Home / Romance / Painful love / Kabanata 57

Share

Kabanata 57

Author: Señorita
last update Last Updated: 2022-03-05 11:40:55

Andrew's POV

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang sunud-sunod na pag-ring ng cellphone ko.

Kinapa-kapa ko ang aking side table upang kunin yung cellphone na kanina pang tumutunog.

Pagkakuha ay kaagad ko rin itong sinagot na hindi inaalam kung sino ba yung tumatawag sa akin.

"Yes, hello?" tamad na tamad kong turan sa kaniya.

"Hi! good morning, Mr. Herras. Nag-send ako ng email sa'yo kagabi. I'm waiting for your response, pero mukhang hindi mo yata na-receive yung message ko. I'm just wondering if you have a free time today," pagkasabi niya ay sandali kong minulat aking mga mata at tinignan ang phone number na tumatawag sa akin.

Napansin ko rin na may dalawang messages pala akong natanggap sa kaniya kagabi, pero nang dahil sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko na ito nabasa pa o napansin.

"I'm sorry, sir. If i didn't response on you ri
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Painful love   Kabanata 58

    Andrew's POV"Andrew?" ang bigla na lang bumigkas sa kaniyang bibig. Tila bigla ding tumalon ang puso ko sa tuwa nang muli kong marinig ang boses niya at pagtawag niya sa aking pangalan. "Pardon?" ang sinabi ko sa kaniya. Tumalikod naman siya at parang pinupunasan ang luha sa kaniyang mga mata.Pinili kong magpanggap na walang alam o hindi ko siya kakilala. Nang sa ganoon ay hindi ako makasagabal sa nalalapit nilang dalawa ng fiancee niya at hindi siya mailang sa akin. "Pasensya na. Magkakilala ba tayong dalawa o nagkita na ba tayo nuon? mula kasi noong maaksidente ako sa car accident ay naapektuhan ang aking memorya at nawalan ako ng alaala." Pagkasabi ko sa kaniya ay muli siyang napaharap sa akin na may bakas ng pagkagulat sa kaniyang mukha. "Amnesia?" aniya na may pagmumugto ng mga mata. Tumango lang ako at pasubaling napakamot sa aking batok.

    Last Updated : 2022-03-05
  • Painful love   Kabanata 59

    Liza's POV"Hoy, Liza. Nasaan yung ambisyosa mong kaibigan na si Mara? mukhang madalang ko na lang siyang nakikita ngayon ha?" ang sabi ni Luna sa akin ang bully sa loob ng classroom namin at madalas niyang pag-initan si Mara kahit wala naman talagang matinong dahilan o basta't maisipan lang niyang mapagtripan ito. "Puwede bang tigilan mo na si Mara? wala naman siyang ginagawang masama sa'yo ha?" pagkasabi ko ay napangisi naman siya at malakas akong itinulak sa balikat. Matapang at malakas lang ang loob niya dahil nag-iisa lang ako at may mga kasama siya. "At bakit ko naman siya titigilan? bakit, Liza? matapang ka na ba ngayon dahil nakahanap ka ng kakampi mo? nakalimutan mo na ba kung ano ka dati, bago mo pa man siya makilala?" pabulong niyang turan sa akin habang pinaglalaruan ang suot kong ID lace.Hindi naman ako nakaimik kaagad sa kaniya at nakatitig lang ako sa mga mata niya. Big

    Last Updated : 2022-03-05
  • Painful love   Kabanata 60

    Liza's POVApurahang lumapit si Luna sa kinaroroonan ni Mara at akmang sasaksakin ito ng gunting hawak niya nang bigla na lang sumulpot sa harapan nila si Andrew. "Andrew?" mahinang saad ko sa aking sarili. Laking gulat naming lahat nang saluhin niya yung matalas na gunting sa pamamagitan ng kaniyang kama, kaya nasugatan siya at tumulo ang dugong dumadaloy mula sa palad niya. "Ayos ka lang ba? nasaktan ka ba?" subalit ang mas ikinabigla ko ay nung tumingin siya kay Mara na may pag-aalala sa kaniyang mukha. Ano ang ibig sabihin ng mga titig niyang iyon sa mata? Hindi kaya may lihim siyang pagtingin para kay Mara? Hindi ito maaari, kailangan ko siyang pigilan bago pa man mahuli ang lahat. Palapit pa lamang sana ako sa kanila nang itulak papalayo ni Andew, si Luna, dahilan para mawalan ito ng balanse at

