Hindi sapat na naive si Cindy para isipin na nandito si Chester para makita siya.Kahit na ang relasyon nila ay hindi kasing sama ng dati, hindi kailanman ay pumunta siya para kitain ang babae kapag nagfifilm siya.Bakit bigla siyang pumunta ngayong araw?Bigla niyang naalala ang araw na nakita siya si Eliza na lumalabas ng opisina na magulo ang itsura. Nandun ang lalaki ng panahong ‘yun, at ang mukha ng lalaki ay walang humpay na nag-iinit.Ang puso niya ay tumikom sa pagkamuhi.Gayunpaman, hindi siya naglakas loob na ipakita ang kahit ano nito sa kanyang mukha.Kahit ano pa ang naiisip ni Chester, siya ang boyfriend ng babae. Sa mata ng iba, pumunta siya rito para sa babae.“President Jewell, nandito ka para makita si Cindy, tama?” Ngumiti si Director Cheever at lumapit para i-greet ang lalaki. “Ang performance ni Cindy ngayon ay sobrang galing. Dumating siya rito nang maagang maaga at patuloy na diniscuss ang kanyang role sakin. Sobrang dedikado niya.”Mahinhin na ngumiti si
Tumingin sa kanya si Director Cheever at malamig na suminghal. “Miss Robbins, sa wakas nandito ka na. Kalahating oras ka na namin hinihintay.”“Pasensya na, Director Cheever.”Lumubog ang puso ni Eliza. Kahapon, nakapag-usap na ng ayos sa kanya si Director Cheever sa phone. “Hindi ko sinasadya na…”“Eliza, maging maalalahanin ka sa susunod at ‘wag nang magpapahuli muli.” Agad na kinuha ni Cindy ang kamay ni Chester at sinabi, “Tignan mo, pumunta si Chester dito para makita ako at dumating siya nang mas maaga sayo. At bakit hindi ka pa naka-makeup?”Nanigas si Eliza. “Ako’y…”“Tama na ang pag-aaksaya ng panahon. Bilisan mo at maglagay ng makeup at magbihis. Ang eksena mo ay kailangan ilipat sa hapon.” Biglang umalis si Director Cheever na hindi hinintay ang babae na matapos. “Eliza, bilisan mo at sumulong. Talagang galit na ang direktor,” udyok ni Cindy sa babae.Sumulyap si Eliza kina Cindy at Chester. Madilim na ang mood niya, pero nang makita niya ang dalawang taong ito, mas
”Kapag kinasal ka kay Young Master Jewell, huwag mo kaming kalimutan imbitahin,” nanghihina ring sabi ng male lead.“Syempre,” Tumingala si Cindy at ngumiti. Kahit paano pa si Chester sa pribado, sa mata ng iba, siya ang soon-to-be Mrs. Jewell na kinaiinggitan ng lahat.............Sa maliit na pribadong lounge, ang maliit na assistant na si Leanne ay nagrereklamo. “Sobra na sila. Paano nila kami nabigyan ng ganito kaliit na lounge? Isang A-list actress ka pa rin. Dati, ikaw ang mansanas sa mata ng lahat.”“Huwag mo sabihin ‘yan. Maraming tao ang magbabayad para lang makasali sa crew ni Director Cheever,” mahinang sabi ni Eliza.“Pero ayaw mong makasali. Ang kumpanya ang nag-ayos para sayo na gampanan ang supporting female role,” sumisiklab sa galit na sabi ni Leanne. “Ang second female lead ay puro lang umarte bilang foil kay Cindy. Bakit ka dapat maging foil niya? Hindi siya kasing ganda mo at ang acting skills niya ay hindi rin kasing galing mo. Bakit hindi tayo tumigil sa pag
Sumimangot si Eliza. Hindi niya alam kung gaano na katagal nakatayo ang lalaki ron. “Young Master Jewell, nasa maling lugar ka. Ang lounge ni Cindy ay hindi rito.”“Hindi ko alam na medyo magaling ka pala sa styling,” nakatayo si Chester doon mula nang magsimula ang babae sa pag-aayos ng buhok niya.Nakita niya ang mga daliri ng babae na sumusuklay sa buhok sa likod ng ulo ng babae na tila may mga mata siya ron.Alam ng babaeng ito kung nasaan ang ganda niya. Ito ay sobrang simpleng hairstyle, pero sapat na ito para bigyang-diin ang kanyang katangi-tangi at pino niyang mukha. Hindi niya alam na ang babaeng nakacostume ay pwedeng magmukhang ganito kaganda.“Hindi ko matiis ito. May sumuhol sa stylist at sadyang nagtatrabaho laban sakin, kaya kailangan ko sustentohan ang sarili ko,” walang pakialam na sabi ni Eliza, na tila nagsasalita siya tungkol sa isang usapin na hindi makatwiran sa kanya.“Sinasabi mo ba na kagagawan ito ni Cindy?” Tumingin si Chester sa kanya, ang maitim niyan
