"Nasaan na ba siya? bakit hindi niya sinasagot ang phone niya?" halos mag-aalas dos na nang madaling araw pero hindi pa rin umuuwi ng bahay si Andrew. Nag-aalala na tuloy ako sa kaniya, pagkatapos kasi naming magtalong dalawa ay hindi man lang siya sumasagot sa pagtawag o mga text ko sa kaniya.
Inaamin ko naman na may pagkakamali talaga ako sa ginawa kong iyon. Kaya nga nandito ako ngayon sa tapat ng bahay namin upang makipag-ayos sa kaniya at magpaliwanag sa mga nangyari. Kapwa parehas kasi kami nagpadala sa aming mga emosyon at alam ko rin naman na nasabi lang niya ang mga salitang iyon dahil hindi na niya makontrol ang sarili niya at ang lahat ng iyon ay walang katotohanan.Magtatatlong oras na yata akong nakatayo sa labas ng bahay namin, pero ni anino niya ay wala akong mahagilap. Alalang-alala na ako sa kaniya at hindi mapalagay sa kabang nararamdaman ko ngayon. Paikot-ikot lang ako sa loob ng bahay, tapos bi"Nasaan ako?" ang unang salitang bumigkas sa bibig ni Andrew nang imulat niya ang kaniyang mga mata at napansing nasa loob pala siya ng isang hindi pamilyar na kwarto.Nilibot niya ng tingin ang bawat sulok ng silid, hanggang sa napagtanto niyang may katabi na siyang ibang babae sa kama.Bumilog ang mga mata niya sa gulat at mabilis na umatras sa pilyang dalaga na nasa tabi niya."Sino ka? at a-anong ginagawa mo rito sa loob ng kwarto ko?" usisa niya na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha. Ngumisi naman si Liza nang mapansin niyang nagising na ito at biglang natauhan."Gising ka na pala?" nakangiwing turan niya sa binata. Tila napansin naman kaagad ni Andrew ang cellphone niya na hawak nito, kaya sinubukan niyang agawin ito sa dalaga pero mabilis naman itong pumalag sa kaniya."Bakit hawak mo 'yang cellphone ko?" aniya at magkasalubong
"Mahal, may kumakatok sa pintuan. Pagbuksan mo nga sandali at baka masunog na itong niluluto ko." Sandali naman tumayo ang asawa nito at nagtungo sa tapat ng pintuan. Pagkabukas niya ng pintuan ay tumambad kaagad sa kaniya ang anak nitong si Mara."Oh? Mara, anak. Buti napasyal ka yata? sinong kasama mo? nasaan si Andrew?" tanong ng kaniyang ama na may guhit ng ngiti sa labi niya. "Mahal, sino ba yung-" naputol naman ang sinasabi ng ginang, nang lumapit siya sa asawa niya at napagtantong si Mara pala ang kanina pang kumakatok sa tapat ng pintuan nila. "Anak!" ani ng kaniyang ina habang pinagmamasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Napansin niyang may mga bitbit itong bagahe at matamlay ang kaniyang mukha. Tila nakutuban na kaagad ng ginang ang dahilan ng pagpunta roon ng kanilang anak. Kaya nilapitan niya ito kaagad at saka niyakap ng mahigpit. Nabitawan na lang bi
Magda-dalawang linggo na magmula noong umalis ako sa tinutuluyan naming dalawa ni Andrew. Panay pa rin ang pagtawag niya sa akin pero binabalewala ko lang iyon.Aaminin ko, namimiss ko na siya at parang gusto ko muling masilayan ang mukha niya. Subalit natatakot na ako. Natatakot ako na baka may matuklasan pa akong lihim niya. Sobra-sobra na ang mga ginawa niya sa akin at parang nawawalan na rin ako ng ganang magmahal pa ng iba. Mayroon pa rin namang natitirang pagmamahal dito sa puso ko pero ang kalahati nito ay nasakop na ng lungkot at pasakit sa ginawa niya. Ramdam ko pa rin ang sakit na iyon at poot sa aking dibdib, lalo na sa tuwing naaalala ko siya. Gayunpaman ay masaya na ako sa simpleng pamumuhay ko rito sa probinsya namin. Tama lang ang naging desisyon ko na umuwi rito, dahil nakakalanghap ako ng sariwang simoy ng hangin at nakakapag-isip ako ng payapa.