    Last Updated : 2022-03-05
  • Painful love   Kabanata 61

    Liza's POVEthan, iyon ang pangalan ng lalaking sumagip sa akin noong panahon na naisipan kong wakasan ang sarili kong buhay. Napagkamalan ko siyang si Andrew, dahil sa sobrang kadesperadahan kong maangkin ang puso niya. Pero unti-unti ring nagbago ang lahat ng iyon magmula noong nakilala ko si Ethan. Masasabi ko na mabuti siyang tao at magkaibang-magkaiba silang dalawa ni Andrew. Masyado kasi siyang masiyahin, palangiti at mabait sa lahat ng tao, kahit hindi pa niya lubos na kilala. Kahit ako na hindi naman niya kamag-anak o kaibigan at ako pa nga itong sinagip niya, pero ako pa itong inaalagaan niya at binabantayan minu-minuto. Upang makasiguro lang siya na hindi na muling mauulit pa yung mga nangyari. Noong una ay medyo nawiwirduhan ako sa kaniya at hindi ko siya pinapansin, dahil hindi naman kami magkakilalang dalawa pagkatapos sinu

    Last Updated : 2022-03-05
  • Painful love   Kabanata 62

    Liza's POVNapag-alaman ko kay Ethan na nagsasama na pala sina Mara at Andrew sa iisang bubong. Tinanong niya ako kung papaano ko nakilala ang dalawang magkasintahan, sinabi ko na matalik akong kaibigan nuon ni Mara at ka-schoolmate ko naman si Andrew. Inamin na rin niya sa akin na may lihim siyang pagtingin para kay Mara. Masakit para sa akin ang isipin na ang dalawang lalaki sa buhay ko ay iisa lang din ang babaeng iniibig. Kaya magmula ng araw na iyon ay sinundan ko na si Andrew, kahit saan man siya magpunta. Inalaman ko rin ang lahat-lahat sa kaniya pati na ang mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Mara. Nasaksihan ko mismo ang pagtatalo nilang dalawa at ang takbo ng relasyon nilang dalawa. Inaakala ko nuon na masaya silang nagsasamang dalawa, pero napagtanto ko rin na hindi pala talaga lahat ay puro masasaya lang.Gayunpaman ay hindi ako makakapayag na magka

    Last Updated : 2022-03-05
  • Painful love   Kabanata 63

    Liza's POVMakalipas ang ilang taon, magmula noong maghiwalay sina Mara at Andrew ay hindi ko naman inaasahang magkakaroon pala ng pag-asa si Ethan sa kaniya. Masaya ako para sa kaniya, lalo na sa dalawa kong matalik na kaibigan.Nagkaroon na rin ako ng lakas na loob upang ipagtapat kay Mara na matagal na kaming magkakilala dalawa ni Ethan.Gayunpaman ay hindi ko pa rin pinaalam sa kaniya kung paano kami nagkakilalang dalawa, dahil alam kong malulungkot lang siya kung babanggitin ko lang sa kaniya ang pangalan ni Andrew. Sa ilang taon na nakalipas ay marami na rin ang nagbago sa aming mga buhay. Gaya na lang ni Ethan na natupad din sa wakas ang pinapangarap niyang maging isang doktor, si Mara naman na nagmamanage ng isang boutique shop at ako, bilang isang wedding organizer.Actually, ako nga ang taga-manage sa nalalapit nilang kasal ni Ethan. Ngunit sa hindi

