Humahangang tiningala ni Vans ang malaking mansyon na pinagdalhan sa kanya ng driver ni Mrs. Valdemor. Humugot ng hangin sa dibdib ang dalaga bago pumasok sa bakal at higanteng tarangkahan. She could feel the rapid beats of her heart, Kinakabahan na 'di niya mawari. Kung pagbabasehan niya ang kuwento ng mga kapwa niya nurses na unang ipinadala ni Mrs. Valdemore ay ubod ng kaguwapuhan ang anak ng ginang subalit beast naman daw ang ugali nito. But of course, she knew the guy already. Bukod sa pagiging tanyag na racer at super yaman nito ay pinsan buo pa ito ng asawa ng ate Dhalia niya. She swallowed hard. Hindi naman siguro siya pagsusungitan ng lalaki dahil parte ng Valdemore ang kapatid niya? Kahit paano ay nakaramdam siya ng kapanatagan sa pakaisipin 'yon. Muli ay ibinalik ni Vans ang paningin sa maganda at kahanga–hangang Spanish architecture ng malaking mansion. Hinuha niya ay mas maganda pa ang bahay ni Michael sa mga mamayamang artista sa bansa. Kung sa bagay ay bilyonaryo nga pala ang lalaki. Ang mga artista ay nagkakaroon lang marahil ng malaking halaga kung mayroon silang mga projects or movies. Bigla ay naisip niya kung gaano kasuwerte ang ate Dhalia niya. Katulad ng beast na nakatira sa loob ng Massive mansion sa harapan niya ay super yaman din ng bayaw niyang si Lohan Valdemore. Mabait, matulungin at super pogi pa. Wala sa loob na napangiti si Vans. She wasn’t fond of wealthy men, but she doesn't dislike them either. Hindi naman siya mapili pagdating sa lalaking kakasamahin niya sa hinaharap. Basta marangal ang trabaho, mapagkapwa, mabait at hindi siya kukuhuhin ay ayos na iyon. Pagkuwa’y natigil siya sa pagmumuni–muni nang biglang bumukas ang higanteng tarangkahan. "Ikaw ba ang bagong nurse na ipinadala ni Mrs. Valdemore?" Salubong sa kanya ng matandang lalaki. Na bagamat may nagkakaedad ay makisig pa rin tingnan. "A-ako nga po, ako po si—" "Sumunod ka sa akin." hindi pa man niya naipapakilala ang sarili ay niyakag na siya nito papasok sa loob ng malaking bahay. Manghang-mangha siya sa ganda ng mansion. Inside and outside. Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang malaki at eleganteng living room sa bandang kanan. Ang mga antique at iba pang mga dekorasyon doon na halatang mamahalin at nagmula pa yata sa ibat-ibang panig mg mundo. May mga paintings din sa kaliwang bahagi na tanging sa telebisyon at magazine lamang niya nakikita at napapanuod. It is indeed a great pleasure for her to be there. No wonder, napakayaman ng nagmamay-ari ng mansyon. "Maaari kang maglibot sa buong kabahayan pero siguraduhin mo lang na wala kang mababasag at hindi ka makakalikha ng anomang ingay. May mga silid din na hindi mo pwedeng pasukin. Nagkakaintindihan ba tayo?" anito. "Naiintindihan ko." "Higit sa lahat hindi ka puwedeng pumasok sa loob ng kuwarto ng senyor kung hindi pa oras ng gamot niya at kung hindi kanya kailangan." Sunod-sunod ang pagtango ni Vans na matamang nakikinig sa instraksyon nito habang ang kanyang mga mata ay malayang namamasyal sa loob ng mansion. Sa tantiya pa niya ay mas mahal pa yata ang desinyo ng hagdan ng mansyon kaysa sa buhay niya. Nakakalula! Hindi na siya nagtataka kung bakit maraming mga artista, socialites at models ang lantarang ang pagpaparamdam sa lalaki. The luxurious masion said it all. Magbubuhay reyna ang sinomang ibabahay dito ni Michael. "Dito ang magiging silid