Pagkatapos ni Shaun magsalita, kinuha niya ang amerikana niyang dyaket at naghanda na umalis. “Sa tingin ko ay gusto mo lang siya mamatay doon para wala ka na kalaban dito sa Hill Corporation,” sabi ni Lea sa matalas na tono.Huminto ang mahahabang binti ni Shaun at sinabi ng tahimik, “Isipin mo kung ano gusto mo isipin.”“Shaun Hill, talagang pinagsisisihan ko ang ipinanganak ka. Pinalaglag na lang sana kita.”Ang sabi ni Lea sa likod niya.Diretsong pumasok si Shaun sa elebeytor.Inobserbahan nang maingat ni Hadley ang mukha niya. Ito ay panatag at walang ekspresyon ngunit alam ni Hadley na ito ay ang katahimikan bago dumating ang bagyo.Ito ang nangyayari sa tuwing nagkikita sina Shaun at Lea. Siguradong nag-aaway ang dalawa, na para bang natural na magkaaway ang mag-ina.Nagbuntong hininga si Hadley sa kaloob-looban. Masyado may kinakampihan si madam.Dinala ng taga-maneho ang kotse at binuksan ni Shaun ang pinto at pumasok bago magmaneho paalis mag-isa.Malaki ang Canbe
Pakiramdam ni Catherine a nahulog siya sa matinding kailaliman na naging bangunot niya......Alas dos ng umaga.Nawala ang galit ni Shaun at nagulat siya sa nakita niya.Ang babae na katabi niya ay namamaluktot sa sakit. Ang mukha niya ay maputla at ang labi niya ay walang dugo.“Catherine!” kumakabog ang puso ni Shaun.Subalit hindi sumasagot ang babae.Nagulat si Shaun. Nagmamadali niyang binalot ang babae sa kobre-kama bago ito binuhat at nagmadali na pumunta sa ospital.Gabing-gabi sa koridor ng ospital.Nakatayo si Shaun sa may bintana na mula kisame hanggang sahig para magsindi ng sigarilyo, ngunit napagtanto niya lang na nanginginig ang kamay niya. Pagkatapos ng mahabang oras, hindi niya nasindihan ang sigarilyo.“Hayaan mo ako.” si Chester Jewell, may suot na puting coat, ang lumapit sa kanya ng may komplikadong titig. “Nawalan ka ng kontrol. Nagkaroon ka ba ulit ng episode? Sa tingin ko ay lumala ang pagka-adik mo sa sigarilyo.”“Nakita ko si Lea Hill ngayon at naw
Nanigas ang kamay ni Shaun sa kalagitnaan, at ang bibig niya ay puno ng pait. Alam na niya na babalik sa kanya kung ano ang kanyang ginawa.Ano ang ginawa niya para maging ganito ang estado ni Catherine?Maliwanag at pino dati si Catherine, puno ng kumpiyansa sa sarili.Mandalas niya rin ito makita sa harap ng salamin dati na gandang-ganda sa sarili, para bang pinaniniwalaan niya na siya ang pinakamagandang babae sa mundo.Miss niya na ang kyut at pilyo na babae na iyon.“Lumabas ka dyan. Huwag ka magtago sa ilalim ng kumot. Mahihirapan ka huminga.” hinila niya paalis ang kumot ngunit nakita niya na kagat-kagat nito ng madiin ang daliri niya. Ang mukha niya ay puro luha.“Sige, lalabas na ako. Hahanap ako ng tao para dalhan ka ng pagkain dahil hindi ka pa nakakakain simula kagabi.”Nagbuntong hininga si Shaun at tumalikod na para umalis.Hindi katagalan, may pumasok na nars.Noong makita ni Catherine na umalis na si Shaun, ang takot sa puso niya ay nawala ng kaunti, ngunit mas
“Ako na ang gagawa.” hinubad ni Shaun ang dyaket niya at nirolyo ang manggas niya.Namangha si Catherine. Matagal na niya kilala si Shaun, ngunit hindi niya ito nakita kahit humawak lang ng spatula. Paano siya magluluto?Hindi talaga alam ni Shaun kung paano magluto, ngunit pwede naman siya matuto. Maraming mga nagtuturo na bidyo sa phone niya, kaya naniniwala siya na hindi ito ganon kahirap.Pagkatapos gumugol ng isang oras, nakapaghanda siya ng dalawang putahe at isang sabaw. Isang fish fillet, caramelized eggplant, at isang chicken soup na hindi kaaya-aya tignanTinignan ni Catherine ang likod ng kamay ni Shaun na namumula dahil natalsikan ng mainit na mantika. Kung hindi niya ito lalagyan ng pamahid kaagad, magkakaron siya ng mga paltos bukas.Gumalaw ang labi niya, ngunit hindi siya nagsalita. Karapat-dapat lang sa kanya iyan, kaya hindi siya maaawa dito.“Kain na.” kumuha ng isang mangkok ng chicken soup si Shaun para sa kanya.Hindi maayos ang hiwa ng manok niya, at malin
