Home / Romance / Painful love / Kabanata 32

Share

Kabanata 32

Author: Señorita
last update Huling Na-update: 2022-02-27 13:57:51

(Len's POV)

"Naku, bakit kaya wala pa ang mag-lolang iyon? mukhang nag-enjoy yata sila masyado sa pamamasyal." Ang sabi ko sa sarili habang tinutupi ko ang kumot ni Aling Teresa at inaayos ang mga damit niya.

Gusto ko sanang maabutan niya na maayos ang higaan at mga gamit niya sa pagdating nilang dalawa ni Ethan. Nasasabik na akong makipagkwentuhan ulit sa kaniya. Halos dalawang araw kasi silang nawala rito sa hospital upang mamasyal, habang naiwan naman akong mag-isa rito at pagatas-gatas na lang.

Narinig ko sa isang nurse na ngayong araw din ang pagbalik nila sa hospital. Kaya nagmuni-muni muna ako sa labas ng kuwarto habang may hawak hawak pa ring isang basong mainit na gatas.

"Hello, good morning!" isa-isa kong binabati yung mga taong nakakasalubong ko pasyente, doktor o nurse man iyan. Hindi na kasi ako makapaghintay na makita silang dalawa at naipon na rin sa isipan
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Painful love   Kabanata 33 : Goodbye and Thank you

    Ethan's POVAugust 01, 2019. Ang araw na nawala sa buhay ko ang dalawang babaeng naging parte ng aking puso. Halos sila lang din ang dahilan kung bakit palagi akong nasasabik na umuwi at hinihintay ang pag-ikot ng orasan. Nasanay na ako sa pagtapos ng klase ay dumeretso ako kaagad sa bakery at bumibili ng paborito naming spanish bread. Pagkatapos ay tatakbo ako at apurahang papasok sa loob ng hospital. "Aling Tere, Aling Len!" at pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng kuwarto ay kinakawayan ko na sila mula sa tapat ng pinto. Palagi ganoon ang ikot ng maghapong araw ko, pero hindi ako nagsasawa bagkus ay mas lalo pa akong nasasabik na makita sila at makipagkwentuhan.Pero ngayong araw na ito, hindi ko alam kung kakayanin ko pang gumising at bumangon sa umaga pagkatapos ng mga nangyari. Hindi ko alam kung magiging okay pa ako, pagkatapos ng lahat.Ang hirap, sobrang hirap maka

    Huling Na-update : 2022-02-27
  • Painful love   Kabanata 34

    Kasalukuyang dinala ni Mara ang binatang si Ethan sa isang gotohan. Umupo silang dalawa bakanteng lamesa habang pinagmamasdan naman ni Ethan ang bawat paligid nila. "Anong klaseng lugar 'to?" usisa niya sa dalaga na may bakas na pagtataka sa kaniyang mukha. "Huh? ano ang ibig mong sabihin? huwag mong sabihin na ngayon ka lang nakapunta rito?" aniya at napatango lang sa ulo ang inosenteng binata. Napahawak naman sa bibig si Mara at sinundot ang pisngi nito. "Oh my gosh! totoo ba?" "Oo, bakit?" "Sandali, ikaw ba talaga yung Ethan na nakilala ko?" "Huh?" pagtataka niya sabay napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. "Sabihin mo nga, sino ka ba talaga?" tanong niya nang bigla naman lumapit yung tindera sa kanila at nilapag sa lamesa ang dalawang mangkok na may punong-puno ng mainit na goto.