mo, magpahinga ka na muna at kung gusto mong kumain pumanaog ka at magsabi ka lang. May labing anim na katulong sa mansyong ito makikilala mo rin sila mamaya." "Ano sixteen ang katulong sa bahay na ito?!" gulat na sambit niya. "Oo, hindi pa kasali ang tatlong hardero, dalawang driver at mga guwardiya ng senyor." Napamaang si Vans sa tinuran ng lalaki. Gano’n na ba talaga kadami ang dapat na kasambahay ng mga mayayaman? "M-maraming salamat." "Huwag ka na munang magpasalamat, nawa ay tumagal ka kahit isang araw." May himig ipakahulugang sabi nito bago siya tinalikuran. Alam na niya ang nais ipabatid nito sa kanya pero sisikapin niyang maging maayos ang lahat. Kahit ang totoo ay kinakabahan pa rin siya. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga kuwento ng mga nurses staff niya na unang ipinadala ng ginang. The nervous that almost drown her inside her chest was suddenly gone as she entered the room. Napakalaki ng silid na iyon para sa isang hired nurse na katulad niya. Ang mga kagamitan na naroroon ay pulidong mamahalin. Nakatitiyak din siya na sa mga five stars hotel lamang makikita. Kagaya ng chandelier sa kisame. Kung hindi siya nagkakamali ay milyon ang halaga niyon maliit lamang kumpara sa higanteng nasa living room. Pero ang higit na nakaagaw ng pansin niya ay ang malaking kama sa gitna na sa pakiwari niya ay naghihintay sa paglapat ng kanyang katawan. Ito ba talaga ang silid na tutuluyan niya? Hindi kaya nagkakamali lamang ang may edad na lalaki? Wala sa loob na humakbang siya upang silipin ang banyo at gayon na rin ang pagkamangha ni Vans nang makita iyon. Nang makaramdam ng pagkahapo ay kaagad siyang lumapit sa kama at ibinagsak ang katawan. Napakasuwerte naman niya pakiramdam tuloy niya ay bigla siyang naging prinsesa. Walang masamang mangarap! She smiled at the thoughts. Ipinikit niya ang mga mata at hinayang tangayin ng kapaguran ang kanyang kamalayan. ***** "Malinaw ang pagkakasabi ko na walang sinoman ang maaaring pumasok sa pamamahay ko! Walang sinoman sa inyo ang may karapatan na suwain ang utos ko! Now tell me, anong ginagawa ng babaeng 'yon dito, huh?!" mabalasik na singhal ni Michael sa kay Dagz. Mababakas sa mga mata nito ang galit at 'di pagkagusto sa pagsuway ng lalaki. Natanaw niya kanina mula sa beranda ang babaeng bagong dating. At sa suot pa lang nito ay nakatitiyak na si Michael kung bakit ito naroroon. Nakasisiguro siyang ipinadala na naman iyon ng kanyang ina. "Ipagpaumanhin mo, senyor, 'yan po ang kagustuhan ng 'yong ina." nakayukong tugon ni Dagz. "I want you to rid off her right now!" "Ikinalulungkot ko, senyor, pero hindi ko magagawa ang nais mo, ang inyong ina ang siyang nagpadala sa kanya rito at wala akong karapatan na palayasin ang sinoman." Dumilim ang anyo at naging maitim ang pagkakatitig ni Michael sa matandang lalaki. Halatang mas pinapanigan nito ang kagustuhan ng kanyang ina. "Sinusuway mo ba ang kautusan ko, Duwarte? Kung gano’n, makakaalis ka na sa pamamahay ko!" "Ipagpatawad po ninyo ang aking kapangahasan, senyor, kayo po ang masusunod." nanatiling nakayukong saad ng lalaki. "Ngunit, mangyari po lamang na kasalukuyang namamahinga ang babae." "Get out of my room, old man!" he tried to restrain his horses not to be so bold. Dagz was just doing his mother's request. Ang alam niyang tapat sa kanya ang lalaki kaya naman pinagkakatiwalaan niya ito sa mga