"Mahal, may tao yata. May kumakatok sa pintuan, pagbuksan mo nga sandali at may ginagawa ako." Utos ng ginang sa kaniyang asawa na kasalukuyan namang nanunuod ng paborito niyang teleserye sa telebisyon. Tumingin muna siya sa wall clock nila bago ito tumayo sa kinauupuan niya. "Aba! mag-aalas otso na pala ng gabi, bakit hindi pa rin umuuwi ang anak mo? nagsabi ba siya sa'yo na doon muna siya matutulog ngayong gabi sa lola niya?" tanong niya habang naglalakad siya patungo sa pintuan. "Wala naman siyang sinabi sa akin, tignan mo nga at baka siya na iyan." Ang tinugon nito sa kaniya. Mabilis naman niyang pinihit pabukas ang pintuan at tila biglang naglaho ang guhit ng ngiti sa kaniyang labi nang bumungad sa harapan niya ang hindi inaasahang bisita. "Magandang gabi po, Tito." Bati ni Andrew sa kaniya. Medyo natagalan sa pagsasalita ang ginoo at pinagmamasdan niya ang bi
"Mara!" natigilan na lamang ang dalaga nang tawagin siya ni Andrew at napakuyom sa kaniyang kamao. Mabilis naman tumakbo ang binata palapit sa kaniya at yumakap sa likuran niya."Mara, i'm sorry. Patawarin mo ako sa mga nagawa kong kasalanan sa'yo. Saktan mo na lang ako o kahit mura-murahin mo na lang ako tatanggapin ko. Pero, please.. huwag mo akong iwan. Mahal kita, Mara! mahal na mahal. Hindi ko kayang mabuhay ng mag-isa kapag wala ka." Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Kasabay non ang pagpatak ng luha sa gilid ng kanilang mga mata. Napakagat na lang sa ibabang labi ang dalaga at pilit na pinipigilan ang kaniyang sarili."Mahal na mahal kita. Nakikiusap ako sa'yo, bumalik ka na sa akin." Ang sabi pa nito sa kaniya. Sandaloi namang inalis ng dalaga ang kamay nitong nakapulupot sa kaniya at saka siya itinulak papalayo. Humarap siya sa binata na may matalim na tingin sa mga mata at paulit-ulit siyang hinaha
Dahil sa lakas ng ulan ay naisipan naming maghanap muna ni Andrew ng matutuluyan pansamantala. Hindi naman kasi ako makakabalik kaagad sa bahay namin, gayung hindi pa humuhupa ang galit sa aming dalawa ni Papa at tiyak ko na malayo pa ang lalakbayin naming dalawa, bago niya kami patawarin.Tumuloy kaming dalawa sa isang motel. Sa totoo lang, wala na talaga kaming ibang choice dahil ito lang naman ang bukas sa ganitong oras. Mag-aalas dose na kasi ng hating gabi at parehas pa kaming basang-basa sa malakas na ulan, kaya napilitan na lang kaming tumuloy sa ganitong lugar.Hindi naman gaano kalakihan yung nirentahan naming kwarto. Sakto lang para sa dalawang tao, ngunit ang mas pinoporoblema ko ay nung mapalingon ako sa kama at napansing nag-iisa lamang iyon.Sa hindi maipaliwanang na kadahilanan ay biglan na lang akong nakaramdam ng pag-iinit sa aking buong katawan. Nakatulal
Nagising na langa ko bigla nang humalik si Andrew sa noo ko. Pagkamulat ko ng aking mga mata, napagtanto kong nakahiga na kaming dalawa sa kama habang nakasandal ang ulo niya sa pader at nakatitig sa akin.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bumaba ang tingin ko sa tiyan niya. Hubad pa rin ang katawan naming dalawa at tangging yung maiksing kumot lang ang nagsisilbing pantakip sa maselang bahagi ng aming mga katawan."Good morning, my princess." Aniya sa malambing boses na lalong nagpainit sa aking katawan. Umagang-umaga pero parang nagliliyab na itong pakiramdam ko sa tuwing naiisip ko na hubo't hubad kaming dalawa.Hindi ako tumugon sa kaniya. Bagkus ay tinakpan ko na lang ang mukha ko ng dalawang kamay at nahihiya akong tumungin sa kaniya. Narinig ko ang pagbungisngis niya at marahang umusod ng kaunti palapit sa akin."Bakit mo tinatakpan ang mukha mo? hindi pa ako tapos na titigan k