    Huling Na-update : 2022-02-27
  • Painful love   Kabanata 35

    "Umf, wait for a minute."Binaba ng anunsyador ang kaniyang maykropono at lumingon siya sa mga staff nila kung bakit hindi pa rin lumalabas si Mara mula sa back stage, gayong nakailang ulit na itong nag-anusyo at binanggit ang kaniyang pangalan.Tila ang lahat ay nangamba at nagtataka sa mga nangyayari. Maging si Ethan ay hindi mapalagay, kung kaya't naisipan niyang puntahan ang dalaga. Subalit nakakailang hakbang pa lamang siya nang bigla itong lumabas at sumulpot sa kanilang harapan.Sweeheart mermaid wedding dress, iyon ang kasalukuyang gown na suot ni Mara habang naka-heels siyang kulay pula na medyo may kataasan. Kaya naman parang nahihirapan siyang maglakad at hindi rin siya komportableng ipakita sa ibang tao ang makinis niyang balat, pati na rin ang perfect cleavage line niya na mas bumagay lalo sa revealing dress nito."Okay, here she comes our last bride Ms. Mara!" anunsyo nito sa dalaga sabay

    Huling Na-update : 2022-03-01
  • Painful love   Kabanata 36

    "Well, puwede ba muna naming malaman kung gaano na katagal sina contestant number one?" biglang turo ni Ethan sa unang magkapareha, kaya lumapit ang anunsyador at inabot ang maykropono na hawak niya."Okay, tinatanong ng huling contestant natin kung gaano na raw ba kayo katagal nagsasama bilang magkasintahan?" tanong niya. Tila napakunot noo naman si Mara sa sinabi ni Ethan at may bakas na pagtataka sa kaniyang mukha."Medyo matagal na rin po, mga itong taon." Tugon ng lalaki sa kaniya. "Wow!" halos napanganga na lang sila at namangha sa matibay na pagsasamahan ng dalawa."By the way, sa mahigit pitong taon na iyon ay wala pa rin ba kayong balak na magpakasal?" tanong niya ulit. Nagkatinginan muna silang dalawa at nagsimula na mangilid ang mga luha sa mata ng magkasintahan."O bakit parang naging emosyonal yata kayong dalawa? may mali ba akong nasabi sa inyo?" usi

    Huling Na-update : 2022-03-01
  • Painful love   Kabanata 37

    (Ethan's POV) "Congratulations, contestant number five!" nag-anunsyo na ang anunsyador pero tila lutang pa rin ang isipan ko at nabingi ako sa aking narinig. Tinamaan ako sa siko ni Mara, kung kaya't napalingon ako sa kaniya at may bakas na pagtataka sa mukha. "Ano raw?" usisa ko. "Ethan, nanalo daw tayo." Ang sabi niya.Narinig ko naman yung sinabi ng anunsyador pero tila ayaw lang talaga tanggapin ng isipan ko ang katotohanang, nanalo nga kami. "Congratulations to the both of you, at heto na nga! ang pinaka-inaabangan ng lahat. Ang couple kiss prize mula kina contestant number five!" anunsyo pa nito na lalong nagpaingay sa buong sambayanan at parang pinagpipiyestahan kaming dalawa. "Ethan, gumawa ka ng paraan. Hindi maaari 'to." Bulong ni Mara sa akin. Sa boses pa lang niya ay tansya ko na kung gaano siya kinakabahan. Sabagay, hindi ko naman talaga siya

    Huling Na-update : 2022-03-01
  • Painful love   Kabanata 38

    "Andrew, ano ba? nasasaktan ako! bitawan mo na nga ako!" pagpupumiglas na turan ni Mara sa kaniyang nobyo habang kinakaladkad siya nito sa paglalakad at mahigpit na hinahawakan sa wrist niya. Suot pa rin ng dalaga ang wedding dress niya at hindi man lang siya pinagbihis muna nito bago siya kaladkarin palayo sa nasabing patimpalak. Nang makalayo-layo na silang dalawa ay saka lang ito huminto sa paglalakad at binitawan ang kaniyang kamay. Nakatalikod pa rin siya sa dalaga na may kunot sa noo at halatang may poot sa kaniyang nararamdaman. "Andrew, hayaan mong magpaliwanag muna ako sa'yo. Kung ano man ang iniisip mo ngayon-" bigla siyang pinutulan sa pagsasalita nang lumingon ito sa kaniya at pangunahan siya. "Mali? iyon ba ang gusto mong ipaliwanag sa akin ngayon? gusto mong isipin ko na mali yung mga iniisip ko, pagkatapos makita mismo ng dalawang mata ko ang pi