”Eliza, hindi mo kailangan umarte na inosente,” Sabi ni Chester habang nakasinghal, “Alam ng lahat na nakikipag lokohan ka kay Monte bago ito.”Nagulat si Chester sa komento niya na nanggaling mismo sa sarili niyang bibig.Alam niya na masama talaga siya magsalita, ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganito siya kasama.Hindi niya intensyon na pahiyain si Eliza noong nagpunta siya dito. Gayon pa man, pagkakita sa ugali nito… Nawalan lang siya ng kontrol.Nanlaki ang mata ni Eliza.Hindi niya siguro inaasahan na makakarinig siya ng ganoon na klase ng komento mula kay Chester.Napuno ng katahimikan ang lounge. Inisip ni Chester na magagalit ito, ngunit tinaas lang nito ang baba niya habang mayabang na nakaangat ang kilay niya. “Kaya hindi ka masaya dahil tinanggihan kita at hindi kita hinayaan na lokohin ako?Nagdilim ang mata ni Chester. Tumayo siya at dahan-dahan itong nilapitan. “Eliza, sinusubukan mo ba ako galitin?”“Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin doon. Dap
Medyo matagal na simula noong nakakamit si Chester ng kakaibang babae. Sa kasamaang palad…“Ellie, bakit mo sinara ang pinto?”Biglang nila narinig ang boses ni Leanne sa labas. “Nagagalit talaga ako. Noong hinanap ko ngayon ang mga makeup artist, sinabi nila na marami silang ginagawa. Noong hinanap ko naman ang namumuno sa departamento, sinabi niya na nahuli raw tayo at nagbigay daw tayo ng maraming problema sa kania…”Pilit na nabuksan ang pinto.Pagkakita sa lalaki na nagbukas ng pinto, natulala agad si Leanne. Nabulol siya, “Y-Young Master Jewell…”“Mm.” Pinansin siya ni Chester bago ito tuluyang lumabas.Nakatingin lang si Leanne sa silweta nito ng ilang saglit bago tinignan nang masama si Eliza.Napuno ng emosyon si Eliza habang hindi komportable. “Huwag ka magkakamali ng iniisip…”“Siyempre, hindi ako magkakamali ng iniisip. Ano ang maaari na mali kong maisip? Dahil siguro iyon sa huling pagdating mo kaya nalungkot si Young Master Jewell. Kaya ka niya pinagalitan, tama?”
Ipinaparating ng assistant na direktor na nasapawan ng ganda ng first supporting actress ang female lead, na magiging dahilan kung bakit mailalayo ang tema ng pelikula.Pagkarinig ng mga sinabi niya, nairita si Director Cheever. “Eliza, kung gusto mo ng papel na hahayaan ka maging maganda at isang karakter na may kakaibang personalidad at pagkatao, nasa maling pelikula ka. Dahil ngayon ang unang araw ng pagkuha ng eksena, maaari ka pa rin umalis. Ngunit… kapag ang mga tao ay nagdusa sa pagkalugi dahil sa iyo, kailangan mo kami bayaran.”“Director Cheever, sa tingin ko ay ito ang unang beses na masama ni Eliza sa isang blockbuster na pelikulang tulad nito, kaya maaaring hindi malinaw sa kanya ang ilang bagay.”Sadyang lumapit si Cindy at ipinaliwanag, “Eliza, sundan mo lang ang ayos ng mga makeup artist. May eksena ako na kailangan ko bumagsak sa putik bukas. Hiniling sa akin ni Director Cheever na wala dapat akong makeup at itabi muna ang imahe ko. Sa totoo lang, si Director Cheever
Ang kalmado at malumanay na boses ni Eliza ay rinig.Habang nagsasalita siya, ang ekspresyon ni Director Cheever ay mas naging madilim. Kung hindi ito personal na sinabi ni Eliza, hindi niya malalaman na nananatili ito mag-isa sa isang hotel na nasa 30 kilometro ang layo. Kahit ang kotse na ginagamit niya ay isang lumang Ford.Ngayon lang din niya nalaman na wala man lang mula sa departamento ng produksyon ang nagsabi kay Eliza tungkol sa shooting ngayon.“Lahat ba ng sinabi niya ay totoo?” Inilipat ni Director Cheever ang titig niya sa mga tauhan ng produksyon.“Paano ito nangyari?” Mabilis na tumayo si Leader Wells mula sa departamento ng produksyon. “Kahapon, inutusan ko ang isang crew member na padalhan ng mensahe ang assistant niya. Sadyang huli siya nagpunta. Ang lakas ng loob niyang ipasa sa amin ang sisi? Sinabi niya pa nga na ayaw niya manatili kasama si Cindy, kaya inayusan ko siya ng hotel na malayo. Ang lugar na ito ay liblib, at may dalawang hotel lang na maayos dito.”