"Anong ginagawa niyong dalawa rito? lumayas kayo! umalis sabi kayo!" ang paulit-ulit na sambit ng ama ni Mara sa kanilang dalawa ni Andrew, habang tinataboy silang pareho sa tapat ng bahay nito."Pa! makinig na muna kayo sa amin!" ang pakiusap ng dalaga sa kaniyang ama. Ngunit nagmamatigas pa rin ito at hinahagis sa labas ang mga gamit niya."Mahal! ano ba ang ginagawa mo sa anak mo? hayaan mong makapagpaliwanag na muna sila sa atin!" ani naman ng asawa nito habang pinipigilan siya sa braso."Anong anak? magmula nung sumama siya sa lalaking iyon, wala na akong kinikilalanga anak!" saad nito at patuloy pa rin sa pagmamakaawa si Mara. Hanggang sa natigilan na lang sila nang lumapit si Andrew sa mga magulang nito at saka lumuhod."Andrew, anong ginagawa mo?" usisa ng dalagita sa kaniyang nobyo.Hindi naman nagsalita si Andrew at nakaluhod pa rin siya ha
"Paniguradong masaya na si Lolo Andrew, kung nasaan man siya ngayon." Ang winika ni Juanito sa kaniyang nobya habang nakatayo ito sa harap ng puntod ni Andrew."Siya nga pala, maaari ba akong magtanong tungkol sa lolo mo?" usisa ni Maria sa kaniya."Oo naman. Ano ba yung itatanong mo?" nakangiting saad nito sa kaniya."Bakit dito inilibing ang lolo mo, imbis sa tabi ng asawa niya?" tanong niya, sabay inakbayan siya sa balikat ni Juanito."Ang totoo niyan hindi talaga sila ikinasal dalawa. Nabuntis si Lola noon ng ex boyfriend niya at hindi siya pinagutan nito. Tinakbuhan siya nito at nagtago sa malayong lugar kung saan hindi siya mahahanap ni Lola." Ang tinugon niya sa kaniya."Ibig mong sabihin, hindi niya tunay na anak ang Papa mo?" aniya at saka naman tumango sa ulo si Juanito."Hindi man niya tunay na kadugo si Dad, pero itinuring niya kami na parang tunay niyan
(Andrew's Epilogue)Nabalitaan ko na lang mula sa mga dati naming mga kakilala at kaibigan noon, na namaalam na si Mara.Huli na nang malaman ko ito at limang taon na ang nakakalipas magmula ng pumanaw siya.Pasikreto akong tumungo sa puntod niya na walang ibang kasama, kun'di ako lamang mag-isa.Matanda na kasi ako at hindi na rin gaanong kalakasan ang mga buto't laman ko. Makalimutin na din ako at palagi akong naliligaw ng daan, kaya madalas akong sinasamahan ng apo kong si Juanito.Pero nung nalaman ko ang tungkol kay Mara ay inilihim ko sa kaniya ang plano kong pagpunta sa puntod niya.Ayokong makaabala pa sa kaniya lalo na't marami rin siyang inaasikaso tungkol sa nalalapit nilang kasal ng kasintahan niyang si Maria.Sa araw na iyon ay tumakas ako sa bahay namin. Dala ang lumang pitaka ko na halos magsasampung taon na at isang pirasong rosas na binili ko lang sa batang naglalako ng
(Epilogue)"Masyado ba kitang pinaghintay ng matagal?" Bigla na lang napalingon si Mara sa pamilyar na boses na kaniyang narinig."Ethan?" aniya na bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Gumuhit naman ng malawak na ngiti sa labi ang binata at saka ito humakbang palapit sa kaniya. Halos natulala naman si Mara at hindi makapaniwala nang muli niyang masilayan ang mukha ni Ethan."Patawad kung pinaghintay kita ng kay tagal." Mahinang sambit nito sa kaniya.Bigla naman tumulo ang luha sa gilid ng mata ni Mara, habang pinagmamasdan niya si Ethan."Siya nga pala, para sa pinakamamahal ko." Dugtong nito sabay inilabas mula sa likod niya ang isang palumpon ng mga rosas.Tinitigan muna ito ni Mara at saka siya gumuhit ng ngiti sa kaniyang labi."Namiss kita ng sobra, Mara. Patawad kung iniwan kita ng mag-isa at pinaghintay
Mara's POVSumapit ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Ethan, ang araw ng kasal naming dalawa.Kahit bumigay na rin ang kaniyang katawan at hindi na siya nakakakita pa ay tinuloy pa rin namin ang aming kasal. Hindi ako umalis sa tabi niya, katulad ng mga ipinangako ko sa kaniya. Inalagaan ko siya at binantayan minu-minuto, oras-oras. Ayokong mawalay siya sa aking paningin kahit isang segundo lang o kahit sa isang kisapmata. Kung minsan ay napapaiyak na lang ako sa loob ng banyo at tinatakpan ang aking bibig, upang mailabas ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Nalaman ko na lang din na tumungo na si Andrew sa ibang bansa, upang kamtin ang matagal na niyang pinapangarap na maging isang professional photographer.Hindi na rin siya naka-attend pa ng kasal naming dalawa, marahil ay dahil ayaw na rin niya akong makita pa. Pagkatapos kong bitawan sa kaniya ang masasakit na salitang iyon at mas nakakabuti na rin iyon para sa ikatatahimik naming lahat.
