“Darling, umupo ka lang at magrelaks. Hayaan mo akong gawin ito.”Umiiyak si Catherine sa kaloob-looban.Sobrang naiinggit siya.Tinignan ni Shaun ang direksyon na tinititigan niya at kumibot ang labi niya. “Naiinggit ka doon sa pangit na lalaki na iyon?”“...”Hindi alam ni Catherine kung ano ang sasabihin niya.Bumalik ang tingin niya sa sobrang gwapo na lalaki sa tabi niya. Okay, oras na para magluto. Ang sarili niya lang ang masisisi niya sa pagiging mababaw na babae.Salamat sa personal niyang serbisyo, nagkaroon ng magandang hapunan si Shaun. Ang kailangan niya lang gawin ay kumain.Nalaman ni Shaun na medyo masaya pala ang hotpot. Siguro pwede sila bumalik dito.Pagkatapos nila kumain, tumayo si Catherine para gumamit ng banyo.Nang palabas na dapat siya ng cubicle, bigla niyang narinig ang dalawang babae na nag-uusap sa lababo.“Napansin mo ba kanina… Yung lalaki na nakaupo sa ika-26 na lamesa ay sobrang gwapo.”“Alam mo, mas gwapo pa nga siya sa lahat ng lalaking a
Chase: [Sigurado na meron siya.]Rodney: [Nakakairita ang mga babae. Marami nag-uudyok sa kanila at marami silang rason para sumama ang loob nila.]Chester: [Huwag ka na mag-alala, dalhin mo na lang siya para magshopping at bayaran mo ang lahat.]Malalim na pinag-isipan ito ni Shaun.Hindi masyado nag-abala si Catherine magshopping pagdating sa mall. Kumuha siya ng ilang damit ng walang tiyak para tignan ito ng mabilis bago ito ibalik sa sabitan.Nilingon ni Shaun ang empleyado. "Bibilhin ko lahat ng damit na mahahawakan niya."Nagulat siya dito. "Para saan iyon? Tumitingin lang ako-""Bibilhin natin lahat ng interesado para sayo." Hindi na niya ito hinayaan pa makipagdiskusyon. "Kayang bilhin ng nobya ko kahit anong gusto niya. Marami akong pera."Sinabi ng emplayo na may halong inggit, "Wow, sobrang ganda ng pagtrato sayo ng nobyo mo! Kailanman ay hindi pa ako nakakita ng lalaki na ganito mapagbigay sa nobya nila."Nagulat at inaral ni Catherine ang lalaki na matangkad na na
Binuksan ni Catherine ang labi niya para magsalita pero ginambala siya ni Wesley, "Maraming papeles ang kailangan gawin sa ospital kaya mas okay kung meron ka katulong kesa wala. Bilang kuya, hindi ako pwede tumingin lang at hindi ka tulungan. Bukod doon, hindi rin ito ang tamang oras para dumistansya sa akin."Napupuno siya ng pagkabalisa kaya hindi na rin siya nagpupumilit pa.Pagdating sa ospital, may tao na sumisigaw sa pinto ng emergency room. "Kapamilya ni Miss Wendy? Ipakilala mo ang sarili mo at magpunta sa reception para ayusin ang mga bayarin sa lalong madaling panahon.""Nandito ako." Tumakbo si Catherine palapit. "Doctor, kumusta na po siya?""Acute cerebral insufficiency. Kailangan niya sumailalim kaagad sa stent surgery. Ayusin mo na ang mga bayarin ngayon." Nilagay ng doktor ang talaan ng gastos sa kamay niya.Nagmadali siya pababa para asikasuhin ang bayarin. Ang operasyon ay nagsimula na noong nakabalik siya sa taas."Kilala ko ang direktor ng ospital kaya tinawa
Napaupo si Catherine sa pagtanggap ng mala-bombang balita.Pagkatapos bumagsak ng Summit, parang pinlano ni Jeffery na patayin ang lola niya para manahin niya ang stocks sa korporasyon ng Hudson?“Hindi, impossible iyon. Siya pa rin ang nanay niya.”Bumuntong hininga si Wesley. “Sanay na si Jeffery na nasa mataas na posisyon sa buong buhay niya. Hindi mo siguro alam ito, ngunit kaya gawin ng mga tao ang lahat para lang manatili sa mayaman na pamumuhay at impluwensya. Simula noon, may mga tala na ng magkakapatid na inatake ang isa’t-isa, nag-aaway para maging tagapagmana ng mayaman na pamilya. Bukod doon, paralisado na ang lola mo. Baka ang tingin niya sa kanya ay isang pabigat.”Tumango si Aunty Wendy dito. “Atsaka, hindi ako naniniwala na ang pagiging paralisado ng lola mo ay aksidente. Pumunta si Rebecca sa Plum Garden noong araw na iyon at nahulog ang lola mo mula sa ikalawang baitang ng bahay pagkatapos niya umakyat. Sinasabi niya na nawalan ng balanse ang Old Madam pero maluso
