”Tigilan mo ang kalokohan. Sabihin mo na ito. Sino ang naguto sayo nito?” nilagay ni Shaun ang baril sa kanyang noo. Ang kanyang mata ay malungkot. “Isa, dalawa...”“Ito ay si Third Young Lady.” Hinimatay si Tita Connie sa kinatatayuan niya. “Si Third Young Lady ang nagbigay sa akin ng gamot at sinabi na ilagay ito sa kanyang lugaw. Hindi siya mamamatay matapos kainin ito, ngunit ang sugat ay lalong magnanana hanggang ang kanyang buto ay kita na.”Na pa hinga ng malalim si Hadley. Ang mga babae sa pamilya Hill ay mabangis at hindi niya namalayan na mapatingin kay Catherine.Subalit, bigla siyang ngumiti at nagtanong, “Kita na ba ang mga buto ko mula sa sugat ko ngayon?”Si Tita Connie ay tumingin sa kanyang mukha at nanginig, hindi naglakas loob na tumingin ng pangalawang beses.“Alis.” Sinipa ni Shaun si Tita Connie sa dibdib at tapos nagpunta sa main hall.Habang pinapanood ni Hadley ang kanyang anino alam niya na isang bagyo ang namumuo.Nagngitngit ang kanyang ngipin at lumu
”Tinanong ko si Tita Connie ng personal at ako din ay nakita ang mukha ni Catherine. Siya ang babae ko. Alam mo ba kung gaano kaimportante ang itsura sa isang babae?” Ang kamay ni Shaun ay nanginginig sa kanyang galit. “Paano ka niya mismo binastos? Anong klaseng sama ng loob ba ang meron ka laban sa kanya?”“Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Wala akong ginawang kahit na ano.” Si Valerie ay nagtago sa likod ni Old Madam at nanginig.“Huwag mong isipin na hindi ko alam. Si Nicola Wicks at ang kanyang anak ay nagsabi sayo nito, tama? Ikaw ay sobrang malapit sa kanila. Ano ang benepisyo na kanilang pinangako sayo?” Ang mata ni Shaun ay nagaaalab sa galit, na parang mawawala na ang kanyang rasyonalidad sa kahit anong sandali...Alam na hindi niya maitatago ang katotohanan, nagngitngit ang kanyang ngipin. “Sige, ano ngayon kung ginawa ko ito? Shaun, ako ang tita mo. Papatayin mo ba ako dahil sa isang taga labas?”“Hindi siya taga labas. Babae ko siya. Hindi kita papatayin, ngunit
”Halika, tara umuwi na tayo.”Hinawakan ni Catherine ang kanyang kamay.Bahay...Isang bahid ng sakit ang lumitaw sa gwapong mukha ni Shaun.Matagal na panahon na, ito ang kanyang bahay.Subali, ang tanging lugar na parang isang bahay ngayon ay kapag kasama siya.“Okay.”Matapos ang mahabang panahon, tumango siya. Hinawakan niya siya at umalis sa pamilya Hill ng hindi tumitingin pabalik.Ng makita ni Valerie ang kanyang anino na nawala, nanginig siya at sinabi, “Mom, Dad, sa tingin ko si Shaun ay may sakit ulit. Siya ay sobrang nakakatakot kanina lang. Ito ay parang ng dati nanakit siya sa iba...”“Tama na.” Sinampal ni Old Madam Hill ang kanyang mukha sa kalungkutan. “Ang lakas ng loob mo na sabihin iyan? Hindi pa ba sapat sayo ang nangyari sa pamilya Hill? Paano ka nabayaran ng mga taga labas?”Galit din niya siyang inakusahan. “Tita Valerie, masyado kang masama.”Nahihiya, si Valerie ay sinara ang kanyang kamay. Sobrang galit siya kay Shaun na ang kanyang ngipin ay sumaki
... Matapos na dumating sa ospital, inayos ni Chester ang pinakamagaling na mga doktor sa ospital para gumawa ng detalyadong physical examination sa kanya.Sa ward, Ang mga resulta ay kaagad na lumabas.Tinignan ni Chester ang malnourished na babae sa kama na binigyan ng saline at bumuntong hininga na may awa. “Lahat ng mga indicator ay hindi naaayon. Hypoglycemia, anemia, dehydration, malnutrisyon at peptic ulcer.”Tumango si Catherine. Ang kanyang katawan ay sarili niya. Nitong mga nakaraang araw, siya ay madalas na sumuka at hinihimatay mula sa lahat ng sakit ng tiyan na meron siya, kaya alam niya itong lahat.Sinara ng maigi ni Shaun ang kanyang kamay. Alam niya na siya ay wala sa magandang kalusugan, ngunit ngayon siya ay mas malala pa.“Ahem, Catherine, dapat ka munang magpahinga.” Sabi bigla ni Chester kay Shaun, “Sumama ka sa akin at kumuha ng gamot...”“Doktor Jewell, pwede mong sabihin ang kahit na ano sa harap ko, kahit na kung ito ay may kinalaman sa mukha ko...” Ng