    Last Updated : 2022-03-05
  • Painful love   Kabanata 64

    Kasalukuyang nasa loob ng wedding hall sina Andrew at Mara, upang tignan ang magiging venue ng nalalapit nitong kasal at para natin makatiyak kung ano pa ba ang kulang roon. "Ano, sumagot na ba?" tanong ni Liza kay Mara at pauli-ulit na niyang kinokontak ang phone number ni Ethan, pero wala ring sumasagot. "Hindi pa rin e," tugon niya na may pag-aalinlangan sa tono ng boses niya. "Ano ba naman iyan si Ethan! sigurado ka bang nasabi mo sa kaniya na ngayong araw ang praktis niyong dalawa?" ani ng kaibigan sa kaniya. "Oo naman, pinaalala ko pa nga sa kaniya 'yon kaninang umaga at nag-send din ako ng text messages sa kaniya para hindi niya makalimutan," turan niya na malungkot ang kaniyang mukha. "Baka busy si sir sa mga pasyente niya? ganoon talaga kapag doktor ang mapapangasawa mo, hindi lahat ng oras niya ay ilalaan niya lang sa'yo. Nagka-client

    Last Updated : 2022-03-05
  • Painful love   Kabanata 65

    Nang makarating na si Mara sa harapan ni Andrew ay halos namumugtong ang kaniyang mga mata, habang nakayuko naman ang ulo ng binata. Umakbay siya sa braso nito at sabay na naglakad patungo sa altar. Sabay silang huminto sa paglalakad nang matunton na nila ang destinasyon nila. Natahimik silang lahat sa loob at bumitaw na rin si Mara sa kaniya. "Gusto mo bang makarinig ng kwento?" ang bigla na lang sumambit sa bibig ng dalaga kaya napaangat ng ulo si Andrew at napatingin sa kaniya. "Hindi ito ang unang karanasan ko na maikasal sa isang lalaki. I mean, minsan na akong kinasal pero..." huminto ito sandali sa pagsasalita at niyuko ang kaniyang ulo. "Pero, hindi siya dumating ng araw na iyon. Hinintay ko siya sa loob ng simbahan ng magdamag, hanggang sa makarating siya. Umaasa ako na babalikan niya ako, pero magmula non ay hindi na siya muli pang nagpakita sa akin," pagkarinig naman n

    Last Updated : 2022-03-05

Latest chapter

  • Painful love   Kabanata 74

    "Paniguradong masaya na si Lolo Andrew, kung nasaan man siya ngayon." Ang winika ni Juanito sa kaniyang nobya habang nakatayo ito sa harap ng puntod ni Andrew."Siya nga pala, maaari ba akong magtanong tungkol sa lolo mo?" usisa ni Maria sa kaniya."Oo naman. Ano ba yung itatanong mo?" nakangiting saad nito sa kaniya."Bakit dito inilibing ang lolo mo, imbis sa tabi ng asawa niya?" tanong niya, sabay inakbayan siya sa balikat ni Juanito."Ang totoo niyan hindi talaga sila ikinasal dalawa. Nabuntis si Lola noon ng ex boyfriend niya at hindi siya pinagutan nito. Tinakbuhan siya nito at nagtago sa malayong lugar kung saan hindi siya mahahanap ni Lola." Ang tinugon niya sa kaniya."Ibig mong sabihin, hindi niya tunay na anak ang Papa mo?" aniya at saka naman tumango sa ulo si Juanito."Hindi man niya tunay na kadugo si Dad, pero itinuring niya kami na parang tunay niyan