Mara's POVTinungo ko ang hospital na nakasaad sa medical result ni Ethan. Sumakay ako ng taxi upang mas mapabilis ang pagpunta ko roon, pagkababa ko naman ng sasakyan ay pinagmasdan ko ng maigi ang nasabing hospital. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung hospital na kung saan na-confined ang lola-lolahan nuon ni Ethan at kung saan din ako dinala nuon ni Andrew nang ako ay mapilayan, pagkatapos kong madulas sa loob ng banyo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumuloy na nga ako sa loob nito. Pagkapasok ko naman sa loob ay nadatnan ko ang ilang mga pasyente roon na nagpapabilad sa araw o kaya naman ay naglalakad-lakad.Pinagmamasdan ko ang bawat paligid ko, nagbabakasakaling makikita ko lang siya doon bilang isa sa mga pasyente. Sinubukan ko muling tawagan siya sa phone number niya, pero nakapatay pa rin ito at wala akong ring na naririnig. Sa kabil
Mara's POV Mahigit dalawang linggo ko nang nakakasama si Andrew sa lahat ng mga lakad ko, upang kumpletuhin ang mga kakailanganin sa nalalapit naming kasal ni Ethan at kung saan siya din dapat ang gumaganap sa ginagampanan ni Andrew ngayon. Halos mahigit dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Ethan, ni hindi man lang siya tumatawag sa akin upang kamustahin ako o kahit alamin man lang ang lagay ng preparation namin para sa kasal.Sa tuwing tinatawagan ko naman siya sa phone number niya ay palagi siyang out of coverage o kaya naman ay abala sa pagtatrabaho niya bilang isang doktor. Subalit, habang lumilipas ang segundo, minuto, oras at panahon ay unti-unti na din nagiging delikado ang nararamdaman ko para kay Andrew. Pakiramdam ko ay bumalik na naman ako sa dating ako na marupok at patay na patay sa kaniya.Sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya ay mas lalo pan
"Good morning, may i ask for, Doktor Ethan?" ang sabi ni Liza sa isang nurse receptionist sa nurse station. "Si Dok Ethan ba ang hinahanap mo?" kaagad din naman siyang napalingon sa babaeng doktor na nagsalita mula sa likuran niya. "Yes," tugon niya habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik. "Ako nga pala si doktor Ara, close friend at katrabaho ako ni dok Ethan." Pagpapakilala nito sa kaniya, sabay nilapag ang isa niyang kamay upang makipagkamayan sa kaniya. Hindi naman nagdalawang isip na hawakan ito ni Liza at ngumiti na lang sa kaniyang labi. "Ako naman si Liza, matalik niyang kaibigan." Pagpapakilala naman niya. "Ahh, i see. Puwede bang makausap muna kita sandali?" pagkasabi nito ay kaagad din naman silang nagtungo sa office nito, habang pinagmamasdan naman ng dalaga ang itsura ng office nito sa loob. "Pa
Sandaling hininto ni Andrew ang sasakyan sa isang tabi nang mapansin niyang nakatulog na pala si Mara sa tabi niya habang sila ay bumabyahe patungo sa bahay nito. Maingat siyang lumapit at inayos ang ulo nitong nakatabingi upang hindi mangalay ang kaniyang leeg. Pagkatapos non ay hinawi niya ang hibla ng buhok nitong natatakpan ang kalahati niyang mukha at saka sinilid sa likod ng tenga niya. Tahimik niya itong pinagmamasdan at naisipan niyang kuhanan ito ng litrato. Mga tatlong kuha ang ginawa niya at siyaka ito muling pinagmasdan ng maigi. "Paano ka nakakatulog ng mahimbing na katabi ako? ang lalaking nagpapaiyak sa'yo palagi at nagwasak ng iyong puso?" mahinang turan niya habang tinititigan niya ang maamo nitong mukha. "Patawad kung nanggulo na naman ako sa buhay mo. Patawad kung nagpakita na naman sa'yo ang manlolokong lalaking ito, patawad kung ito lang din ang magagawa
Kasalukuyang nasa loob ng italian restaurant si Mara, nakaupo sa reservation table na pina-reserve ni Ethan para sa kanilang dalawa at halos labing limang minuto na siyang naghihintay roon, ngunit hindi pa rin dumarating ang kaniyang nobyo.Nang may biglang nagsalita mula sa likuran niya at mabilis naman siyang napalingon sa pag-aakalang si Ethan na nga yung lalaking nakatayo roon."Mara?""Ethan-" subalit laking pagtataka na lamang niya nang makita si Andrew at tila parehas pa silang nagulat sa isa't-isa."A-anong ginagawa mo rito?" usisa ng dalaga sa kaniya na may bakas ng pagtataka sa mukha niya.Halos napatayo rin siya at palingon-lingon sa paligid nila, upang hagilapin ang fiancee nito subalit ni anino nito ay wala siyang nakita."Pinapunta ako rito ni Mr. Ethan at may importante raw siyang sasabihin sa akin," ang tinugon naman ni