importanteng bagay. Lalo na pagdating sa opisina. Hindi lang niya ito sekretarya ito rin ang kanang kamay niya. Bahagya niyang hinilot ang sentido. He doesn't mean to be Hard on him, but he couldn't help it sometimes. Alam din niyang nag-aalala lang sa kanya ang ina at ng kanyang tapat na tauhan. But he's not vulnerable at all and he doesn't need anyone to assist him, for god's sake! He can still move and do whatever he want like what he used to do before, he doesn't need any help. Damn it! Napabalikwas nang bangon si Vans nang pagmulat ng kanyang mga mata ay kumalat na ang kadiliman sa labas. Sinipat niya ang kamay ng orasan sa kanyang pambisig na relo. Bigla niyang natampal ang noo kasabay ng pananalasa ng kaba sa dibdib niya. Paanong nakatulog siya ng gano'n kahaba? Hindi pa niya napapainom ng gamot ang pasyente niya. Ano nalang ang sasabihin ni Mrs. Valdemor sa kanya? Na isa siyang pabayang nurse? That she couldn't do her job? Nakakahiya! Akmang tatayo na buhat sa kama ang dalaga nang mapagtantong hindi siya nag-iisa sa loob ng silid na halos ikalaglag ng puso niya sa pagkagulat. "Magandang gabi, binibini. Paumanhin kung naisturbo ko ang maganda n'yong pagtulog pero kailangan n'yo nang umalis." pormal at walang patumpik-tumpik na pahayag ng unipormadong babae na sa tantiya niya nasa mid–fourties ang edad. The woman scared the hell out of her, but wait! What did she says? Umalis? Dahil ba napahaba at napasarap ang tulog niya? Oh no! biglang nagpanic ang utak niya. "Umalis?" wala sa loob na tanong niya halata ang pagkalito. "'Yan ang kautusan ng senyor, nasa kotse na ang mga gamit mo, naghihintay na rin sa'yo sa baba si Arturo, siya ang maghahatid sa'yo. "Ho? Ibig n'yo pong sabihin ay pinapaalis na ako ni Michael?"pinanlakihan siya ng mga mata. How could that man be so mean? Hindi pa nga sila nagkikitang dalawa ay pinapaalis na siya? "Alam po ba niya na ako ang bago niyang nurse? Nasaan po siya?" may halong inis nararamdamang tanong ni Vans. Hindi pa nga siya nakakapagsimula sa trabaho ay sisante na siya kaagad? The jerk! "Paumanhin, binibini pero mas makakabuti para sa'yo na umalis nalang." "Kakausapin ko siya!" Pagkawika n'yon ay nagmarakulyong lumabas ng silid at hinanap ang silid ng lalaki. Wala ito sa sampong silid na pinasukan niya marahil ay ang nasa pinakadulo ang kuwarto ng epokritong lalaki. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago kumatok. Hindi siya puwedeng umalis ng hindi man lang ito nakakausap. Sa subrang iritasyon ni Vans ay hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng binata. Pumasok siya sa loob kahit wala ang pahintulot nito. Nakatalikod ito sa kanya habang nakaupo sa mahabang sofa na naroroon. Hindi rin niya maiwasan na huwag humanga sa kabuuan ng silid pero hindi ito ang tamang oras para bigyang kumplimentaryo kung gaano ka-laki, ka-elegante at ka-ganda ang silid ng lalaki. Naparito siya upang kausapin ito. Bahagya siyang tumikhim para agawin ang atensyon nito gayon na rin ang kabang lumulukob sa kanya. "H-hindi mo ako puwedeng paalisin na naaayon sa gusto mo, kailangan mo ako—" "Why the hell are you still in my place?" hindi naitago ang galit sa tono nito. Pakiramdam ni Vans ay nanayo bigla ang mumunting balahibo niya sa katwan sa boses nito. "Ang iyong MaMa ang nagpadala sa akin dito at hindi ako puwedeng umalis." Humalakhak ang lalaki na parang may nakakatawa