  • Painful love   Kabanata 73

    (Andrew's Epilogue)Nabalitaan ko na lang mula sa mga dati naming mga kakilala at kaibigan noon, na namaalam na si Mara.Huli na nang malaman ko ito at limang taon na ang nakakalipas magmula ng pumanaw siya.Pasikreto akong tumungo sa puntod niya na walang ibang kasama, kun'di ako lamang mag-isa.Matanda na kasi ako at hindi na rin gaanong kalakasan ang mga buto't laman ko. Makalimutin na din ako at palagi akong naliligaw ng daan, kaya madalas akong sinasamahan ng apo kong si Juanito.Pero nung nalaman ko ang tungkol kay Mara ay inilihim ko sa kaniya ang plano kong pagpunta sa puntod niya.Ayokong makaabala pa sa kaniya lalo na't marami rin siyang inaasikaso tungkol sa nalalapit nilang kasal ng kasintahan niyang si Maria.Sa araw na iyon ay tumakas ako sa bahay namin. Dala ang lumang pitaka ko na halos magsasampung taon na at isang pirasong rosas na binili ko lang sa batang naglalako ng

  • Painful love   Kabanata 72

    (Epilogue)"Masyado ba kitang pinaghintay ng matagal?" Bigla na lang napalingon si Mara sa pamilyar na boses na kaniyang narinig."Ethan?" aniya na bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Gumuhit naman ng malawak na ngiti sa labi ang binata at saka ito humakbang palapit sa kaniya. Halos natulala naman si Mara at hindi makapaniwala nang muli niyang masilayan ang mukha ni Ethan."Patawad kung pinaghintay kita ng kay tagal." Mahinang sambit nito sa kaniya.Bigla naman tumulo ang luha sa gilid ng mata ni Mara, habang pinagmamasdan niya si Ethan."Siya nga pala, para sa pinakamamahal ko." Dugtong nito sabay inilabas mula sa likod niya ang isang palumpon ng mga rosas.Tinitigan muna ito ni Mara at saka siya gumuhit ng ngiti sa kaniyang labi."Namiss kita ng sobra, Mara. Patawad kung iniwan kita ng mag-isa at pinaghintay

  • Painful love   Kabanata 71

    Mara's POVSumapit ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Ethan, ang araw ng kasal naming dalawa.Kahit bumigay na rin ang kaniyang katawan at hindi na siya nakakakita pa ay tinuloy pa rin namin ang aming kasal. Hindi ako umalis sa tabi niya, katulad ng mga ipinangako ko sa kaniya. Inalagaan ko siya at binantayan minu-minuto, oras-oras. Ayokong mawalay siya sa aking paningin kahit isang segundo lang o kahit sa isang kisapmata. Kung minsan ay napapaiyak na lang ako sa loob ng banyo at tinatakpan ang aking bibig, upang mailabas ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Nalaman ko na lang din na tumungo na si Andrew sa ibang bansa, upang kamtin ang matagal na niyang pinapangarap na maging isang professional photographer.Hindi na rin siya naka-attend pa ng kasal naming dalawa, marahil ay dahil ayaw na rin niya akong makita pa. Pagkatapos kong bitawan sa kaniya ang masasakit na salitang iyon at mas nakakabuti na rin iyon para sa ikatatahimik naming lahat.

  • Painful love   Kabanata 70

    Mara's POVTinungo ko ang hospital na nakasaad sa medical result ni Ethan. Sumakay ako ng taxi upang mas mapabilis ang pagpunta ko roon, pagkababa ko naman ng sasakyan ay pinagmasdan ko ng maigi ang nasabing hospital. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung hospital na kung saan na-confined ang lola-lolahan nuon ni Ethan at kung saan din ako dinala nuon ni Andrew nang ako ay mapilayan, pagkatapos kong madulas sa loob ng banyo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumuloy na nga ako sa loob nito. Pagkapasok ko naman sa loob ay nadatnan ko ang ilang mga pasyente roon na nagpapabilad sa araw o kaya naman ay naglalakad-lakad.Pinagmamasdan ko ang bawat paligid ko, nagbabakasakaling makikita ko lang siya doon bilang isa sa mga pasyente. Sinubukan ko muling tawagan siya sa phone number niya, pero nakapatay pa rin ito at wala akong ring na naririnig. Sa kabil