    Huling Na-update : 2022-03-01
  • Painful love   Kabanata 39

    Andrew's POV"What?" halos napatayo sa sobrang gulat si Mr. Lee nang sabihin kong magreresign na ako bilang manager sa restaurant niya. "Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo, Andrew? halos kakapromote ko pa lang sa iyo as a manager, pagkatapos magreresign ka na kaagad?" ang sabi pa nito pero yumuko na lang ako at nanatiling tahimik sa harapan niya. Alam ko rin naman na mabigat itong bibitawan kong posisyon, pero sa tuwing pumapasok ako sa restaurant na iyon ay palagi ko lang naaalala si Mara at sa naganap na kaguluhan nuon. Sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang tungkol sa kaganapang iyon ay para rin akong unti-unting sinasaksak sa puso ko. Inaamin ko naman sa aking sarili na talagang may pagkakamali rin ako sa pangyayaring iyon. Naging duwag ako at walang kuwentang nobyo sa harapan niya noong araw na iyon. Hindi ko man lang nagawang protektahan siya sa harap ng mga mapanghusgang mata. Nagi

    Huling Na-update : 2022-03-01
  • Painful love   Kabanata 40

    (Andrew's POV)"Andrew, bakit?" sandali siyang natigilan sa paglalakad at napalingon sa akin. Doon ko lang napagtantong nakahawak na pala ako sa braso niya, kaya kaagad ko din siyang binitawan."I'm sorry." Ang nasabi ko na lang sa kaniya."May problema ba, Andrew?" tanong niya pero napayuko na lang ako at pilit na ngumiti sa kaniya."Wa-wala naman.""Teka, may alam akong malapit na coffee shop dito. Gusto mo bang magkape muna habang nagkukwentuhan tayo? maaga pa naman e at saka hindi naman urgent yung pupuntahan ko. Pero ikaw, kung gusto mo lang naman." Anyaya niya. Gusto ko sanang sumagot ng oo, sa kaniya pero bigla ko rin naisip na wala nga pala akong pera. Nakakahiya naman kung magpapalibre ako sa kaniya, especially ex ko pa naman siya."Kase-" magdadahilan pa lang sana ko nang pangunahan na niya ako kaagad."Treat ko! halika na, bawal tumaggi sa grasya." Aniya a

    Huling Na-update : 2022-03-03

Pinakabagong kabanata

  • Painful love   Kabanata 74

    "Paniguradong masaya na si Lolo Andrew, kung nasaan man siya ngayon." Ang winika ni Juanito sa kaniyang nobya habang nakatayo ito sa harap ng puntod ni Andrew."Siya nga pala, maaari ba akong magtanong tungkol sa lolo mo?" usisa ni Maria sa kaniya."Oo naman. Ano ba yung itatanong mo?" nakangiting saad nito sa kaniya."Bakit dito inilibing ang lolo mo, imbis sa tabi ng asawa niya?" tanong niya, sabay inakbayan siya sa balikat ni Juanito."Ang totoo niyan hindi talaga sila ikinasal dalawa. Nabuntis si Lola noon ng ex boyfriend niya at hindi siya pinagutan nito. Tinakbuhan siya nito at nagtago sa malayong lugar kung saan hindi siya mahahanap ni Lola." Ang tinugon niya sa kaniya."Ibig mong sabihin, hindi niya tunay na anak ang Papa mo?" aniya at saka naman tumango sa ulo si Juanito."Hindi man niya tunay na kadugo si Dad, pero itinuring niya kami na parang tunay niyan