sa sinabi niya. Lalo tuloy siyang kinakabahan. Kung hindi lang talaga siya naawa kay Mrs. Valdemore ay nungka siyang susulong sa trabahong ito. "Nasa pamamahay kita at wala sa mabahong hospital na pinanggalingan mo! Ipapakaladkad kita kung kailan ko gusto. So, if I were you, umalis ka na. Hindi kita kailangan!" halos pasigaw na turan nito na halos magpawala at magpatalon sa dalaga. "Hindi ko alam ganyan pala ang epekto ng pagiging lumpo mo! Ikaw na nga ang tinitulongan ikaw pa itong masungit!" Hindi niya napigilan ang sarili kung kaya't nasabi niya ang salitang 'yon na nagpalingon kay Michael. Natigilan si Michael pagkuwan nang mapagsino ang babae. Isang imahe ang biglang lumitaw sa gunita nito. Ang alala ng kahapon na lalong nagpapuot sa dibdib ng binata. "Get out! Out!" sigaw nito na halos magpawala rin ng ulirat ng kausap. Ang mga mata ay tila sa isang dragon na handang magbuga ng apoy anumang sandali. Hindi pa man nakakahuma sa pagkagulat ang dalaga ay may tatlong malalaking lalaki ang pumasok sa loob at kinaladkad siya palabas ng silid hanggang sa labas ng gate kung saan naghihintay ang kotseng maghahatid sa kanya. Nakuyom ni Michael ang magkabilang kamao hindi dahil sa kapangahasan ng babae na salungatin siya bagkus 'yon ay sa dahilang naalalang muli ang imahe ng unang babaeng minahal. ***** IKINAGULAT ni Thalia nang mapagbuksan ang kakambal sa labas. Dinaig pa nito ang naghiwa ng isang sakong sibuyas dahil sa mga luha sa magkabilang mga mata nito. Alam ni Thalia na madrama ang kapatid at sadyang mababaw ang mga luha nito ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit ito umiiyak. At ano naman kaya ang maaaring maging dahilan ng pag-iyak nito? Hindi naman ito broken hearted dahil wala itong maipagmamalaking kasintahan. Isa pa'y umiikot lamang ang buhay nito sa apat na lalaking pinagpapantasyahan nito sa araw at gabi. Idagdag na rin si Aaron Diaz ang latin singer and actor na bago nitong collection. Oh my! Hindi kaya naaksidente si Enrique sa Miami kaya ito umiiyak? Napapantastikuhang tanong niya sa sarili niyakap na lamang ng mahigpit ang kakambal at ginayak papasok ng kabahayaan. Ewan ba niya kung bakit ito palaging numero uno noon sa klase nila at naging isa sa mga top noong nagtake ng license exam. Pero kahit naman may pagka kring-kring ang kapatid ay mahal na mahal pa rin niya ito. Mabuti na lamang at umuwing probensiya ang mga magulang nila at hindi nakikita ng mga ito ang pag-eemot ni Vans. "Whoa! Did he do that?" ani Thalia na hindi mapigilan ang sarili na huwag matawa sa hitsura ng kapatid habang kinukuwento nito ang mabilis na pagkatalsik sa trabaho. "It's not funny, Thalia!" inis na sita rito ni Vans. "All right!" aniyang pinipigalan huwag mapahalakhak. "So, what are you up to?" maya-maya'y sumeryosong tanong niya sa kakambal. "Nakakahiya naman kay tita, binigo ko siya, ni hindi man lang ako tumagal ng kahit isang araw ay sinisante na ako kaagad." humikbi ito. Lumapit si Thalia sa kapatid at hinimas ang likod nito upang patahanin . "Nanalo nga pala ako ng tour ticket for asia." w mll Inangat ni Vans ang mukha kasabay ng pangungunot ng makinis nitong noo. "At ano naman ang maitutulong ng napanalunan mong ticket sa problema ko?” Nginitian niya ito pagkatapos ay inabot dito ang kapirasong papel. "What's on your mind?" "Trust me." nakapaskil ang pilyang ngiti sa mga labing sagot niya.