  • Painful love   Kabanata 69

    Mara's POV Mahigit dalawang linggo ko nang nakakasama si Andrew sa lahat ng mga lakad ko, upang kumpletuhin ang mga kakailanganin sa nalalapit naming kasal ni Ethan at kung saan siya din dapat ang gumaganap sa ginagampanan ni Andrew ngayon. Halos mahigit dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Ethan, ni hindi man lang siya tumatawag sa akin upang kamustahin ako o kahit alamin man lang ang lagay ng preparation namin para sa kasal.Sa tuwing tinatawagan ko naman siya sa phone number niya ay palagi siyang out of coverage o kaya naman ay abala sa pagtatrabaho niya bilang isang doktor. Subalit, habang lumilipas ang segundo, minuto, oras at panahon ay unti-unti na din nagiging delikado ang nararamdaman ko para kay Andrew. Pakiramdam ko ay bumalik na naman ako sa dating ako na marupok at patay na patay sa kaniya.Sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya ay mas lalo pan

  • Painful love   Kabanata 68

    "Good morning, may i ask for, Doktor Ethan?" ang sabi ni Liza sa isang nurse receptionist sa nurse station. "Si Dok Ethan ba ang hinahanap mo?" kaagad din naman siyang napalingon sa babaeng doktor na nagsalita mula sa likuran niya. "Yes," tugon niya habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik. "Ako nga pala si doktor Ara, close friend at katrabaho ako ni dok Ethan." Pagpapakilala nito sa kaniya, sabay nilapag ang isa niyang kamay upang makipagkamayan sa kaniya. Hindi naman nagdalawang isip na hawakan ito ni Liza at ngumiti na lang sa kaniyang labi. "Ako naman si Liza, matalik niyang kaibigan." Pagpapakilala naman niya. "Ahh, i see. Puwede bang makausap muna kita sandali?" pagkasabi nito ay kaagad din naman silang nagtungo sa office nito, habang pinagmamasdan naman ng dalaga ang itsura ng office nito sa loob. "Pa

  • Painful love   Kabanata 67

    Sandaling hininto ni Andrew ang sasakyan sa isang tabi nang mapansin niyang nakatulog na pala si Mara sa tabi niya habang sila ay bumabyahe patungo sa bahay nito. Maingat siyang lumapit at inayos ang ulo nitong nakatabingi upang hindi mangalay ang kaniyang leeg. Pagkatapos non ay hinawi niya ang hibla ng buhok nitong natatakpan ang kalahati niyang mukha at saka sinilid sa likod ng tenga niya. Tahimik niya itong pinagmamasdan at naisipan niyang kuhanan ito ng litrato. Mga tatlong kuha ang ginawa niya at siyaka ito muling pinagmasdan ng maigi. "Paano ka nakakatulog ng mahimbing na katabi ako? ang lalaking nagpapaiyak sa'yo palagi at nagwasak ng iyong puso?" mahinang turan niya habang tinititigan niya ang maamo nitong mukha. "Patawad kung nanggulo na naman ako sa buhay mo. Patawad kung nagpakita na naman sa'yo ang manlolokong lalaking ito, patawad kung ito lang din ang magagawa

  • Painful love   Kabanata 66

    Kasalukuyang nasa loob ng italian restaurant si Mara, nakaupo sa reservation table na pina-reserve ni Ethan para sa kanilang dalawa at halos labing limang minuto na siyang naghihintay roon, ngunit hindi pa rin dumarating ang kaniyang nobyo.Nang may biglang nagsalita mula sa likuran niya at mabilis naman siyang napalingon sa pag-aakalang si Ethan na nga yung lalaking nakatayo roon."Mara?""Ethan-" subalit laking pagtataka na lamang niya nang makita si Andrew at tila parehas pa silang nagulat sa isa't-isa."A-anong ginagawa mo rito?" usisa ng dalaga sa kaniya na may bakas ng pagtataka sa mukha niya.Halos napatayo rin siya at palingon-lingon sa paligid nila, upang hagilapin ang fiancee nito subalit ni anino nito ay wala siyang nakita."Pinapunta ako rito ni Mr. Ethan at may importante raw siyang sasabihin sa akin," ang tinugon naman ni

DMCA.com Protection Status