Pinaalala ni Shaun sa sarili niya na huwag masyado sumama ang loob.Siguro masyado na siya naging galante kay Catherine, kaya pinagsamantalahan siya nito.Akala niya ba na siya lang ang babae na pwede niya makasama?Biglang natapos ang tawag.Blankong tinignan ni Catherine ang phone niya ng ilang segundo hanggang sa naglakad si Wesley. “Si Mr. Hill ba iyon? Pupunta ba siya para makita si Aunty Wendy? Dapat siguro umalis na ako para hindi na para makaiwas sa hindi pagkakaintindihan.” “Hindi, hindi niya sinabi na pupunta siya.”Biglaan siyang nakaramdam ng kakaibang karamdaman sa puso niya. Iyon lang iyon. Walang sinabi si Shaun na pupunta siya para makita si Aunty Wendy.Mukhang nagulat si Wesley pero ngumiti rin siya. “Well, normal lang iyon. Hindi naman sila magkamag-anak din. Kinausap ko na ang doktor kanina kaya wag ka na masyado mag-alala.”“Salamat.”Sobrang nagpapasalamat siya kay Wesley. Hindi niya magagawa ang mga iyon ngayong araw kung hindi siya tumulong.Sa totoo
“Shaun, ano ba iyon? Ikaw ang nagdemanda sa kanila dito ngunit pinaalis mo rin sila.” nagkibit balikat si Rodney.“Manahimik ka. Huwag mo ako kausapin.” Nagsindi ng sigarilyo si Shaun.“Tsk, seryoso ka ba? Ikaw tumawag sa amin dito.” Naaasar si Rodney. “Mas lalo ka naging kakaiba simula noong naging kayo ng Catherine na iyon. Kung hindi ka masaya, makipaghiwalay-”“Sabihin mo ulit iyon.” Masama ang tingin ni Shaun sa kaibigan niya.Nanahimik kaagad si Rodey.Nagdilim ang mata ni Chester habang tinatapik ang dulo ng sigarilyo niya. “Seryoso na ba ito ngayon?”“Hindi maaari.” Sumimangot si Rodney. “Akala ko kay Sarah Langley ka lang may pake…”Nanigas ang daliri ni Shaun na may hawak na sigarilyo. Bumuntong hininga si Chester. “Rodney, hindi na natin kasama si Sarah. Hindi pwede mamuhay si Shaun sa nakaraan.”Tinignan ni Rodney ang sahig at patuloy na uminom.Humithit ulit si Shaun sa sigarilyo niya habang nakababa ang ulo niya.... Sa sumunod na dalawang araw.Nagsikap si C
Mahinang tumango si Catherine.“Ito ang mga dokumento na binigay sa akin ng lolo mo para itago.” Nagbuntong hininga si Chrus habang kinuha niya ang dokumento. “Sa kabutihang palad, may iba pa na plano ang lolo mo laban kay Jeffery pero sigurado ako hindi niya hiniling na mangyari ito. Ha, walang kinalaman si Jeffery sa tagumpay ng Hudson ngayon. Binigyan lang siya ng 30% ng stock sa pagpapalaki para sayo ngunit wala siyang utang na loob.”“Tama iyon. Nakuha niya siguro ito pagkatapos mamatay ni Grandma ngunit hindi na niya gusto maghintay pa. Kaya pinatay niya ito ng walang awa.” Hinawakan niya ang dokumento. “Sa dokumentong ito, kalimutan na niya maging presidente ng Hudson sa susunod na buwan.”“Huwag ka mag-alala, tutulungan kita makuha ang posisyon na iyon.” Ngumiti si Chris.“Salamat, Uncle Chris.” Naantig siya. “Nagtatrabaho ka na ng matagal para sa mom ko. Nakita mo na ba ang dad ko dati?” Nag-aalangan siyang nagtanong.Nalaglag ang mukha ng lalaki bago ito sumagot pagkatap
Nakarating si Catherine at Freya sa karaoke bar ng alas otso nang bigla nila napansin na may dalawang tao na naglalakad papunta sa kanila mula sa kabilang direksyon. Ang imakuladang nakadamit na lalaki ay sobrang gwapo at matikas. Ang babae sa tabi niya ay nakasuot ng kulay almond na Chanel na amerikana. Mukha siyang kaibig-ibig sa mahaba at kulot nitong buhok.Sa saglit na iyon, naramdaman ni Freya na sobrang napahiya siya.Ang lalaki na nagsabi sa kanya kani-kanina lang na okupado siya ng trabaho ay nakatayo sa harap niya kasama ang ibang babae.Sumimangot si Catherine. Hinila niya ang kaibigan niya papunta sa dalawa at ngumiti, “President Jackson, anong klase ng pagkakataon ito! Akala ko sabi mo kay Freya na may trabaho ka hanggang mamaya sa opisina? Sabi mo masyado ka okupado para sunduin siya mamaya.”Namula ang lalaki sa prangka niyang sinabi. “Kailangan ko nga magtrabaho ng sobra ngunit tinawagan ako ni Linda para sabihin na hinaharass siya ni Young Master Cook, kaya nandito