“I don't need anyone! Ilang beses ko bang dapat sabihin 'yan sa inyo. Ma? At kung kakailangan ko man, nar’yan naman si Duwarte para alalayan ako. And I have sixteen maids in this damn house for christ’s sake!” “Hindi oras-oras ay naririto si Duwarte, hijo. What if you—” “Well, I’m pretty sure that I can manage. Hindi ko kailangan ng aalalay sa akin!" nakatiim ang mga bagang piksi niya. "I'm still your mother, Michael. Nag-aalala ako para sa'yo at sa kalusugan mo. Makakabuti sa'yo kung magkakaroon ka kasama para mapabilis ang iyong paggaling. Please son, huwag mong pairalin ang tigas ng ulo mo." nanatiling mahinahon ang tinig nito. &n
MAAGANG gumising si Thalia hindi upang lisanin ang mansion kagaya ng kagustuhan ng masungit na lalaki bagkus ay para makabawi sa nagdaang gabi. At ano sa akala ng lalaking iyon? Na aalis siya ng gano’n lang kadali? Kung ang mga nauna sa kanya sa posisyong ito ay nasindak nito puwes siya ay hindi! Nagkakamali ang guwapong masungit na iyon ng inaakala dahil hindi niya lilisanin ang mansyon. Hindi siya aaalis! Sayang naman ang dubling sasahurin niya pagnagkataon. Hindi na nga siya nakatulog ng maayos dahil imahe ng lalaki ang nakikita niya kahit saan niya ibaling ang paningin. Idagdag pa ang pag-iisip niya sa malaking halagang malilikom niya sabtrabahong ito.
Michael was so pissed when he woke up in the morning with the presence of hisunwelcomeprivate nurse in his room. What the heck she was doing in his room at this hour?Walang sinoman ang nangahas na pumasok sa silid niya, isa man sa mga kasambahay niya dahil sa takot ang mga ito na mawalan ng trabaho. Maging si Dagz na kanyang tapat na tagasunodat kanang kamayay hindi maaaring pumasok na wala ang kanyang pahintulot. Isang kalapastanganan ang paglabag sa kanyang kautusan. But this woman entered his room without his permission. Hindi lang ito pumasok sa silid niya bagkus ay inisturbo pa nito ang tulog niya at binuksan anglahat ngkurtinathat rose his temper even more. Pero hindi man lang nabahala ang babae sa kabila ng galit niya.He was really enraged
Mabilis na bumangon si Tinker buhat sa pagkakadagan niya kay Michael kahit may bahagi ng pagkatao niya ang gustong manatili sa ibabaw ng lalaki. Inalalayan niya itong makatayo at sa pagkakataong iyon ay hindi niya maiwasan huwag lalong pamulaan ng mukha nang mapatingin sa bahaging kaselanan nito.Oh dear Lord! Pinaparusahan ba ng diyos ang inosente niyang mga mata? Bakit hindi niya magawang sawayin ang sarili na huwag mapatingin sa bumubukol nitong hinaharap? Oh god!Ehbakit? Sino ba naman ang kalahi ni Eba ang hindi maapektuhan at mawawala sa tamang katinuan kung masamyo at madamaniyaang init ng katawan ng greek god na katulad ng kanyang pasyente? Sinong hindi sisilaban ng init ng makamundong tawag ng laman kung maramdamanniyasa pusonniyaang katiga
NAPABALIKWAS ng bangon si Thalia na kamuntikan pa niyang ikahulog sa kama nang biglang tumunog cellphone niya. Nagmamadaling isinuot niya ang slipper pagkatapos ay inayos ang sariling repleksyon sa salamin. At nang makontento ay lumabas na siya ng silid. Ang totoo ay sinadya talaga niyang i-set ang alarm na iyon para siya na mismo ang maghatid ng hapunan ni Michael sa loob ng silid nito. Tatlong araw na kasi niya itong hindi nakikita. Itanggi man niya sa sarili ay nasasabik na siyang makita ang lalaki. The last time she saw him was the day she accompanied him into his room, pero pinalabas din nang huli. Weird. She lived in his castle pero hindi naman niya ito nakikita. Maaga itong umaalis at late na rin kung umuwi ng mansion. She could even imagined how exhausted her employer, boss, sir, senyor, patient, whatever kung ano man ang dapat niyan