Tumunog ang phone ni Shaun pagkatapos niya magsalita.Noong nilabas niya ito, nakita ni Catherine ang salitang ‘Grandmother’ sa screen.Lumabas si Shaun habang hawak ang phone. “Grandma, may nangyari ba?”“Bawal ba kita tawagan kapag walang nangyari? Ano ang pinagkakaabalahan mo buong araw? Hindi ka pa bumabalik sa dating bahay ng ilang araw na. Nagbalik ang nanay mo, kaya pwede ka matulog sa manor sa gabi.”Tinignan ni Shaun ang pinto ng kwarto at tumanggi. “Hindi ako pwede.”“Hindi ka pwede noong may pagpupulong, at hindi ka rin pwede noong inaya ka ni Melanie lumabas. Ano ba ang ginagawa mo?” galit na sinabi ni Old Madam Hill, “Kailangan mo bumalik. Kakain ng magkakasama ang buong pamilya.”Umismid si Shaun, “Kakain lang ba talaga? O dahil pipilitin niyo ako pabalikin si Liam?”Nagbuntong hininga si Old Madam HIll. “Shaun, sa mga nakalipas na taon, kami ng lolo mo ang naglalagay ng pressure para hindi mangialam ang nanay mo sa kapakanan ng kumpanya, hinayaan kayo ni Liam sa k
‘Di kalaunan, ang balita tungkol kay Liam ang pinakasikat na hinahanap.Iba’t-ibang paksa ang lumabas sa internet.#LiamHillDisappearance [Narinig ko na pinilit papuntahin si Liam Hill sa Country F ng sarili niyang kapatid. Maraming giyera ang nagaganap sa Country F ngayon. Halata na kung ano ang mangyayari kung ipapadala siya doon ngayon.]#LiamHillDisappearance [Narinig ko na ang hidwaan sa Country F ngayong umaga ay may kasamang bomba at marami ang nasawi. Baka tinamaan ng kamalasan si Second Young Master HIll.]#LiamHillDisappearance [Walang-awa si Eldest Young Master Hill. Pagmamay-ari na niya ang Hill Corporation, ngunit hindi niya pinaglagpas pati ang batang kapatid niya.][Mabait na tao si Second Young Master Hill. Madalas siyang tumutulong sa mahihirap na lugar at nagbibigay ng pera na donasyon para magpatayo ng eskwelahan. Masyado masama si Eldest Young Master Hill.][Ang angas ng komento sa taas. Ang lakas ng loob mo sabihin iyan tungkol kay Eldest Young Master Hill? H
Pagkalipas ng isang linggo.Sinamahan ni Freya si Catherine sa pribadong ospital pata ipatanggal ang tahi niya.Personal na pumunta si Chester sa lote ng paradahan para kitain ang dalawang tao. Ito ang unang pagkakataon na makikilala siya ni Catherine, at ang masasabi niya lang ay lahat ng kaibigan ni Shaun ay mukhang mga modelo.May suot na puting coat at salamin si Chester. Matangkad siya at mukhang maamo. Ang gwapo niyang mukha ay parang hindi mapanakit. May mala-tagsibol na ngiti sa labi niya at nagmukha siyang madali pakisamahan at malapitan, ngunit pinapakita ng manipis niyang labi na siya ay presko at walang pake na lalaki.Sumingap si Freya. “Lahat ba ng doktor ngayon ay ganito kagwapo? Mukha siyang modelo na nasa harap ng kamera para sa isang pelikula.”“Magaling ka magbiro, Ms. Lynch.” ngumiti si Chester. “Tara na. May inayos akong doktor para dalhin ka doon.”“Pasensya ka na sa abala. Kaya ko naman pumunta mag-isa.” nahihiya si Catherine. Kung sabagay, pupunta siya sa
“Okay, tawagan mo ako kapag may kailangan ka.”Paalis na sana si Chester nang bigla tumunog ang phone ni Lea. “Ano… Nakabalik na sila? Okay… Okay, pupunta na ako sa paliparan ngayon.”Pagkatapos ibaba ang phone, binigyan ni Lea ng pambihirang ngiti si Melanie. “Kakarating lang nila Liam at Shaun sa paliparan. Tara, puntahan natin at sunduin sila at pagkatapos ay bumalik tayo para magpasuri sa susunod.”“Sige po, Aunty. Namimiss ko na rin si Shaun.” mayabang na tinignan ni Melanie si Catherine at mabilis na umalis kasama si Lea.Binigyan ni Freya si Catherine ng kinakabahan at nakakaawang tingin ngunit nakita niya na kalmado lang ito. “Tara na, andito ang elebeytor.”“Mukhang masasamahan na ulit kita.” Sinundan sila ni Chester at umubo ng marahan sa kamao niya. “Masyado lang nakatuon si Melani Yule sa inaasam niya. Ang puso ni Shaun ay nasa iyo. Parang kapatid na kami sa kanya at kami ang nakakaintindi sa kanya, kaya ‘wag mo masyado isipin ‘yon.“Hindi ko iniisip ‘yon.” nginitian