  • Painful love   Kabanata 73

    (Andrew's Epilogue)Nabalitaan ko na lang mula sa mga dati naming mga kakilala at kaibigan noon, na namaalam na si Mara.Huli na nang malaman ko ito at limang taon na ang nakakalipas magmula ng pumanaw siya.Pasikreto akong tumungo sa puntod niya na walang ibang kasama, kun'di ako lamang mag-isa.Matanda na kasi ako at hindi na rin gaanong kalakasan ang mga buto't laman ko. Makalimutin na din ako at palagi akong naliligaw ng daan, kaya madalas akong sinasamahan ng apo kong si Juanito.Pero nung nalaman ko ang tungkol kay Mara ay inilihim ko sa kaniya ang plano kong pagpunta sa puntod niya.Ayokong makaabala pa sa kaniya lalo na't marami rin siyang inaasikaso tungkol sa nalalapit nilang kasal ng kasintahan niyang si Maria.Sa araw na iyon ay tumakas ako sa bahay namin. Dala ang lumang pitaka ko na halos magsasampung taon na at isang pirasong rosas na binili ko lang sa batang naglalako ng

  • Painful love   Kabanata 72

    (Epilogue)"Masyado ba kitang pinaghintay ng matagal?" Bigla na lang napalingon si Mara sa pamilyar na boses na kaniyang narinig."Ethan?" aniya na bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Gumuhit naman ng malawak na ngiti sa labi ang binata at saka ito humakbang palapit sa kaniya. Halos natulala naman si Mara at hindi makapaniwala nang muli niyang masilayan ang mukha ni Ethan."Patawad kung pinaghintay kita ng kay tagal." Mahinang sambit nito sa kaniya.Bigla naman tumulo ang luha sa gilid ng mata ni Mara, habang pinagmamasdan niya si Ethan."Siya nga pala, para sa pinakamamahal ko." Dugtong nito sabay inilabas mula sa likod niya ang isang palumpon ng mga rosas.Tinitigan muna ito ni Mara at saka siya gumuhit ng ngiti sa kaniyang labi."Namiss kita ng sobra, Mara. Patawad kung iniwan kita ng mag-isa at pinaghintay

  • Painful love   Kabanata 71

    Mara's POVSumapit ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Ethan, ang araw ng kasal naming dalawa.Kahit bumigay na rin ang kaniyang katawan at hindi na siya nakakakita pa ay tinuloy pa rin namin ang aming kasal. Hindi ako umalis sa tabi niya, katulad ng mga ipinangako ko sa kaniya. Inalagaan ko siya at binantayan minu-minuto, oras-oras. Ayokong mawalay siya sa aking paningin kahit isang segundo lang o kahit sa isang kisapmata. Kung minsan ay napapaiyak na lang ako sa loob ng banyo at tinatakpan ang aking bibig, upang mailabas ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Nalaman ko na lang din na tumungo na si Andrew sa ibang bansa, upang kamtin ang matagal na niyang pinapangarap na maging isang professional photographer.Hindi na rin siya naka-attend pa ng kasal naming dalawa, marahil ay dahil ayaw na rin niya akong makita pa. Pagkatapos kong bitawan sa kaniya ang masasakit na salitang iyon at mas nakakabuti na rin iyon para sa ikatatahimik naming lahat.

  • Painful love   Kabanata 70

    Mara's POVTinungo ko ang hospital na nakasaad sa medical result ni Ethan. Sumakay ako ng taxi upang mas mapabilis ang pagpunta ko roon, pagkababa ko naman ng sasakyan ay pinagmasdan ko ng maigi ang nasabing hospital. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung hospital na kung saan na-confined ang lola-lolahan nuon ni Ethan at kung saan din ako dinala nuon ni Andrew nang ako ay mapilayan, pagkatapos kong madulas sa loob ng banyo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumuloy na nga ako sa loob nito. Pagkapasok ko naman sa loob ay nadatnan ko ang ilang mga pasyente roon na nagpapabilad sa araw o kaya naman ay naglalakad-lakad.Pinagmamasdan ko ang bawat paligid ko, nagbabakasakaling makikita ko lang siya doon bilang isa sa mga pasyente. Sinubukan ko muling tawagan siya sa phone number niya, pero nakapatay pa rin ito at wala akong ring na naririnig. Sa kabil