“GOOD morning, sir.”Halos magkapanabay na bati ng mga empleyado sa CEOng kompanya, ngunit walang nakuhang sagot ang mga ito mula kay Michael. Hindi man lang ito nag-abalang tapunan ng sulyap isa man sa mga ito.Perfectionist, meticulous, workaholic, bossy and most of all madamot ang mga ngiti sa mga labi. Hindi nakapagtataka kung bakit ilag at takot ang mga empleyado nito sa kompanya.He had set everything by the rules. At sino man ang sumasalungat sa patakarang iyon ay agad na napapalayas sa kompaniya. He doesn't need a tommy-rot nor a lazy and clumsy employees in his company. Hindi nito kailangan ang mga taong walang pagpapahalaga sa trabaho. Kung hindi nakikitaan ni Michael ng efficientang isang empleyado ay tinatanggal nito kaagad. The hell he care! Work is wor
NAGSALUBONG ang magkabilang kilay ni Michael nang matanaw mula sa sala si Leon Miguel De Guzman. At hindi nagugustuhan ng binata ang nakikita ng mga mata. Halatang tuwang-tuwa sa pakikipag-usap ang lalaki sa kanyang private nurse. Lalong nadagdagan ang linya sa noo niya when he saw Thalia smiling back at Leon while talking to his bastard friend. He gritted his teeth in dislike. Hindi niya gustong bigyan ng kahulugang ang ‘di niya pagkadigusto sa ideyang may ibang lalaking nakakapagpatawa kay Thalia bukod sa kanya. Isa lang ang natitiyak ni Michael, hindi niya gusto ang nakikitang pangingislap ng mga mata ni Leon habang kausap si Thalia. That bastard! “I’m not expecting to see you this early, Leon.” lihim na napangitngit na ani M
TATLONG linggo na rin ang mabilis na lumipas buhat nang kunin niya ang serbisyo ni Leon Miguel. At tinotoo nga ng luko ang sinabi nitong mapapaaga ito ng dating sa mansion dahil sa maganda niyang nurse. Which is certainly made him feel so damn annoyed and jealous. Bastard! Hindi maiwasan ni Michael na huwag makaramdam ng pagngingitngit sa tuwing nakikita niyang nag-uusap sina Leon at Thalia. Halatang tuwang-tuwa pa ang damuhong kaibigan sa presensiya ng babae. Selos? At bakit naman siya magseselos? Anong karapatan niyang makaramdam ng gano’n manghimasok? Binata si Leon, guwapo at mayaman. Dalaga at kaibig-ibig naman si Thalia. Damn it! Ano ngayon sa kanya? Wala siyang karapatan sa damdaming iyon! At kahit magka–igihan pa ang dalawa ay wala siyang magagawa. &n
MICHAEL held her hands once agains as they both walked towards their parents. Napapantastikuhan man ay lumapit pa rin siya sa mga magulang at yumakap sa mga ito. Gano’n din ang ginawa ni Michael sa mga magulang nito. “Napakaganda mo ngayong gabi, anak,” saad ng nanay niya na hinagod siya ng tingin. “Salamat ho, Nay.” “Napakasaya namin ng nanay mo para sa’yo, anak.” Nakangiting turan naman ng itay niya na inakbayan ang butihing asawa. “Salamat ho, Itay,” muli ay yumakap siya sa ama. Nang pakawalan siya nito ay si Michael naman ang yumakap sa Inay at Itay niya. Siya naman ay gano’n rin ang ginawa sa mga magulang ni Michael. “Oh, hija, I’m so happy to see you,” anang butihing ginang. “I know it will suit you well,” dagdag pa nito na ang tinutukoy ay ang suot niyang kuwentas. “Welcome to the family, hija,” ang ama ni Michael.” “We are so happy that you have learnt to love our son, hija. Sana ay hindi ka magsawang mahalin ang anak namin.” “Mahal na mahal ko po si
