Si Shaun, na nakaupo katapat ni Catherine, hindi namalayang nanliit ang mata. Siya ay halos nadurog ang wine glass sa kanyang kamay bilang resulta ng kanyang paghawak ng masyadong malakas.Bwisit. Noong una gusto niya siyang turuan ng leksyon at takutin siya. Ng makita niya na si President Warner ay hinahawakan siya, siya ay medyo nakaramdam na gustong putulin ang kanyang kamay.Subalit, ngayon ay oras para si Shaun ay magalit. Inalagaan si Catherine ng sobra sobra, plinano niya na bigyan siya ng leksyon. Hindi niya siya ililigtas hanggat siya ay malalagay sa desperadong sitwasyon para matuto siya ng leksyon at sumuko sa kanya.“Masya akong nagustuhan mo ito,” Walang pakialam na tugon ni Shaun. “Makipagtagay ka kay President Warner.”Sa kanyang kawalan ng pagasa, hindi niya mapansin ang galit o kalagiman sa mata ni Shaun.Sa lagay ng mga bagay, hindi niya magagawang makatakas sa sitwasyon ngayong gabi.“President Warner, hayaan mong makipag tagay ako para sayo...”“Wala ng punto
”Yeah, ako ay isang demonyo. Ngayon, binibigyan kita ng huling pagkakataon. Nasa iyo ang desisyon,”pangungutya ni Shaun. Tumalikod siya at nagtungo sa pintuan.Pinilit ni Catherine ngumiti. Ayaw niya talagang pabayaan siya na masunod ang paraan niya.Kumpara as matabang lalaki na pwede ng maging ama niya base sa kanyang edad, mas gugustuhin niya na matulog kasama ni Shaun.“...A ...Ayokong samahan siya.” Sinundan ni Catherine si Shaun at walang hiyang nilagay ang kanyang braso sa paligid ng kanyang bewang.Walang pakialam na tumingin patalikod si Shaun at tinignan siya. Hinatak niya ang kanyang braso at inutos, “Halika sa Oasis International kasama ko.”Si Catherine ay sumunod sa likod nila ng tahimik.Ng si Shaun ay pumasok sa kwarto, umupo siya sa kama. Ang ilaw sa ibabaw niya ay pinakikita ang kanyang perpektong itsura.“Bakit Umaasa ka ba na turuan ka kung ano ang gagawin?” Tinaas niya ang kanyang kilay at kinurba ang kanyang bibig sa isang masamang ngiti.Lumapit si Cather
Nalaman ni Catherine ang lahat sa loob ng ilang segundo. Si Shaun ang siyang kumuha ng litrato at sinadyang pinadala ito kay Wesley.Dahil dito, hindi niya maitatago kung ano ang nangyari.“Dalian mo at dalhin si President Lyons sa ospital,” kaagad niyang sinabi sa chauffeur.Ng dumating sila sa ospital, ang doktor ay kaagad na gumawa ng medical examination at naglagay ng nasal cannula kay Wesley.“Ikaw ang kanyang girlfriend, tama? Hayaan mong ipaalala ko sayo na siya ay may isang kidney lang. Huwag mo siyang hayaan na magalit at mastress. Kailangan niya din kumain ng malusog na diet para mabuhay siya ng matagal,” Paalala ng doktor, “Maaari lang namin siyang pagpahingahin sa ngayon. Ito ay hindi talaga magreresolba ng pangunahing problema.”“Salamat, Doctor.” Pinakita ni Catherine ang kanyang pasasalamat sa doktor bago magpaalam sa kanya.Sa ward, si Wesley ay patuloy na umuubo habang tinatakpan ang kanyang dibdib. Si Catherine ay binigyan siya ng maligamgam na tubig at nilapi
Tinignan ni Wesley ang paalis niyang pigura nang may matinding panlalamig sa mata niya.Nakayukom nang mahigpit ang kamao niya.PInigilan niya ang galit niya hanggang sa makabalik siya sa kumpanya, kung saan hindi na niya ito napigilan at binasag lahat ng bagay sa opisina niya.Biglang tumunog ang phone niya.Ito ay mula sa hindi pamilyar na numero. Naiirita niya itong kinuha at nilagay sa tainga. Isang mababang tawa ng lalaki ang narinig niya. “Masakit siguro malaman na natulog ang fiancee mo na may kasamang ibang lalaki.”“Sino ka?” nanginig ang mga mata ni Wesley. Ito ay hindi pamilyar na boses.“Alam ko rin na hindi ka talaga nawalan ng bato. Talagang pineke mo ang natamo mo na sugat para maloko si Catherine Jones, at matagal mo na alam ang nakaraan niya, kaya iniisip mo na baka magamit mo ang mga Yule para makaangat…”“Manahimik ka!” hindi napigilan ni Wesley sumigaw habang may malamig na kilabot ang bumaba sa likod niya. Sa kauna-unahang pagkakataon, pakiramdam niya ay nab
