sa pagtatangkang sunggaban ito, ngunit mas mabilis si Catherine na tumayo sa harapan ni Freya.“Ano ka ba, tinatapos lang nila ‘yung naudlot nilang pagtutuos. Bakit naman gusto mo pang sumawsaw?”Muntikan nang sumabog si Sarah sa galit matapos marinig ang tanong ni Catherine.Wala naman talagang pakialam si Sarah kay Thomas, ngunit ngayo’y magkasama na sila. Nakakahiya rin para sa kanya ang makitang binubugbog ang lalaki sa kanyang harapan.“Dalian mo’t tumawag ka ng pulis, Sara
Noong maangas na itinaas ni Freya ang kanyang mga kilay ay agad na nagtago si Thomas sa likod ni Sarah sa takot.“Bukas na ang pinaka-inaabangang kasal namin ni Shaun. Dadaluhan ito ng lahat ng mga maharlikang pamilya ng Canberra. Tangkain niyo man akong hampasin, ipahihiya niyo lang ang mga Hill, kaya’t tiyak akong hindi iyon palalampasin ni Shaun. Payo ko’y mag-isip isip kayo ng inyong ikikilos.”Itinaas ni Sarah ang kanyang mga kamay at isinuksok niya ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tainga. Noong mga sandaling iyon ay siya rin niyang ipinakita ang isang kumikinang na diamond ring mula sa kanyang hintuturo.Nang mapansin niya ang tingin ni Catherine, hindi mapigilan ni Sarah ang kanyang mapanuyong ngiti. “Ito ang diamond ring na ibinigay sa akin ni Shaun kahapon. 13.14 grams ang timbang nito. Maliit man iyon para sa inyo, ngunit naniniwala akong it’s the thought that counts.”Agad siyang pinutol ni Freya. “Ang liit naman. Noon nga’y binigyan pa ni Shaun si Cathy ng diamond
Bago magwala sa galit si Sarah, isang malamig na boses ang kanilang narinig.“Freya Lynch, humingi ng tawad kay sarah ngayon na.”Naglakad si Rodney sa bluestone steps at nilapitan siya ng may nakakatakot na tingin sa gwapo niyang mukha.Tinignan ni Thomas si Rodney na para bang sinagip siya nito at kaagad na nanginig palapit sa kanya. “Young Master Snow, iligtas mo ako. Ang babaeng ito ay napakasama. Binugbog niya ako nang makita niya ako. Nais pa nga niyang saktan ang kapatid ko pero swerte na lang at dumating ka.”“Rodney, nandito ka na.” Namumula ang mata ni Sarah at mukhang galit siya.Nang makikita ang sitwasyon, nasagad nag-init ang ulo ni Rodney. Nilaliman niya ang titig sa mata ni Freya na para bang kakainin niya ito ng buhay. “Ang isang masamang babaeng tulad mo ay gustong makasal sa pinakamayamang lalaki sa mundo, eh? Managinip ka.Hindi makapagsalita si Freya. “Saglit lang, ano ang relasyon mo kay Sarah? Bakit ikaw ang hinanap niya at hindi si Shaun nung siya ay minam
“Sa totoo lang, ginagawa ko ito para sa’yo. Ikakasal na si Sarah bukas, ngayon ang huling pagkakataon mo. Kung hindi mo pipiliin ang sarili mong kaligayahan, mawawala na ito. Hindi mo ako kailangan pasalamatan. Nais ko lang maging maayos ang lahat at si Jack ay para lamang kay Jill.”Saka kumaway si Freya sa kanya at nagmamadaling inudyok si Catherine na magmaneho paalis.Ilang segundong nagulat si Rodney, nag-iwan ang kotse ng usok at kumaripas na ng takbo.Kumulo ang dugo ni Rodney.Gayunpaman, kailangan niyang aminin na tinamaan ang nerve niya sa mga salita ni Freya, lalo na’t ikakasal na si Sarah.Walang nakakaalam na mahal niya ang babaeng ito ng 14 na taon na.Nagustuhan niya ito noong siya ay 16 pa lang at hindi na tumigil na mahalin siya.Ngunit, karelasyon na ni Sarah si Shaun noon, kaya ayaw ni Rodney na maging third party. Isa pa, matalik na kaibigan ni Rodney si Shaun. Kaya naman nagpakakapatid siya kay Shaun saka naging masaya na lang para sa kanila at tahimik na pr