AS SOON AS he spotted her standing and staring at him, Michael swiftly put the burgundy glass down. He then walked toward her and flashed her a heartfelt smile, as he kept his eyes locked on hers. “You looked very lovely tonight, my love.” He grabbed her waist and pulled her body against his as he gently kissed her on her neck. “And you smell so good too,” he sniffed and kissed her neck many times as if he wanted to bury himself into her neck. “And so you are, you looked so suave and...” she posts for a second and then gazed at him from up and down. “You appeared to be quite tasty tonight.” She continued as she deliberately licked his earlobe, which caused him to chuckle softly. “I’m always delectable, aren’t I?” “Well, that's for me to find out,” “My...my... don’t start, Bonita,” he was now staring at her lips while his arms were still around her waist. Thalia smiled devilishly, “But you started it,” “Did I?” He raised his one brow but his gaze locked on her. Halos m
FOUR WEEKS LATER. She was preoccupied with arranging the red roses in the vase that Michael had sent earlier today. She couldn't help but smile brilliantly. Walang pasidlan ang kaligayahang nadarama niya sa araw–araw na kapiling niya ang kasintahan. Natutulog siyang kayakap si Michael at nagigising siya sa umaga dahil sa mainit nitong mga halik. Wala itong ginawa maliban sa paligayahin at pasayahin siya. Kahit abala ito sa trabaho ay naglalaan pa rin ng oras si Michael para sa kanilang dalawa. Wala na yata siyang mahihiling pa dahil subra–subra pa ang tinatamasa niya ngayon. Naniniwala rin siya na hindi na muling mauulit ang nangyari sa kanila ni Vanessa. Batid niyang hindi ‘yon hahayaan ng nobyo niya. Alam din naman ni Thalia na siya lang ang nag–iisang babae sa buhay ni Michael. Nakasisiguro siya sa bagay na iyon! On the other hand, he does not want her to leave the mansion without her bodyguards, whether she likes it or not. Unless she was with him, of course. As for Krist
PINAGALA NIYA ang mga mata sa kabuuan ng silid. The room was spacious enough for one patient and did not appear to be a hospital room in the least. It has its own living space on the right side of the room, and on the left side, it has a set of tables with different kinds of flowers and fruits of baskets in the middle of it. There was also a small kitchenette next to the dining area. And colossal television hung against the wall. And the bed in which she was sleeping was really comfy.She had never been confined to any kind of luxurious hospital room in her entire existence, and she had no idea that such a facility existed. She could still remember the first and the last time she got hospitalized when she was at a young age, but she was most likely in a wardroom in a public hospital.And she was also damn so sure that the room cost a lot of money. Kung sabagay ubod nga pala ng yaman ang lalaking mapapangasawa niya. Subalit magpakagano’n pa man ay nahihirapa
IT WAS excruciatingly painful for him to accept the truth that Thalia was no longer alive. It was hurting him from the deepest part of his chest. This couldn’t be happening to him. Thalia was not dead. She couldn’t be gone just like that. He didn't want to believe it, and he didn't want to accept it. Oh, for god’s sake! He wasn't going to be able to take it. No! He would not concede the fact that she had died. It's not possible!Hindi siya maaaring iwan ni Thalia. Hindi puwedeng mawala si Thalia at ng anak niya. Hindi maaaring mawala sa buhay niya ang nag–iisa at natatanging babaeng iniibig ng niya ng buong puso. Hindi puwedeng mawala ang mag–ina niya. Hindi siya makakapayag. Hindi!“Bonita… please don’t leave me, baby. Please don’t die on me. I need you, mi amor, I can’t leave without you by my side, mahal ko. Please I’m begging you, don’t go,” sa unang pagkakataon ay humagulhol siya sa iya