Pagkatapos ni Shaun magsalita, kinuha niya ang amerikana niyang dyaket at naghanda na umalis. “Sa tingin ko ay gusto mo lang siya mamatay doon para wala ka na kalaban dito sa Hill Corporation,” sabi ni Lea sa matalas na tono.Huminto ang mahahabang binti ni Shaun at sinabi ng tahimik, “Isipin mo kung ano gusto mo isipin.”“Shaun Hill, talagang pinagsisisihan ko ang ipinanganak ka. Pinalaglag na lang sana kita.”Ang sabi ni Lea sa likod niya.Diretsong pumasok si Shaun sa elebeytor.Inobserbahan nang maingat ni Hadley ang mukha niya. Ito ay panatag at walang ekspresyon ngunit alam ni Hadley na ito ay ang katahimikan bago dumating ang bagyo.Ito ang nangyayari sa tuwing nagkikita sina Shaun at Lea. Siguradong nag-aaway ang dalawa, na para bang natural na magkaaway ang mag-ina.Nagbuntong hininga si Hadley sa kaloob-looban. Masyado may kinakampihan si madam.Dinala ng taga-maneho ang kotse at binuksan ni Shaun ang pinto at pumasok bago magmaneho paalis mag-isa.Malaki ang Canbe
Pakiramdam ni Catherine a nahulog siya sa matinding kailaliman na naging bangunot niya......Alas dos ng umaga.Nawala ang galit ni Shaun at nagulat siya sa nakita niya.Ang babae na katabi niya ay namamaluktot sa sakit. Ang mukha niya ay maputla at ang labi niya ay walang dugo.“Catherine!” kumakabog ang puso ni Shaun.Subalit hindi sumasagot ang babae.Nagulat si Shaun. Nagmamadali niyang binalot ang babae sa kobre-kama bago ito binuhat at nagmadali na pumunta sa ospital.Gabing-gabi sa koridor ng ospital.Nakatayo si Shaun sa may bintana na mula kisame hanggang sahig para magsindi ng sigarilyo, ngunit napagtanto niya lang na nanginginig ang kamay niya. Pagkatapos ng mahabang oras, hindi niya nasindihan ang sigarilyo.“Hayaan mo ako.” si Chester Jewell, may suot na puting coat, ang lumapit sa kanya ng may komplikadong titig. “Nawalan ka ng kontrol. Nagkaroon ka ba ulit ng episode? Sa tingin ko ay lumala ang pagka-adik mo sa sigarilyo.”“Nakita ko si Lea Hill ngayon at naw
Nanigas ang kamay ni Shaun sa kalagitnaan, at ang bibig niya ay puno ng pait. Alam na niya na babalik sa kanya kung ano ang kanyang ginawa.Ano ang ginawa niya para maging ganito ang estado ni Catherine?Maliwanag at pino dati si Catherine, puno ng kumpiyansa sa sarili.Mandalas niya rin ito makita sa harap ng salamin dati na gandang-ganda sa sarili, para bang pinaniniwalaan niya na siya ang pinakamagandang babae sa mundo.Miss niya na ang kyut at pilyo na babae na iyon.“Lumabas ka dyan. Huwag ka magtago sa ilalim ng kumot. Mahihirapan ka huminga.” hinila niya paalis ang kumot ngunit nakita niya na kagat-kagat nito ng madiin ang daliri niya. Ang mukha niya ay puro luha.“Sige, lalabas na ako. Hahanap ako ng tao para dalhan ka ng pagkain dahil hindi ka pa nakakakain simula kagabi.”Nagbuntong hininga si Shaun at tumalikod na para umalis.Hindi katagalan, may pumasok na nars.Noong makita ni Catherine na umalis na si Shaun, ang takot sa puso niya ay nawala ng kaunti, ngunit mas
“Ako na ang gagawa.” hinubad ni Shaun ang dyaket niya at nirolyo ang manggas niya.Namangha si Catherine. Matagal na niya kilala si Shaun, ngunit hindi niya ito nakita kahit humawak lang ng spatula. Paano siya magluluto?Hindi talaga alam ni Shaun kung paano magluto, ngunit pwede naman siya matuto. Maraming mga nagtuturo na bidyo sa phone niya, kaya naniniwala siya na hindi ito ganon kahirap.Pagkatapos gumugol ng isang oras, nakapaghanda siya ng dalawang putahe at isang sabaw. Isang fish fillet, caramelized eggplant, at isang chicken soup na hindi kaaya-aya tignanTinignan ni Catherine ang likod ng kamay ni Shaun na namumula dahil natalsikan ng mainit na mantika. Kung hindi niya ito lalagyan ng pamahid kaagad, magkakaron siya ng mga paltos bukas.Gumalaw ang labi niya, ngunit hindi siya nagsalita. Karapat-dapat lang sa kanya iyan, kaya hindi siya maaawa dito.“Kain na.” kumuha ng isang mangkok ng chicken soup si Shaun para sa kanya.Hindi maayos ang hiwa ng manok niya, at malin