  • Painful love   Kabanata 69

    Mara's POV Mahigit dalawang linggo ko nang nakakasama si Andrew sa lahat ng mga lakad ko, upang kumpletuhin ang mga kakailanganin sa nalalapit naming kasal ni Ethan at kung saan siya din dapat ang gumaganap sa ginagampanan ni Andrew ngayon. Halos mahigit dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Ethan, ni hindi man lang siya tumatawag sa akin upang kamustahin ako o kahit alamin man lang ang lagay ng preparation namin para sa kasal.Sa tuwing tinatawagan ko naman siya sa phone number niya ay palagi siyang out of coverage o kaya naman ay abala sa pagtatrabaho niya bilang isang doktor. Subalit, habang lumilipas ang segundo, minuto, oras at panahon ay unti-unti na din nagiging delikado ang nararamdaman ko para kay Andrew. Pakiramdam ko ay bumalik na naman ako sa dating ako na marupok at patay na patay sa kaniya.Sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya ay mas lalo pan

  • Painful love   Kabanata 68

    "Good morning, may i ask for, Doktor Ethan?" ang sabi ni Liza sa isang nurse receptionist sa nurse station. "Si Dok Ethan ba ang hinahanap mo?" kaagad din naman siyang napalingon sa babaeng doktor na nagsalita mula sa likuran niya. "Yes," tugon niya habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik. "Ako nga pala si doktor Ara, close friend at katrabaho ako ni dok Ethan." Pagpapakilala nito sa kaniya, sabay nilapag ang isa niyang kamay upang makipagkamayan sa kaniya. Hindi naman nagdalawang isip na hawakan ito ni Liza at ngumiti na lang sa kaniyang labi. "Ako naman si Liza, matalik niyang kaibigan." Pagpapakilala naman niya. "Ahh, i see. Puwede bang makausap muna kita sandali?" pagkasabi nito ay kaagad din naman silang nagtungo sa office nito, habang pinagmamasdan naman ng dalaga ang itsura ng office nito sa loob. "Pa

  • Painful love   Kabanata 67

    Sandaling hininto ni Andrew ang sasakyan sa isang tabi nang mapansin niyang nakatulog na pala si Mara sa tabi niya habang sila ay bumabyahe patungo sa bahay nito. Maingat siyang lumapit at inayos ang ulo nitong nakatabingi upang hindi mangalay ang kaniyang leeg. Pagkatapos non ay hinawi niya ang hibla ng buhok nitong natatakpan ang kalahati niyang mukha at saka sinilid sa likod ng tenga niya. Tahimik niya itong pinagmamasdan at naisipan niyang kuhanan ito ng litrato. Mga tatlong kuha ang ginawa niya at siyaka ito muling pinagmasdan ng maigi. "Paano ka nakakatulog ng mahimbing na katabi ako? ang lalaking nagpapaiyak sa'yo palagi at nagwasak ng iyong puso?" mahinang turan niya habang tinititigan niya ang maamo nitong mukha. "Patawad kung nanggulo na naman ako sa buhay mo. Patawad kung nagpakita na naman sa'yo ang manlolokong lalaking ito, patawad kung ito lang din ang magagawa

  • Painful love   Kabanata 66

    Kasalukuyang nasa loob ng italian restaurant si Mara, nakaupo sa reservation table na pina-reserve ni Ethan para sa kanilang dalawa at halos labing limang minuto na siyang naghihintay roon, ngunit hindi pa rin dumarating ang kaniyang nobyo.Nang may biglang nagsalita mula sa likuran niya at mabilis naman siyang napalingon sa pag-aakalang si Ethan na nga yung lalaking nakatayo roon."Mara?""Ethan-" subalit laking pagtataka na lamang niya nang makita si Andrew at tila parehas pa silang nagulat sa isa't-isa."A-anong ginagawa mo rito?" usisa ng dalaga sa kaniya na may bakas ng pagtataka sa mukha niya.Halos napatayo rin siya at palingon-lingon sa paligid nila, upang hagilapin ang fiancee nito subalit ni anino nito ay wala siyang nakita."Pinapunta ako rito ni Mr. Ethan at may importante raw siyang sasabihin sa akin," ang tinugon naman ni

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status