KUMALAT na ang dilim sa buong kapaligiran. It was an excellent opportunity for them to strike and rescue Thalia and Vanessa from the criminals. Never again would he allow someone else to harm them both. That was something Michael would make certain about. He would not hesitate to slay anyone who would dare to stop him. Buhat sa madilim at masukal na bahagi ng kasukalan ay maingat at patingkayad na lumapit si Michael mula sa likuran ng armadong lalaki. Walang kahirap–hirap niya itong pinatumba gamit ang kaliksihan ng katawan at ng sariling lakas. Naging madali lang para sa kanya na patumbahin ang lima pang mga tauhan ni Victor nang hindi gumagamit ng armas. Hanggat maaari ay hindi niya gustong makalikha ng anumang ingay na makakatawag pansin sa lahat ng mga tauhan ng talipandas na lalaki. Besides, he was enjoying himself slaying these bastards using his martial art skills. Matagal na panahon din naman niyang hindi nagagamit ang kaalaman niyang ito.Papasok na sana
THE GOVERNMENT entrusted the case of the most wanted criminal to the agency owned by Enrique. Because of its credentials, experience, and expertise in handling tough cases such as Victor Pangilinan’s. Knowing that the bastard was behind the abduction of Vanessa and that Kristina Montalban was part of it, Michael was outraged beyond belief. He would make sure to put the asshole in the right place. Son of a bitch!Michael didn't seem to be able to wait any longer. He was so enraged as his face turned into crimson red, he couldn't keep his composure any longer. Not anymore, and certainly not for another fucking minute! He tightened his teeth and clenched his fists in rage. With the wrath storming inside his chest, Michael could probably be capable of killing them all with his bare hands.When they get back from visiting Samantha from the hospital. He lied to Thalia that he had an important thing to sort out in the office. But the truth was he had a mee
“BITAWAN MO AKO!”Malakas na hiyaw niya sa malaking lalaking hawak–hawak ang braso niya. Halos kaladkarin na rin siya ng mga tauhan ni Kristina papasok sa isang silid. Walang pakialam ang mga ito kahit babae siyao kungnasasaktanman siya. Kung sabagay ano nga ba ang dapat niyang asahan mula sa mga halang ang sikmurang katulad ng mga ito?“Thalia?”Natigil siya sa pagwawala nang maulingan ang boses ni Vanessa. She felt a wave of guilt wash over her as she saw her sister inside the room. Both of her hands and feet were tied up against the chair as her eyes were blindfolded. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang napunit na bahagi ng pang–itaas nitong damit.Oh, God! Nanlumo siya at natuptop niya ang sariling bibignang makita ang kalagayan ni Vanessa. Anong ginawa nila sa kapatid niya? Hindi niya napigilan ang kusang pagma
ABOT–ABOT ang kaba sa dibdib niya habang lulan ng sasakyan. Sari–saring emosyon ang naglalaro sa diwa niya ng mga sandaling iyon. Batid niyang pagpapatiwakal ang gagawin niyang ito. Pero nungkang magbabago ang isip niya. Kung ito lang ang paraan para maisalba ang buhay ng kapatid niya ay walang pag–iimbot na gagawin niya at hindi na mag–iiba ang isip niya. Mahal na mahal niya ang kapatid at hindi maaatim ng kunsensiya niya kung may mangyayaring masama rito. Kasalanan din naman niya. Ilang beses siyang binalaan ng taong nasa likod nito pero hindi siya nakinig. Hindi siya nadala sa halip ay binaliwala niya ang mga threats sa kanya dahil inuna pa niya ang sariling kaligayahan. And now her identical twin sister is facing the consequences. Damn her! There was no one to blame but herself. It was all her fault! Paulit-ulit niyang senisermunan ang sarili sa loob ng sasakyan.