Subalit… Paano na lang ito?Gaano karaming ganitong klaseng lalaki ang nageexist sa mundong ito?Lalo na ang lalaki na kasing gwapo tulad niya. Kahit na kung hindi na siya ang nakatayo sa tuktok ng pyramid, maraming babae pa din ang handang itapon ang sarili nila sa kanya.“Tama na iyan.” Lumingon palayo si Catherine at binaba ang kanyang madilim na mga pilik mata. “Eldest Young Master, nakakapagod siguro na pilitin ang iyong sarili sa ganitong paraan. Ikaw ay magsusuka sa banyo mamaya.”“Hindi ito importante. Mayroon akong buong buhay ko para patunayan ito sayo.”Hinalikan ni Shaun ang kanyang noo. “Sabi ni Chester na hindi ka pwedeng kumain ng solid na pagkain sa ngayon dahil sa hindi ito kayang tunawin ng iyon tiyan. Bibili ako ng bote ng gatas para sayo.”Tumayo siya at nagpunta sa kusina.Ang pintuan sa ward ay tinulak pabukas at si Freya ay kaagad na sumugod papasok.“Cathy, sabi ni Shaun na ikaw ay naospital...” Ng makita niya ang mukha ni Catherine, sumigaw siya dahil h
“Cathy, huwag ka magsalita. Alam ko. Maaaring galing siya sa maimpluwensyang pamilya, ngunit hindi ako natatakot. Siguro, papangit lang ako kasama ka. Ganon kalaki ang utang na loob ko sa iyo. Kung hindi ko napagkamalan si Shaun Hill na ibang tao, hindi ka sana nadamay sa kanya.” Malapit na umiyak si Freya mula sa pagsisisi.“Oh, kaya nagsimula ito lahat dahil sayo. Alam ko na ang mga t*ng* na babae na tulad mo ay maraming sinasabi, ngunit hindi mo talaga ito sinasadya” marahas na sinabi ni Rodney.“Itikom mo bibig mo, bakla,” sabi ni Freya.“Anong sabi mo?” ang gwapong mukha ni Rodney ay naging kasing lamig ng yelo.“May sinabi ba akong mali? Lalaki ka na may suot na kulay rosas na damit. Mukha kang mas maganda sa mga babae at mas madaldal ka sa mga babae. Lalaki ka ba o babae?”“Ang t*ng* ng babae na ito. Kung hindi kita papatayin…” susunggaban na sana siya ni Rodney dahil sa galit, ngunit hinawakan siya ni Chase. “Bro, kumalma ka.”“Hindi mo ba narinig na pinagalitan niya ak
Akala niya ay sila na ang tugma na ginawa sa langit, ngunit naging isang malas na pagmamahalan ito. Tinignan ni Rodney ang itsura ni Catherine at biglang natahimik.Sa totoo lang, ayaw niya kay Catherine dati, ngunit nalulungkot na rin siya para dito ngayon.“Kung kapatid ang tingin mo sa akin, mag-isip ka ng regalo sa kasal ko. Plano ko magkaroon ng nakakagulat na kasal kasama siya sa isang buwan.” tinignan ni Shaun si Catherine at seryosong sinabi, “Hindi mo ako pinaniniwalaan, ngunit gusto ko sabihin sa buong mundo na hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya kahit ano man ang itsura niya.”Biglang napatingala si Catherine at nagtama ang tingin nila sa gulat.Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang iniisip nito.Hindi pa ba siya…. pagod dito?“Hindi ako papayag,” sabi niya pagkatapos ng mahabang oras. “Gusto mo ba makita ng buong mundo ang panget ko na mukha?”Nanigas ang gwapong mukha ni ShaunSinabi ni Catherine ang bawat salita ng malakas at malinaw, “Hindi ko ginu
[Siguradong-sigurado ako. Ang pangalan niya ay Sheryl Jones at ang anak niya ay ang tserman ng Hudson Corporation. Mayroon pa akong litrato niya.]Pagkatapos ay kumalat na ang litrato nina Sheryl at Catherine sa internet.Nakatanggap si Catherine ng tawag mula sa kompanya na ang Facebook ng Hudson ay tinadtad ng pamumuna. Ang board of directors ng kumpanya ay gustong magkaroon ng pagpupulong ulit.“Pupunta na ako sa kompanya ngayon.” pagkasabi ni Catherine, kinuha ni Shaun ang phone niya. Nag-utos siya sa kabilang dulo ng tawag, “Ako si Shaun Hill. Ako na bahala sa bagay na ito sa Hudson. Huwag niyo na muna siya tawagan.”Pagkatapos noon, tinapon niya ang phone sa gilid.“Shaun Hill, anong ginagawa mo?” sa sobrang galit ni Catherine ay sumakit ang tiyan niya. “Hindi mo nga kaya protektahan ang sarili mo ngayon. Pwede ba pakialaman mo ang sarili mo?”“Hindi ka pwede umalis sa ospital sa kondisyon mo.” maamo ang mata ni Shaun, ngunit ang tono niya ay dominante pa rin.“Ngunit hind